Thursday, November 19, 2009
Pagtakas sa Isang Lumulubog na Bangka
Napanood ko kanina sa ANC ang konperensiya ng LAKAS-KAMPI-CMD. Punong-puno ang dating PICC. Engrande ang entablado--malalaki't maliliwanag na video screen ang telon na gumagalaw pa. Sa mga naroon, nagkalat ang mga lobo at plakard. Estilo talagang Democratic o Republican Convention sa Amerika. Pero isa lang itong walang katuturang pag-iingay at wala naman talagang kapangyarihan ang LAKAS-KAMPI-CMD pagdating sa pambansang antas. (Sa tingin ko mananatili pa ring makapangyarihan ang LAKAS-KAMPI sa lokal na antas maliban na lang kung maging matalino ang mga botante at tanggalin ang lahat ng mga bumoto para sa HR 1109.) Walang-wala halos si Gibo Teodoro. 4% pagdating sa SWS survey. 4%! May margin of error pa sila ng 2.5%. Parang hindi ka umiiral noon. Mas mataas pa ang ranggo ni Erap. At may masamang kasaysayan na si Erap noon. Kagaya nga ng sinabi ni MLQIII sa kolum niya, isa itong laban sa pagitan ni Manny Villar at Noynoy Aquino para sa pagkapangulo. Bukod pa diyan, marami ang nag-aaklasan mula sa LAKAS-KAMPI tungo sa ibang mga partido tulad ng Nacionalista at Liberal. Ewan ko ba pero pakiramdam ko, habang pinapanood ang konperensiya ng LAKAS-KAMPI-CMD, parang nag-aaksaya lang ako ng oras.
Monday, November 16, 2009
Mga Sandali ng Apokalipsis
1. Kawalan ng Langis
Tinanggal na ang price ceiling para sa mga produkto ngayong araw ngunit naging interesante ang pagbabanta ng mga korporasyon ng mga langis ng kakulangan sa langis dulot ng price ceiling na ipinataw ng pagkatapos ng Ondoy at Peping. May mga balita na may mga istasyon ng gasolina sa Metro Manila hanggang sa mga lalawigan ang nauubusan ng gasolina’t napipilitang magrasyon at magsarado. At naging tensiyunado ang buong bansa. Mahirap linawin kung gaano naging kalala ang problema (may tendensiya kasi na maging eksahirado ang balita sa TV).
Nakakatawa lang talaga ang lohika ng korporasyon ng “kita muna”. Naging dating talaga sa akin ay black mail ang nangyari. Kung hindi rin nga naman sila kikita e di huwag na lang. Hindi naman sa sinusuportahan ko ang price control at ang EO 839 pero naging malinaw lang kung kaninong kapakanan ba talaga ang binabantayan at sinusubaybayan ng mga korporasyon. (Hindi naman sa sobrang galing ng track record ng Administrasyong Arroyo sa kung ano-ano.) At interesante nga na ang BSP mismo’y nagsasabi na hindi pa naman kailangan ng price increase sa petrolyo. Ewan ko ba kung ginagago lang talaga nila tayo o krisis na nga ba talaga.
2. Lindol
Ako lang ba o parang ang dami ng mga lindol akong nakikita sa balita dito sa Pilipinas? Sa nakalipas na dalawang buwan, marami-raming magnitude 5 pataas na lindol ang naganap sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Pero kung titingnan nga ang website ng PHIVOLCS, parang normal lang naman talaga ang isang magnitude 5. Kaya baka epekto naman ng panonood ng TV ito. Pero pagkatapos ng mga lindol sa Indonesia, hindi rin naman kataka-taka na maging sensitibo sa mga balitang tulad nito.
3. 2012
Ewan ko kung bakit may mga kaso na naniniwala ang mga tao na matatapos ang mundo sa 2012 (Disyembre 21 to be exact) pagkatapos mapanood ang pelikulang “2012”. Napanood ko na ang pelikula at malinaw na kalokohan ang pseudo-science na nililikha ng pelikula bilang dahilan ng pagtatapos ng mundo. At, ano ba, ang pangit-pangit ng pelikula para paniwalaan.

