Lunes, Disyembre 31, 2007

Meditasyon at Premonisyon

Ito ang sinulat ko noong bago mag-Bagong Taon noong nakaraang taon:

Pagkatapos ng tatlong nakakapagod na araw, nagising ako kaninang tanghali ng may pagkabagabag. Hindi ko alam kung ano. Basta. Hindi ako mapakali. Parang may darating, mangyayari, o kung ano mang mahalaga na dapat kong paghandaan pero hindi naman ako sigurado kung paano dahil hindi ko naman alam kung ano iyon. Hindi ako makatutok sa mga ginagawa ko. Sana pakiramdam lang ito at lumipas na. At kung may darating, dumating na. Dahil hindi ako ang tipo ng taong nagpapakataranta.

At kung babalikan ko ang nakaraang taon at ihahambing sa mga sinabi kong ito, parang ganito na rin ang pakiramdam ko sa nakalipas na taon. Hindi ako taranta nitong nakalipas na taon. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi naman ako yung ganoong tipo ng tao. Parang lumipas ang taon na mayroong hinihintay na mangyari pero hindi naman nangyari. Kung mayroon naman akong sinisimulan, katulad sa aking pagsusulat, karamihan ay hindi ko natatapos. Parang isang malaking "Wala lang" ang buong taon. Maliban sa ilang mga munting pangyayari, katulad ng paglalathala ng dalawang kuwento, ang pagiging sabit sa 7th ANWW at ang iba pang mga mumunting okasyon, pakiramdam ko'y parang dapat na napakaraming nangyari pa nitong 2007 na hindi nangyari. Hindi ko alam kung dahil tatanga-tanga lang ako o hindi ko lang talaga hinahabol ang mga oportunidad na napapadaan diyan. At kagaya ng sinabi ko noon, hindi malinaw sa akin nang mga panahong iyon kung anong mangyayari sa 2007. May nais akong mangyari sa 2007 na hindi nangyari. May inaasahan akong mangyari na hindi nangyari.

Pero ngayong taong 2008, tila mas malinag sa akin kung ano ang nais kong mangyari, ang nais kong gawin. Kung pag-iigihin ko, matatapos ko na ang aking Masters sa susunod na school year. Inaasahan ko ang 2008 na maging mahalagang taon para sa akin. Inaasahan kong sa 2008 ko pagdedesisyonan ang ilang mga mahahalang pagpapasya na makaaapekto sa aking buhay sa susunod na mga taon. Hindi naman manghuhula kaya mahirap sabihin kung ano sa partikular. Inaasahan ko lang naman. Ang malaking bahagi pa rin para mangyari ang gusto kong mangyari sa nasa sarili ko. Yung paghirapang makamit iyong mga gusto kong mangyari, yung gusto kong gawin. Tama na siguro ang patanga-tanga. Panahon na para tumanda.

Bago Magtapos ang Taong Ito...

...isang pagtatagpo.



Unang dumating sina Danny at Elmer. At gaya ng kinagawian mula pa noong high school...



...naglaro kami sa Playstation ng NBA Street at Virtua Fighter.



At sumunod si Gino.



Ilang minuto pagkadating ni Gino, dumating na sina Aina at Tonet, na makikita ditong binabasa ang isang kopya ng "Mga Kuwentong Paspasan." (Plug!)



Dumating naman si Lulu, na may hawak ng "Mga Kuwentong Paspasan" (Plug ulit!)...



...at si Pao.



Sinundo naman namin ni Pao si Carla sa may Petron sa labas ng barangay. At dahil dumating na ang lahat...



...binigay ko na ang mga regalo ko sa kanila. Binigyan ko si Carla ng kopya ng "Ang Sandali ng mga Mata"...



...kay Aina ay "Kuwadro Numero Uno"...



...kay Lulu ay "Smaller and Smaller Circles"...



...kay Tonet ay "Sandali"...



...kay Danny ay "Sa mga Kuko ng Liwanag," kay Pao ay "The Firewalkers," kay Gino ay "My Sad Republic" at kay Elmer ay "Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento."



At nag-inuman na kami...



...nagkuwentuhan...



...nagpiktyuran...



...at nagkulitan. At pagkatapos ng kaunting pahinga...





...nag-agahan na.

Sana marami pang mga pagsasama ang mangyari sa 2008.

Miyerkules, Disyembre 19, 2007

More Random Stuff

1.

Inaamin ng isang opisyal sa Japan na tunay ang mga UFO. Mayroon kayang opisyal sa Pilipinas ang aaming naniniwala siya sa manananggal?

2.

Langyang laking daga iyan!

3.

Pwede rin palang mamolestiya si Santa Claus.

4.

Kung ano ang ibig sabihin ng isang masamang araw sa beach.

5.

Nagbibigay ng bagong kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng SPAM sa email.

6.

Ito nga kaya ang nangyari kay Michael Jackson?

7.

May long test ako nang 3:30 ng hapon.

8.

Baka umuwi na ako bukas sa San Pablo para sa Christmas break. Baka sumabay ako sa pagsundo kay Dad sa airport at diretsong uwi na kami.

Martes, Disyembre 18, 2007

Random Things

1.

Terry Eagleton sounds so eloquent in this interview. Naintriga tuloy ako na basahin ang kanyang mga libro.

2.

Let's go Medieval!

3.

Talking about black holes and galaxies excites me.

Linggo, Disyembre 16, 2007

Books

1.

Nalaman ko kahapon na binabasa pala ni Sir Allan ang blog ko. (Hi, Sir!) Naku, kailangan kong ingatan ang sinasabi ko dito. Ang pogi-pogi talaga na Sir Allan Popa. :D

But seriously, bagaman medyo nahapit ang oras namin sa pagdi-discuss sa mga tula ni Elizabeth Bishop, nag-enjoy kami sa mga tula niya sa "Geography III." Hindi maiwasan ni Jason na tumawa sa ilang mga tula. Para naman kay Nikka, gusto raw niyang yakapin si Elizabeth Bishop pagkatapos mabasa ang mga tula. Suggestion ko sa kaniyang hukayin ang bangkay ni Elizabeth Bishop, na nakalibing sa Worcester, Massachusetts, at saka niya yakapin. Although medyo weird iyon kasi lesbian si Elizabeth Bishop. Kahit pa, enjoy talaga mga tula niya. Sayang nga lang at walang kopya ng kahit anong koleksiyon niya sa Rizal Lib.

2.

Nakakita na ako ng mga kopya ng "Mga Kuwentong Paspasan" sa National at Powerbooks. Bili ka sana, implied reader ng blog ko. (Bili ka rin, Sir Allan. :D) Kasama ko sina Kael Co, Caty Bucu, Chan Mamforte at iba pang mga manunulat. Ito yung listahan ng mga manunulat na pinost ni Vicente Groyon, ang editor, tungkol sa "Mga Kuwentong Paspasan" at ang partner anthology sa Ingles, ang "Very Short Stories for Harried Readers":

Mga Kuwentong Paspasan (MIlflores Publishing). A collection of 30 short short stories in Filipino. Edited by Vicente Garcia Groyon. Featuring stories by: Karla Maria M. Fabon, Mikael de Lara Co, Zosimo Quibilan Jr., Dawn Aguila, Sarah Grutas, Reyna Mae Tabbada, Elyrah Loyola Salanga, Vlad Gonzales, Eugene Y. Evasco, JLS Esguerra, Hilda Rosca Nartea, Princess Pesig Pagsuyuin, Christoffer Mitch Cerda, Kristian G. Mamforte, Adam David, Alison L. Segarra, Mithi R. Sevilla, Adam Cornelius Bejer Asin, MA Cruz, Ed Maranan, Axel Pinpin, U Z. Eliserio, Mark Angeles, Enrico C. Torralba, Vincent Jan Cruz Rubio, Mykel Andrada, Caty Bucu, Chuckberry J. Pascual, Soleil Erika Manzano, and Louie Jon A. Sanchez.

Very Short Stories for Harried Readers (Milflores Publishing). A collection of 41 short short stories in English. Edited by Vicente Garcia Groyon. Featuring stories by: Anna Felicia C. Sanchez, Sandra Nicole Roldan, Rodrigo V. Dela Peña Jr., Prospero E. Pulma Jr., Francezca C. Kwe, Lawrence L. Ypil, Sharmaine Galve, Raymund P. Reyes, Flori Maximo, Catherine Candano, Pam Punzalan, Ayn Frances dela Cruz, Christian Tablazon, Ana Maria S. Villanueva, Libay Linsangan Cantor, Andrea Pasion, Cecille La Verne de la Cruz, Daryll Delgado, Anne Lagamayo, Jamina Jugo, Karen Manalastas, O. Bryan Alvarez, Danton Remoto, Jhoanna Lynn B. Cruz, Bj A. Patiño, Joshua L. Lim So, John Bengan, Carljoe Javier, Jose Claudio B. Guerrero, Mark Ponce, Timothy Montes, Faye Ilogon, Apol Lejano-Massebieau, Jerome Chua, Vicente Garcia Groyon, Jean Claire A. Dy, Celeste Flores-Coscolluela, Anna Chua, Irwin Allen B. Rivera, Paul S. de Guzman, and Eliza A. Victoria.

