Martes, Disyembre 26, 2006

Bagabag

Pagkatapos ng tatlong nakakapagod na araw, nagising ako kaninang tanghali ng may pagkabagabag. Hindi ko alam kung ano. Basta. Hindi ako mapakali. Parang may darating, mangyayari, o kung ano mang mahalaga na dapat kong paghandaan pero hindi naman ako sigurado kung paano dahil hindi ko naman alam kung ano iyon. Hindi ako makatutok sa mga ginagawa ko. Sana pakiramdam lang ito at lumipas na. At kung may darating, dumating na. Dahil hindi ako ang tipo ng taong nagpapakataranta.

Martes, Disyembre 19, 2006

Panaginip

Umulan ng bato dahil may comet na napadaan sa langit. Nakita ko itong bumubulusok sa langit at biglaang lumayo. May dalawang nahulog na bulalakaw di kalayuan sa bahay namin sa San Pablo. Mainit ang mga bulalakaw kaya uminit din ang semento't aspalto ng kalye't bangketa. Para lumamig, diniligan ko ng tubig ang bangketa at kalye.

Miyerkules, Disyembre 06, 2006

Para kanino nga ba ang Charter Change na iyan?

Walang kaduda-duda, para lang naman iyan sa mga gahama't palpak na mga pulitiko. Sinasabi nilang para sa ikabubuti ng bayan. Siguro nga. Hindi ko ikakaila na maaari ngang kailanganin ang mga pagbabago sa konstitusyon kung nararapat. Ngunit kaduda-duda talaga ang mga pamamaraan ng Kongresistang tuta. Bakit ba nila pinagpipilitang ngayon na gawin? Bakit hindi na lang sa paglipas ng eleksiyon? Bakit nila inisantabi ang Senado, na malinaw na bahagi rin ng Kongreso? Sabi nga ng CBCP sa kanilang statement, kaduda-duda ang pagmamadaling ito. Ang tunay na reporma'y wala sa uri o sistema ng pamahalaan. Nasa gawa ng mga tao. Kung silang mga gumagawa ng batas ay walang galang, anong uri ng halimbawa sila? Ang isyu ay hindi kapangyarihan o kayamanan kundi katarungan.

(Ayan, masasalvage na ako.)

Lunes, Disyembre 04, 2006

Simot

Noong Undas, may naikuwento ang kapatid ko tungkol sa paggamit niya sa salitang “simot.” Kalimutan, kung may nahuhulog sa sahig, mababanggit niya, “Uy may nahulog, simutin mo.” At magtataka ang mga kasama niya at bibiruin siya, “Paano? Hihimurin namin?” May iba kasing kahulugan ang “simot” sa amin sa San Pablo, at marahil sa iba pang “liblib” na lugar. Kasama ng kahulugang makikita sa UP Diksyunaryong Filipino na “ubos ang anumang kinukuha o kinakain; walang itinitira,” may kahulugan din sa amin itong pagdampot sa mga bagay na nahuhulog dahil nakapanghihinayang.

Hindi naman lubos na nagkakalayo ang pangkaraniwang kahulugan sa kahulugan namin. Higit na partikular lang ang pangkaraniwang kahulugan sa pagkain. Mas malawak lamang ang gamit namin sa salita. Kagaya nang nasabi ko kanina, may kaakibat na panghihinayang ang pagsimot sa parehong kahulugan. Paligi tayong pinaaalalahanan ng ating mga magulang na “simutin ang kinakain.” At sa pagsimot sa mga bagay na nahulog, may panghihinayang. Nanghihinayang tayo sa nahulog na paboritong panyo sa putikan. Nanghihinayang tayo sa nahulog na cellphone. Nanghihinayang tayo sa nakakalat na mga papel sa magulo nating kuwarto. Kaya sinisimot natin ang mga ito. Sinisimot natin ang narumihang panyo para magamit uli kahit na bilang basahan na lamang. Sinisimot natin ang nahulog na cellphone para mapakumpuni at magamit uli. Sinisimot natin ang mga papel sa magulo nating kuwarto para masulatan o i-recycle. Syempre, hindi na natin sinisimot ang mga nahulog na mga pagkain.

Sa huling dalawang halimbawa, makikita rin ang dagdag na kilos na pinahihiwatigan ng “simot,” ang paglikom. Kalimitan, sa ating pagsimot, nililikom natin ang ating sinisimot. Sa bagsak ng cellphone sa sahig, kalimitang nawawasak ito sa maraming mga piraso. Kaya sa pagdampot natin, nililikom natin ang mga bahaging napatilapon sa pagbagsak nito. Sa pagsimot natin ng mga papel na nakakalat, nililikom natin ito sa isang tabi.

Narito ang ubod ng “simot” na unti-unti nang nawawala sa ating moderno’t masaganang pamumuhay. Napakadali na nating baliwalain ang mga bagay. Hindi na tayo nanghihinayang sa mga gamit nating natatapon o nahuhulog. Napakaliit ng halaga ng mga bagay sa ating panahon kumpara sa mga panahon ng kagipitan o kahirapan. Kaya’t hangga’t nariyan ang panghihinayang sa kawalan ng isang bagay, hindi’t hindi natin nakakaligtaang simutin ang mga ito.

Sabado, Disyembre 02, 2006

Birthday Gifts

Pumunta ako kanina kina Gino para pakain sa kanyang kaarawan. Nagkita-kita kami nina Paolo, Rajiv, Daniel, Aina at Carla sa 7-11 bago pumunta kina Gino. Nagkainitan kami kanina dahil sa ice cream. Ireregalo namin para kay Gino. Hindi kami makapagpasya kung anong flavor ang bibilhin. Gusto namin ni Paolo ng very rocky road habang gusto naman nina Aina at Carla ang coffee crumble. Nanalo ang mga babae dahil inilabas na nila ang ice cream at biniyaran para matapos na ang alitan. Gusto ko talaga ng very rocky road.

Nagpahatid kami sa kotse namin papunta kina Gino. Nakatayo sa gilid ng isang bangin na nakatanaw sa Sampalok Lake. Malapit din lang iyon sa seminaryo at sa loteng balak na pagtayuan ng bagong Ateneo de San Pablo. Ewan kung matutuloy iyon. Tsismis, wala pa raw go-signal ng mga Heswita.

Nakakatuwang makasama ulit ang barkada. Palagi akong wala sa mga get-together na naipaplano nila sa kung ano mang dahilan. Nakakatuwa ring may kopya pala si Gino ng pinakauna kong kuwento ng tanang buhay ko. (Pareho kaming dating editor sa pahayagan ng Canossa.) Binigay niya sa akin iyon. Hay, nostalgia. Kahit kahiya-hiya ang kuwentong iyon, kinuha ko para sa mga sentimental na mga dahilan. Isa iyong love story na spy thriller noong World War II. O, di ba? Unang kuwento palang, kung ano-ano na ang naiisip ko.

Bago kami umalis, pinapanood sa amin ni Gino ang isang episode ng South Park tungkol sa World of Warcraft. Tungkol ang episode sa pagpigil nina Kyle sa isang super-high-level na character na pumapatay sa lahat ng mga character na naglalaro ng World of Warcraft. Naaliw ako. Talagang tinulungan ng Blizzard ang mga gumawa ng South Park sa pag-animate ng mga segment na naglalaro ang mga bida. World of Warcraft talaga ang ginamit! Aliw din ang mga geeky lines. Heto ang ilang natatandaan ko:

Blizzard Executive 1: This man has been playing World of Warcraft every minute of everyday for the past year and a half. He has no life.
Blizzard Executive 2: How do we kill one that has no life?

Blizzard Executive: This is the end of the world!... of Warcraft...

Blizzard Executive 1: There is only one way, we must log on and give the Sword of a Thousand Tooth before it's too late. But I don't have an account.
Blizzard Executive 2: I don't have an account either. I have a life!
Kyle's Dad: Uh, I have an account. But I'm just n00b.
Blizzard Executive 1: Do we trust the Sword of a Thousand Tooth to a n00b!?

Pinapanood din sa amin ni Gino ang ilang episode ng "Heroes." Aliw din iyon. Isang gritty na superhero series.

Kanina rin, pinaplano nila ng isang inuman sa 22. Overnight hanggang 23. Mukhang makakapunta ako. Gbai pa ng 23 bago umalis kami ng pamilya ko papuntang Singapore para magbakasyon. Para makita ko rin naman ang mga dating kaklase na matagal nang hindi nakikita.

Linggo, Nobyembre 26, 2006

Isang "Wala Lang" Post

May Al Jazeera News Channel ang cable namin dito sa San Pablo. Wala lang. :D

Miyerkules, Nobyembre 22, 2006

Masakit Nga Talaga ang Alaala

Pilit kong pinakinggan kanina ang recording ng palihan noong 6th ANWW tungkol sa kuwento ko. Pilit, dahil, hindi ako mapakali. Nakakatuwa dahil halos manhid ako noong mismong session na iyon. Ganoon naman talaga ako tuwing palihan. Desensitized, ika nga. Pero ngayon, ang hirap-hirap. Siguro nga dahil mayroon na akong alaala sa mga nangyari. Wala naman talagang panlalait na ginawa ang mga panelist sa aking kuwento. Maganda nga ang pagtanggap. Ulit, babalik ako sa alaala. Halos lahat ng mga salitang binbanggit ng mga panelists ay naging trigger para sa akin. Parang gusto kong magbigay ng komento, magsalita. Ngunit tapos na, wala na akong magagawa. Parang nalabas ang aking ginustong gawin noong palihan habang pinakikinggan ko ang record. Ang hirap talaga nang ganito.

Biyernes, Nobyembre 17, 2006

Pasalubong

Bumalik na si Dad dito sa Pinas galing Amerika. (Nagbakasyon ang gago.) Kaya excited ang mga kapatid ko sa mga pasalubong nilang mga pabango, damit, relo, atbp. Isa lang naman ang hiningi kong pasalubong sa kanya e, libro. Actually, apat na libro. "The Death of Artemio Cruz" ni Carlos Fuentes, "Hopscotch" ni Julio Cortazar, "The Glass Bead Game" ni Hermann Hesse, at "The Death of Virgil" ni Hermann Broch. Siguro makakakuha ako ng mga kopya nito kung mafaling ako sa scavenging sa mga second hand. Pero maarte ako, gusto ko ng fresh na kopya. May kopya rin naman ang Rizal lib ng mga librong ito, maliban sa "The Death of Artenio Cruz" na "lost" daw, i.e. baka nasa bookshelf isang teacher. Pero naha-hassle ako na magpa-renew kada-dalawang linggo. (Mabagal kasi akong magbasa.) Kaya ito, mukhang magugulo ang aking top 5 ng "to read list" nang kaunti kasi gustong-gusto ko nang basahin ang "Hopscotch." At masaya ring nasa Pinas na ulit si Dad.

Ngayon nga rin pala ang nai-set na date ni Daniel para sa aming "bar hopping" na napag-usapan dalawang linggo na ang nakakaraan. Nakalimutan ko nga e. Noong nag-text lang sa akin si Aina, dating kaklase noong high school noong maalala ko. Hindi ako nakapunta kasi may klase pa ako bukas ng umaga. Kung wala, baka nakapunta ako. Pwede pa rin naman sana akong dumaan pero ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa pagsusulat. Babawi na lang ako sa susunod.

Miyerkules, Nobyembre 15, 2006

"15 minutes lang iyan?"

Nakuha ko kanina ang kopya ng mga recordings ng Ateneo National Writers Workshop. Nag-volunteer kasi ako sa pag-transcribe ng palihan. Inuna ko na ang huling araw, ang ikalima, kasi maraming mga diskusyon doon ng mga kuwento. Ilang oras ko na ring pinakikinggan ang unang session sa umaga at tina-trascribe iyon. Pero nakakalabing-limang minuto pa lang ako. At anim at kalahating oras ang buong haba ng araw na iyon. Pero masaya namang pakinggan iyon. Nostalgia. :D

Lunes, Nobyembre 13, 2006

Hindi Ito isang Rant, Natutuwa Lang

Unang klase namin kanina para sa Malikhaing Pagsulat: Tula na itinuturo ngayong semestre ni Ma'am Beni. Akala ko nga wala kaming klase kanina. Wala kasi Ma'am Beni nang buong araw. Nang tanungin ko si Ate Mel, inatake na naman si Ma'am Beni ng kanyang hika. Napa-text tuloy ako sa mga tao. Yun pala, nagpapahinga lang si Ma'am Beni para mismo sa aming klase sa tula. Para sigurado, tinext ko si Ma'am. Hindi lantarang tinanong kung may klase kami o hindi. Tinanong ko lang saan gaganapin ang klase namin. Text ni Ma'am, "CTC na." Kaya doon ko nasiguro na may klase kami kanina.

Nakatutuwa rin naman nang dumating ako sa classroom, nagkita na kami ni Eric nang papaakyat na kami ng hagdan. May anim ring undergrads na nag-enrol, o gustong mag-enrol, sa klase naming iyon. Bihira lang talagang ang mga undergrad na nakuha ng klase sa malikhaiang pagsulat. Dalawa lang yung mga nakuha talaga, yung mga IS, CW, o Lit(Fil). Paunti-unti pa para sa mga klase sa Filipino kasi higit na dominante ang Ingles mga nagsusulat sa Ateneo. At puro nga IS, CW, at Lit(Fil) ang mga kaklase ko sa tula.

Medyo late nang dumating si Ma'am Beni kanina. (Hinihika nga kasi.) Dahil unang klase, ipinakita sa amin ang syllabus. Nagkulang pa nga bilang ng kopya ng syllabus kasi pito lang ang nasa listahan niya habang labing-isa kami sa klase. Ang nakatutuwa sa syllabus, apat na pahina ito. Detalyado. PAASCU season na nga talaga. Nawindang lang kami sa requirement, isang tipikal na Ma'am Beni requirement: labinlimang (15) tula. Pauwi, nag-comment na agad si Nikka. 3/4 na yun ng dami ng tulang sinulat niya para sa kanyang tesis na binuo niya ng dalawang taon. At kailangan naming makabuo ng isang koleksiyon ng labinlimang (15) tula sa pagtatapos ng semestre.

[*nag-antanda* Diyos ko, hindi ako makata, gantimpalaan ninyo po sana ako ng milagro.]

Joke lang iyang nasa bracket. Basta para kay Ma'am Beni, sino ba naman ang hindi mapapagawa ng milagro? Ma'am Beni is Love. And with love, you can do anything. Pero excited na rin akong tumula at magpakamakata. May naiisip na nga akong kabuuang tema para sa koleksiyon bagaman baka hindi ko ito magawa sa buong labinlimang (15) tula. Siguro sa walo lang. Kaya para sa Lunes, ang takdang aralin ay magdala ng tatlong tula. Ang isa ay tungkol sa C2. Oo, yung iniinom. Isang ehersisyo sa pagtulang Bagay.

Huwebes, Nobyembre 09, 2006

Bagong Semestre

Katatapos ko lang mag-enroll. Dalawang klase lang ang kinuha ko ngayong semestre. Hindi naman kasi makadaragdag sa aking "long term" na mga plano ang iba pang mga klase, yung klase sa pelikula at dula. Kinuha ko na lang ang isang core subject, yung kritisismong pampanitikan ng pilipinas, at isang klase sa malikhaing pagsulat para sa tula. Magiging guro ko ulit si Ma'am Beni, yung sa tula, at magiging guro ko naman sa kritisismo si Sir Joseph Salazar. Natatakot ako sa pagkuha ko ng malikhaing pagsulat: tula kasi hindi naman talaga ako makata. Baka kung anong kalokohan lang ang maisulat dun, mapahiya lang ako.