Mga etiketa:
movies
Wednesday, November 11, 2009
ANI 35 Press Release
CCP launches 35th issue of Ani publication
11 November 2009, Pasay City – The Cultural Center of the Philippines (CCP) Literary Arts Division will launch Ani 35, The Pinoy as Asian issue, on November 26, 2009, 6:00 p.m., at the CCP Ramp with some of the featured authors reading from their works.
“Ani 35 is devoted to writings by Filipinos on their interaction with other Asian peoples and cultures. This may be interpreted as a response to the call of Dr. Bienvenido Lumbera, National Artist, on the need to reconnect with Southeast Asian literary tradition if we are to survive in this age of globalization,” Herminio S. Beltran, Jr., Literary Arts Division chief and editor of the publication, wrote in the Introduction. “We hope this will inspire the birthing of mechanisms and eventually practices in the Philippine literary/publishing world that will start off a more dynamic interaction among Filipino writers and their counterparts in the Asian continent,” Beltran continued.
Ani 35 features 54 authors who contributed for three sections: poetry; prose (essay and fiction) based on the The Pinoy as Asian theme and; Malayang Haraya for poetry and prose contributions outside the theme.
The 54 authors included in Ani 35 are Mark Angeles, Lilia F. Antonio, G. Mae Aquino, Genevieve L. Asenjo, Abdon M. Balde, Jr., Janet Tauro Batuigas, Gil Beltran, Herminio S. Beltran, Jr., Kristoffer Berse, Jaime Jesus Borlagdan, Raymond Calbay, Catherine Candano, Nonon V. Carandang, Christoffer Mitch Cerda, Joey Stephanie Chua, Kristian S. Cordero, Genaro R. Gojo Cruz, Carlomar Arcangel Daoana, Arvin Tiong Ello, Dennis Espada, Rogerick Fontanilla Fernandez, Reparado Galos III, Dr. Luis Gatmaitan, Joscephine Gomez, Malou Jacob, Ferdinand Pisigan Jarin, Karla Javier, Phillip Kimpo, Jr., Ed Nelson R. Labao, Gexter Ocampo Lacambra, Erwin C. Lareza, Jeffrey A. Lubang, Glenn Sevilla Mas, Perry C. Mangilaya, Noahlyn Maranan, Francisco Arias Monteseña, Ruth V. Mostrales, Victor Emmanuel Nadera, Jose Velando Ogatis-I, Wilhelmina S. Orozco, H. Francisco V. Peñones, Jr., Scott Magkachi Sabóy, Judith Balares Salamat, Edgar Calabia Samar, Louie Jon A. Sanchez, Soliman Agulto Santos, Dinah Roma-Sianturi, Rakki E. Sison-Buban, Jason Tabinas, Vincent Lester G. Tan, Dolores R. Taylan, Rosario Torres-Yu, Betty Uy-Regala, and Camilo M. Villanueva, Jr.
For issues of Ani, please contact the CCP Marketing Department at 551-7930 or 832-11-25 locals 1800 to 1808. For authors who want to contribute for the next issue of Ani, please contact the CCP Literary Arts Division at 832-11-25 locals 1706 and 1707, or email aniyearbook@yahoo.com.