Martes, Disyembre 11, 2007

Pulikat

1.

Tapos na ang transcript para sa 7th ANWW. 99% at least. Kailangan ko pa siya sigurong pasadahan nang isang beses para maayos ang mga typos at kung ano pa. Naibigay ko na nga kanina ang kopya noon nang hindi pinapasadahan para sa pag-e-edit. Inaantok na kasi ako noon. Labindalawang oras lang ang tulog ko nang nakalipas na tatlong araw. Kaya naging atat ako sa pagpasa ng kopya madami-dami pang typos. Daan na lang ako bukas sa dept ulit para ibigay ang pinakamaayos na bersiyon. 123 pages nga pala ito.

2.

Bilang regalo sa aking (nearly) job well done, dumaan ako ng Ateneo Press para bumili ng ilang libro. Sale sila ngayon para sa Pasko. Hanggang Biyernes ang sale. Bumili ako ng "Waiting For Mariang Makiling" ni Resil Mojares, "A Bruise of Ashes" ni Carlos Angeles at "Common Continent" ni Linda Ty-Casper.

3.

Hindi ko pa nababasa ang mga librong kailangan kong gawan ng papel para sa klase ni Sir Mike at hindi ko pa tapos basahin ang "Geography III" ni Elizabeth Bishop para sa klase ni Sir Allan Popa. Medyo frustrating pero okey lang. Ganyang lang talaga.

4.

Umidlip ako kanina nang mga apat na oras at nagising na pinupulikat ang kanan kong binti. Masakit pa rin hanggang ngayong nagta-type nito.

Huwebes, Disyembre 06, 2007

"Wala akong problema kung ano siya basta masaya." - Allan Popa

1.

The Loyola Schools' Awards for the Arts (LSAA), formerly called the Dean's Awards for the Arts, are presented each year to seniors of the Loyola Schools who have done outstanding work in the arts.

The Awards recognize the students' artistry as expressed in the style and vision of outputs and achievements in the following categories: creative writing (poetry, fiction, literary essay, and playwriting) , theatre arts, screen arts, visual arts(painting, photography, graphic design, and illustration) , music and dance.

An LSAA Committee composed of faculty members of the Loyola Schools will evaluate the entries and determine awardees for each category.

Nominations in the different artistic categories are now being accepted by the Committee. To be eligible, a nominee must be a student of the Loyola Schools in his or her senior or fifth year. Nomination letters addressed to the Committee may be sent to the School of Humanities Dean's Office or e-mailed to this address: humani@admu. edu.ph.

Eligible nominees are required to submit the following documents to the School of Humanities Dean's Office, ground floor, Horacio de la Costa Hall:

1. A portfolio representing a body of works done over the last four years

2. An updated resume

3. A duly accomplished personal data sheet to be obtained from the SOH Dean's Office, and submitted to the same office. The data sheet can also be downloaded from the Ateneo de Manila University website here.

The deadline for submission of portfolios, data sheets and nomination letters is on Monday, 21 January 2008, at 5:00 p.m. (Only Ateneo faculty members and/or students may nominate candidates for the Awards.) This deadline is final. The announcement of awardees will be made on Tuesday, 26 February 2008. The awardees will receive a plaque during a ceremony on Wednesday, 12 March 2008.

2.

Noong Martes, nanood ako sa Henry Lee Irwin ng mga short film mula Cinemalaya. fund raising iyon para sa AILAP kung hindi ako nagkakamali. Libre lang akong nakapanood. Pero nakakahiya naman na manonood lang ako. Kaya nakitulong na rin sa magtawag sa mga estudyante, magpunit ng mga ticket at kung ano-ano pa. Nakakita ko pa si Rica Parelejo. Masayang panoorin ulit ang "Rolyo" at "Nineball." Weird ang "Gabon" habang cute ang "Toni." Siyempre bentang-benta sa mga estudyante ang "Nineball."

Sige, balik na ako sa transcription.

Huwebes, Nobyembre 29, 2007

Welcome to the Age of Postmodernism

1.

Kakain sana ako ng brunch nang napadpad ako sa ANC. Aerial footage ng mga naglalakad na sundalo sa kahabaan ng Makati Ave. Kaya nag-text agad ako sa mga tao. Akala nga ni Sir Egay na nasa Makati ako. Tinext ko rin si Gino tungkol doon at nakaligtaan ko talaga na birthday nga pala niya ngayon. Interesting to know na nakatira si Carla malapit lang sa Makati RTC at pinoproblema niya kung paano siya makakauwi pero hindi pa ngayon dahil may trabaho pa rin siya kahit may kaguluhan.

Tinawagan ko si Mama sa San Pablo. Apparently, hindi rin nila alam ang nangyari noong mga panahong iyon. Noong nangyari ang Oakwood, praning na praning sila para sa akin noon. Ngayon, wala halos kaba sa boses ni Mama. Akala nga niya may kailangan ako kaya ako tumawag. Sabi niya, uuwi daw si Tetel ngayon. Sana nga, nakauwi na siya. Tinext ko din si Dad, na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon. At sagot niya sa akin, "Mgka2gulo ba? Meron k p gus2 buks?" Ang sagot ko naman, "Wala isip ko sa mga books ngayon!" Dad talaga. Sana nakapagpabilin pero wala nga akong maisip noon.

2.

Halos natawa ako sa nangyari sa stock exchange. Pagkatapos bumaba dahil sa ginawa nina Trillanes pero pagdating ng tanghali ay tumaas na rin. Wala pake ang stock exchange sa kanila.

3.

At sa lahat ng mga araw para nangyari ito, sa araw pang ito na nilunsad ng AILAP ang nobela ni Sir Vim. Tuloy naman daw ang book launch. Kaya pumunta na lang ako ng Ateneo para mag-library. Napapirma ko na rin sa wakas ang kopya ko ng "Ang Sandali ng mga Mata." Ang mundo ng panitikan ay walang pake sa kanila.

4.

Pagdating sa Kagawaran, nagsama-sama ang mga tao sa Tinio Library at doon pinanood ang balita sa ABS-CBN. Seryoso ang panonood namin pero hindi namin maiwasang tumawa dahil kay Korina Sanchez. Kung ano-ano ang pinagtatanong niya sa kanyang mga correspondents. Highlight ng gabi ay nang tanungin niya si dating Bise Presidente Guingona nang papalabas na ang dating Bise Presidente ng Manila Pen, "Nasaan po kayo ngayon." Sagot ni Guingona, "Narito. Nasa Manila Pen." At ayon kay Korina, "aberya" ang nangyari.

Isa pang nagulat kaming mapanood ay ang pagpasok ng isang tangke sa loob ng lobby ng hotel. At ang unang hirit ni Allan Derain, "Paano na ang Palanca next year!?" Sa Manila Pen kalimitan ginaganap ang awarding ceremonies ng Palanca. Hirit naman ni Nori, "Ayan may bagong nobela na si Vim. Ang Sandali ng mga Tangke." Hirit naman ni Allan Popa, "Ang sarap pa naman ng ensaymada doon sa Manila Pen."
5.

At nang maaresto ang mga taga-media, nagbago ang takbo ng coverage. Nakalimutan na sina Trillanes at naging isyu na ng press freedom ang lahat. Sa huli, walang pake ang media kina Trillanes.

6.

Ngayon, may curfew na ipapatatag nang 12 ng hatinggabi hanggang 5 ng umaga. Ano? May pake ka ba? Ako, nanood lang ako. Sabi nga ni Amang Jun, "We live in exciting times." Pero hindi yata ito ang uri ng excitement na sinasabi niya.

Martes, Nobyembre 27, 2007

"3... 2... 1..."

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) of the Filipino Department, School of Humanities, Loyola Schools, invites the community to two book launches on November27 and 29, 2007, 3:00 p.m. at the Escaler Hall, Ateneo Loyola Heights campus.

On November 27, the book “101 Filipino Icons” published by Adarna House will be launched. Acting Dean Dr. Benilda Santos of the School of Humanities will give the opening remarks and National Artist Virgilio Almario will deliver a lecture entitled “Ang Kahalagahan ng mga Sagisag ng Kultura (The importance of cultural symbols).”

On November 29, Alvin Yapan's novel “Ang Sandali ng mga Mata,” co-winner of the National Book Award this year for the novel category and published by the Ateneo University Press, will be launched. Mr. Yapan will give a lecture during the launch.