Medyo natagalan ako sa pag-enroll dahil sa pag-aayos ng mga papeles para sa aking tuition discount. 100% yun. Sayang naman, di ba? Pabalik-balik ako sa kagawaran, sa graduate services at personnel office. Na-exercise ako dun.

Kahapon naman, nagpa-meeting ang graduate services ng mga ilang graduate students dahil nagbabalak silang magbuo ng isang konseho para sa mga graduate students. Wala kasing konseho at representante sa mga komite ng pamantasan. Mabuti na rin naman na magkaroon ngayon ng konseho ng graduate studies dahil dumarami na rin ang mga mag-aaral dito. Ngunit sa unang meeting pa lamang namin, marami na agad problema ang lumilitaw. Unang-una na marahil ay ang mobilisasyon at pakikisangkot ng bawat mag-aaral sa gradwado sa mga gawain ng konseho. Sabi nga ni Dr. Quimpo, ang namumuno ngayon sa graduate services, mahirap talagang gawin ito dahil may mga mag-aaral na kakaunti lamang na mga subject ang kinukuha bawat semestre. Magmi-meeting pa siguro para sa pag-iisip ng ilang batayang kalakaran. Mukhang magiging mahirap ito kung seseryosohin namin.

Martes, Oktubre 31, 2006

Ang Pagbabalik

Kararating ko lang sa San Pablo. Sinundo ako sa Katipunan bago pumuntang Makati para magpaayos ng laptop. Tinotopak ang baterya ng laptop ko habang palaging bumabagal ang laptop ng kapatid ko. Iniwan muna namin bago balikan. Para na rin malaman kung ano nga ba talaga ang problema ng mga iyon.

Pagkatapos noon, sinundo naming dalawa ni Mae si Tetel, kapatid kong nag-aaral sa La Salle. Kumain muna kami ni Mae ng tanghalian tapos sumunod si Tetel. Hindi ko alam kung paano nangyari kasi nauna na ako papuntang kotse pero nadapa si Tetel. Ang weird lang talaga'y ang arte-arte niya sa pag-iyak. Parang hindi pa nadarapa. Hay naku. Iyan kaya ang epekto ng La Salle sa kanya? Joke lang. Maarte na naman yun noon pa.

Iba talaga kapag narito sa bahay, sobrang tamlay ko agad. Mapupunta na naman sa "Bahala na" ang pagsusulat kong yan. Bahala na.

Comment and I'll give you a letter; then you have to list 10 things you love that begin with that letter. After, post this in your journal, and give out some letters of your own.

(Kae gave me the letter R)

1. Akala ko isang magaling na manunulat lamang si Mang Jun Cruz Reyes. Pagkatapos ng workshop, isa na siyang tunay na idol!
2. Now that the sem is over, so are required readings. Back to leisurely reading for me. (On my top 3 list: The Tin Drum by Gunter Grass, The Silent Cry by Kenzaburo Oe, and If On A Winter's Night A Traveller by Italo Calvino)
3. Rice is important. Yup. Very.
4. I wish I have a robot.
5. Hindi ko talaga alam kung bakit gustong-gusto ko ang Red Hot Chili Peppers.
6. I like red. I wear red t-shirts if I want to catch people's attention.
7. Rome: Total War is addictive. Too bad I don't play much videogames lately. I read too much. Kaya OK lang.
8. Another fave author, Salman Rushdie. (The Moor's Last Sigh is No. 5 in my list after Hardboiled Wonderland and the End of the World.)
9. I love my room.
10. I'm actually quite excited once registration week comes. (OK medyo pilit na. :D)

Linggo, Oktubre 29, 2006

Workshop Sniffles

Pagkatapos ng isang linggo ng matinding katayan, kasiyahan, at puyatan, tinamaan ako ngayon ng sipon. Inaasahan ko na rin naman iyon. Lalong-lalo nga't matindi rin ang puyatan doon dahil sa kuwentuhan.

Sa susunod na lang ako magpo-post nang detalyado. Pero kagaya nga ng sinabi ko pagtatapos kahapon, napakasayang maging bahagi ng isang national workshop lalo na't dahil nakasama ko ang iba't ibang mga bata't baguhang manunulat mula sa iba't ibang mga unibersidad. Nakatutuwang malaman na bahagi ako ng isang bagay na higit na malaki kaysa sa akin.

Bagaman kating-kati na akong magsulat, hindi pa makapagpatuloy dahil nga sa sipon ko. Hindi ko gustong magsulat habang may sakit. Hindi kasi ako komportable at ayokong magsulat habang di komportable. Hindi masayang magsulat habang pasinghot-singhot, inuuhog at naluluha. Mabuti na rin iyon. Mapag-iisapan ko nang mabuti ang kung ano man ang dumating sa aking kokote. Kagaya ng ginagawa ko palagi. Isip-isip lang bago magsusulat.

Gusto ko na nga ring simulan ang pagrerepaso sa mga ipinasa kong kuwento para sa workshop, maliban na lang siguro sa kuwentong kinatay noong Huwebes. Higit na matinding repaso at research ang kailangan kong gawin para doon. Pero, kagaya nga ng sinabi ko, paggaling ko na lang mula sa sipon ko. Pahinga na lang muna.

Linggo, Oktubre 22, 2006

After the Quake, Before the Torture

Pagkatapos ng mga sunod-sunod na mga lindol, pakiramdam kong parang ako'y naging si Pedro Orce ng "The Stone Raft." Parang palaging nanginginig ang lupa. Ewan ko ba. Baka napapraning lang ako.

Anyway, pi-print ko lang itong final paper ko para sa klase ni Ma'am Beni at diretso na akong Ateneo para workshop. Hayan na! Katayan na!

Sabado, Oktubre 14, 2006

Archival

Pumunta akong Rizal lib kanina. Isang pasada sa pagsasaliksik para sa long test ni Ma'am Beni. Nagka-info-overload ako kaya naroon lang ako nang mga apat na oras. Hindi naman sa wala akong nakuha sa aking pagpunta, naramihan lang ako. Kinailangan ko lang umalis doon para sa isang mas pamilyar na lugar para linawin ang isip ko.

Inaasahan ko talagang matapos agad ang mga final requirements ko sa loob ng susunod na linggo para wala na akong poproblemahin habang o pagkatapos ng workshop. Kailangan ko lang sigurong ayusin nang mabuti ang aking pagsusulat sa susunod na mga araw. Kailangang mag-concentrate at hindi masyadong magliwaliw ang aking utak.

Huwebes, Oktubre 12, 2006

Nobel Prize atbp

Orhan Pamuk wins Nobel Prize for Literature 2006.

Interesado na talaga ako ngayong basahin ang kanyang mga nobela. :D

***

Kanina nga pala ang huling klase namin para sa Nobelang Filipino. Masaya dahil, una, ang dami kong natutuhan at, pangalawa, tapos na rin. Ang dami talagang binabasa. May take home exam pa kami pero bukas pa makukuha ang mga tanong kaya bukas ko na rin iuuwi ang aking mga nobela. Kaya ayan, apat na lang ang kailangan kong gawing mga requirements, itong take home ni Sir Vim, ang long test at final paper para sa klase ni Ma'am Beni, at ang mock-semi-partial-pseudo-thesis proposal para sa klase ni Sir Jerry. At pagkatapos nito...

WORKSHOP NA! :D

Martes, Oktubre 10, 2006

Isang Nakatutuwa Araw

Nakatutuwa naman ang araw ko ngayon. Una, nakuha ko na ang workshop manuscript. Excited na akong magbasa pero hindi na muna. (Browse-browse na lang. Ay, tempting talaga.) Pangalawa, ngayon ang huling klase namin sa ilalim ni Sir Jerry at kumain kami sa Mang Jimmy's. Unang beses ko iyon kumain sa Mang Jimmy's. Nakatutuwang makinig sa mga "gurong" magkuwento. Naaaninag ko na ang katapusan ng sem. Sana dumating na nga.

Biyernes, Oktubre 06, 2006

Dahil Cute ang mga Listahan

Kahit na isang linggo ko nang alam, hindi pa rin ako makapaniwala na bahagi ako ng 6th ANWW. Galing kina Sir Yol at Sir Egay.

6th Ateneo National Writers Workshop Fellows

Tula:
1. Rhea Claire E. Madarang
2. Erica Clariz C. De Los Reyes
3. Hanna E. Zuela

Poetry:
1. Xenia-Chloe Villanueva
2. Leonides C. Katigbak II
3. Alessandra Rose F. Miguel

Maikling Kuwento:
1. Catherine Sanchez Bucu
2. April Camille Banzon y Kayanan
3. Christoffer Cerda

Fiction:
1. Lui Jude B. Roldan
2. Ilia Eirene O. Uy
3. Marguerite De Leon

One-Act Play:
1. Debbie Ann Tan
2. Alfredo B. Diaz

At dahil patapos na ang semestre, maganda ring isulat ko ang mga kailangan kong tapusin bilang paalala.

-huling maikling papel para kay Ma'am Beni
-huling pagsusulit para kay Ma'am Beni
-huling mahabang papel para kay Ma'am Beni
-ang semi-partial-pseudo-thesis proposal para kay Sir Jerry
-maikling pagbubuod ng "Pagkamulat ni Magdalena" para kay Sir Vim
-huling pagsusulit para kay Sir Vim

yun lang. :D

Lunes, Oktubre 02, 2006

Sayang ang panggatong...

Nakakatuwa ang klase kanina. Kalagitnaan ng game 3 ang klase namin kay Ma'am Beni. Naiwan naming tatlo nina Nante't Nikka na nangunguna ang Ateneo sa halftime. Nakakatuwang marinig ang mga hiyawan at tilihan sa labas ng klase. Pinipilit naming maging mataimtim ang pagkaklase namin. Ngunit hindi namin maiwasang hindi tumigil at buntung-hininga. At mga 6:00 tumahimik ang lahat, ang mga sigawan at tilihan at naging malinaw na natalo ang Ateneo. At ilang sandali, bumuhos ang ulan at kumidlat ang lahat. Walang kinalaman ang isang bagyo sa isang simpleng laro ng basketball. Ngunit kailangan nating lahat ng objective correlative sa ating nararamdaman. Sa huli, isang laro lamang iyon. Ngunit iba't iba tayong pinanghahawakan, ako ang mga salita, sila ang bola.

Linggo, Oktubre 01, 2006

Slow Weekend

Wala akong masyadong natapos kahapon. May papel para sa Fil 201 at 200 na kailangang gawin ngunit wala pang kalahating pahina ang nasusulat ko para sa dalawa. Ewan ko kung bakit ang tamlay ko kahapon. Lalong pang nagpatamlay ang pagkatalo ng Ateneo. Hay.

Ngunit magandang balita: nakapasok ako sa 6th Ateneo National Writers Workshop. Medyo gumanda-ganda ang pakiramdam ko nang malaman ko ito. At ngayong alam kong kasama sina Twinx at Margie, mukhang magiging masaya ang workshop. Hindi na ako makapaghintay. Pero dapat. May dalawa pang papel na kailangang tapusin.

Biyernes, Setyembre 29, 2006

Pagkatapos ng Bagyo

Nasa kagawaran ako ngayon, may kailangang tapusin e. (Tapos na.) Nahirapan akong makarating dito dahil ang daming mga punong natumba at humarang sa daan. Paikot-ikot ako ng daan. Nakakatuwa nga't mayroon ditong ilang faculty. (di ba, Sir Egay? :D) Nakababagot talaga ang walang TV at Internet. Mabuti na lang at mayroon nang kuryente sa condo at pwede na akong magbasa hanggang gabi. Maghahating gabi na ata nang magkaroon ng kuryente doon. Pero nang dumungaw ako sa bintana, wala pa rin kuryente ang mga bahay-bahay sa ibaba.

Una atang direct hit sa Metro Manila itong si Milenyo pagkatapos ng isang dekada. Paano pa kaya kung super typhoon? Puro nga pala pagkasalanta ang balita kanina sa TV. Sana ok pa ang mga tao diyan pagkatapos ng bagyong ito.

Martes, Setyembre 26, 2006

Ang Moderno sa Nayon: Mordernidad ni Charles Baudelaire at ang kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” ni Macario Pineda

Ayon sa “The Painter of Modern Life” ni Charles Baudelaire:1

“Beauty is made up of an eternal, invariable element, whose quantity it is excessively difficult to determine, and of a relative, circumstantial element, which will be,... ...the age, its fashions, its morals, its emotions.”2

[Binubuo ang kagandahan ng isang eternal at di-nagbabagong elementong napakahirap sukatin, at isang relatibo’t nagbabagong elementong nakabatay sa panahon, sa kani-kanilang panlasa, moralidad at emosyon.]

At bagaman binubuo ng dalawang elementong ito ang kagandahan, buo ang pagdanas natin ng kagandahang ito. Ganito ang pagtingin kay Baudelaire sa kagandahan bilang isang pagbatikos sa labis na pagbibigay pansin sa sining na nalikha noong mga nakalipas na panahon habang binabalewala ang mga likhang sining sa kanyang kasalukuyang panahon. Kaya’t binigyang pansin ni Baudelaire ang pangalawang elemento ng kagandahan sa kanyang pagtataguyod sa “modernidad”. Para kay Baudelaire, ang pag-unawa at pagbibigay-buhay gamit ng sining ng mga kaugalian at partikularidad kanyang panahon matatagpuan ang tunay na henyo ng isang artista.

Sa kontekstong Filipino, hindi ang nayon kundi ang siyudad ang pinagluluklukan ng ating pag-unawa sa “moderno”. Ngunit bakit kinakikitaan ng mga aspektong “moderno” ang mga kuwento ni Macario Pineda? Isang nayon ang pangunahing tagpuan, maaaring tingnan na rin bilang tauhan, sa maikling kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” ni Macario Pineda.3 Paulit-ulit lamang daw ang buhay sa nayong ito ayon sa tagapagsalaysay ng kuwento. May moderno ba sa nayon ni Pineda? Ito ang gusto kong masagot gamit ang sanaysay ni Baudelaire.

Para kay Baudelaire, ang isang artista ay isang flaneur na may kakayahang magmasid. Bagaman tamad ang pagkakatingin sa mga flaneur, nasa kanila ang kakayahang magmasid sa kaugalian, gawi, panlasa, at paniniwala ng balana.