Wednesday, October 28, 2009
Rebyu Edition: Sembreak (Ingat: May Spoilers)
1. Virgintarian at Iba Pang Kuwento
Tinitipon sa aklat na ito ang mga kuwento ni Mayette Bayuga. Sa introduksiyon ng aklat, ginugrupo ni Rosario Cruz Lucero sa tatlong hanay. Una, mga kuwentong inisasyon o coming-of-age. Pangalawa, mga kuwentong may maigting na paglalahad ng sexual politics lalo ng feminismo. Pangatlo, mga kuwento ng pagiging "iba" ng babae, wika nga ni Lucero. Interesante ang mga kuwentong nasa unang hanay dahil sa sensitibidad at pinong paghawak ni Bayuga ng kanyang materyal. Bagaman hindi na bago ang mga ganoong uri ng kuwento, sa kamay ni Bayuga, umaangat sa ibang antas ang mga kuwento. Halimbawa na lang ang "Unang Baytang." Bagaman walang banghay at tungkol lamang sa unang araw sa eskwela ni Sarah. Ngunit puno ng tensiyon ang kanyang unang araw dahil ipinamamalas ang kawalang-inosente ng mga bata. Na sa mga murang edad, puno na sila ng mga prehuwisyo. Nakakaasiwa naman ang mga kuwento sa pangalawang hanay at sa tingin ko, iyon naman talaga ang gustong gawin ni Bayuga. Napakatindi ng kuwento sa paglalarawan ng pagkaapi ng kababaihan sa mga relasyon sa mga lalaki. May tendensiyang maging istereotipikal ang paglalarawan ng mga lalaki sa hanay ng mga kuwentong ito ngunit nauunawaan ko naman iyon dahil nga dinadala sa sukdulan ng mga kuwento ang pang-aapi sa mga babae. Na ang mga lalaki'y mga representasyon ng patriarkiya at hindi lamang mga a**hole na nang-aapi ng kanilang mga asawa/kinakasama. Kaya nga kapag itinuturo ko ang "Ang Baliw," palagi kong sinasabi sa mga lalaki kong estudyante na hindi nila kailangang maging masyadong mailang o malungkot kasi ganoon lang talaga. Sa huling hanay ng mga kuwento lumalabas ang eksperimentasyong ambag ni Bayuga sa pagkukuwento. Karamihan sa mga kuwentong nasa hanay na ito'y patungkol sa natatangi ngunit marginal na kalagayan ng mga babae partikular ang babae bilang babaylan. Lahat ng mga kuwento sa kalipunan ay may dating at salimuot na maaaring pag-isipan.
2. Shame
Tungkol at di-tungkol sa Pakistan ang nobelang ito. Malinaw itong sinabi ng tagapagsalaysay sa loob ng nobela. Puno ng mga tauhang batay sa mga tunay na tao habang naghahalo sa mga kathang nilalang. Bagaman may pangunahing tauhan, si Omar Khayyam Shakil, na itinatanghal ang tagapagsalaysay, hindi naman talaga siya ang pangunahing paksa at pakay ng nobela. Sa pamagat pa lang, itinatanghal na ang pangunahing tema ng nobela: shame o hiya. Nagsisimula ang nobela sa kawalanghiya at nagtatapos sa panunubos ng kawalanghiyaang namamayani sa kabuuan ng nobela. At pangunahin nang pinagkakaabalahan ng mga tauhan ang hiya o kawalan ng hiyang kanilang nararamdaman. Para kay Omar Khayyam, ang kawalanghiyaang nararamdaman niya sa kanyang pinagmulan at sa kawalanghiyaang damdamin ng kanyang mga ina. Para kay Raza Hyder, ang nanggagaling ang hiya sa kanyang kakulangan bilang sundalo at bilang lalaki. Para kay Bilquis, asawa ni Raza, resulta ang kanyang hiya ng terorismong kanyang naranasan noong dalaga siya't iniligtas siya ni Raza. At ang lahat ng kawalanghiya at hiyang nararanasan nila'y ipinamamalas nang literal ni Sufiya Zinobia, anak nina Raza't Bilquis. At ito nga ang pangunahing nagpapatakbo hindi lamang sa buhay nila kundi sa buong bansang maaaring hindi Pakistan. At matatapos ang lahat sa literal na pagkasawi ng mga tauhan dahil sa kanilang hiya't kawalanghiya.