Lunes, Nobyembre 26, 2007

WTF!?:An Update

Nagkaroon na ng first meeting noong nakalipas na Sabado para sa Fil 203 at Fil 217.2. Hindi pa ibinibigay ni Sir Mike ang kanyang syllabus pero, dahil naging titser ko na rin siya noong undergrad ako, sigurado akog libro ang ipapabasa niya para sa amin. Para naman kay Sir Allan libro din. Siyam na libro, kung hindi ako nagkakamali. Siyam na poetry books ang nakatoka sa amin para basahin ngayong sem. Puro Amerikano ito. Kasama ang "Ariel" ni Sylvia Plath, "self Portrait in a Convex Mirror" ni John Ashberry, "Howl and Other Poems" ni Allen Ginsberg. Halos isang poetry collection kami every week. May maikling papel naman na kailangang ipasa bilang reaction paper every week. Partner kami ni Nikka para magreport tungkol sa collection ni George Oppen. Iniwan na sa Fil Dept ang kopya ng mga ito maliban sa isang poetry collection ni Robert Creeley. I will know more about poetry in one sem compared to what I have learned in the past six years. Yehey for me. Excited na akong makarating sa L=A=N=G=U=A=G=E poetry.

Linggo, Nobyembre 18, 2007

Paspasan

1.

"Mga Kuwentong Paspasan" at "Stories for Harried Readers" mula sa Milflores at pinatnugutan ni Vicente Groyon ay nasa printers na at, kung pagbibigyan ng tadhana, darating sa Disyembre. Kinakabahan ako sa kuwentong ibinigay ko dahil pakiramdam ko hindi ganoong kaganda o espesyal ng aking kuwento. Ewan ko, pero baka dahil aking kuwento iyon kaya ganito ang pakiramdam ko. Inferiority complex ko lang siguro ito. Pero kung ano man, paglabas nito sa mga bookstore, bilhin nyo sana, implied reader ng blog na ito. Sigurado akong maganda ang ibang mga kuwento. sa totoo lang, excited akong makakuha ng kopya para mabasa ang ibang mga kuwento.

2.

Paalis si Dad papuntang Amerika sa darating na Miyerkules. Sasamahan niya si Lola papuntang New Jersey kung saan nakatira si Ate Rowena. Pinetisyon kasi ni Ate Rowena si Lola at naaprubahan na ito kamakailan. Kung ano man, hapit itong pag-alis na ito dahil hindi pa naman talaga dumarating ang visa ni Lola. Kaya umaasa silang darating agad ang visa.

Kung walang mabubulilyaso, plano ni Dad na dumaan muna sila ni Lolo sa San Francisco para doon ay maggala at magliwaliw. Pagkatapos ay lilipad silang papuntang New York. Wala silang mahanap na ticket papuntang Newark dahil papalapit na Thanksgiving season sa Amerika.

Bakit mag-aalsabalutan ang Lola kong higit 60? Sa totoo lang, malakas na malakas pa si Lola, ang natitira kong lola. Namatay na ang lola ko sa panig ng aking ina at pareho nang patay ang aking mga lolo, sumalangit nawa sila. Tinanong ko ito kay Dad kanina. Sagot niya: bakasyon at para mag-alaga ng mga bata. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang sa San Pablo tumira si Lola kung nais rin lamang niyang guminhawa ang buhay. Kayang-kaya naman ni Dad na alagaan si Lola sa San Pablo. Hindi naman marahil problema ang para kinana Mama at Dad na patirahin sa bahay si Lola. Pero kung pag-aalaga ng bata, aba'y ibang usapan na iyan. Plano kasi ni Ate Rowena at Kuya Romy na magkaanak. Sana nga naman kapag dumating si Lola ay matuloy ang planong ito. Palagi kasing pagod si Ate Rowena. Pero 16 hour shifts palagi siya doon sa ospital na pinagtatrabahuhan niya.

Nababagabag talaga ako sa pangyayaring ito. Sa sobrang pagkabigla nang malaman ko ang balitang ito noong isang buwan, natanim sa aking isipan ang isang simulain para sa isang nobela. Hindi ako sigurado kung maisusulat ko nga ang nobelang iyon. Pero ganoon ang pagkabagabag ko, pangnobelang uri ng bagabag.

3.

Napapanood n'yo ba yung "Ramdam nila ang asenso" commercials? Ewan ko pero parang hindi ko kailangan ng isang commercial para ipaalam sa akin kung may pag-asenso nga bang nangyayari. Ipinapakita ng commercial na ito ang asensong dumarating sa mga ordinaryong mga mamamayan. Mula sa mga OFW at ang mga pamilya nila hanggang sa mga IT, call center agents at medical transcriptionists. Subalit ang "asensong" ito ay nasa aspektong ekonomikal lamang. Paano ang ispirituwal at ang moral? Marahil hindi ito mahalaga sa mga gumagawa ng mga komersiyal na ito. Gayun din, mangahas bagaman mailag din ang sinasabi nilang "Ramdam nila ang asenso." Pinangungunahan nitong may asenso ngang nangyayari, at kung titingnan nga ang mga datos, ay tunay nga namang tumataas ang GDP o GNP o kung ano pa. Pero mahalaga ring pansinin ang paggamit ng salitang "nila." Sila ang umaasenso. Silang mga OFW na iniwan ang kanilang mga pamilya dahil wala silang matagpuang trabahong magbibigay sa kanila ng asenso dito. Silang mga call center agent na salita nang salita ngunit wala namang nasasabi para sa kanilang sarili. Silang mga medical transcriptionists na pindot nang pindot sa keyboard ngunit wala namang nasusulat para sa kanilang sarili. Salapi nga lang ba talaga ang sukatan ng asenso?

4.

Kamakailan, napatay sa isang engkuwentro ang mga suspek sa pambobomba ng Batasan. Pero kailangan pa nga bang patayin ang mga iyon? Wala bang pamamaraan ang pulisya natin kung saan ang mga suspek/saksi ay hindi mamamatay? Kaya't imbes na case solve, ang dami pa ring mga tanong ang nananatili. Mga nagtatrabaho daw ang mga napatay na suspek para sa isang karibal ng namatay na kongresista mula Basilan. Daw. Ngayong patay na sila, mahirap nang malaman iyon, hane? Mayroon kayang psychic ang SOCO? Tara, lets interrogate the dead.

EDIT:

Hindi pala lahat ng mga suspek ay namatay sa raid. Tatlo ang nahuling buhay bagaman todo deny sila sa mga akusasyon. Gumawa naman ng isang independent na komisyon ang isang organisasyon ng mga Filipinong Muslim, hindi ko tanda ang pangalan ng organisasyon. Huwag sanang tumagal o mabulilyaso ang (mga) imbestigasyon na ito.

(Ayan na naman, kilikili lit naman ako. Why am I so angry?)

Martes, Nobyembre 13, 2007

Isa pang hakbang patungo sa Kaguluhan

Huwag sana nilang sabihing gawa ito ng utot ni JDV dahil wala na si JDV sa Batasang Pambansa nang mga panahong iyon. Hindi kagaya ng nangyari sa Glorietta, na hindi pa rin malinaw kung anong nangyari gayong halos isang buwan na ang lumipas, malinaw na isa itong atake sa pamahalaan at sa bayan. Isa na raw ang namatay at isa ang nasa kritikal na kundisyon habang may ilang mga kongresista'y nasugatan. Ano ang magiging epekto nito sa ating bayan ay hindi sigurado. Palagi namang ganoon. Sa panahong ito, palaging walang sigurado. Meron lang palaging bomba.

Lunes, Nobyembre 12, 2007

Isang Mahabang Post Bago ang Simula ng Semestre

1.

Merong convention ngayon ang PAMS. Ginaganap ito sa Shangri-La Edsa. (Nang mga nakalipas na taon, kung hindi ako nagkakamali, ay dinadaos ito sa Shangri-La Makati. Pero alam nyo na ang nangyari doon.) Taon-taon ito at sa nakalipas na mga taon ay madalas dumadalo si Mama kaya't palagi kaming nagtse-check-in sa hotel. Sa pagkakaalam ko, libre bayad sa hotel bagaman hindi ko alam ang proseso kung paano iyon naging libre. Dahil sa totoo lang hindi kami yung pamilya at mga taong naghohotel lang nang basta-basta. Maliban sa mga convention na kagaya nito, hindi kami nagho-hotel.

Ewan ko ba pero parang iba ang dating ng mga high class na hotel kagaya ng Shangri-La. Marahil dahil hindi lang ako sanay pero parang napakapeke ng karanasan ko kapag nagpapalipas ng gabi doon. Parang napakakintab ng lahat, ng mga sahig, salamin, mesa, bintana, pintuan. Parang sobrang lambot ng mga unan, kumot at kama. Parang sobrang lamig ng mga silid. Parang napakabait ng mga tao. Parang OA. Parang humahangga sa hindi totoo.

Lumalabas na yata ang pagka-middle-class at pagkapromdi ko.

2.