Mahihinuha ang ganitong katangian ng flaneur sa tagapagsalaysay ng “Talambuhay ng Aming Nayon”. Bahagi siya ng pangkalahatang kamalayan ng nayon ngunit lampas pa dito. May isang mahiwagang pag-unawa ang tagapagsalaysay sa buhay ng nayon. Mula sa mga kapanganakan, pag-iibigan, kamatayan, at iba pang-araw-araw na gawain, nagbibigay ng isang pananaw sa buhay ang tagapagsalaysay at di lamang sa nayon. Sinasalaysay niya ang pang-araw-araw na buhay ng nayon habang sinisingitan ng mga partikular na anekdota ang kabuuang kuwento. Katatagpuan ng lungkat at tuwa, hindi ibig sabihin nito’y nakikiramay ang tagapagsalaysay sa buhay ng mga taganayon. Ayon sa introduksiyon ni Soledad Reyes para sa kalipunang isinaayos niya, “Tanging ang tinig lamang ng persona ang kakikitaan ng protesta at malaking panghihinayang sa harap ng pagtanggap ng mga tao sa ideolohiyang sumisiil sa kanilang buhay.” 4

Kaya’t hindi lamang flaneur ang hinihingi ni Baudelaire kundi kakayahang umunawa. At nagagamit ng artista ang pag-unawa sa kamalayang ito sa kanyang sining. Ang pag-unawang ito ang nagbibigay-laman sa pangalawang elemento ng kagandahan, isang kagandahang kakikitaan ng modernidad.

Maaaring bumalik sa tanong, may moderno ba sa “Talambuhay ng Aming Nayon”? Maaaring sabihing pastoral ang kuwento. Ngunit kung titingnan ang pagkakaunawa ni Baudelaire sa moderno at ang pananaw sa buhay ng tagapagsalaysay, maaaring sabihin kakikitaan ng isang modernong pag-unawa at sensibilidad ang kuwento. Kagaya nga ng sinabi ni Soledad Reyes sa kanyang intoduksiyon, kritikal ang tagapagsalaysay sa kawalan ng pinatutunguhan ng nayon. 5 Nauunawan ng tagapagsalaysay ang buhay sa nayon. Isa iyong walang tigil na siklo ng pagkabuhay at pagkamatay kung saan ang mga partikular na karanasan ng isang indibidwal ay lumilipas at nakakalimutan, kagaya ng kabaitan ni Ka Huli tuwing bagyo, dahil sa walang humpay na puwersa ng pananalig sa kabutihan ng kalikasan at ng nayon. Hindi kailangang nakikiramay ang isang pintor ng modernidad sa kanyang panahon. Kailangan lamang niyang hanguin ang kanyang natatanaw bilang sangkap sa kanyang pagbuo ng kagandahang may eternal.

Kaya’t nakaaangat ang tagapagsalaysay na ito ng “Talambuhay ng Aming Nayon” kumpara sa mga kasamahan niya sa nayon. 6 Tanging siya lamang ang nakakabatid ng mga pang-araw-araw at partikular na pangyayaring laganap sa nayong iyon. Bagaman ginagamit ang mga panghalip na “kami” at pang-aring “amin”, mayroon siyang personal na pagtataya sa mga nangyayari sa loob ng nayon. Sa kanya nanggagaling ang katatawanan o kalungkutang mababatid sa kuwento. Hindi lamang isang payak at pangkaraniwang paglalahad ang ginamit sa kuwento. Sabi nga ni Reyes, “matulain” ang buong daloy ng buhay sa loob ng kuwento, may mga puwang na lumilikha ng isang iba pang kahulugan.7 Masasabing mayroong sinasabi sa di sinasabi ang kuwento. Dahil sa taos na pagbibigay ng pansin sa kolektibo, nalulunod ang indibidwal. Nagiging isang anekdota lamang ang kanilang buhay sa loob ng talambuhay ng nayon. Kaya’t umaangat ang tagapagsalaysay. Sa kanyang pagsasalaysay sa kanyang pagkakaunawa sa nayon, naililigtas niya ang kanyang sarili sa pagkalunod.

Bagaman kaisa siya sa balana ng nayon, isang flaneur, nakakaangat din siya sa lahat, isang dandy. Bagaman may isang masamang pagkakahulugan ang dandy sa panahon ni Baudelaire, isang “modernong aristokrasya” ang mga ito para sa kanya. 8 Tinutuligsa ng isang dandy ang mga “trivial” na bagay. Ginagawa lamang ng mga dandy ang sa tongin nila’y mahalaga o marangal. Kaya’t may “pride” o yabang ang dandy, mapagmataas sila dahil sa pagpapahalagang ginagawa nila. At dahil din dito may kalamigan para kay Baudelaire ang mga dandy.

Ngunit isa rin lamang silang panawid mula sa pabagsak na piyudalismo patungong demokrasya. Kaya’t sa isang pagbabasa, isang pagtutulay ang ginagampanan ng tagapagsalaysay ng kuwento para sa mga taganayon. Ayon kay Reyes, “Rasyonal na plano sa buhay at hindi irasyonal na pagsandig sa tadhan ang dapat paunlarin ng mga tao, subalit nananatiling bulag ang mga tao sa kahalagahan nito.” 9 Tinataguyod ng tagapagsalaysay ang pagbabago tungo sa isang rasyonal na kamalayan ng mga taganayon. Ngunit kaiba sa mga dandy, na may nostalgia para sa nakaraang panahon ng aristokrasya at may kaunting pagsalungat, ang tagapagsalaysay ay pagtataguyod para sa rasyonal, isang katangiang katatagpuan sa demokrasya ng Kanluran.

Ganoon din, bagaman pastoral ang kuwento, halo ng biyaya at lupit ang larawan ng kalikasan sa loob ng kuwento. Mayroong pagkain na maaaring makuha mula sa kalikasan ngunit may maaaring magkaroon ng panahon ng kasalatan at kalamidad dulot ng bagyo. Para sa kuwento, hindi sa kalikasan kakikitaan ang “kagandahan” sa loob ng kuwento kundi sa pagsasalaysay ng nayon. Para kay Baudelaire, ang kalikasan ay kawalan.10 Maaaring balikan ang kaniyang depenisyon ng kagandahan upang mahinuha kung bakit ganito iyon. Binibigyang halaga ni Baudelaire ang relatibo’t partikular na elemento ng kagandahan, ang elementong kakikitaan ng galing ng artista, ng tao. Kaya’t nasa paglalarawan ng buhay nakukuha ang kagandahan ng isang likhang sining. Kaya’t “maganda” ang kuwentong “Talambuhay ng Aming Nayon” dahil sa paglalarawan nito sa relatibong elemento upang makabuo ng isang matingkad na uri ng kagandahan, isang kagandahang modernong-moderno. Sa kanyang paglikha ng isang nayong buhay na buhay ngunit sabay ding naghihingalo, binabagtas ng tagapagsalay ang eternalidad ng kagandahan at pati ang partikularidad nito.


[1]Charles Baudelaire, “The Painter of Modern Life” sa Vincent B. Leitch, Ed., The Norton Anthology of Theory and Criticm (New York: W. W. Norton and Company, 2001) p. 792-802
[2] Ibid. p. 793
[3] Macario Pineda, “Talambuhay ng Aming Nayon” sa Soledad Reyes ed., Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento (Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1990) p. 63-77
[4] Soledad Reyes, “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. p 32.
[5] Ibid.
[6] Isa siyang indibidwal sa loob ng nayon at hindi lamang isang kolektibong tagapagsalaysay dahil sa simula ng ika-14 na bahagi ng kuwento, “akin” ang panghalip na ginamit ng tagapagsalaysay sa halip ng “amin” na ginagamit sa kabuuan ng kuwento.
[7] Reyes, , “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. P. 30
[8] Baudelaire, “The Painter of Modern Life,” The Norton Anthology of Theory and Criticm. P. 799
[9] Reyes, , “Introduksiyon,” Ang Ginto sa Makiling at Iba Pang Kuwento. P. 32
[10] Baudelaire, “The Painter of Modern Life,” The Norton Anthology of Theory and Criticm. P. 800

Lunes, Setyembre 25, 2006

"Salamat at May Wikang Ingles na Magliligtas sa Atin." (Isang Rant)

Kanina raw ay naipasa na ng house of representatives ang batas na pinakukulo nila kung saan iniuutos na gawing "medium of instruction" ang wikang Ingles sa ilang mga baitang sa mga paaralan. Naiinis ako dahil parang hindi nila alam ang kasaysayan ng Ingles sa bansang ito at parang sumisipsip na naman tayo sa Amerika. Huwag nyo sana akong isipin na isang hipokrito dahil ginagamit ko din naman ang Ingles at nagbabasa sa wikang Ingles. Ngunit ang pagpapataw na ito ay isa na namang kawalang-balanse sa ating relasyon sa sarili at sa kolonyal.

Isang retorikang ginagamit nila bilang dahilan sa pagpasa ng batas ay ang pagsagot sa "global realities" na hinaharap ng ating bayan. Ngunit kailangang amin na ang "global realities" na ito ay hindi na pinaiibabawan ng US kundi kasama na rin ang China, India, at Europa. Kung gayon, hindi ang pagtuturo ng Ingles lamang ang makakatulong sa ating bayan kundi ang pagtuturo rin ng mga wika sa Tsina, India, Europa, Hapon at iba pang bansa sa mundong ito na nagiging "globalized".

Masyado nating binibigyang galang ang wikang Ingles nang walang pag-unawa kung ano nga ba talaga ito sa atin bilang isang bayan, isang bansa. Dinala ito dito bilang ISA ng Amerika, upang sakupin ang ating kamalayan gamit ang wika. Ngunit hindi naging lubos na nangibabaw ang Ingles dito dahil hindi nito kayang i-signify ang karansang Filipino, kung hindi ako nagkakamali'y ito ang sinabi ni Rolando Tinio. Naging matunog ang Ingles sa mga manunulat at nakatataas na uri dahil naisakonteksto nila ang Ingles sa Filipinas. Ginagamit nila ang Ingles bilang pagbibigay halaga sa sarili. Ngunit sa batas na ito, nawawala ang ating pagkaunawa sa ating sarili. Sobra ang pagtingin natin sa labas upang mahanap ang solusyon sa problema ng ating loob. At kung titingin rin naman tayo sa labas, kagaya ng sinabi ko, bakit wikang Ingles lamang ang binibigyang pansin natin?

Ano naman ang nagiging papel ng Filipino sa batas na ito? Etsa-puwera na naman ba ang ating mga wika sa sarili nating bayan? Masyadong one-sided ang batas na ganito. May mga tekstong mababalewala sa pagbibigay ng pribilehiyo sa Ingles. Hindi bibigyan ng pansin ng mga mag-aaral ang mga nobela, kuwento, tula, dula, at sanaysay na nakasulat sa Filipino, mga tekstong kung tutuusi'y mas malapit dapat sa ating karanasan bilang bilang Filipino. Mababakya na naman tayo niyan.

Magandang pansinin na hindi natin pinagdududahan ang wikang Ingles. Mahalaga ang Ingles, at maging ang ibang mga banyagang wika, sa ating pag-unawa sa mga bagong kaisipan at kaalaman na nabubuo sa labas ng Filipinas. Ngunit isa itong banyagang wika, at wika pa ating mananakop. Kailangang tanggapin ito na may kritikal na pananaw.

At magiging matanggupay kaya ang pagtataas ng "standards" sa ating mga paaralan dahil lamang sa pagtatalaga ng wikang Ingles bilang medium of instruction? Scapegoat na naman ang "wika" bilang sagot sa pangkalahatang problema ng ating sistemang edukasyon. Panakip butas lamang ang pagdadahilan sa "wika". Sa katotohanan, banat na banat na talaga ang sistema ng edukasyon natin, nakailangan paggugulan ng bilyon-bilyong piso upang itaas ang antas ng ating edukasyon. Ngunit mas madaling magtulak ng batas patungkol sa wika kumpara sa batas patungkol sa budget. Hindi Ingles ang solusyon kundi pera.

At kung maging medium of instruction nga ang Ingles, paano pa ang mass media? Dubbed sa Filipino ang maraming mga palabas na hakot mula sa ibang bansa. Ang balitang primetime, at maging ang karamihan ng mga dokumentaryo'y nasa wikang Filipino. Kung gagaling ang isang tao sa isang wika kailangan niyang magbabad sa wikang iyon. Kaya't kailangan niyang magbasa, manood, at makinig sa mga tekstong Ingles. Na malabong mangyari para sa mga mahihirap. Middle Class, pwede pa.

Yun lang yun. Nainis lang talaga ako sa pagpapataw na ito na obvious namang hindi lubos na pinag-isipan, na tinitingnan lamang ang "buti" ng wika at hindi ang politika at kasaysayan nito.

Sabado, Setyembre 23, 2006

"Diyos ko! Patapos na ang SEM!"

Noong isang linggo nga pala ang kasal ni Nelma, kaklase noong high school. Nalulungkot ako't hindi ako nakapunta sa kasal. Sana nakapunta ako para makita ang ibang mga Ruby '02. Medyo nakakagulat noong marinig ko ang balita na may ikakasal na sa amin. Sa panahon na ito, hindi ko inaasahan na may makakasal sa amin ng ganito kabata. Ewan ko ba. Nararamdaman ko lang siguro ang paglipas ng panahon. Good luck at congratulations kay Nelma at sa kanyang asawa (na hindi ko pa kilala o kung paano sila nagkakilala). Maging maligaya sana sila.

Mukhang sa susunod na linggo pa ang uwi ni Mommy galing Beijing. At mukhang sumama si Daddy. Dapat lang siguro. Hindi sanay si Mommy na walang kasama nang matagal na panahon. Kung saan-saan na pumupunta ang mga magulang ko, ano? Wala naman sa akin kung may pasalubong sila sa para sa akin, basta may kuwento silang maibabahagi habang naghahapunan tungkol sa Beijing.

Lunes, Setyembre 18, 2006

Trip

Paalis pala si Mommy papuntang Beijing sa daating na linggo. Conference daw kuno. Mabuti na rin at may kaunting pahinga siya doon. Meeting-meeting lang at pasyal-pasyal. Kailangan talaga ni Mommy ng pahinga sa totoo lang.

Napanood ko kahapon ang replay ng semi-final ng Ateneo laban sa Adamson. Nakakatuwa. Ang galing ni Bono. Wala akong masabi. Lahat na'y ginawa. Ok lang na hindi maging MVP si JC kung ganoong galing na player nila ibibigay. Never been this excited with the UAAP ever since second year. Wala lang.

Biyernes, Setyembre 15, 2006

untitled

Mahaba-haba ang araw ko ngayon. Kinailangan kong gumising nang maaga para mag-proctor sa klase ni Ma'am Beni kasi may-workshop na ginanap sa Kagawaran (yung Barlaya). Kaya ayun, gulat na gulat ang mga estudyanteng makita ako at may dala-dalang "regalo". Napapangiti lang ako sa kanilang pagmamakaawang huwag nang ituloy ang kanilang exercise. (Sadista ko talaga.) Wala naman akong masyadong ginawa, nakatunganga lang at pinapanood ang mga bata (para bang ang tanda-tanda ko na, di ba?). Nakakatuwang may ibang mga klase'y "kuya" ang tawag sa akin at "sir" naman dun sa iba. Wala lang. :D

Pumunta rin akong Open Mic kanina. Nagbasa ako. Hindi naman talaga ako pumupunta sa mga ganoon para magbasa kundi makinig. Para sa akin, isa malaking tambay ang open mic. Masayang makita ulit ang mga tao, sina Jace, Em, Vittorio, Twinkle, Margie, Ino, atbp. Siyempre, tuwang-tuwa akong makinig sa mga mahahalay. (May bias ba?) Astig din talagang magbasa si Sir Larry, memorized talaga at natural na natural. The best talaga yung stand-up ni Raffy Taruc.

Pahinga ang weekend ngunit may papel na kailangan pang gawin at mga nobelang kailangang basahin.