books
Saturday, October 10, 2009
Rebyu Edition: Pelikula (May Spoilers)
1. In My Life
Pinanood ko ito kasama ang pamilya tatlong linggo na ang nakakaraan. May mga sandaling nakakaaliw ang pelikula pero all in all, pangit ito. Isang nakakainis na tauhan ang ginagampanan ni Vilma Santos, isang talakerang maraming isyu sa buhay, mula sa pagtanda, pagkakawatak-watak ng kanyang pamilya at sa pagiging bading ng kanyang kaisa-isang lalaking anak. At dahil napakadaming isyu ang tinatangkang harapin ng pelikula tungkol sa pangunahin nitong tauhan, nagiging sabog tuloy ang kabuuang daloy ng lahat. At parang napakadaling resolbahin ang bawat problema at isyu nang ganun na lang. Interesante ang isyu ng migrasyon at gay relationships pero hindi lubusang natatalakay nang maayos ng pelikula dahil nga nasasapawan ng tauhan ni Vilma Santos ang mga isyu na ito. Kaya pagkatapos manood e napagod din lang ako imbes na gumaan ang pakiramdam dahil sa catharsis.
2. Blow Up
Dinerehe ni Michelangelo Antonioni at batay sa isang maikling kuwento ni Julio Cortazar, umiikot ang pelikula sa isang photographer na nagngangalang Thomas, na ginampan ni David Hemmings. Malaking bahagi ng mga unang kalahating oras ng pelikula ay walang banghay o plot. Sinusubaybayan lamang ang mga gawain ni Thomas bilang isang photographer. Kung saan-saan siya pumunta at maliban sa kanyang trabaho bilang isang photographer, tila walang direksiyon ang kanyang buhay. Ginagawa lang niya ang gusto niyang gawin sa sandaling iyon at kapag may nakita siyang interesante, kinukunan niya ng litrato. Ang pinakamahalagang sandali sa pelikula ang pagkuha ni Thomas ng mga litrato ng dalawang mangingibig sa isang park. Kakaiba ang reaksiyon ng babae, na ginampan ni Vanessa Redgrave, sa kanyang pagkuha ng litrato. Sinundan siya ng babae sa kanyang apartment at tinangkang kunin mula sa kanya ang mga negatibo ng kanyang litrato. Sa pag-develop niya sa mga litrato, doon niya natagpuan na posibleng naging saksi siya sa isang krimen at ang kanyang mga nakuhang litrato ang tanging ebidensiya sa nangyaring krimen.
Decadent ngunit nabubulok ang kabuuang kaligiran na ginagalawan ni Thomas. Isang 60's London na tila catatonic at manhid sa maraming mga bagay. May isang eksena sa pelikula sa isang club at umaawit ang isang rock band ngunit walang ekspresyon ang mukha ng mga tagapakinig. Interesado si Thomas sa mundong ito at siya na nga ang isa sa mga pinakabuhay sa London. Ngunit interesado sa mundo bilang isang photographer at hindi bilang isang tao. Interesado siya sa mundo bilang sining. Kaya't nang mamalayan niya ang krimen na nangyari, hinanap niya ang katotohanan. Bilang photographer, mga representasyon at imahen ang kanyang pangunahing katuwang. At kung tutuusi'y gamit ng kamera lamang niya natantong may krimen palang nangyari sa park. Isa itong kabalintunaan dahil matalas ang kanyang mata bilang photographer. Gayudin, nang mawala ang mga negatibo niya dahil nilooban ang kanyang bahay, nawala na rin ang ebidensiya. At bagaman nakita niya ang bangkay, nawala rin ito at sino ang makapagsasabi na nangyari nga ang krimen kung wala na ang ebidensiya? At dahil hindi naman talaga niya nakita nang tuwiran ang krimen, dahil sa mga larawan lamang niya iyon nahinuha, kaduda-duda rin ang kanyang magiging testimonya. At sa mundo ng puno ng pagwawalang-bahala, bakit pa nga ba niya kailangang mabahala?
3. Infernal Affairs
Umiikot sa isang mole ng triad na nasa loob ng Hong Kong Police at ng isang undercover na pulis na nasa loob ng triad, puno ng paliko-liko ang pelikula dahil sa bawat sandali'y may bagong development. Nang hindi naging matagumpay ang isang sting operation ng pulisya laban sa triad, naging malinaw na may mga traydor sa loob bawat organisasyon. Puno ng pagpapanggap ang bawat tauhan at tila nagkakahalo na nga ang mga identidad. At iyon ang interesante para sa pelikulang ito, na hindi lamang ito labanan sa pagitan ng mabuti at ng masama. Paano nga ba huhusgahan ang kabutihan ng isang tao? Buong buhay ba niya bilang krimenal ang pagbabatayan o ang isang sandali ng pagwawasto? Lubhang etikal ang pelikula at hindi basta-bastang moralistiko.