May complimentary breakfast para sa dalawang tao ang aming pagtigil sa hotel. Kaya magkasama kami ni Dad na kumain ng agahan sa restawrant ng hotel. Mala-buffet ang kainan kaya siyempre puno ang plato ko. Kung hindi man mga taong kasama sa convention o mga turista (isang buong bus ng mga Koreana [yata hindi ako sigurado] ang nakita naming binaba sa tapat ng hotel), mga businessmen at business women ang nakasama naming kumain doon. Yung mga tipong upper middle class at upper class na mga tao. Yung milyon-milyon ang kinikita taon-taon. Isa na rito ang dalawang babaeng nakain sa karatig na mesa. Isa sa kanila ay mukhang may mysophobia. Nakabalot sa plastik ang kanyang upuan. May tissue paper siya kapag hinahawakan niya ang kanyang mga kubyertos. May plastik din ang kanyang kamay sa paghawak niya sa kanyang cellphone. Maging kanyang shoulder bag ay may balot na plastik. Ewan ko pero parang ito na ang pinakamayabang na phobia na makukuha ng isang tao. Isipin mo na lang ang pakiramdam ng mga empleyado ng hotel na nakikipag-usap at nagbibigay ng serbisyo sa ganitong tao. Na tila nakapandidiri para sa kanya ang platong ibinigay mo, ikaw ang pinanggagaligan ng dumi. Na para bang napakalinis niya, na walang e. coli at iba pang bacteria ang kanyang bituka, na para bang napakalinis niya hindi dapat madapuan.

Pero hindi ito marahil intensyun ng maysakit nito. Nakakalikha lamang ng ang ganitong uri ng pamumuhay ng isang mayabang na dating. Marahil may nangyari sa kanyang kabataan kung kaya't may ganoon siyang uri ng phobia. Siguro, kung lumaki siya sa probinsya, kasama ang mga puno, ilog, bundok at iba pang arketipo ng kalikasan, mrahil wala siyang ganoong uri ng phobia.

3.1

Pinanood ko sa TV ang finals ng 9-Ball World Pool Championships. Hind buo. Putol-putol rin. (Napapagitan ang Shangri-La Edsa ng Megamall at Shangri-La Plaza, mahirap magkulong lang sa silid ng hotel.) Pinanoo ko ang laban mula nang 11-10 ang score pabor kay Peach ang laban hanggang 15-12 na pabor kay Gomes. Pumanaog ako para maghapunan kasama ang pamilya at naiwan ko ang laban sa ganoong score. Pagkatapos ng hapunan at pumanhik na ulit ako ng silid para ipagpatuloy ang panonood, nagulat na lamang akong makita ang score na 16-15 pabor kay Peach. Sa kahabaan ng pagkain ko ng hapunan, humarurot na si Peach. Hindi na niya halos pinaglaro si Gomes sa huling rack. Nakakalungkot na makitang matalo si Gomes. (Ang ganda kasi ng kanyang laro sa mga nakalipas na araw.) Pero hindi naman iyon nakapagtataka. Parehong magaling sina Gomes at Peach. Ipinakita lamang ni Peach na mas matatag ang kanyang konsentrasyon kumpara sa nakababatang si Gomes. kung tutuusin, pareho silang overachiever sa tournament na ito. Sa simula, walang makapagsasabing sila ang magkikita sa finals. Kung ano man, congratulations sa kanilang dalawa. Sana makita ko pa sa susunod na mga laban sina Gomes at Peach.

3.2

Nakasalubong namin si Django Bustamante sa labas ng Shangri-La Plaza. Wala lang.

4.

May isang pader na naghihiwalay sa Megamall at Shangri-La. Medyo malayo ang lakad bago makaikot dito. Para itong dingding na pumapaligid sa Forbes Park.

5.

Balik Katipunan na ako. Balik sa pagiging MA student. Tama na ang pagpapakasasa.

(Parang napaka-Marxist ng post na ito.)

Biyernes, Nobyembre 09, 2007

Pagharurot o Pagbulusok?

1.

Nag-enrol na ako kanina. Ang kinuha kong mga klase ay:

FIL 203 A MAPANURING KASAYSAYAN NG PANITIKAN NG PILIPINAS 3 SAT 1300-1600 F-113 COROZA, MICHAEL M.

FIL 217.2 A MGA KAISIPAN SA PANITIKAN: KANLURANIN 3 SAT 0900-1200 F-304 POPA, ALLAN C.

LIT 233 A MODERN POETRY 3 M-W-F 1530-1630 CTC 303 SERRANO, VINCENZ C.

Last minute na desisyon ang pagkuha ko ng Modern Poetry. Naisip kong mainam na balanse sa aking kaalaman ang pagkuha ko nito. At mukhang magiging interesante na maging guro ko ulit si Sir Vince na huli kong naging teacher noong Second Year ako, apat-limang taon na ang nakakaraan. (Uhugin pa ako.) At ayon kay Ate Mel, ito na huli kong siyam na units bago ako maaaring mag-compre. Panahon na para hasain ang aking French (may language requirement e) at humingi kay Sir Vim ng reading list para sa compre. (Ang yabang, parang papasa na sa last sem na ito.) [Aba'y full student ako, nakakahiya naman kung pumalpak pa ako.]

2.

Madali raw makita ang Comet Holmes ngayon. Pero sa masungit na panahong ito, paano ko makikita iyan?

3.

Pagkatapos na kamuntikang matalo kagabi, pinagbakasyon nang maaga ni Django Bustamante si Alex Pagulayan. Ang hirap panoorin ang laban nila dahil hindi ko alam kung sino ang susuportahan. Sa huli, hindi mapigil-pigil si Django at pinanood lamang ni Alex na maglinis ng bola ang binansagang Pinakamagaling na Manlalarong Hindi Pa Nananalo ng World Championship. Ito kaya ang taon ni Django? Sana. Pero nariyan pa ang mga mas nakababatang sina Joven Bustamante at Roberto Gomez. At mukhang magagaling ang labang ipinakita ng mga Europeo. At huwag kalimutan ang mga taga-Taiwan na karibal nating Pinoy sa laro ng bilyar.

4.

Kagaya ng sinabi ni wingspread, isang naaayong alegorya ng pagpapakamatay ni Mariannet sa kalagayan Pilipinas at ng maraming Filipino sa Pilipinas ngayon. Ayon sa news clip na narinig ko radyo, may mag-asawa raw sa Pasig na namigay ng mga gamit sa pamilya ni Mariannet pagkatapos mapanood sa TV ang nangyari sa bata. At kasama ng damit at pera ay ang isang mountain bike na bahagi sa hiniling ni Mariannet sa isang di naibigay na sulat para sa "Wish Ko Lang". Ewan ko ba pero parang ang weird na reaksiyon ito. Aanhin pa ang bike kung wala na ang bata? Baka pwede pang ibigay kay Reynald, kapatid ni Mariannet, ang bike. Napapailing lang talaga ako sa nangyayari. Bakit ngayon lang na namatay ang isang bata upang kumilos? Ilan kayang bata ang namamatay/nagpapakamatay araw-araw?

Miyerkules, Nobyembre 07, 2007

Frame

1.

Nilagay ko na kanina sa isang frame ang aking diploma. Nakakaligtaan kong gawin ito nang mga nakalipas na araw. Mas magandang tingnan ang diploma kapag nasa frame.

2.

Sinusubaybayan ko ngayon ang World Pool Championships. Ang daming pinoy ngayong taon na nakapasok sa final 64. Pasok na sina Jeff de Luna at Django Bustamante sa final 32. Hindi ako marunong magbilyar pero nakakatuwa talagang manood.

3.

Tinatapos ko ngayon ang mga nobelang naudlot ang pagbabasa. Katatapos ko lang kanina ng "Bulaklak ng Maynila" ni Domingo Landicho. Tinatapos ko naman ngayon ang "The Death of Artemio Cruz" ni Carlos Fuentes. Susunod kong babasahin, sana, ang "Balthasar and Blimunda" ni Jose Saramago at "Things Fall Apart" ni Chinua Achebe. Sana magaan-gaan ang required readings para sa darating na semestre.

4.

Mga balak kong kunin sa darating na semestre:

Sigurado:

FIL 203 A MAPANURING KASAYSAYAN NG PANITIKAN NG PILIPINAS 3 SAT 1300-1600 F-113 COROZA, MICHAEL M.

Pinag-iisipan pa:

FIL 206 A MAPANURING PAR-AARAL SA BUHAY AT MGA AKDA NI RIZAL 3 T 1630-1930 FIL DEPT BELLEN, CHRISTINE S.

FIL 217.2 A MGA KAISIPAN SA PANITIKAN: KANLURANIN 3 SAT 0900-1200 F-304 POPA, ALLAN C.

LIT 253 A THE MODERN NOVEL 3 TH 1630-1930 SEC-A210A TO BE ARRANGED

COM 219.1 A SPECIAL TOPICS IN FILM: LITERATURE AND FILM 3 T 0900-1200 COM D TO BE ARRANGED

PH 213 A HISTORY OF ANCIENT INDIAN THOUGHT 3 T-TH 1630-1800 K-202 RASIAH, FR. FRANCIS J.