Martes, Setyembre 12, 2006

Masarap Sigurong Humilata Ngayon

Dalawang gabi na rin akong kulang sa tulog kaya pagod na pagod ako ngayon. Tinapos ko ang paper ko para kay Ma'am Beni (na hindi namin ipinasa kasi gusto ni Ma'am Beni na maging "A" yung mga iyon kaya OK lang). Sunod ay yung report ko para sa klase ni sir Jerry. Tulog lang talaga ang problema ko. Kailangan ko pang pumasok bukas nang maaga kasi magpo-proctor ako kay Ma'am Christine. Hay, gusto ko pa sanang magbasa pero wala na akong lakas.

Linggo, Setyembre 03, 2006

Bookfair!

Dumaan ako kanina sa bookfair. Ang saya! book-gasm talaga. Yun na ang aking belated birthday gift sa sarili ko.

Ang mga nabili ko ay:

1. The Man Who (Thought He) Looked Like Robert Taylor ni Bienvenido Santos
2. Peripheral Vision ni Eric Gamalinda
3. Planet Waves ni Eric Gamalinda
4. Ninay ni Pedro Paterno -> may photocopy ako pero masayang may orig. :D
5. The Sky Over Dimas ni Vicente Groyon III
6. Hunyango sa Bato ni Abdon M. Balde Jr.
7. Dili't Dilim ni Michael M. Coroza
8. Mga Lagot na Liwanag ni Micheal M. Coroza
9. Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao ni Tony Perez

Dumaan ako ng Pistang Panitik pero hindi ako nagtagal.

OK, sa susunod ko nababasahin ang mga iyan. Kailangan ko pang magsulat ng paper e.

Miyerkules, Agosto 30, 2006

20

Kanina pilit kong tinapos ang mga gawain ko para sa kagawaran ngunit mahirap. Noong tanghali, dumaan akong Ateneo Library of Women's Writings dahil may book sale sila. Nakita ko noong isang linggo na may "Ulysses" sila ngunit naunahan ako. Nakuha ko na lang ang "One Day in the Life of Ivan Danesovich" at "Snow Crash". Salamat sa mga bumati. Yun lang.

Linggo, Agosto 27, 2006

On the 12th Ateneo-Heights Writer's Workshop

Pumunta ako kahapon kasama ang mga ka-fellow kong sina Margie at Twinkle at ibang dating Heightsers. Naka-sit-in kami sa palihan ng ilang mga kuwento kahapon. Nakakatuwang makinig sa likuran ng session area kasi wala sa amin ang focus ng usapan. Nagkakaroon lang kami ng sarili naming mga usapan sa likod sabay ng 'tunay' na workshop. Ganoon din, masarap makinig sa mga panelist lalo na ang mula sa mga "senior" panelists kagaya nina Sir DM at Ma'am Beni.

Ayoko nang pag-usapan ang detalye ng mga nangyari sa palihan. Mga opinyon na lang sa daloy ng palihan. Nakakapagtakang napakatahimik ng mga fellows habang nasa palihan. Natatandaan ko sa karanasan ko noong nakaraang taon, marami kaming mga komento sa gawa ng isa't isa. Hindi ko alam sa mga fellows ngayon pero mukhang binasa naman naming lahat ng mga ka-fellows ko ang delib mat mula una hanggang huling pahina. Kaya marami kaming mga puna. Marahil natatakot ang mga fellows ngayon na magkamali. (Nagkaroon din ako ng ganitong takot noong nakaraang taon ngunit inisantabi ko na lang upang makatulong na rin sa palihan.) Pero mukhang naging matapang kami kasi pagminsan nakikipagsagutan kami sa mga panelists lalo na noong naging malabo kami.

Bihira rin silang magtanong sa panelists. Naaalala ko pa noong huling araw ng workshop at yung kuwento ni Margie ang pinag-uusapan, tinanong ko si Ma'am Beni tungkol sa multiple perspectives/multiple voices. Talagang tinanong ko kasi katabi ko siya at nalalabuan ako. At saka naisip ko baka konektado ito sa naiisip kong puna sa kuwento ni Margie. Pero sa taong ito, hindi ko nakitang makipagtapatan at matututo nang direkta mula sa panelists ang mga fellows. Napaka-passive nila pagdating sa pagtuto. Ganoon din, kalimitang manipis ang paliwanag ng mga fellows pagdating sa kanilang panapos sa kanilang mga gawa.

Ayoko nang pag-usapan ang ginawa noong faci's night, alam na ng mga tao iyan. :D Basta sana talaga maraming natutuhan ang mga fellows ngayong taon. Kasi sigurado sa batch 11, nabago ang estetika, maging ang buhay namin dahil sa workshop.

Biyernes, Agosto 25, 2006

Feeling Guro

Nag-proctor ako sa mga klase ni Ma'am Beni habang nasa workshop siya. Kinailangan kong gumising nang napakaaga, mga 6:00 kasi 7:30 ang unang klase niya. Medyo kakaiba kasi nasanay ako na palaging 9:00 ng umaga gigising. Tatlong klase ang binantayan ko. Nag-feeling guro lang naman ako. Yun nga, nagbantay lang ako. Pag may tanong, sasagutin ko lang. Naawa nga ako sa kanila kasi test ang iniwan ni Ma'am Beni bilang regalo habang wala siya. Nakakaasar lang kasi ang init ng umaga sabay ng antok ko, sobrang piga na ang lakas ko pagkarating ng tanghali. Kaya nag-log-out ako agad pagkatapos na pagkatapos ng huling klase.

Huwebes, Agosto 17, 2006

Reading More Than I Can Chew (Kung Pwede Ko Lang Makain ang mga Libro)

Ano ba ang masasabi ko mula noong huli kong post? Maliban sa kainan/inuman/hang-out noong nakalipas na Biyernes (marami kaming napag-usapan kung hindi man trivial, medyo sensitive), lumilipas ang araw ko na nagbabasa lamang, required o di required. Mas malamang required. Nagsusulat din paminsan-minsan pero nahihirapan ako kapag nagbabasa nang todo-todo. So update lang talaga ito sa daloy ng aking mga klase. Medyo late, o sige, totally late na kami sa Fil 201 kasi sa dami ng mga "bakasyon" na nangyari. Kaya pinaplano ni Ma'am Beni ng mga make-up class. Wala akong problema diyan, basta si Ma'am Beni. Mukhang mayos ang daloy sa Fil 200 kasi mas maleable ang sched ni Sir Jerry kumpara sa sched ni Ma'am Beni kahit na parehong naapektuhan ng mga pagliban noong nakaraang mga linggo. Yung nobelang Tagalog lang sa ilalim ni Sir Vim ang hindi naabala ng bagyo o kung ano mang holiday kasi Huwebes kaya nangangalahati na kami. Hindi naman sa nangangapa ako pero parang gusto ko nang mag-anim na units na lang next sem. Gusto ko na sanang makuha ang iba pang mga core subjects para sa darating na panahon, makapag-focus na lang ako sa mga "advance" na subject.

Anyway, magsusulat pa ako. O kaya'y magbabasa pa. Bahala na.

Lunes, Agosto 07, 2006

Limang Buwan

May isang babaeng nagtangkang agasin ang kanyang dinadalang anak. Limang buwan siyang buntis at pasyente ni Mama. Naagas nga ang bata, kaya kinailangan munang pumunta sa klinika ni Mama pagkatapos ng magsimba. Dahilan ng ina kung bakit niya ginawa iyon, hindi na niya kayang magpalaki ng pang-apat na anak.

Hindi namatay ang bata, hindi pa patay. "Nagpupumiglas pa," ani Mama.

Miyerkules, Agosto 02, 2006

Mga Bagay na Natagpuan ko Pagkatapos Maglinis

Nilinis ko kanina ang mesa sa tabi ng aking computer dito sa condo. Isang napaka-impulsive na bagay na gawin pero kailangan na rin. Dahil nasa tabi ko palagi, nagiging tambakan ito ng mga kung ano-ano. Napakagulo na ng mesa.

Nakakatuwa naman ang mga bagay na natagpuan ko dito. Mga lumang assignment, papers, at lalong mas mahalaga, kopya ng mga lumang bersiyon ng mga kuwento ko. Tamang-tama't ngayong araw bumili ako ng mga envelope para talagang seryosohin ang pagfa-file ng aking mga papeles. (Parang professional na ako, ano?) Dito pa lang ang dami ko nang nakita, paano pa kaya ang sa bahay sa San Pablo kung saan nakatambak ang mga gamit ko?

Kaya ngayon, ang linis-linis at ang luwag-luwag ng mesa sa tabi ko. Nakakapanibago.

Lunes, Hulyo 31, 2006

Mission Accomplished

I finally finished a story! *dances in joy*

But I still need to revise it. *stops dancing and sighs*

The idea for the story has been haunting me for about a year and a half but only recently did get a breakthrough that would encourage me write this story down. (I talked about my joy and frustation here.) I tried to write this story based on an idea and scene i found very interesting. During the summer, I tried to write it but it didn't work for me. But a month ago, I had a new development in terms of the details of the story. So basically I wrote this story in two months but struggled with for a year and a half. That's while I feel elated. I've been exorcised.

Another interesting thing about this story is that the whole text is a little over twenty pages long (double spaced). The last time I clocked in more that twenty pages, I still sucked. (I'm now at the rank of passable. Now, I need to reach the rank of publishable.) Gee, that was a long time ago, like three years ago.

Yeah, I'm still fidgety since I know this is still not over. But I need to get the story out of my head for awhile before I can revise it. So there.

Sabado, Hulyo 29, 2006

One Year After

Isa sa mga high points ko noong nakalipas na taon ang pagiging bahagi ng 11th Ateneo-Heights Writers Workshop. Marami nang nangyari mula noon hanggang ngayon, Fine Arts Festival, LS Awards, Graduation, pagkuha ng Masters. Noong nag-apply ako, inisip ko na magandang sukatan ang workshop kung may pinatutunguhan nga ako sa aking pagiging Major ng Creative Writing. (Diyos ko, kung mababasa nyo lang ang basura na sinulat ko bago ng 3rd year ko.) Inisip ko, kung makapasok, magiging masaya na ako. Syempre tuwang-tuwa ako nang makita ko ang pangalan ko sa Heights board. Dami akong natutuhan dun na mahirap lang talagang ilarawan.

Kani-kanina lang, napaka-nostalgic ako at binuklat ang workshop mats. Browse lang. Sa totoo lang, mas sarap basahin ang mga comment sa tsinuging kuwento ko kaysa sa pinaburang kuwento. Mas madaming praktikal na komento doon. At mas makakatuwa rung reaksiyon kasi hindi nila kung paano lalapitan iyon. Hindi children's lit ba iyon o pangakaraniwang kuwento. Nakakatuwa. Ganoon din, binasa ko ang mga komento ng mga panelist na mga gawa ng mga ka-fellows ko. Doon nakukuha ang ideya ng "learning form your peers". Iwasan ang kanilang pagkakamali, gayahin ang kanilang tamang ginawa.

Ngayong isang taon na ang lumipas, mayroon nga ba akong natutuhan mula sa workshop. Sigurado ngunit mahirap sukatin. Mas masinsin na ako sa aking syntax at sa first draft pa lang, pinipilit ko nang iwasan ang mga typos sa aking kuwento. (Ang dami kong typo sa mga draft na ibinigay ko sa Height. Nakakahiya.) Sa mga panahong iyon, alam ko na kung saan ko gustong ilugar ang sarili pagdating sa pagsusulat. (Sinusunod ko lang T.S. Eliot.) Sinigurado lang ng workshop kung pwede nga ako sa gusto kong paglagyan. Nakakainis nga lang at nahihirapan na akong magsulat ng kuwento. Masyado na akong nagiging pihikan. Kapag hindi ko makita ang ending, hindi ko na hinahabol ang ideya. Kung sa kalagitnaan naman ng pagsusulat ko ng kuwento ay nakitaan ko ng malaking butas ang banghay/tauhan/lohika, tinitigil ko na ang pagsusulat. (Ilalagay ko na lang sa baul ng aking "Unfinished" folder ng aking computer.)

Hindi sa mahabang weekend na ito ang 12th Workshop, sa susunod na linggo pa. Pero sana maging malaking tulong ang ang workshop sa susunod na batch.

Linggo, Hulyo 23, 2006

Superman in 3D

Pagkatapos ng napaka-draining na araw kagaya ng kahapon, pero tama si arkaye na satisfying din naman kahit papaano, nanood kami ng pamilya ko ng Superman Returns sa Imax ng Mall of Asia. Ilang linggo nang naka-reserve iyon. Akala ko buong pelikula 3D, hindi pala. Yung mga action packed na eksena syempre. Ok naman yung pelikula. Nakakatuwa nga lang at parang may lovehandles si Superman. Wala lang.

Medyo na-late din ang simula ng pelikula kaya naggala muna kami. Sa isang wing lang ako naggala, sobrang lawak naman kasi ng Mall of Asia. Napadaan ako sa Powerbooks doon at nakatagpo ng isang kopya ng "Discipline and Punish" ni Michel Foucoult. Kung babasahin ko ito, dalawa lang ang mangyayari, dadami ang brain cells ko o magpapatayan sila.

Sabado, Hulyo 22, 2006

Today was (is?) a long day. :D

Linggo, Hulyo 16, 2006

BBC NEWS | Americas | Drink-driving beer boss censured

BBC NEWS | Americas | Drink-driving beer boss censured

Ang boss ng Molson Coors Brewing, nahuling drunk-driving. Ironic o medyo expected?

Biyernes, Hulyo 14, 2006

Huhumm...

Kanina ang pangatlong araw ko ng pagiging Grad assistant at wala akong ginawa. Down ang server ng Ateneo. Kailangan ko pa namang i-access ang ateneo website para maipagpatuloy ang naatasang trabaho ko. Kaya ayon, nakatunganga lang ako sa dept buong araw, which is just 4 hours anyway. Tutal, nakapagbasa ako ng mga readings. Advance na nga ako ngayon para sa Fil 201 at tinatapos ko pa ang Urbana at Feliza. Kahapon nga pala pumasok ako kahit na walang klase. Staff kasi ako kaya kailangang magtrabaho kahit na may bagyo at walang klase. Nakakaawa pero OK lang. At least hindi ako nagkasakit. Anyway, back to reading.

Martes, Hulyo 11, 2006

Bagong Developments sa Aking Buhay

Bukas, simula na ang aking pagiging graduate assistant. (Yeah!) May mga papeles na kailangang ayusin pero kailangan na rin naman talaga nila ng tulong. (Kita nyo na, may trabaho agad ako sa... trabaho.) May kailangang ilagay sa database at deadline sa 22. Hindi rin naman ako paspasan nito, ano? Pero ipinakita na naman sa akin ang kailangan kong gawin at mukhang madali lang naman. Ang pag-iipon ng ilalagay kong data ang, sa tingin ko, matatagalan. Nakakatuwa't may sarili akong desk. Nasa likuran. Mukhang lonely dun pero hindi pa ako sigurado. Kaya matatagpuan ako sa Fil Dept. tuwing 10-12 AM at 1-3 PM. (At may dadalaw ba naman, ano?)