Wednesday, September 30, 2009
Post-Apocalyptic Commentary
1.
Kahapon, ginawang relief center ang Malakanyang. Kaya hindi kataka-takang marami ang pumuntang mga tao sa Malankang para humingi ng tulong. Pero kataka-taka ang anunsiyong ginawa ni Esperon sa mga taong nandoon. Huwag na raw silang pumunta sa Malakanyang dahil ang pagkain at mga kagamitang ipinapake doon ay para sa mga higit na nangangailangan sa mga bayan ng Cainta, Pasig at Marikina. Marahil kaugnay ito ng napansin ni Sir Roland Tolentino sa kanyang column sa Pinoy Weekly
. Mga kakatwang anunsiyong puno ng kabalintunaan. Kasi nga bakit pupunta sa Malakanyang ang mga taong iyon kung hindi sila nangangailangan? Hindi ba halos buong Metro Manila, lalong-lalo na ang mga malalapit sa mga ilog at mga mababang lugar ang tinamaan ng baha? Hindi ba malapit ang Malakanyang sa mga barangay na binaha rin ng umapaw na ilog? Ewan ko, parang napaka-insensitive lang ng anunsiyo ni Esperon.
2. Anunsiyo mula sa Pangalawang Pangulo ng mga Paaralang Loyola
30 September 2009
MEMO TO: The Loyola Schools Community
FROM : Ma. Assunta C. Cuyegkeng
Vice President for the Loyola Schools
SUBJECT: After Ondoy
For the past days, we have been hearing stories of loss and devastation experienced by many members of our community. We share in their grief and hope to share, too, in the rebuilding. This aftermath of Ondoy challenges the University's traditional learning environment; however, it allows us to learn and grow in different ways. Thus, the Deans, Associate Deans, representatives of various sectors, and I have agreed on the following:
1. Unless otherwise announced by CHED, Malacañan, or the Quezon City government, classes will continue until 21 October 2009, but there will be no final exams.
a.The basis of the final grade will be the current class standing of the student.
b.If a student wishes to raise his/her grade, s/he will have the option of taking the final exam or fulfilling an equivalent requirement. The deadline for completing INC or NE may be extended.
2.Classes can be used to deal with the aftermath of Ondoy, e.g., apply knowledge, skill sets, and values to understanding and managing disaster, rebuilding and rehabilitation of communities, or organizing and implementing support systems.
3.We are encouraging everyone to assist affected members of our community by volunteering and assisting in any of the following activities:
a.Collection and distribution of relief goods (c/o Ms. Mary Ann P. Manapat, Director of the Office for Social Concern and Involvement, loc. 5090, 5091, direct line: 426-1017, mmanapat@ateneo.edu
)
b.Debriefing and counseling assistance (c/o Dr. Edna C. Franco, Chair of the Department of Psychology, loc. 5260, 5262, efranco@ateneo.edu
)
c.Accommodation or service assistance to affected members of the LS community (e.g., community/house clean-up, food preparation, laundry, repairs, transport, babysitting, sharing IT and learning resources, etc.) (c/o Ms. Marie Joy R. Salita, Director of the Office of Administrative Services, loc. 5100-5103, msalita@ateneo.edu
)
d.Medical and health assistance (c/o Dr. Raymundo S. Baquiran, Director of the Office of Health Services, loc. 5110, 5106, lshealth@admu.edu.ph
)
4.We would like to get updates on members of our community who have not been accounted for. You may contact Sanggu (0928 348 1686), Office of the ADSA (0920 914 2372), or Office of the VPLS (0928 503 1248).
I wish to thank all those who have given time, resources and service to our relief operations and look forward to your involvement in the difficult period of rehabilitation.