Balak kong kumuha ng 9 units ngayong second sem. Required and Fil 203. Mukhang magiging guro na naman si Sir Mike. Kukuha ako ng isa pang Fil class at pinagpipilian ko ang tungkol kay Rizal at ang sa Kanluranin. May pagkiling ako sa klase ni Sir Allan Popa bilang subject pero ayoko dahil sa schedule kasi magbubuong araw ako niyan tuwing Sabado. Pero baka iyon na rin ang kunin ko. May isa pa akong elective at kung kukunin ko ang Kanluranin baka kunin ko naman ang History of Ancient Indian Thought para balanse. Pero nagdadalawang isip ako dahil hindi ako pamilyar sa MA level na Philo. Gusto ko ring kunin ang The Modern Novel na offer ng English Dept dahil ituturo daw ito ng isang visiting professor. At mukhang komplementaryo ito sa ituturo ni Sir Allan. Kaya nga lang, kung kukunin ko ito, ito ang magiging pangatlo kong kursong puro nobela ang binabasa ko. Yung Nobelang Tagalog sa ilalim ni Sir Vim at yung Development of Fiction sa ilalim ni Sir DM. Hindi naman sa nabuburat ako sa nobela. Puros nobela naman talaga ang binabasa ko. Iniisip ko ring baka magandang kunin ang Literature and Film para maiba naman. Pero sa ngayon, toss up ang History of Ancient Indian Thought at The Modern Novel.

5.

May tatlo akong sinusulat na maikling kuwento ngayon, sabay-sabay. At hindi ko sila matapos-tapos. Asar.

Biyernes, Nobyembre 02, 2007

Strike

1.

Kahapon may bumanggang traysikel sa aming kotse. Tinakbuhan kami. Pumarada kami sa isang kanto at hinabol ni Dad ang traysikel. Dahil trapik, naabutan niya. Pinagsususuntok niya. Kaya paga ngayon ang kanyang kamay. Gasgas lang naman ang natamo ng kotse. Kailangan pa bang magkasuntukan? Nauunawaan ko naman ang ginawa ni Dad. Alagang-alaga niya ang aming mga kotse. Pero nakakatwang mapainsin ang napaka-middle class na pagtingin sa kotse. Na para bang ikaw na mismo ang sinampal. Tang ina, gasgas lang iyan sa isang inanimate object! Kaya nahiya talaga ako sa nangyari.

2.

Strike ngayon ang Writers Guild of America. Ibig sabihin? Mauudlot ang pinakasusubaybayan ninyong (hindi ako nakakapag-download at kauti lang ang channel dito sa San Pablo) mga palabas katulad ng Heroes at House. Mukhang magiging madugo ito. Magiging mas astig pa isang reality tv.

3.

Ang daming sinokmani dito sa bahay.

Lunes, Oktubre 29, 2007

Dynasty

Tumatakbo sa SK ang pinsan ko sa Binangonan. Papalitan niya ang isa pa naming pinsan. O di ba? Dynasty! "Plataporma" niya ay palaro at liga ng basketball at pagpapaturo ng sayaw. Gusto sana ng kapatid kong tumakbo ng SK dito sa San Pablo. Pero nasa Maynila, sa La Salle, nag-aaral kaya hindi niya masaikaso ang kanyang aplikasyon. Mabuti na ring hindi siya natuloy, magugulo lamang ang sembreak ko.

Hindi ko ramdam ang pagiging eleksiyon ngayon. Dahil siguro barangay lang ito. Walang komersyal sa TV at di ganoong ka OA ang mga tao pagdating sa pangangampanya. Mas personal ang relasyon ng mga tao. Magkakakilala na, ika nga. Pero nariyan pa rin naman ang politikang patron. Maraming mga kandidato dito sa San Pablo ay bankrolled ng isang mas mataas na politoko. Yung nagpagagawa ng mga tarp at iba pang mga kailangan ng mga kandidato. Pero kahit na para sa barangay lamang ito, mukhang seryoso ang mga tao dito sa bahay na bumoto.

Napapanood ko ang serye ng mga dokumentaryo sa BBC tungkol sa demokrasya. Napapanood ko pa lamang at nababasa ay tungkol sa eleksiyon sa pagiging class monitor sa isang paaralan sa China at sa patutunguhan ng politika ng Russia. Parehong hindi hiyang ang demokrasya sa dalawang bansang ito. Higit na pinahahalagahan ang stability kumpara sa kalayaan at karapatang indibidwal. Hindi nauunawaan ng mag-aaral na Tsino kung bakit pa kailangan ng eleksiyon kung nariyan naman ang kanilang guro para pumili ng class monitor. Nang bumagsak ang USSR, maraming mga totalitarian ang nag-alma at nagalit sa pagpipilit sa "demokrasya," isang banyagang konsepto.

Bakit ko binabanggit ito? Dahil tila paghinga na para sa atin ang eleksiyon bagaman may sarili tayong gawain kumpara sa ibang bansa. Ang punto ko ay pinahahalagahan natin ito. Pero kung titingnan natin ay hindi naman nalalayo ang hinahanap nating stability kumpara sa China at Russia. Nagawa na rin lamang natin ay pagsamahin ang kaguluhan ng demokrasya sa pangako ng kapanatagan. Magandang halimbawa ang pamahalaang pambansa natin ngayon. Pangako nila ang kapanatagan at kapayapaan pero palagi't palaging may problemang lumalabas na tumitibag sa kanilang kakayahang papaniwalain ang mga mamamayan sa kanilang mga pangako. At sa patuloy na kawalang-kasiguraduhan ay nagkaroon ng iisa kasiguraduhan: na walang sigurado at walang katotohanan para sa pamahalaan at tangi na lamang nating gawin ay maghintay sa susunod na eleksiyon.

Call for Submissions: Coming Soon

“Coming Soon”, an anthology of erotic poetry, fiction and creative non-fiction on the loss of virginity. The piece must specifically address a first (human, as opposed to something like bestial) sexual experience. What we are looking for are pieces that depict an initiation into the sexual act, therefore we will not consider works that try to be coy: for instance, please don’t send a piece on how some character/persona discovers there is such a thing as fornication, yet doesn’t engage in it. We’d consider that a cop-out. Neither are we looking for pieces on, er, giving one’s self sexual pleasure. No, no, no. Works submitted should involve at least two conscious people (no corpses, please!), with an exchange of bodily fluids or whatnot. (If there is no exchange of bodily fluids, the work should address the question: But why the heck not?)

Open to Philippine writers in English and Filipino. Past published works are welcome as long as they have not yet appeared in an anthology.

Deadline: 31 January 2008.

Editors: Conchitina Cruz, Edgar Samar and Katrina Tuvera.

Please send submissions as MSWord documents to comingsoonantho@gmail.com. On the subject line of your e-mail, please indicate your genre (poetry, fiction, creative non-fiction) and language (English/Filipino). Multiple submissions are welcome, but each entry must be sent seperately. Inquiries should be sent to the same e-mail address.

Linggo, Oktubre 28, 2007

Ilang Tala sa Pagiging Tagapagtala ng 7th ANWW

Bakasyon mode na talaga ako last, last week bagaman hindi ko pa natatapos ang pangalawang kuwento ko para sa klase ko Malikhaing Pagsulat. Pero nabuhayan ako nang maghanap ng scribe sina Sir Marx para sa Ateneo National Writers Workshop ngayong taon. Muntik na akong hindi makasama dahil bagaman tinext nila ako noong Lunes, Martes na nang makatawag ako sa Kagawaran. Bagaman trabaho rin iyon at sigurado akong mapapagod sa buong linggo sa workshop bilang scribe, ginusto ko talagang sumama upang makipagkita muli sa ibang mga panelist lalong-lalo na si Amang Jun Cruz Reyes. Binigyan ko nga siya ng kopya ng bago kong kuwento.

I had fun to say the least. Masayang maging scribe dahil pinakinggan ko nang mabuti ang workshop. Ang mahirap lamang ay ang pagtama ng nostalgia sa akin habang nagtatala. Iba ang pakiramdam ng nasa sulok at pinapakinggan ang diskusyon kumpara sa paggiging bahagi ng diskusyon. Nakakainggit nga ang mga fellows ngayong taon dahil hindi sila gayong ngarag kumpara sa amin noong isang taon. Maaga patapos ang mga palihan bago mag-alas-5 habang inaabot ang session namin last year noong alas-6 medya. Kaya marami rin silang panahon upang mag-bonding at magpahinga. Nagkasakit ako noong isang taon pagkatapos ng workshop. At dahil maagang natatapos ang gabi, kalimitan ay pinapalipas na lamang ito sa pagkukuwentuhan o simpleng pag-bum.

Sa simula ng workshop, hindi pa ganoong nagkakasama ang mga fellows sa isa't isa lalo na sa pagitan ng mga lalaki at babae. Mas madali para sa kanilang magsama-sama dahil natutulog sila sa iisang palapag, sa ika-3 ang mga lalaki habang nasa ika-2 ang mga babae. Nagkaganoon dahil sa request ng mga madreng nakasabay namin sa pagrerenta ng mga silid sa Sacred Heart Novitiate, ang tradisyunal na venue ng Ateneo-Heights Writers Workshop. Ngunit nagsimula na rin silang lumapit pagdating ng Martes at pagkatapos ng "de-stress" ng Miyerkules. Kaya't pagdating ng Huwebes ay ni-rearrange nila ang mga mesa sa kinakainan namin upang makalikha ng isang mahabang mesa imbes na tatlong maliliit.