Bilang bahagi ng mga papeles na kailangan kong ibigay, kailang ko ring kumuha ng SS Number. Kaya pumunta akong SSS sa East Ave. Nagtaxi ako para mabilis ang pagpunta. Nakakatuwa yung taxi, bahagi ito ng sistema ng mga taxi na may controller. Magraradyo ang controller sa mga taxi ng mga naghahanap ng sakay. Kaya habang nasa daan, naririnig ko yung radyong bumibigkas ng mga address. Ang kakaiba, may isang nahingi ng taxi para raw sa isang shooting. Nakakatuwa nga't nangungumbinsi pa yung controller sa mga drayber na kunin yung assignment. "Kunwari sasakay yung artista sa taxi tapos yun na," sabi ng controller. Nakakatuwa.

Sa SSS building, natulala ako sa umpisa. Ang dami kasing pila. Ngunit nang mahanap ko na ang tamang proseso, madali rin ang daloy ng mga bagay-bagay. Napansin ko lang na may mga taong hindi sanay sa pagpila. Hindi naman sa bastos sila o ano, hindi lang talaga sila sanay. May mga hindi na talaga pumipila at dumidiretso na sa mga counter. Mayroon din namang mga hindi sanay na mag-fill-up ng form. May nanghiram sa akin ng ballpen at doon ko napansin na mali ang kanyang mga nilagay. Kaya tinuruan ko siya. Pero mali pa rin. Hindi naman sa tanga siya. Kung tutuusin, nakakalito nga yung form para sa isang baguhang hindi pa nakakaranas ng proseso ng papeles. Masyado lang siguro akong sanay sa mga ganyan kaya ganun.

Huwebes, Hulyo 06, 2006

Graduate Assistant?

Nilapitan ako kanina ni Ate Mel kanina noong dumating ako sa department. Naghahanap kasi siya ng pwedeng maging graduate assistant. Sayang daw yung slot. Karamihan kasi ng mga grad students, may trabaho na, nagtuturo sa high school o sa kagawaran mismo. Kaya inalok niya sa akin kasi wala naman akong trabaho. Apat na oras araw-araw, libre tuition at may allowance. Medyo no brainer. Tatawagan ko lang ang mga magulang pero papayag naman ang mga yun. Ayoko rin namang buong umaga akong nakatunganga sa condo. Mukhang sumasaya ang buhay.

Miyerkules, Hulyo 05, 2006

Kamot, kamot

OMG! Hindi ko maintindihan si Georg Lukacs! AAAAH! May kaunting mga bagay na naiintindihan ako pero hindi talaga masakyan na masakyan ang unang dalawang kabanata ng kanyang "The Theory of the Novel".

Anyway, may ORSEM pala ang mga freshie na grad students. Sa Sabado nang ikawalo nang umaga sa Escaler. Mukhang mahirap hindi dumalo kasi pupunta ang mga Dean at ang mga Chair ng mga kagawaran. Meron kayang dress code? Hanggang maong lang ako!

Sabado, Hulyo 01, 2006

Destroying Our Nation Through Federalism

Maybe you may or may not have heard, but there exists an organisation that calls its self Save Our Languages through Fedaralism. (SOLFED) The title is self explanatory, this organisation advocates an ethnically centered federal states so that the Filipino languages marginalized by our nation building. I'm against this organisation because what it aim would eventually lead to the dissolution of Filipinas. But first their arguments in favor of federalism.

1. Language and Culture

SOLFED wants to save the languages and cultures of Filipinos through federalism. They believe that the current "colonial" unified nation would sound in the demise of the cultures that "non-Tagalog." I understand their concern. But I think this all comes from their shortsightedness both in history and culture.

This movement, understandably, is Cebuano-centric. They are the only ones who are in position to challenge Tagalog. But they know that they cannot "win". (I don't like to use the word because, in nation-building, something will eventually be lost) So they now try to rally the other languages to fight against the Tagalog-centric government.

But I would like to put forward the argument against the cultural card. Is there really a "great" difference in culture of all Filipinos? Maybe the Lumads and Muslims can use this argument. But are there great differences between the Christianized, Hispanisized, and Americanized Filipinos? I think SOLFED is just riding on the marginalization of the other "cultures" in bid to gain more power.

In a letter by Rizal to Blumentritt when he was exiled in Dapitan, our national hero was surprised in the similarity between Visayan and Tagalog. (I would guess that he would be refering to Cebuano since it is the dominant language among the Visayans.) He mentions ponemic differences, like kaon and kain. Granted there are other difference but, again, is there a great cultural difference behind our languages?

Today, there is a movement, a silent one admittedly, among the poets and writers in Filipino/Tagalog to incorporate in there works words from the other native languages. Their aims is primarily aesthetic and nationalistic second. (I'm not part of this movement. I'm too young and this project is a very advanced thing to do.) In using putting the these words, with the particular meaning a word carries, a writer, primarily a poet, could create a more robust work, both rhythmically and phonetically. It is true that the other native languages have words that can make the current National Language grow. And this won't happen in a federal system.

2. Power (That's what it all comes down to anyway.) and Identity

SOLFED sees the nation as a system led by "Imperial Manila". They see that the "other peoples" of Filipinas is continually marginalized. But in a system of centers there will always be a margin. If history had been more "kind" to Cebu, would we be fighting "Imperial Cebu"? In the project of nation building, there things, symbols that is held on to. Naturally, things in the center will most likely be saved, and in the margins lost. But this is just in theory. Some things cannot fully be lost and cannot fully be held. In all the other nations in the world there would always be a culture, a language that marginalized; France has Occitan, UK has the Celtic languages, Spain has, well, a lot, other than the prominent Basque. In these countries, these "minor" languages continue to thrive.

So I think that all the other major languages in Filipinas will not go the path Sanskrit anytime soon. The other minor languages, with inly a few hundred speakers, most probably. But this is inevitable in nation building.

So why not create many "nations" to accomodate the other languages? An argument that SOLFED puts forward. But what would be made wouldn't be Filipinas anymore. Kaya nga Nation-State e. There is one "national identity" that the state embodies. Admittedly, the "national language" has been dominated by Tagalog, but has the 'national identity" really been dominated by the Tagalogs also? I could name a few Cebuanos, Bikolanos, Ilocanos, Ilonggos, Kapampangans etc. that are part of our "national consciouness". Should we continue to see them as such, in their regional affiliations, or see them as Filipinos?

If on the off-shoot that such "nations" would be created, how many languages and dialects that these would kill? As said early, in the project of nation-building some things will always be lost. I, for one, is a Tagalog from Laguna. When I'm in Metro Manila some people would notice my accent when I talk and even when I write! Even among the Tagalogs, there are those who are marginalized. How many people, do you think, are marginalized by Metro Cebu? Their argument of being "saviors" is a little problematic. In a creation of federal states, not only are we destroying Filipinas, we create margins from a multitude of centers.

So there, I "bashed" them hard enough. (That was tiring.) Should we stay in our current project of nationa-building? (It isn't complete mind you. It might take another hundred years, two if we keep up this pace.) The "Filipino Identity" is a modern phenomenon, created, more or less, a hundred and thirty years ago in the great upheaval in the late 19th century. Should we keep on going or part our separate ways because of our "differences"? But as what Rizal felt in Dapitan, maybe we'd be surprised with the similarities.

Miyerkules, Hunyo 28, 2006

Nangawit ang paa ko doon a

Pina-photocopy ko kanina ang "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos at "Ninay" ni Pedro Paterno sa library. Maikli lang ang "Ninay" pero ang HABA ng "Banaag at Sikat". Ang haba pa ng pila sa mga photocopy machines. Dapat sa Filipiniana ko pinakopya ang "Banaag" pero nasira makina doon kaya lumabas pa ako. Dalawa lang ito sa mga nobelang babasahin ko. Mukhang maganda na gumawa ako listahan. May tatlo pa akong ipapa-photocopy.

[x] Origins and Rise of the Filipino Novel (May kopya sa UP!)
[x] Rise of the Novel: Chapters 1 and 2 (mula sa lib)
[x] Urbana at Feliza (galing www.gutenberg.org)
[x] Dona Perfecta (galing ding www.gutenberg.org)
[x] Ninay (galing lib, inilimbag ng La Salle pero wala daw doon sabi ng kapatid ko)
[ ] Noli Me Tangere
[x] Banaag at Sikat (galing lib at ang pinakamahaba)
[x] Pinaglahuan (may kopya sa ateneo press)
[ ] Nena at Neneng
[x] Sugat ng Alaala (galing ding ateneo press, bago pang kopya 2006 na reprint)
[ ] Ang Pagkamulat ni Magdalena

Bakit kaya walang kopya ng karamihan ng librong iyan sa mga bookstores? Nakakapanghinayang pa namang magpa-photocopy. Tapos ang haba-haba pa ng mga pila panahong itong nagsisimula pa lang ang semestre. Gusto ko ng tunay na libro! Hay.

Sabado, Hunyo 24, 2006

Hearthrob ng Canossa

Sobrang nakakatawa nito, kailangan kong i-share sa inyo ito.

May isang 1st year student ang lumapit sa kapatid kong si Marol:

Estudyante: Hi, anong pangalan mo?
Marol: Ah, Marol.
Estudyante: Marol? Yung HEARTHROB NG CANOSSA?

HAHAHA! Iba na talaga ang Cerda! :D Kaya ngayon ang bagong palayaw namin kay Marol ay "hearthrob".

Huwebes, Hunyo 22, 2006

And So, It Begins

May tatlo akong klase ngayon para sa unang sem ko sa M.A. at marami akong babasahin (duh). Unang pasasalamatan ang Fil 201, Teorya at Kritisismong Pamnatikan sa ilalim ni Dr. Benilda Santos. Marami akong babasahing mga artikulo lalo na mula sa Norton Anthology of Theory and Criticism, gusto ko itong tawaging "The Big Blue Book."

At ang pangalawang mabigat na babasahin, at ang pinakamarami, ang Fil 205.3, Araling Heneriko: Nobelang Tagalog sa ilalim ni Sir Vim Yapan. Oo, nobela ang babasahin namin, siyam. "Dona Perfecta" ni B. Perez Galdos, "Ninay" ni Pedro Paterno, "Urbana at Feliza," "Noli Me Tangere" na salin ni Patricio Mariano, "Ang Kasaysayan ng Magkapatid na Nena at Neneng," "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos, "Pinaglahuan" ni Faustino Aguilar, "Sugat ng Alaala" ni Lazaro Francisco, at "Pagmulat ni Magdalena" ni Alejandro G. Abadilla. Wala pa diyan yung babasahin naming teoretikal at historikal na analisis. "Binawasan" na nga iyon ni Sir Vim, i.e. pinalitan ng mas maikli likha ang mas mahaba. Nakatoka sa akin ang "Pagmulat ni Magdalena" pero required kaming basahin ang lahat. Masasarapan ako ngayon sa pagsusunog ng kilay. Pero meron naman daw na reading break.

Mukhang hindi ganoong kabigat ang babasahin para sa Fil 200, Pamaraan sa Pagsasaliksik sa ilalim ni Sir Jerry Respeto. Hindi pa naibibigay ni Sir Jerry ang reading list pero, tantiya ko, mas kaunti ito. Ang mahirap sa klaseng ito ay ang mock first draft ng thesis. Pero kaya ito nang kaunting sipag. Ewan ko nga lang kung may matitira pa mula sa unang dalawa.

Lunes, Hunyo 19, 2006

Isa pang Unang Araw

Bukas na ang simula ng klase sa Ateneo at unang araw ko sa pagiging M.A. student. Excited na ako pero hapon pa ang klase ko. Mabuti na lang at narito na ako sa condo (hindi pa rin ako lumilipat ng lugar) at mukhang mas marami ako masusulat habang narito sa QC. Ewan ko ba, masyado akong komportable sa bahay at wala akong natatapos. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating ako dito, nagsusulat na agad ako. Weird. Nakakaasar lang at hindi ko nadala yung USB cord ng iPOD ko, hindi ko tuloy ma-access ang mga files ko: yung mga kuwentong sinusulat ko tapos yung mga dinownload kong pelikula (Princess Mononoke at Spirited Away). Sisimulan ko na lang siguro yung mga nasa isip ko't hindi pa sinisimulan o yung nasimulan ko pero uulitin ko. Bahala na. Relax-relax na lang muna habang hindi pa mabigat ang load ko. Sabi ni Sir Vim mabigat daw ang mag-M.A. Sana hindi naman ganoong kabigat.

Linggo, Hunyo 11, 2006

Bakit Wala (o Bihira) ang mga Car Chases sa Filipinas

Nakautuwa ang mga TV shows tungkol sa car chase. Yung mga tipong may pamagat na "Wild Car Chases 14!" Pero nakapagtataka, sa daming mga krimen na nangyayari sa Filipinas, bakit bihira ang mga car chases dito? Sa natatandaan ko, isa lang ang car chase ang napanood ko sa balita sa TV sa tanang buhay ko. At ito, sa tingin ko, ang dalawang pangunahing dahilan:

1) Pulis

Mahirap mahabol dito ng mga pulis dahil madali lang silang itaboy. Kapag pinara ka ng pulis, kalimita'y madali lang aregluhin kaya hindi natakbo ang mga motorista. Kung may nagawa ka ring paglabag sa batas, pagminsan ay hindi pa pinapansin ng pulis dahil pipitsugin ang hitsura ng kotse mo. Hindi kagaya sa USA at sa ibang mga bansa sa Europa na bihira ang krimen. Traffic violent lang, hahabulin ka talaga ng mga iyan dahil bagot na bagot ang mga iyan sa kawalan ng krimen.

2) Traffic

Bihira sa Metro Manila ang mga maluluwag na kalsada. Kung magkakahabulan, wala pang isang bloke e hulika na dahil sa traffic. Mas maganda pa ang tsansa mo sa pagtakbo sa pasikot-sikot ng mga eskenita kaysa magmaneho sa Maynila. Kaya mataas ang habulan sa LA dahil maluwag at malalaki ang mga highway dun. Mahirap namang makipaghabulan sa probinsiya, kung hindi lubak-lubak, hindi patag o kaya'y wala pang kalsada. Magtago ka na lang sa gubat kung gusto mong makalayo sa autoridad.

Sabado, Hunyo 10, 2006

Master Reg

Nag-enroll na nga pala ako kahapon para sa MA Lit-Fil. Kinuha ko ang Fil 200, sa pagtuturo ni Sir Jerry Respeto, Fil 201, sa pagtuturo ni Dr. Benilda Santos at Fil 203.something (nakalimutan ko), sa pagtuturo ni Sir Vim Yapan. Hindi ko na kinuhayung Pagsasalin.

Hindi ko nga inaasahang makukuha ko ang klaseng Nobelang Tagalog (Fil 203.something) ni Sir Vim kasi ang nakalagay sa on-line sched ng ADMU ay Tuesdays siya. Conflict iyon sa Fil 200. Pero ang nakalagay sa listhan ng Kagawaran ay Thursdays. Kaya kinuha ko siya. Wala namang sinabi ang mga checkers nung nag-enroll ako. Sinisigurado nila na walang conflicts di ba? Hindi ko ngayon matingnan ang sched gamit ang internet kasi may enrollment pero inaasahan kong mas tama ang listhan ng Kagawaran.