Kahapon, ginawang relief center ang Malakanyang. Kaya hindi kataka-takang marami ang pumuntang mga tao sa Malankang para humingi ng tulong. Pero kataka-taka ang anunsiyong ginawa ni Esperon sa mga taong nandoon. Huwag na raw silang pumunta sa Malakanyang dahil ang pagkain at mga kagamitang ipinapake doon ay para sa mga higit na nangangailangan sa mga bayan ng Cainta, Pasig at Marikina. Marahil kaugnay ito ng napansin ni Sir Roland Tolentino sa kanyang column sa Pinoy Weekly
. Mga kakatwang anunsiyong puno ng kabalintunaan. Kasi nga bakit pupunta sa Malakanyang ang mga taong iyon kung hindi sila nangangailangan? Hindi ba halos buong Metro Manila, lalong-lalo na ang mga malalapit sa mga ilog at mga mababang lugar ang tinamaan ng baha? Hindi ba malapit ang Malakanyang sa mga barangay na binaha rin ng umapaw na ilog? Ewan ko, parang napaka-insensitive lang ng anunsiyo ni Esperon.2. Anunsiyo mula sa Pangalawang Pangulo ng mga Paaralang Loyola
30 September 2009
MEMO TO: The Loyola Schools Community
FROM : Ma. Assunta C. Cuyegkeng
Vice President for the Loyola Schools
SUBJECT: After Ondoy
For the past days, we have been hearing stories of loss and devastation experienced by many members of our community. We share in their grief and hope to share, too, in the rebuilding. This aftermath of Ondoy challenges the University's traditional learning environment; however, it allows us to learn and grow in different ways. Thus, the Deans, Associate Deans, representatives of various sectors, and I have agreed on the following:
1. Unless otherwise announced by CHED, Malacañan, or the Quezon City government, classes will continue until 21 October 2009, but there will be no final exams.
a.The basis of the final grade will be the current class standing of the student.
b.If a student wishes to raise his/her grade, s/he will have the option of taking the final exam or fulfilling an equivalent requirement. The deadline for completing INC or NE may be extended.
2.Classes can be used to deal with the aftermath of Ondoy, e.g., apply knowledge, skill sets, and values to understanding and managing disaster, rebuilding and rehabilitation of communities, or organizing and implementing support systems.
3.We are encouraging everyone to assist affected members of our community by volunteering and assisting in any of the following activities:
a.Collection and distribution of relief goods (c/o Ms. Mary Ann P. Manapat, Director of the Office for Social Concern and Involvement, loc. 5090, 5091, direct line: 426-1017, mmanapat@ateneo.edu
)b.Debriefing and counseling assistance (c/o Dr. Edna C. Franco, Chair of the Department of Psychology, loc. 5260, 5262, efranco@ateneo.edu
)c.Accommodation or service assistance to affected members of the LS community (e.g., community/house clean-up, food preparation, laundry, repairs, transport, babysitting, sharing IT and learning resources, etc.) (c/o Ms. Marie Joy R. Salita, Director of the Office of Administrative Services, loc. 5100-5103, msalita@ateneo.edu
)d.Medical and health assistance (c/o Dr. Raymundo S. Baquiran, Director of the Office of Health Services, loc. 5110, 5106, lshealth@admu.edu.ph
)4.We would like to get updates on members of our community who have not been accounted for. You may contact Sanggu (0928 348 1686), Office of the ADSA (0920 914 2372), or Office of the VPLS (0928 503 1248).
I wish to thank all those who have given time, resources and service to our relief operations and look forward to your involvement in the difficult period of rehabilitation.
Monday, September 28, 2009
Post-Apocalypse
1.
Tinulugan ko lang ang bagyo noong Sabado. Oo, tinulugan ko lang. Nagsusulat kasi ako ng unang draft ng thesis proposal at nagpupuyat noong mga nakalipas na mga gabi. Gumising ako nang mga alas nuwebe at tumanaw mula sa bintana at wala ako halos makita sa tanawin. Ganoong kalakas ang ulan, hindi ko makita ang ibang mga bahay mula sa mataas-taas na palapag ng condominium. Kumain ako ng agahan at pagkatapos e natulog na ulit. (Natulog ampota!) Hapon na nang magising ulit ako. Bumili ako ng tinapay (kahit na umuulan pa rin) para sa hapunan. Nakakuha ako ng tawag mula sa mga magulang ko nang mga 9:30 at nakibalita mula sa kanila at sa nangyari sa mga kapatid na nasa Taft. Alas dos na ako nakatulog kasi nabasa pa ako't nagbalot ng libro. (Nagbasa at nagbalot ampota!)