Ginanap ang fellows' night noong Biyernes at bilang tribute sa mga panel at staff ng workshop ay nagtanghal ang mga fellows ng isang parody ng workshop na puno ng mga quotables qoutes ng nakalipas na workshop. Isa lamang na listahan ng roles ng pagtatanghal:

Mogiy Lizada as Allan Popa ("Um. kasi ano." with a very pained and constipated expression)
En Villasis as Jun Cruz Reyes ("Alam ko ang psychology ng aso.")
Evie Macapugay as Benilda Santos ("Ngek. Ang corny." na demure na demure.)
Joy Icayan as Marjorie Evasco ("Levitas, Gravitas, Wave")
Sonny Sendon as Michael Coroza (Biglaang pag-awit)
Nanoy Rafael as Mikael Co ("Mahilig kasi ako sa porn e.")
Drew Robles as Egay Samar (Biglang sisingit sa session)
Camsy Ocumen as Susan Lara ("Exactly!")
Khaye Alpay as Jelson Capilos (Kung ano-anong kasipagang ginagawa sa tabi-tabi)
Gae Yamar as Nori de Dios (Nagdo-drawing ng mga flowers)
Joanna Laddaran as NCCA Representative
Claire Umali as Kawawang Fellow

Plano ko ring i-transcribe ang buong recording nito. Dahil sobrang saya. Lakas nga ng tawa ko sa .wav record nito e. Pagkatapos nito, nagkaroon ng reading. Pagkatapos ng bawat pagbasa, tatagay ang nagbasa hanggang matapos ang lahat.

Pumunta rin ang mga ka-Ligang Caty Bucu at Margie de Leon sa session. Sayang at hindi nakapunta sina Twinks, Sandy, Sunny at ng iba pang ka-Liga. Maybe next time. Makapag-reunion kaya. Tingnan natin.

Bagaman pagod na pagod na kami nang umalis kami ng SHN, tuwang-tuwa ako't nakasama sa experience na ito. Huwag sanang nakulitan ang mga tao sa akin lalo na si Allan Derain na kinulit ko tungkol sa isang kuwento.

Mabuhay ang Panitikan sa Pilipinas!

Lunes, Oktubre 15, 2007

It's Over? Not Exactly

1.

Tapos na dapat ang semestre pero hindi pa naman talaga para sa akin. Tapos ko na ang lahat ng mga requirements ko para sa Development of Fiction habang hindi ko pa napapasa ang para sa Malikhaing Pagsulat. Sa Miyerkules, sana matapos ko na ang pangalawa kong kuwento. Ayokong masyadong bilisan kasi, ayon sa karanasan, pangit ang mga kuwentong kong masyadong pinapaspas. Gusto kong pag-isipan nang mabuti ang kuwentong ito at huwag madaliin.

2.

Tinapos ni Sir DM ang aming klase sa Development of Fiction noong Sabado sa "One Hundred Years of Solitude." Isa talaga iyon sa mga paburito kong libro at lalo ko iyong nagustuhan pagkatapos basahin nang pangalawang beses. Nagulat lang ako, habang pinagsalita ni Sir Dm ang buong klase kung anong tingin nila sa nobela, na maraming hindi nagustuhan ang nobela. Napatawa lang ako. Hindi daw nila maunawaan. Exag daw sabi ng isa. Masyado namang maraming nangyayari sabi ng isa. Nakakalito raw sabi naman ng isa. Ito marahil ang nararamdaman ni kaligang Ilia kung binabasa niya si Marquez. Ako lang ang nagsabi sa klaseng "it speaks to me." Kultura ang pangunahing dahilang sinabi ko kung bakit ganoon. Maraming karanasan ang Latin Amerika na kahawig ng sa Pilipinas lalo na ang karanasang kolonyal. At ito nga ang itinurong dahilan ni Sir DM kung bakit nalikha ang "magic realism." Isa itong pagbawi sa nakaraan, isang malikhang paghaka kung ano kaya ang nangyari noon, ang nayari rito gayong nakalimutan na, dahil pinalimot, ang kasaysayan. Ito, ito ang hinahanap kong patunay na hindi lamang technique ang magic realism. Isa itong paninindigan.

3.

Nanalo si Doris Lessing ng Nobel Prize. Marahil dahil marami akong ibang mga manunulat na sinusundan, na puro nga naman mga lalaki, medyo nagulat ako sa pagpiling ito. Pero mukhang sang-ayon naman ang marami sa pagpiling ito kumpara sa nakalipas na mga taon. Reklamo lamang ng iba'y bakit ngayon lang.

Mula sa BBC
Mula sa NY Times
Mula sa The Guardian 1, 2
Mula sa LA Times

4.

Napanood ko kahapon ang "Stardust" kaya ngayon ay binabasa ko ang nobela para malaman ko ang pinagkaiba. Hindi ko pa tapos pero kita kong maraming pinagkaiba ang nobela pagdating sa mga pangyayari sa banghay. May mga pangyayaring hindi nilagay sa pelikula. Pang-streamline na rin siguro. Iba ang nobela sa pelikula, tandaan natin. Pero feeling ko nasa budget na rin para sa special effects. May mga eksena sa pelikula na kakaiba at medyo biglaan, kagaya ng pagtatagpo ni Yvaine sa unicorn at ni Tristan kay Primus. Pero nagustuhan ko naman ang pelikula. Madaming magagandang shots na ipinapakita ang kalikasan. Hindi lang ako benta sa pag-iibigan nina Yvaine at Tristan (Tristran sa nobela). Pero OK lang. Natuwa naman ako kay Captain Shakespeare dahil hindi iyon ang tipo ng tauhang kukunin ni Robert de Niro na kilala ng mga tao. Cute lang talaga ang tauhang iyon. (what am i saying?) Pero recommended ko ang pelikulang ito. Kung gustong n'yo pang malaman ang ilang impluwensiya at mga pananaw ni Neil Gaiman tungkol sa fantasy, puntahan n'yo lang ang link na ito sa The Guardian.

5.

Nanalo nga pala si Sir Mike ng SEAWrite Awards. Congrats sa kanya!

Sabado, Oktubre 06, 2007

Panahon na naman ng Paspasan

1.

Technically, ito ang huling linggo ng mga klase sa semestre ngunit mukhang sasagarin ni Sir DM ang semetre at magkaklase pa kami sa susunod na Sabado para sa talakayin ang "One Hundred Years of Solitude." Kaya wala naman akong problema doon dahil isa sa pinakapaburito kong nobela ang "One Hundred Years of Solitude." Binabasa ko ulit ito ngayon at nakaka-2/3 na ako at nagugulat pa rin ako sa nobelang ito.

Kanina, tinalakay muna namin ang "The Brothers Karamazov." Nakakatuwang sa panapos ng klase ay pinapangako kami ni Sir DM na babasahin muli namin ang "The Brothers Karamazov" kapag 40 anyos na kami. "The Brothers Karamazov" ang gagawan ko ng panapos na papel para sa Development of Fiction at hindi ko alam ang gagawin ko dahil napakakapal, sa literal at matalinghagang aspekto, ng nobelang ito. Siguro ngang kailangang basahin ko itong ulit sa hinaharap.

2.

Natanggap ko ang email mula sa Milflores tungkol sa progreso ng flash fiction anthology nila. Ayon sa sulat, imbes na maglabas ng iisang aklat, maglalabas na raw sila ng dalawa, isang Ingles at isang Filipino. Para raw mas mura sa mga mamimili.

Kasama rin sa email ang listahan ng mga manunulat na bahagi ng mga antolohiya. Hindi ko na ilalagay dito ang buong listahan. Bagaman masayang makita sa listahan sina Kael, Chan, Caty, Sir Larry at Sir BJ. Disyembre ang target na release date.

3.

Isa lang munting listahan na kailangang tapusin para sa pagtatapos ng semestre:

1. Rebisyon ng unang kuwento para sa Fil 212.2 [x]
2. Papel para sa Development of Fiction [ ]
3. Powerpoint na katuwang ng papel para sa Development of Fiction [ ]
4. Pangalawang kuwento para sa Fil 212.2 [ ]
5. Ang napipintong papel para sa Fil 202 (kailangang matapos ko ito para maka-enrol next sem) [ ]

Linggo, Setyembre 30, 2007

Balik tayo sa dating programa

1.

Sinundo ko kahapon kasama ni Dad si Tetel sa airport. Balik siya galing China dahil kasali nga siya sa dance troupe at nagsayaw sila doon. Siyempre, nagpabilin siya ng Jollibee para kainin pauwi. Alas diyes siya lumapag at 10:50 na siya nakalabas ng airport.