Biyernes, Hunyo 09, 2006

Writing Fun / Writing Frustration

Sa nakalipas na tatlong buwan, hindi pa ako nakakatapos ng kuwento. Not that I'm not trying. Nakakainis lang. Puros false starts at dead ends, dahil sa marahil sa hilaw na mga ideya. Mula noong graduation, meron akong labing limang mga simula (nagsusulat ako sa computer, hindi ako sanay sa longhand), karamihan ay isang talata o kaya'y isang eksena ngunit ang nakapanghihinayang yung mga dalawa hanggang apat na pahina (single spaced, kapag nagpi-print na ako dun ko ginagawang doble spaced) na tumitigil sa gitna dahil hindi maganda ang kuwento, maganda ang ideya pero hindi maganda ang kuwento.

Sa nakalipas na linggo akala mapupunta naman sa wala ang dalawang kuwentong sinusulat ko. Tinigil ko na talaga ang pagsusulat ng isa noong nakalipas na linggo, hindi ko mabanaagan ang katapusan, hindi pa ako satisfied sa simula. Yung isa naman, 2/3 na ako sa naiisip kong banghay nang magbago ang isip ko tungkol sa narrator, ang panget ng narrator. Ang bawat kuwento halos apat na pahina na bawat isa. Frustrating kung itatapon ko na naman sa kawalan ng "Unfinished" folder ko ang mga kuwento.

Ngunit ang maganda nakaisip ako ng magandang resolusyon at pagbabago sa bawat kuwento. Hindi pa ako sigurado kung magiging maganda ang kuwento pero napakasaya na makalampas sa mga nakakainis na pagtigil. Yung unang kuwento magbabago ng setting at tauhan ngunit ganoon pa rin tinatamasa kong effect at tone. Kaya hindi ko na magagamit ang mga naisulat ko bagaman marami ako natutuhan sa unfinished draft na iyon sa bagong simulang gagawin ko. Yung pangalawa naman, babaguhin ko yung banghay. Kaya ganun din, hindi ko magagamit ang karamihan ng mga naisulat ko. Ang maganda naman, magagamit ko ang ilang mga vignette na naisulat ko na hiwalay sa main story. (Medyo weird ang forma ng kuwentong ito.)

Kaya ayon, kahit na halos magsisimula ulit ako, maganda naman na nagkaroon na ng bagong developments at motivated na motivated na ako sa pagsusulat ng mga kuwentong. Inaasahan kong magiging magandang mga kuwento ang mga sinusulat ko. Pero ganun naman talaga, maganda ang lahat ng kuwento para sa akin. Pero nagbabago na standards ko. Kaya siguro hindi ako makatapos ng kuwento. Pero excited na akong simulan ang mga kuwentong ito. Para masimulan ko na yung iba pang 13.

Sabado, Hunyo 03, 2006

"O, nabuhay ang gago!"

Kahapon, papunta si Daddy sa Binangonan kaya sinama niya sa biyahe para ibaba sa Ateneo para kunin ang letter mula sa Graduate Services. Natanggap ako pero inaasahan ko na iyon dahil sinabi sa akin ni Sir Vim nung kausapin ko siya na mukhang maganda naman daw ang resulta ng entrance ko. Kaya ito, provisional student ako ng MA Lit Fil sa darating na first sem. Kailangan kong ipasa ang una kong sem at tapusin ang hinihinging requirements bago ako maging degree student. Madali lang ayusin yung mga requirement, yung ipasa ang una kong sem ang nakakatakot.

Kaya ngayon, medyo kinakabahan na ako. Ibang nibel na ito! Ilang daang libro kaya ang babasahin ko? Pero kaya ito, kaya. Next week, babalik ako sa Ateneo para sa enrollment at iba pa. Tiningnan ko na nga ang mga maaari kong makuhang mga klase sa ADMU website. Si Sir Jerry Respeto ang guro sa Fil 200 at si Ma'am Benilda Santos ang sa Fil 201. Yun lang. Excited, kinakabahan, natatakot, nai-insecure sa mangyayari.

Pag-uwi kahapon, sinama ni Daddy si Lola mula Binangonan. Kaya narito siya ngayon, magpapalipas ng weekend dito sa San Pablo.

Huwebes, Mayo 18, 2006

Life, so far

Wala naman talagang mahalagang nangyayari sa buhay, sa totoo lang. Pumunta ako sa book launch ng "Pag-aabang sa Kundiman" ni Sir Egay. Pero hindi ko gabi iyon, kay Sir. Naroon lang ako dun sa may likod, nakikinig sa mga pagbasa. Hindi ko pa nga pala napapa-sign ang kopya ko. Sa susunod na lang siguro.

Noon namang nakalipas na Sabado, kinuha ko ang entrance test para sa Graduate School ng Ateneo. Ok lang yung test. Naasar ako sa Math, kayang-kaya pero ang bagal ko. Ganun rin naman yung nangyari sa entrance ko ng ACET, nakakatuwa.

Kaya sa darating na Lunes, dadaan ulit ako sa Fil Dept. para sa kausapin si Sir Vim. Parang interview pero kilala na naman niya. Ano kayang pag-uusapan namin? Siguro kung anong gagawin ko habang nasa M.A. Makapagsulat kaya ng nobela? Meron na akong naiisip na kuwento (actually, dalawa). Bahala na, ika nga ng mga Pinoy.

Sa Lunes rin simula na ng pasukan ni Tetel, kapatid ko at pangatlo sa aming apat. BS Bio siya sa La Salle. Nakakatuwa nga naman ang tadhana, ano?

Biyernes, Mayo 05, 2006

Application at Advance Birthday

Ayan, nakapag-apply na ako para sa M.A. Lit. Fil. kanina. Sa 13 ang entrance exam kaya hindi ako makakapunta sa planong beach ng Tropang Ruby. Salamat kina Sir Mike, Sir Egay, at Sir Vim sa kanilang mga recommendation. Plano kong dumating sa Biyernes sa susunod ng linggo para hindi sobrang stressed kung manggagaling pa ako ng San Pablo. Kaya posibleng makapunta ako sa book launch ni Sir Egay. (Kailangan ko na lang malaman kung paano makapunta sa Conspiracy. :D)

Pagkatapos ng application, sinundo ako't kapatid kong si Mae. Birthday ni Mae bukas, magdidese-otso ang kapatid ko. Pauwi, hindi namin alam na may hinahanda pala ang pamilya at ang mga kaibigan ni Mae para sa isang surprise birthday party. Pagdating namin, mukhang wala namang kakaiba hanggang sinabi ni Mama sa akin na may surpresa na inihahanda sa bahay. Inilabas agad ang mga mesa't pagkain sa garahe pagkatapos na pagkatapos na umakyat si Mae. Sinundo naman ni Tetel ang mga kabarkada ni Mae dito sa San Pablo at bumili ng ilang mga bagay. Nang handa na ang lahat, tinawag si Mae at sabay-sabay ang lahat na sumigaw ng "Happy Birthday". Mayroon pang cake at piano music. Tuwang-tuwa naman ang kapatid ko. Sabi niya, may kutob na siya na may inihahanda. Pero kitang-kita sa kanyang reaksiyon na hindi pa rin siya handa sa ginawa para sa kanya.

Linggo, Abril 30, 2006

The Stone Raft

Nirekomenda sa akin ni Sir Charlson ang nobelang "The Stone Raft" ni Jose Saramago noong nakalipas na Ateneo-Heights Workshop. At ulit, nirekomenda ni Sir Vince ang nobelang ito sa akin. Dahil lamang sa nasulat kong kuwento. Kaya naghanap ako ng kopya at noong nakalipas na araw ay natapos ko ang nobela. Naayon nga ang rekomendasyon nila bagaman may aesthetical na pinagkakaiba ang estilo ni Saramago sa akin na mahirap hindi maiwasan.

Tungkol ang nobela sa kakaibang pangyayari na pagkakahiwalay ng Iberian Peninsula mula sa kalakhang Europa dahil, ayon sa naratibo, sa limang magkaibang pangyayaring kinalahukan ng tatlong lalaki't dalawang babae. Maaaring ilagay sa kategoryang magic realism ang nobela. Ngunit hindi lamang ito mga sunod-sunod na pangyayaring kakaiba. Oo, maraming sunod-sunod na pangyayari ang dinanas ng Peninsula na naging isla ngunit puno ng mga teoryang pang-agham at epektong internasyonal ang nobela. Kaya hindi nawawala ang rason sa kabuuang karanasan ng nobela. Pero, sa pangkalahatan, hindi maipaliwanag ng mga siyentista ang mga pangyayari at ang mga politikal na gawa ng mga politiko ng Portugal at Espanya ay kalimitang nagkukulang.

At ito ang isa sa mga tinatahak ng nobela, isang diskursong politikal. Nagmumukhang mga reaksiyonaryo na lamang ang mga politiko. Ganoon lang talaga ang nakayanan ng mga politiko sa nobela dahil nawala na naman mula sa kanila ang literal na direksiyon ng Iberia. At hindi lamang ang mga politiko ng Iberia ang pinaglalaruan ni Saramago, ganoon rin ng sa Europa at sa Hilagang Amerika. Nang mahiwalay ang Iberia mula sa Europa naging pangunahin ang pakikisangkot ng mga Pranses ngunit nawala rin sila nang mamalayang wala na silang magagawa. Ganun din, nagpalabas ng isang patalastas ang Pangulo ng Estados Unidos na tatanggapin ang mga mamamayan ng Iberia nang maging malinaw na parating sa Amerika ang isla. Ngunit nagbago rin ang paninindigan ng Pangulo nang magbago ang tinatahak ng direksiyon ng Isla.

Ganun din sa paglalaro sa isang satirikal na pamamaraan ng mga politiko ang malawakang paglalaro sa pangkalahatang damdamin at kaisipan ng mga tao ng Iberia. Ikinukuwento niya ang mga pangkalahatang tendensiya ng mga tao sa lahat ng mga pangyayari. Nang malamang papalayo na ang Gibraltar, nagpuntahan ang mga tao sa baybayin para magpaalam.

May malalim na gustong sabihin si Saramago sa dalawang paglalarong ito. Una, ang kawalan ng kapangyarihan ng tao at, pangalawa, ang kakaibang sentimiyento na sunggabin ang sandali. May isang pilosopikal na diskurso ang binubuksan ni Saramago, ang pangalawang tahak ng nobela. Sa lahat-lahat, ano at saan nga ba ang pinatutunguhan ng lahat? Pinag-uusapan ng nobela ang iba't ibang nibel ng hangganan, literal, geograpikal, pisikal, polikal, sosyolohikal, historikal, at iba pa.

Magaling imahinasyon na ipinakita ni Saramago sa nobela ito bagaman may iisa lang talaga akong kritisismo sa nobela, ang mga pangunahing tauhan. Mahirap magkaroon ng koneksiyon sa mga tauhan. Hindi maintindihan ang mga saloobing nag-uudyok sa kanila para gawin ang mga bagay na ginawa nila sa loob ng nobela. Marahil gawa ito ng nangingibabaw na karanasan ng tadhana sa buong nobela. Baka siguro napakahaba ng diskursong pang-agham si Saramago dahil hindi maiwasan ang pangingibabaw na ito. Ngunit parang walang mukha mga tauhan. Oo, meron silang mga pagkatao't mga katangian ngunit wala silang mukha. Mukha na kagaya ng sinasabi ni Levinas kung saan napapatigil tayo para pansinin. Ngunit ang kritisismong ito ay maaaring hindi obhektibo dahil naghahanap ako ng personal na paghalina sa mga tauhan.

Kagaya ng sinabi ko, magaling ang imahinasyon na ipinakita ni Saramago at mga nibel na diskurso na ibinabato niya ay hindi lamang basta-basta na magagawa. Ngunit nagawa niya at, sa tingin ko, nagtagumpay naman siya.

***

Congrats nga pala kay Ino sa kanyang pagkakatanggap sa Dumaguete Natinal Writers' Workshop

Huwebes, Abril 20, 2006

Wala lang

Obsessed ang mga kapatid ko sa "Kim Sam Soon". Nagdadabog sila kapag hindi sila makauwi kaagad para mapanood ang bagong episode. At kani-kanina lang, patakbo silang umakyat ng kuwarto nila pagkadating nila galing sa pagsasayaw sa isang debut. Yun lang. :D

Huwebes, Abril 13, 2006

On 'The Gospel of Judas'

There has been a lot of fuss about the release of the translation of the Gospel of Judas. It was sensationally put as "a shocking revelation." Though intriguing and interesting, I found myself not questioning but reaffirming what I believed in the Catholic Christian faith as I watch the whole documentary that was shown on National Geographic.

First, the idea that the Gospel would change how we see our faith is over emphasized, even sensationalized. The Gospel was written by a branch of early Christianity called the Gnostics. And the Gnostics were, as I have heard, deemed heretics by the early Church. Their beliefs are actually quite different to that of the theology that the Catholic and Orthodox Churches believe. Many Gnostics didn't believe in the Trinity (in the Gospel of Judas, Jesus laughs at the prayer of the disciples to the Father the Creator) to name a few. There are a lot of things that the Gnostics contest that Christianity today whole-heartedly believes (Just loook of the Councils). What I am just saying is that Gnostism is not compatible with today's Christianity, it's a different kind of theology. What the news people should try to do is also understand what the Christian beliefs are today and counter-impose it with the Gnosticism. In that way we would have a balanced understanding of Christianity, which the documentary did quite well. All I'm saying is, if you don't know or understand or believe in the Christian theology of today, your so-called "faith" will definately be "rocked."

Second, the idea that Judas was 'convinced' by Jesus to betray Him strikes me as a little fanatical. Would I kill for the glory/will of God? Would I do evil for the greater good? A tricky moral question but, looking at the Gospel of Judas, it seemed quite clear though not easy, "Yes, you should." Again, it is quite fanatical. If it applied then, would it apply now? Hardly. But If we see the whole teaching of Jesus, it is not about the evils that we do but the good that we do that should always concern the will of God. Yes, the betrayal of Judas, in some sense, was necessary for the whole Passion to come full circle. But the question that the Gospel puts forward is the power of free will vs. God's. Judas, having premonitions in the Gospel, knew what was going to happen. And Jesus, God egged him on. It is a tricky proposition this free will vs. God's will. But Jesus wanting evil to happen? It's all about faith.

Though the importance of the Gospel of Judas cannot be denied. It gives a theological and historical understanding of the opposing beliefs that was fought out during the early phase of Christianity. It's funny that all this theological rivalry happened during the height of the persecutions. As we can see, on has to be buried for 1700 years while another thrived for the past 1700.

Lunes, Abril 10, 2006

Makinilyang Altar

Sa totoo lang, natapos ko nang basahin ang nobelang ito ni Ma'am Luna Sicat-Cleto, yung kopya na ibinigay sa akin noong Ateneo-Heights Workshop, noon pang sembreak. Minabuti ko nang simulan ngayon ang pagsusulat ng mga review/critique ng mga nobelang nabasa mula noong huli kong librong binagyang komentaryo (ang huli ay tungkol sa nobelang "Snow Country"). Kaya sisimulan ko na.

Umiikot ang kuwento ng nobela sa pamilyang Dimasupil, partikular na ang relasyon ni Deo, ama ng pamilya, sa kanyang panganay na anak na si Laya. At isa sa pangunahing elemento (o hadlang?) sa relasyon ng mag-ama ang pagiging manunulat ni Deo, na nagbubugso sa kanya upang maging mapag-isa upang hubugin ang kanyang sining.