Kahapon nagkita-kita kami ng pamilya sa Glorietta. (Nagmall ampota!) Sumakay lang ako ng LRT2 at MRT3. Doon ko napansin ang pagkasalanta ng ilang mga lugar. At napansin ko din na may putik ang mga binti't paa ng ilang mga kasabay sa tren. Kaya tinext ko lahat ng mga kakilala: "Happy post-apocalyptic Sunday sa inyong lahat! Sana manatiling ligtas kayong lahat." (Nag-joke ampota!)
Pagkauwi, pagkatapos makakuha ng text mula kay Sir Je, doon ko namalayan ang bigat ng lahat at ni-raid ko ang aking pantry. Kinuha't inilagay sa plastic bag ang ilang mga bagay na nakita doon na hindi ko naman makakain kaagad kasi medyo puno pa ang ref ko.
Kanina, pumunta ako ng Ateneo. Hapon na noon. Inaantok pa rin e kaya ganoon. Una akong pumunta sa De La Costa pero walang tao sa Kagawaran. Kaya, dala-dala ang bag ko ng pagkain, dumiretso na ako ng Cov Courts. Papunta doon nakapagtatakang makakita ng mga taong walang dalang payong na naglalakad sa Ateneo. Pero nakakatuwang makakita ng maraming tao doon sa Cov Courts. Parang iyong isang maayos na kaguluhan. Iniwan ko na lang aking plastic bag ng kung ano-ano at umalis na rin. Kahit na patulog-tulog ako nitong mga nakalipas na mga araw, wala talaga akong stamina para sa mga ganoong bagay. Nakakuha din ako ng balita mula kay Sir Je na okey na raw ang karamihan ng mga taong hindi namin makontak sa Marikina. kaya umuwi na lang ako, umidlip at nagbasa. (Umidlip at nagbasa ampota!)
2. Mga link
Tungkol sa Bagyong Ondoy. Mula sa NY Times. Mula sa BBC News. Mula sa CNN. Mula sa The Age. Mula sa The Guardian.
Isang listahan ng mga relief centers sa Pilipinas.
Kung bakit hindi masayang makipag-usap sa mga manunulat.

Saturday, September 19, 2009
Dahil kailangang ipagmayabang ang nabili sa Book Fair...
1.
Langya, masakit pa rin ang paa't binti. Pero heto na:
1. "El Indio," Francisco Coching, Vibal Publishing, 2009
2. "The Kite of Stars and Other Stories," Dean Francis Alfar, Anvil Publishing, 2007
3. "The Revolution According to Raymundo Mata," Gina Apostol, Anvil Publishing, 2009
4. "Eros, Thanatos, Cubao," Tony Perez, Cacho Publishing, 1994
5. "Beyond Paris: Contemporary French Stories," Cacho Publishing, 1998
6. "Religion of the Katipunan," Isabelo de los Reyes, National Historical Institute, 2009
7. "Speeches, Articles and Letters," Graciano Lopez Jaena, National Historical Institute, 1994
8. "Sawikaan 2007," UP Press, 2008
9. "Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas," Rolando Tolentino, UP Press, 2009
10. "Globalization and Becoming-Nation," Elmo Gonzaga, UP Press, 2009
11. "The Birthing of Hannibal Valdez," Afrredo Navarro Salanga, New Day Publishing, 1984
12. "Fortess in the Plaza," Linda Ty-Casper, New Day Publishing, 1985
13. "Parang," Mesandel Virtusio Arguelles, High Chair, 2008
14. "Samsara," Allan Popa, High Chair & AVHRC, 2002
15. "Alunsina's Wrist," Kristine Domingo, High Chair, 2004
16. "You Are Here," Mabi David, High Chair, 2009
Iyon lang.