2.

Bago nito, nanood muna ako ng sine. Resident Evil: Extinction. Syempre kasi naroon si Ali Larter. Hahaha. Hindi naman iyon nakakatakot. Binibigla ka ng pelikula pero hindi naman talaga nakakatakot. Parang dinadaya ka. Post-apocalyptic ang feel ng pelikula, mala-Mad Max. Wala lang pop corn movie lang siya. Pampalipas oras. Laruin nyo na lang ang Resident Evil na videogame, mas nakakatakot iyon at may kuwento rin naman. (Gusto ko nga palang laruin ang Resident Evil 4. Wala lang.)

3.

Share ko lang ang sanaysay na ito ni Stephen King. Plug talaga ito para sa "Best American Short Stories" pero nakakatuwa ang kanyang mga pansin.

What Ails the Short Story

The American short story is alive and well.

Do you like the sound of that? Me too. I only wish it were actually true. The art form is still alive — that I can testify to. As editor of “The Best American Short Stories 2007,” I read hundreds of them, and a great many were good stories. Some were very good. And some seemed to touch greatness. But “well”? That’s a different story.

I came by my hundreds — which now overflow several cardboard boxes known collectively as The Stash — in a number of different ways. A few were recommended by writers and personal friends. A few more I downloaded from the Internet. Large batches were sent to me on a regular basis by Heidi Pitlor, the series editor. But I’ve never been content to stay on the reservation, and so I also read a great many stories in magazines I bought myself, at bookstores and newsstands in Florida and Maine, the two places where I spend most of the year. I want to begin by telling you about a typical short-story-hunting expedition at my favorite Sarasota mega-bookstore. Bear with me; there’s a point to this.

I go in because it’s just about time for the new issues of Tin House and Zoetrope: All-Story. There will certainly be a new issue of The New Yorker and perhaps Glimmer Train and Harper’s. No need to check out The Atlantic Monthly; its editors now settle for publishing their own selections of fiction once a year in a special issue and criticizing everyone else’s the rest of the time. Jokes about eunuchs in the bordello come to mind, but I will suppress them.

So into the bookstore I go, and what do I see first? A table filled with best-selling hardcover fiction at prices ranging from 20 percent to 40 percent off. James Patterson is represented, as is Danielle Steel, as is your faithful correspondent. Most of this stuff is disposable, but it’s right up front, where it hits you in the eye as soon as you come in, and why? Because these are the moneymakers and rent payers; these are the glamour ponies.

I walk past the best sellers, past trade paperbacks with titles like “Who Stole My Chicken?,” “The Get-Rich Secret” and “Be a Big Cheese Now,” past the mysteries, past the auto-repair manuals, past the remaindered coffee-table books (looking sad and thumbed-through with their red discount stickers). I arrive at the Wall of Magazines, which is next door to the children’s section, where story time is in full swing. I stare at the racks of magazines, and the magazines stare eagerly back. Celebrities in gowns and tuxes, models in low-rise jeans, luxury stereo equipment, talk-show hosts with can’t-miss diet plans — they all scream Buy me, buy me! Take me home and I’ll change your life!+

I can grab The New Yorker and Harper’s while I’m still standing up, without going to my knees like a school janitor trying to scrape a particularly stubborn wad of gum off the gym floor. For the rest, I must assume exactly that position. I hope the young woman browsing Modern Bride won’t think I’m trying to look up her skirt. I hope the young man trying to decide between Starlog and Fangoria won’t step on me. I crawl along the lowest shelf, where neatness alone suggests few ever go. And here I find fresh treasure: not just Zoetrope and Tin House, but also Five Points and The Kenyon Review. No Glimmer Train, but there’s American Short Fiction, The Iowa Review, even an Alaska Quarterly Review. I stagger to my feet and limp toward the checkout. The total cost of my six magazines runs to over $80. There are no discounts in the magazine section.

So think of me crawling on the floor of this big chain store and ask yourself, What’s wrong with this picture?

We could argue all day about the reasons for fiction’s out-migration from the eye-level shelves — people have. We could marvel over the fact that Britney Spears is available at every checkout, while an American talent like William Gay or Randy DeVita or Eileen Pollack or Aryn Kyle (all of whom were among my final picks) labors in relative obscurity. We could, but let’s not. It’s almost beside the point, and besides — it hurts.

Instead, let us consider what the bottom shelf does to writers who still care, sometimes passionately, about the short story. What happens when he or she realizes that his or her audience is shrinking almost daily? Well, if the writer is worth his or her salt, he or she continues on nevertheless, because it’s what God or genetics (possibly they are the same) has decreed, or out of sheer stubbornness, or maybe because it’s such a kick to spin tales. Possibly a combination. And all that’s good.

What’s not so good is that writers write for whatever audience is left. In too many cases, that audience happens to consist of other writers and would-be writers who are reading the various literary magazines (and The New Yorker, of course, the holy grail of the young fiction writer) not to be entertained but to get an idea of what sells there. And this kind of reading isn’t real reading, the kind where you just can’t wait to find out what happens next (think “Youth,” by Joseph Conrad, or “Big Blonde,” by Dorothy Parker). It’s more like copping-a-feel reading. There’s something yucky about it.

Last year, I read scores of stories that felt ... not quite dead on the page, I won’t go that far, but airless, somehow, and self-referring. These stories felt show-offy rather than entertaining, self-important rather than interesting, guarded and self-conscious rather than gloriously open, and worst of all, written for editors and teachers rather than for readers. The chief reason for all this, I think, is that bottom shelf. It’s tough for writers to write (and editors to edit) when faced with a shrinking audience. Once, in the days of the old Saturday Evening Post, short fiction was a stadium act; now it can barely fill a coffeehouse and often performs in the company of nothing more than an acoustic guitar and a mouth organ. If the stories felt airless, why not? When circulation falters, the air in the room gets stale.

And yet. I read plenty of great stories this year. There isn’t a single one in this book that didn’t delight me, that didn’t make me want to crow, “Oh, man, you gotta read this!” I think of such disparate stories as Karen Russell’s “St. Lucy’s Home for Girls Raised by Wolves,” John Barth’s “Toga Party” and “Wake,” by Beverly Jensen, now deceased, and I think — marvel, really — they paid me to read these! Are you kiddin’ me???

Talent can’t help itself; it roars along in fair weather or foul, not sparing the fireworks. It gets emotional. It struts its stuff. If these stories have anything in common, it’s that sense of emotional involvement, of flipped-out amazement. I look for stories that care about my feelings as well as my intellect, and when I find one that is all-out emotionally assaultive — like “Sans Farine,” by Jim Shepard — I grab that baby and hold on tight. Do I want something that appeals to my critical nose? Maybe later (and, I admit it, maybe never). What I want to start with is something that comes at me full-bore, like a big, hot meteor screaming down from the Kansas sky. I want the ancient pleasure that probably goes back to the cave: to be blown clean out of myself for a while, as violently as a fighter pilot who pushes the eject button in his F-111. I certainly don’t want some fraidy-cat’s writing school imitation of Faulkner, or some stream-of-consciousness about what Bob Dylan once called “the true meaning of a pear.”

So — American short story alive? Check. American short story well? Sorry, no, can’t say so. Current condition stable, but apt to deteriorate in the years ahead. Measures to be taken? I would suggest you start by reading this year’s “Best American Short Stories.” They show how vital short stories can be when they are done with heart, mind and soul by people who care about them and think they still matter. They do still matter, and here they are, liberated from the bottom shelf.

Stephen King is the author of 60 books, as well as nearly 400 short stories, including “The Man in the Black Suit,” which won the O. Henry Prize in 1996.


Ano naman kaya ang kalagayan ng maikling kuwento sa Pilipinas?

Naglalabas lang ng sama ng loob ngunit pinipilit maging mahinahon

Humaharurot na ang kontrobersiya ng mga sinabi ni Mark Angeles sa pagkapanalo ni Twinkle sa Maningning Miclat Awards. Bago ang lahat gusto ko sanang manawagan ng paghinahon sa lahat. Naghamon na si Kael ng rambol pero sa tingin ko, hindi ito ang tamang sagot. (Na nagmula sa di pagkakaunawaan. Sa ibang comment sa orihinal na post sa ibabaw, inalok ni Kael na makipagkita at makipag-usap, usap lang, kay Mark. Nang alukin ulit ni Kael na makipagkita, nabanggit ni Mark ang magbasag-ulo at yun na.) Ang pinakaayaw ko, kasama ng mga bastos at mayayabang, ay mga away DAHIL sa mga bastos at mayayabang. (Kaya relax lang Kael.) At hindi mo mababago ang kanyang isip sa mga sapak at tadyak. Kaya maganda ang unang alok ni Kael ng usap at kuwentuhan. (Na medyo nabaluktot sa huli at napunta sa basag-ulo.)