Maaaring tingnan ang nobela bilang autobiographical, ang karakter ni Deo ay hinibog sa pagkatao ng bantog na manunulat na si Rogelio Sicat at ang karakter ni Laya ay sa may-akda. Mahalaga ang detalyeng ito upang maintindihan ang partikularidad ng karanasan ng pagiging isang manunulat. Nilalapitan ang karanasan ng pagsusulat sa maraming nibel, isang propesyunal o bokasyonal na gawa, isang personal na paghahanap sa sarili, at, isang sikolohikal na sumpa dahil sa pangangailangan ng manunulat na maging mapag-isa.

Ang huli, para sa akin, ang pangunahing humili sa aking pagbabasa. Pagminsan ang pag-iisang ito ay kinakailangan upang marinig ang sarili at mahuli ang Musa. Ngunit sa paghahanap at pakikitagpo sa Musa, naitataboy ni Deo ang kanyang mga anak, isang karanasang makakaapekto kay Laya hanggang siya'y tumanda.

Iba't iba ang estilong ginagamit sa bawat kabanata ng nobela. May pagbabago ng punto de bista, mayroong tuloy-tuluyan habang ang iba'y fragmentary. Ang pagbabago-bago ng estilong ito ang nagpahirap sa aking pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit unang tauhan ang pagsasalaysay sa unang kabanata habang naging omniscient naman sa sumunod. Hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganito ang nobela. Ngunit kung hindi ganito ang nobela, hindi nito lubusang matatalakay ang nasabi ko nang mga tema't usapin. Ganoon rin, lumilikha ng kakaibang "kaguluhang" ito sa karanasan ng pagbabasa. Isang karanasan na mamaring isang repleksiyon ng relasyon ng dalawang pangunahing mga tauhan. Bilang mambabasa, ang kawalang kasiguraduhang ito ng nobelang ito ay isang formal na manepistasyon ng paghihilahan at pagtutulakan nina Deo at Laya at maging sa iba pang mga tauhan.

Isa pang nagpahirap sa aking pagbabasa ay ang sintaksis ng nobela. Kalimita'y di-karaniwan ang istraktura ng mga pangungusap (mas sanay ako sa karaniwan, yung hindi o bihirang gumagamit ng 'ay' at kalimitang karaniwan ang ginagamit ko sa aking pagsusulat, lalo na sa mga kuwento ko). Kaya ang bagal-bagal ng aking pagbabasa ng nobela. Kahit na sinimulan ko ang pagbabasa ng nobela noong makuha ko ang aklat noong workshop, natapos ko lamang ito noon lamang Oktubre. Hindi naman kasi inaabot ng higit dalawang buwan ang pagbabasa ko ng nobela. Ito at Catch-22 ang pinakamatagal. Iba marahil ang register ng mga pangungusap sa akin kaya napakabagal ng aking pagbabasa. Ewan ko kung mahalaga ba ito. Personal preference lang siguro at wala nang teorikal na kahalagahan.

Bagaman na hirapan ako sa pagbabasa sa nobelang ito dahil sa dalawang nasabing dahilan, mairerekomenda ko pa rin ang nobelang ito lalo na sa mga manunulat. Isa taimtim na pagninilay ito sa karanasan pagiging isang manunulat at ng pagsusulat, dalawang bagay na malalim ang relasyon ngunit dalawang magkaibang karanasan. Bagaman wala akong "Makinilyang Altar," isang bagay na sinasamba ko sa aking pagsusulat (marahil isang repleksiyon aking pagiging baguhan sa larang na ito?), madaling magkaroon ng ugnayan sa mga tauhan ng nobela, kung hindi man ay unawain sila.

Martes, Abril 04, 2006

"I'm fine. Seriously."

Kauuwi ko lang kahapon galing ospital. Hinimatay kasi ako noong umaga nang Linggo. Napraning ang mga tao, lalo na ang mga magulang ko. Agad naman nilang sinisi ang aking "kalusugan." Noong Sabado kasi, masama na ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan ko at medyo matamlay. Kaya hindi ko napanood ang kalahati ang graduation ni Tetel, kapatid ko.

Hindi ko alam kung bakit ako hinimatay. Maaari raw na dahil sa pagbagsak ng BP ko o ng blood suger ko. (Low blood sugar? Cerda? They don't sound right together.) Kaya sa ospital, binigyan nila ako ng "the works." X-ray, 2D Echo (they used the ultrasound to check my heart), blood testing, at inobserbahan ako nang mga dalawang araw. Wala naman talaga silang nakitang problematiko. Normal na normal naman daw. Medyo mataas lang daw ang uric acid ko pero "within normal" pa naman daw.

At sa tingin ko ngayon, medyo nag-over-react ang mga magulang. May sakit pa rin naman ako, inuubo, sinisipon. Dagdag pa ang masakit na balikat (yun kasi ang nadag-anan ko nang mahulog ako). So, anong nagawa ng ospital para sa akin? Wala. Gumaan lang ang loob ng mga magulang ko't wala silang nakitang "seryoso" sa akin.

Sa loob ng ospital, natapos ko na rin ang nobelang "The Master and Margarita" ni Mikhail Bulgakov. Siguro magandang basahin ko rin ang "Faust" para lubos na maintindihan ang "The Master and Margarita." Pero nakakatuwa at magaling na nobela ang "The Master and Margarita" sa kanyang sarili.

Napanood ko rin ang interview nina Sir Vim at Sir Egay sa NBN4. Nakakatuwa naman. Hindi ko nga lang talaga gusto ang isang host ng palabas.

Kaya ayon. Maliligo pa ako.

Lunes, Marso 27, 2006

"So, ano nga na talaga ang gagawin ko ngayon?"

Unang-una, congratulations sa lahat ng mga batch '06 ng Ateneo na kasama kong nagtapos noong nakalipas na Biyernes at Sabado.

Nakakatuwang makitang naghahanap ng mga trabaho ang mga tao. Naroon marahil sa trabaho ang "independence" na maaari nating makamit. Nakakatuwang makitang naghahanap ang mga tao ng kanilang sariling sulok at responsibilidad na kanilang aakuin, o maaaring gawing kanila at angkinin bilang sarili.

Pero ako, narito sa San Pablo, nakahiga, nakaupo, at nasa tapat ng kompiyuter at nagsusulat. Hindi ako naghahanap ng trabaho. Hindi muna. Napag-isipan kong kumuha muna ng Master's degree. Aayusin ko ang application ko sa Abril, kapag nakuha ko na transcript ko. Game naman ang mga magulang ko. Kaya "scholar" pa rin ako ng mga magulang ko. Siyempre, nakakahiya naman kung palagi na lang akong umaasa sa kanila. Tapos magsisimula na rin ang isa ko pang kapatid para magkolehiyo (sa LA SALLE!).

Isa pa, gusto ko talagang magturo. Magturo ng Panitikan at, lalo na, ng Malikhaing Pagsulat. Pero mahirap makarating sa ganoong nibel kung walang kang M.A. o Ph.D. Sabi nga ni Sir Mike Coroza, kailangang magkaroon ng "foothold" sa larang ng Panitikan. At magandang simula ang magkaroon ng titulong Gradwado.

At dagdag pa, parang kulang pa ang natutuhan ko sa kolehiyo. Hindi sa pipitsugin ang mga kinuha kong mga kurso. (Astig pa rin ang mga kinuha kong mga klase sa Filipino. Dami kong natutuhan sa mga iyon. Laki ring tulong ang mga workshop at seminar classes sa paghasa ng aking disiplina at estetika.) Nerd lang talaga siguro ako. O baka gusto ko lang maabot ang nibel nina Sir Vim, Sir Egay, Sir Mike, at ng iba pang mga guro ko pagdating sa Panitikan at pagsusulat. Kahit man lang sa titulo, mapantayan ko sila. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanila at hinding-hindi ko iyon maaaring pantayan o suklian.

Sabado, Marso 18, 2006

Pabasa

Nagkaroon ng Pabasa kanina dito sa amin. Oo, yung Pasyon. Kaya kahapon, may mga nakahanda nang mga mesa sa garahe at pagkain sa kusina. Paggising ko kanina, mga 8:40 ata noon, nagsisimula ang Pabasa. Hindi madalas na ganapin ang Pabasa sa bahay namin. Pero nakakatuwa.

Gusto ko sanang bumaba at panoorin ang mga nagbabasa pero nahiya ako. Sinilip ko lang sila. Marami-rami pa rin pala ang umaawit ng pasyon. Puro nga lang matatanda ang nakita ko. Mga hindi hihigit ng 20 ang mga umaawit. Malakas naman ang kanilang pagkanta kaya rinig ko ang kanilang pagbasa sa kuwarto nina Dad at Mama, sa banyo nila, at sa Music room.

Hindi ko sila masyado maintindihan. Dahil nga siguro wala ako sa presensya nila kaya ganoon. Nakakatuwa yung mga pagkakataong napapatigil sila. "Marathon," ika nga, ang mga Pabasa. Tuloy-tuloy. Para hindi mapagod, may mga berso na iilan lang ang aawit, ang susunod ay sasaluhin ng iba. Nag-a-alternate. Pero paminsan-minsan, napapatigil sila dahil nawala sa konsentrasyon ang susunod na grupo. Naririnig ko pa nga ang hagikhikan ng mga nagbabasa tuwing nangyayari iyon.

Hindi ko alam kung paano nila nagagawa iyon. Kumanta na nga lang ng Pambansang Awit, pinagpapawisan na ako, Pasyon pa kaya? Hindi ko alam kung anong oras sila nagsimula pero natapos na sila nang mga ilang minuto bago mag alas otso y medya. Astig rin sila. Hardcore. Paano kaya ang mga Pabasa noon? Yung walang ilaw kapag ginabi tapos maagang-maaga pa ang kanilang simula. Nahihinuha ko tuloy ang mga panahon ng epiko. Sana hindi mawala ang tradisyong ito, hindi man relihiyoso kundi dahil sa kultural na kahalagahan nito.

Huwebes, Marso 16, 2006

LS Awards

It's official, patok na patok ang aking orange barong! People can't stop noticing! Hahaha. Dito nga pala makikita ang announcement sa Ateneo website tungkol sa award. (Naroon ang pangalan ko! Mali nga lang ang ispeling. :D)

Anyway, masaya naman ang buong awards. Medyo maaga rin ang punta namin nina Dad at Mama sa Ateneo. Mga 3:15 nang hapon. Akala kasi namin 3:30 magsisimula ang picture taking pero 4:00 na nagsimula. Nagkaroon na lang kami ng kuhanan ng picture kasama ang pamilya namin.

Hindi pa rin natapos ang hiritan nang pumunta na kami sa likuran para sa martsa. Baka tinatago lang namin ang aming nerbiyos.

Hindi ko na siguro lilistahin ang buong nangyari sa Awards. Yung mahahalaga na lang siguro na sandali. Kagaya ng makuha ng mga ibang mga Block E at ng ibang mga kasama ang kanilang plaque at kasama ang pagbanggit sa kanilang mga citation. Sobrang saya noon lalo na para sa mga kakilala't mga kaibigan. (Astig nga ng citation nina Cerz at Jihan mula kay Dr. Miroy e. :D)

Masaya ring alalahanin ang mga pagtatanghal ng mga theater artists. Da best pa rin ang pagiging 'Nilalang' ni Jake at bentang-benta ang monologue ni Vanessa. At siyempre, carry ni Crisel na mag-mini-concert para sa Awards. Bagaman nahihinuha kong hindi iyon ang huli nilang pagtatanghal sa loob ng Ateneo.

At sa totoo lang, hindi ko maiwasang kilabutan tuwing binabasa ni Rap ang kanyang tula. (Parang nasa pagitan ng kilig at pagpapaalala ng aking pagiging S.A.W.I. :D)

Pagdating sa katapusan ng seremonyas, hindi ko mapigilang maging masaya at magaan ang kalooban. Natutuwa ako't nakasama ang mga magagaling na mga batang manunulat at artista. Bagaman pakiramdam ko pa rin isa lang akong malaking sabit kung ikukumpara sa kanila.

Linggo, Marso 12, 2006

Orange ar "Play?"

Orange ang kulay ng barong na susuotin ko para sa LS Awards. Ewan nga e kasi parang hindi bagay sa akin ang kulay. Bahala na.

Napanood ko rin kahapon ang "historical musical presentation" ng Canossa College. Pamagat nito'y "Gintong Ani" at bahagi ng golden anniversary ng paaralan. Ano ang masasabi ko? Hindi iyon dula. Walang kuwento, masyadong self-serving, at napakaarchaic ng pagsasabi ng mga linya. Basta. Hindi siya dula. Yun na iyon.

May practice pa bukas para sa LS Awards. E alas kwatro pa iyon. Anong gagawin ko buong araw?

Miyerkules, Marso 08, 2006

Kalagayan ng Pagiging Malinaw

Tapos na akong magpa-clearance kahapon. Parang "yeah" na feeling. Ewan ko. Nakakapagod din palang maghintay 'no? Umaga nang kunin ko mula sa ADSA ang clearance ko. Kasama ko sina Edlyn, Yumi, at Jihan sa pagpapalagda. Mabilis lang sa Rizal library. Nakakainis nga lang at hindi nila tinanggal sa record nila na naibalik ko na yung huling aklat na hiniram ko. Kaya hinanap ko pa sa 3rd floor ang aklat na iyon at pinakita ko sa kanila na naroon na nga. Pagkatapos, iniwan namin sa accounting office ang clearance form namin. E mga alas dos y medya namin makukuha pa uli iyon. Wala pa namang alas dose noon. Kaya kumain na lang muna kami sa Yellow Cab.

Nang makuha muli namin ang mga clearance namin, iisa na lang na lagda ang kulang, ang sa Registrar's. Kaya iniwan na namin ang mga forms namin at bumalik sa Fine Arts office. At ngayon, "Malinaw na kami." (Ang pangit ng translation.)

Pagkatapos naming magpa-clear, pumunta ako sa talk na inihanda ni Ma'am Karla para sa kanyang klase. Nakakatuwa ang mga nakapanayam namin. Masyado lang sigurong mainstream ang kanilang sinusulat kaya't hindi ako masyadong naantig sa mga sinabi nila. Pero ok din. Makapagsulat kaya sa magazine? Ewan.

Ngayong araw, kinuha ko lang ang mga grad pics ko. Nakakatuwa't ang daming reklamo ni Cerz. Totoo naman ang mga hinaing niya.

Ngayo'y nasa San Pablo ako. (Pasensiya kina Geopet at Jay kung hindi ako makakapunta sa meeting sa Biyernes. Babawi na lang ako.) Nakakatuwa't may bago akong bookshelf. Ayos, may paglalagyan pang lalo ng mga libro ko. Ngayon, maglalaro ako ng Rome: Total War.

Lunes, Marso 06, 2006

"Clear ka na ba sa Clearance?"

Pumasok ako kanina sa Ateneo para sa meeting sa LS Awards. Update lang para sa aming gagawin sa susunod na dalawang linggo at sa mismong awarding.

Sunod naming ginawa nina Geopet at Jihan ang paghahanap ng mga lagda para sa clearance. Mabilis naman ngunit natagalan lamang kami sa ADSA. Pinagliban na lang namin bukas ni Geopet ang pagkuha ng aming clearance.