2.
Book launch nga pala kahapon ng unang isyu ng Heights para sa taong pampaaralan na ito. Hindi maganda ang isyu kasi wala ako. (Egotistic much?) Pero seryoso, kumuha kayo ng kopya hangga't meron pa.

Monday, September 07, 2009
Maikli lang...
1.
Naging nakakapagod ang nakalipas na linggo dahil sa pagsasaayos ng mga application at entry para sa UBOD at Ateneo National. Mga hapon na sorting at filing, sorting at filing. Kaya madalas akong nakakatulog pagkauwi noong isang linggo. Nakapatong pa diyan ang sakit ko. (Kaunting ubo lang naman at sakit ng katawan at lagnat.) Hindi naman sa nagrereklamo ako. Ganoon lang talaga ang nangyari. Isang interesanteng pangyayari nga lang e mukhang coordinator ako para sa workshop dahil ginawang direktor ng workshop si Yol, ang coordinator ng nakalipas na mga taon. Si Egay dapat ang direktor, tulad ng nakalipas na mga taon, pero nagpaliban siya dahil sa kanyang compre para sa Ph.D. Kaya iyon, mukha mas malaki nang kaunti ang role ko para sa workshop ngayong taon.
(Oy, tsismis, may mga napili na kaming ilang fellows. Hintayin lang ang kabuuang listahan sa susunod na linggo. Tease, hahaha)
2.
Birthday ni Dad kahapon. Nag-hotel siya at ang mga kapatid ko. Hindi na sumama. May sakit e. Sumama lang ako sa hapunan noong Sabado. Iyon lang naman talaga ang ginawa ko nitong long weekend. Nagpahinga. Dahil siguradong tambak na naman para sa paghahanda sa ANWW.
3.
Binigyan ako ni Mama ng mas matapang na antibiotics. Mukhang gumagana naman.
4.
Shit, bumabagal ang paggawa ng thesis. May malinaw na naman akong gustong gawin. Malinaw na ang statement of the problem. Malinaw na kung ano ang gagawin ko para sa kabuuan ng thesis. Medyo tuliro lang siguro at out of focus.

thesis drama
Friday, September 04, 2009
Paglulunsad ng "The Highest Hiding Place" ni Sir Larry Ypil
You are warmly invited!
Palanca and Free Press winner Lawrence Lacambra Ypil's first book of poems, The Highest Hiding Place, will be launched on Monday, September 7, from 6.30 pm, at Mag:net (in front of Miriam College), Katipunan Ave., Quezon City. The event will feature readings and performances by Ypil's mentors, colleagues, friends, and fellow poets.
Highest Hiding Place gathers Ypil's award-winning works and other pieces, and charts his more than a decade's exploration of the intersections of desire, displacement and voice. In the book's foreword, Simeon Dumdum Jr., finds that "[m]ost of these poems have to do with the house in which the poet grew up and which he now sees from his imaginary loft--the area by the screen door, under the old clocks, beside the vases, the lemon tree in the yard around which his father cut away for more air and sun. Which brings us to the man, a doctor, whom the poet sees tenderly attending to his patients." And to his mother, whose "Garden" is a quiet poem of order and love and time and death. Adds Dumdum, "In and through these the poet sees his own life."
Much of this life Ypil has spent in Cebu, where he was born and raised. He studied medicine before deciding to teach poetry and creative writing at the Ateneo de Manila University. His bimonthly column comes out in Sun Star Weekend. As a biology major at the Ateneo, Ypil received the Dean's Award for Creative Writing: Poetry, and the Mulry Award for Literary Excellence.
Highest Hiding Place is available at the Ateneo Press bookshop, the Loyola Schools bookstore (426-6001 loc. 5184), Popular (372-2162), Solidaridad (523-0870), and soon in other good bookstores. (Mag:net 929-3191; Press bookshop 426-5984; unipress@admu.edu.ph,
www.ateneopress.org)
Thank you, we hope to see you!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)