Sumama ako sa meeting nina Jay at Geopet para sa kanilang planong komiks. Unang meeting lang iyon at mukhang mapapasabak ako. Hindi ko alam kung paano magsulat ng komiks. Magpapatulong ako Jay. (Jay, tulong ha?) Pero mukhang bagay naman ako sa konsepto nila. Tingnan ko lang kung may maganda akong maiisip na kuwento para sa kanila.

Nakakatuwa nga't yun na lang ang pinaggagawa ko e, mag-isip ng mga kuwento't magsulat. Pero mukhang mabubulilyaso ito dahil nagsimula na ulit akong maglaro ng Medieval: Total War. Walang magawa e.

Daraan na lang ako sa Ateneo bukas para matapos ang clearance, mag-research nang kaunti para sa mga sinusulat ko at pumunta sa talk na inayos ni Ma'am Karla Delgado para sa kanyang Non-fic class.

Ang boring talaga ng buhay kung walang paaralan.

Biyernes, Marso 03, 2006

Sa Wakas?

Kaka-email ko lang group paper ko para sa Fil 101 sa mga kagrupo ko. Ire-report namin iyon bukas ngunit hindi ko masasabing hassle iyon. Sanay na, ika nga.

Napasa ko na rin ang prod book ko para sa Practicum. Kaya masasabi kong tapos na ang lahat ng akademikong pangangailangan na dapat kong gampanan. Ewan ko. Exciting pero hindi. Ewan ko. Bahala na.

Good luck sa iba sa inyo.

Miyerkules, Marso 01, 2006

"Naramdaman nyo ba yun?"

Lumindol kanina. Mga alas syete ata noon. Nasa condo ako. Tumagal ito nang mga tatlumpung segundo. Ewan ko napakahina nito. Baka nga hindi ramdam ng mga tao sa ibaba at mas ramdam sa mga kagaya kong nasa mataas na palapag.

Sa totoo lang, may kaunti akong pagkahumaling sa mga lindol. Ewan ko. Siguro nakikita ko ito bilang pulso ng mundo.

***

Sa isang banda, matindi ang nararamdaman kong antok ngayon. Gawa siguro ng pagtatapos ng semestre. Alam ng katawan kong malapit nang matapos ang lahat kaya naghahabol na sa tulog. Pero hindi pa dapat ako antukin, may prodbook pang kailangang gawin! Hay, bahala na.

***

Pahuling banggit, nakakatuwa ang palabas na 'How Trekies Changed the World.' Sobrang nakakatawa ang palabas. 'Star Trek,' inimpluwensiyahan ang mundo? At astig ang mga hirit ni William Shatner. Kanta pa niya ang ginamit para sa closing credits. Sobrang weird na palabas.

Martes, Pebrero 28, 2006

Prod Book na lang!!!

Naipasa ko na kanina ang dalawa kong papel para sa Fil 101. Nakakatuwa nga kasi hapit ang pagkakagawa ko roon. Nai-print ko siya nang mga 11:15 nang umaga, e may orals pa ako nang mga 11:30 para sa Philo 104. Sobrang close call. Tapos hindi ko pa mahanap yung consultation room na paggaganapan. Mabuti na lang at nakita ko agad bago ko natapos ang nauna sa akin. Pagkatapos na ng orals ko napasa yung mga papel ko.

Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na prod book na lang ang kailangan kong atupagin. Parang kailan lang... Wahahaha, hindi ako magpapaka-nostalgic ngayon. Sa susunod na lang. Marami pa rin naman talagang kailangan gawin bago ang "wakas." Formalities na lamang ang mga kailangan pagkatapos ng prod book. Well, sana formalities na lang. Ano ba iyan? Napakalabo naman ng isip ko ngayon. Antok lang siguro. At euphoria.

Linggo, Pebrero 26, 2006

Theo down, a few more nagging things to go

Tapos na ang theo final oral exam ko. Went ok. I'm not expecting a high grade. Basta makapasa na lang. (Please Lord.) Papers na lang para sa Fil 101 (Yes, paperssss,) Orals para sa Philo 104 at Prodbook para sa Practicum, and I can just hunt down them signatures! Yeheyermhegr...

Biyernes, Pebrero 24, 2006

Anak ng Dinonselya, May Binoga na Naman!

Panimula

Mahirap pag-aralan ang wika kung hindi ito oobserbahan sa mga pagkakataong ginagamit ito. At sa pahayagan ang isa sa maraming pamamaraan kung saan ito maaaring obserbahan. Kaya pinili ni Reuel Molina Aguila ang tabloyd bilang paksa ng kanyang pagsasaliksik. Sa tabloyd nakikita ang araw-araw na gamit ng wikang Filipino ayon na rin sa, di umano, wika ng madla.

Pagbubuod
Ang Kabuuang Tulak ng Tabloyd

Ayon kay Aguila, mahalagang bigyang pansin ang tabloyd sa larangan ng wika dahil sa lawak ng sirkulasyon nito. Nakatuon ito sa ordinaryong mamamayan at binabasa ng ordinaryong mamamayan. Ngunit hindi lamang nakatuon sa pagbabalita ng mga mahahalagang mga pangyayari sa ating bayan ang ginagawa ng mga tabloyd. Ani Aguila, “Mahalaga para sa mga ito ang na gumamit ng mga “gimik” o pamamaraan na agad aakit sa mambibili.”

Nilista ni Aguila ang iba’t ibang mga pamamaraan na ito, kagaya ng mga larawan ng mga hubad na mga babae (at lalaki); pagbibigay ng lubos na pansin sa mga balitang “sensational,” mga kontrobersiya, balitang artista, krimen, tsismis, sex at sport; at ang mga sex column. Bagaman matindi ang pokus o niche na kinatatayuan ng tabloyd, mahalaga pa rin ang papel na ginagampanan ng wika.

Ang mga Pahayagang Tabloyd

Nilista ni Aguila ang iba’t ibang tabloyd na kanyang binasa para sa pagsasaliksik na ito. Ito ang mga pahayagang: 1) Abante/Abante Tonight/Abante Sunday Special, 2) Balita, 3) Bomba, 4) Bulgar, 5) Expose, 6) Imbestigador, 7) Pilipino Star Ngayon, 8) Pinoy Wekly, 9) PM (Pang-Masa), 10) Remate, 11) Tiktik, at 12) Toro.

Hinahati niya sa dalawang kategorya ang mga tabloyd, ang mga “pangahas” at ang mga “disente.” Nasa ilalim ng “pangahas” na pahayagan ang mga tabloyd na Abante, Bomba, Bulgar, Toro, Expose, PM, Remate, at Tiktik. Nasa ilalim naman ng “disenteng” peryodismo ang mga tabloyd na Balita, Imbestigador, Pilipino Star Ngayon, at Pinoy Weekly. Mahalagang pansinin na napapasailalim ang karamihan sa mga “disenteng” tabloyd sa mas malalaking mga pahayagan.

Isang Maikling Kasaysayan ng Tabloyd

Ayon kay Aguila, unang lumabas ang mga tabloyd sa Filipinas, na batay sa mga tipong lumalabas sa Amerika at Ingglatera, noong dekada ’60. Ngunit binanggit ni Aguila ang isang tabloyd na lumabas noong 1908, ang Lipang Kalabaw. Mahalaga ang Lipang Kalabaw dahil dito nagsimula ang “double meaning” na pinapairal ng mga tabloyd.

Ang Tabloyd-Talkish

Hinati ni Aguila sa anim ang mga salitang ginagamit sa tabloyd: pormal o regular na Filipino, “malalim” na Tagalog, sward-speak, balbal o salitang-kanto, Ingles, Ingles na isina-Filipino, at “bulgar.”

Sa tawag pa lamang, nasa katergoryang pormal o regular na Filipino ang salita’t pahayag na karaniwang ginagamit ng pangkalahatan ng lipunan. Ginamit ni Aguila bilang halimbawa ang mga salitang “paghaharapin” at “nasamsam.”

Inilagay naman sa kategoryang “Malalim na Tagalog” ang mga salitang, bagaman Tagalog, hindi na ginagamit ng mga pangkaraniwang tao sa pang-araw-araw na pananalita. Binigay na halimbawa ang mga salitang “tinunton,” “binulabog,” at “kukulimbatin.”

Sward-speak naman ang mga salitang nagmula sa wika ng mga bakla. Halimbawang mga salitang binigay ang “papa,” “deadma,” at “lafanggera.”

Inilagay sa kategoryang “balbal o salitang kanto” ang mga salitang mababatid na, bagaman ginagamit sa mga palengke o kalye, ay hindi ginagamit ng mga nasa altasosyedad. Halimbawa ng salitang balbal ang “binoga,” “bebot,” at “kelot.”

Hiniwalay ni Aguila ang mga salitang Ingles na hiniram nang buo sa mga salitang binaybay sa Filipino’t isina-Filipino sa bigkas. Halimbawang ibinigay ang mga salitang “transition government,” “casino financiers,” “nagpapabyuti,” “holdaper,” at “narekober.”

“Bulgar” naman ang mga salitang hindi katanggap-tanggap sa moralidad ng lipunan. Mabuting pansinin na tungkol sa sex ang karamihan ng mga salitang ito. Ang mga salitang “yagbols,” “nota,” “keps,” at “umeebak” ang mga salitang binagay bilang halimbawa.

Ang Walang Habas na Panghihiram

Lubos ang pagpuna ni Aguila sa mga pamamaraan ng panghihiram ng mga tabloyd. Bagaman pinayayaman nito ang bokabularyo ng Filipino, magulo para kay Aguila ang mga pamamaraan ng mga tabloyd sa panghihiram dahil walang iisang alituntunin ang sinusunod nila. Tinatanggap nang buo at walang pagbabago ang ilang mga salita, kagaya ng salitang “Producer,” ngunit malabo ang mga alituntunin sa pagsasa-Filipino. May mga salitang hiram na sina-Filipino, kagaya ng “nangangarnap,” at “tserman,” “weder-weder lang,” “in lab na in lab,” “praning,” at “nagplastikan.” May mga salitang nanatili ang baybay Ingles ngunit nilalapian na parang salitang Filipino, kagaya ng “i-freeze,” “nang-hostage,” “ma-pride,” at “ka-live-in.” May mga salita namang Ingles na nagiging “syokoy,” kagaya ng “taklesa” at “notoryoso.” Ngunit pagdating sa mga salitang hango sa partikular na larang, kagaya ng ekonomiya, politikal, pang-agham, at iba pa.

Walang Said na Salita sa Krimen at Sex

Binagyang pansin ni Aguila ang mga salita sa espesyalisasyon ng mga tabloid, ang krimen at sex. Makikitang mas litaw ang sistema ng anim na kategorya sa dalawang paksang ito. Halos umabot sa dalawang dosena ang mga salitang maaaring humalili sa salitang “patay” o “pagpatay,” bagaman may partikular na kahulugan ang bawat panghalili. Iba ang “binoga” sa “kinatay” ngunit masasabing magkakapareho ng kahulugan ang mga salitang “binoga,” “binaril,” “niratrat,” at “tinadtad ng bala” para sa paglalarawan ng pamamaril. Dahil sa pangangailangang ilarawan nang mas mabuti ang kanilang binabalita, nagkakaroon ng malawak na bokabularyo at sistema ang tabloyd para sa isang partikular na karanasan. Sa sex, naghahaluhalo rin ang anim na kategorya upang makabuo ng isang sistema kung saan maaari nitong isalaysay ang mga “karumaldumal” na mga gawain.

Mas Grabe sa Sex Column at Text ng Mambabasa

Pinuna rin ni Aguila ang halos hindi “censored” na mga sex column at, nitong huli dahil sa mamamayagpag ng cellphone, ng mga text message ng mga mambabasa. Ngunit hindi siya nagbigay ng halimbawa ng paggamit ng wika sa mga sex column. Nagbigay lamang siya ng halimbawa ng “bulgar” na mga mensahe sa text.

Iba Pang Obserbasyon

Nagbigay ng anim na dagdag na obserbasyon si Aguila. Una, tinutulak ng “batas ng pagbebenta” ang sistema ng salita’t wika ng tablyod. Kinakailangang maging “maimbento” ang mga tabloyd upang bumenta. Pangalawa, naaapektuhan ng editor o patnugot ng tabloyd ang wika ng tabloyd. Tinatawag niya itong “Batas ng mga editor.” Mapapansin sa wika ng tabloyd kung gaano kalawak o kakitid sa wika ang mga editor. Pangatlo, dahil sa pagnanasang maging “sensational,” nagkakaroon ng mga pagkakamali sa balarila at katalamakan sa panghihiram. Pang-apat, kaduda-duda para kay Aguila kung madali nga bang maunawaan ang wikang ginagamit ng tabloyd. Wika nga ba ito ng masa o wika ng isang bahagi lamang ng lipunan? Panlima, inaamin naman ni Aguila na may naiambag ang tabloyd upang palawakin ang wika dahil sa pagbibigay ng mga salita, partikular na sa krimen. Pang-anim, isinusulong ni Aguila, bagaman inilahad niya ito sa isang retorikal na tanong, ang pagkakaroon ng censorship sa tabloyd, hindi lamang sa mga larawan kundi pati na rin sa mga salitang ginagamit dito.

Huling Hirit

“Kalayaan” ang isang salitang hindi maikakaila ni Aguila upang ilarawan ang kalagayan ng wika ng tabloyd. Hindi nito sinusunod ang mga batas ng balarila. Imbes, sinusunod nito ang batas ng ekonomiya at sensationalism. At hindi maikaila ni Aguila na, kung titingnan ang kasaysayan, may positibong ambag ang kalayang ito sa wikang Filipino.

Ngunit naniniwala si Aguila na hindi lubusang mananaig ang kalayaan ng tabloyd para mabago ang mukha ng wikang Filipino. Nariyan pa rin ang mga iba’t ibang mga bahagi ng lipunan upang magtimbang kung ang mga salita ay matatanggap o mananatili.

Puna

Malawak ang pagsusuri ni Aguila sa wika ng tabloyd. Isang magandang ambag ang tala ng mga salita na kanyang ipinakita sa artikulo. Malinaw ang kategorya’t paggugrupo ng mga salita. Ibinigay niya ang kahulugan ng mga salita at kung saang kategorya ito nabibilang.

Ang tanging magiging puna ko lamang ay ang kakulangan ng artikulo upang mahuli ang “sensational” na dating ng balitang tabloyd. Bagaman nagbigay si Aguila ng mga halimbawa kung paano ginagamit ang mga salita, hindi nakukuha ng mga halimbawa ang pandidiri o pagngitngit na maaaring makuha sa pagbabasa ng isang tunay na tabloyd. Hindi kasi nailalagay ang mga salita sa konteksto ng isang pang-araw-araw na balita’t pangyayari.

Panapos

Bagaman mababa ang tingin sa tabloyd, tama si Aguila na hindi kaduda-duda ang impluwensiya nito sa ating wika. Dito ginagamit ang mga salita at kataga upang ilarawan ang pang-araw-araw na karanasan ng mga tao, “sentational” man ito o hindi. Ngunit hindi nabigyang pansin ni Aguila ang maaaring epekto ng iba’t ibang paksa, larang, at boses sa wika ng tabloyd. Ang hindi lamang isang tala ng mga salita na may katapat na kahulugan ang wika. Isa itong masalimuot na sistema ng nagbabagong ugnayan ng mga signifier sa signified, ng mambabasa sa teksto, at ng larang, sa moda, at sa tenor.