Ayon sa kanyang dagdag, gusto ipakita ni Mark na isang komento sa proseso ng Maningning Miclat Awards ang kanyang unang bulalas. Pero sa tingin ko, after the fact na ito. Inamin din naman niya na isa ito bulalas ng damdamin. And I quote:
"Malaking panganib ang pagsisiwalat ng simbuyo ng damdamin sa blog dahil ibinibilad mo ang sarili sa iba't ibang nakamulagat sa harap ng computer screen"
Okey na sana ako dito sa pag-aming ito. Lahat naman tayo'y napapabulalas. May pagkakataong gusto nating umiyak, suntukin ang dingding, o kaya'y sumigaw ng "putangina!" Pero nadagdag lamang ang inis ng mga tao (kasama ako) sa pagpapaka-self-righteous niya sa pagpapakita o "critique" kuno ng pagkahalang ng proseso at "establishment." Pero ang tunay na critique ay pinag-iisipan. Isa itong malalim na pagsusuri sa bagay at hindi lamang isang bulalas ng damdamin.

Sa kanya ring dagdag, pinilit niyang magtago sa "the author is dead" sa kanyang bulalas upang bawasan ang talim ng kanyang pambabastos. And I quote again:
"Pasensya na kung nasaktan ko ang loob ni Twinkle at ng mga kaibigan niya pero iyong tulang binasa ang pinagbuhusan ko ng opinyon. Sa isang workshop, nakaramdam ako ng pagkadurog dahil sinabihan ang tula kong "hindi tula". Pero teka, hindi ako ang tulang iyon. Walang panahon para ipabasa ko sa kanila ang iba pang tula ko."
Totoo sana ang "the author is dead" na pahayag sa loob ng isang tunay na critique, na kagaya nga ng sinabi ko ay hindi isang bulalas ng damdamin kundi isang pinag-isipang pagsusuri ng isang bagay. Sa konteksto din ng workshop ay pwede ito dahil doon ay pinag-isipang pagsusuri rin ang (dapat) na inihahayag ng mga panelist at maging mga fellows. Ngunit hindi ang lamang ang akda ang kanyang "sinuri" kundi pati ang mga tao. Kaya hindi siya pwedeng magtago sa "the author is dead" na iyan. Sinabi niyang "mas mamatamisin ko pang matalo kay Caloy kesa kay Twinkle" hindi lamang ito patungkol sa akda ni Twinkle o sa proseso ng awards kundi isang pang-aapak kay Twinkle mismo, si Twinkle na buhay na buhay. Nang sabihin niyang si Ma'am Beni ay "formalistang nakababad sa formalin," hindi lamang ito atake sa formalismo at sa formalin, isa itong atak kay Ma'am Beni na buhay na buhay. (Oo, marahil may pagkiling na formalista si Ma'am Beni pero isa siya sa pinakamatinong makata at kritiko na kilala ko. Mabasa sana ni Mark ang disertasyon ni Ma'am Beni kasi hinuhubad niya doon ang lahat ng formalismo at ipinapakita ni Ma'am Beni na hindi nakababad sa formalin ang kanyang utak.)

Medyo lumalayo na ako pero sa paggalang, sabi niya:
"Saka teka bakit ba ipinipilit sa akin kung sino ang mga taong dapat kong respetuhin?"
At kagaya nga ng sinabi ng isa sa nag-comment, dapat ginagalang natin ang lahat ng tao. Kapag ang isang tao ay hindi kagalang-galang, kagaya ng pagiging bastos at mayabang, kailangan na nating pag-isipan kung gagalangin pa rin ba natin siya. Parang karma iyan. Kung magbibigay galang ka, gagalangin ka rin. Kung mambabastos ka, babastusin ka rin. Kaya huwag sana siyang magulat, at tigilan ang pagsasabi ng "nu ba yan," kung negatibo at pambabastos ang kanyang natanggap. At ang paggalang ay hindi kaplastikan. Ang galang ay repleksiyon ng pagkatao. Marahil marami nang nakilalang plastik na tao si Mark at kung gayon ay naaawa ako sa kanya. At hindi na ako magtataka kung bakit inaamin niyang "bitch" siya. Tinatapatan lang niya ang lahat ng kapalstikan sa mundo gamit ng kanyang pagka-bitch. Pero mag-bitch sana siya kung plastik ang mga tao binastos niya.

At tama rin si Margie sa punto ng pagiging "anti-establishment" niya. Kung gusto niyang maging tunay na anti-establishment, huwag na siyang sumali sa mga kontes at maglathala ng mga akda. Pagpakaermitanyo na lang siya kagaya ni Cold Mountain, yung wasak na Tsinong makata. Yun ang anti-establishment, walang pangalan at wala man lang puntod. Pero hindi ako naniniwala na gagawin ito ni Mark, masyado siyang mayabang upang ipagkanulo ang buong mundo at ang lahat ng kanyang pagnanasang makilala.

Hayan, naku, medyo bumubulalas na ang aking damdamin. Kaya hanggang dito na lang. Kagaya ng sinabi ko sa simula, huwag natin itong idaan sa rambol dahil, sa tingin ko, away lang naman talaga ang hanap niya. At mahirap talagang kausapin ang mga taong naghahanap ng away.

Miyerkules, Setyembre 26, 2007

Parang ako ang nanalo sa tuwa

Tinext ako ni Kael na nanalo si Twinkle sa Maningning Miclat Poetry Awards! Masayang-masaya ako para sa kanya. :D

Sa Pagitan ng Dalawang Miyerkules

1.

Pumunta ako sa isang talk noong Miyerkules at ang speaker ay si Vince Rafael. Siyempre nagka-mindgasm ako pagkatapos. Nagpasintabi si G. Rafael na hindi pa tapos at isang lamang draft ang kanyang binasang papel. Tinangkang itagpo ng papel niya ang absolutism ng imperyo at ng nasyonalismong Filipino. Kung paanong ilang katangiang imperyal ay tinanggap ng mga pangunahing kumakana ng rebolusyon at republika ng Filipinas. A basta, ang galing-galing. Napalagda ko pa ang kopya ko ng "Contracting Colonialism" at "The Promise of the Foreign."

2.

Kanina naman ay pumunta ako sa launch ng kalipunan ng mga kuwento ni Suchen Christine Lim, isang Singaporean na nagtuturo ng Creative writing sa Ateneo ngayong semestre. Hindi ko pa talaga siya kilala at hindi ko siya naging guro pero naintriga lang talaga ako. Bihira lang makaengkwentro ng Southeast Asian Lit. Medyo mahal ang libro pero OK lang. Mukhang interesante ang koleksiyon na ito. At siyempre, pinalagdaan ko na ang aking kopya.

3.

Nakakatuwang pangyayari bago ako pumuntang book launch, tinamaan, yata, ako ng depression. (Anong nakakatuwa doon?) O napanaginipan kong nade-depress ako. Hindi ako sigurado. Umidlip kasi ako at sa pagitan ng paggising at pagtulog, tinamaan ako ng lungkot. Ewan ko kung bakit. Dahil sa full moon? Dahil patapos na ang semestre? Dahil binabasa ko ang chapter ng "The Brothers Karamazov" kung saan kinakausap ng isang nagdedeliryong Ivan ang demonyo? Ewan. Basta pagkabangon ko, tinawanan ko na lang ang sarili ko. (Bipolar?) Kasi napakataliwas sa katangian ko. kung hindi ako masaya, walang akong nararamdaman. Hindi ako yung tipong nagdadrama.

4.

Share ko lang:

The 7th Ateneo National Writer's Workshop wil be held Oct 22-27 at the Sacred Heart Novitiate in Novaliches, Quezon City. This year's fellows are Ernanie Francisco Rafael, Sonny Corpuz Sendon, Enrique Sia Villasis (poetry in Filipino); Joy Anne Icayan, Camile May C. Ocumen, Miguel Antonio Lizada (poetry in English); Mary Anne Claure M. Umali, Joanne Rose T. Laddaran, Anna Levita Macapugay (short fiction in Filipino); and Catherine Flores Alpay, Andrew S. Robles and Katherine Gae T. Yamar (short fiction in English).

Award-winning poets and fictionists will be the workshop's panelists: Dean Alfar, Marjorie Evasco, Mookie Katigbak, Susan Lara, Allan Popa, Jun Cruz Reyes, Joseph Salazar, Benilda Santos, Luna Sicat, Angelo Suarez, Joel Toledo, Roland Tolentino, Kimie Tuvera, Larry Ypil, Michael Coroza, Jema Pamintuan, Edgar Samar and Alvin Yapan.

The workshop is organized by the Ateneo Institute of Literary Arts and Practices headed by acting director Marco Aniano V. Lopez, with the help of the National Commission on Culture and the Arts.

Congrats sa kanila!

Linggo, Setyembre 16, 2007

"Art-art kayo dyan. Ulol!" - mula sa "Fluid" ni Floy Quintos

1.

Umalis noong madaling araw ang kapatid kong si Tetel papuntang China. Kasama siya sa mga mananayaw ng kanyang dance group na magsasayaw doon. Hinahanapan ngayon nina Dad at Mama na i-activate ang roaming capability ng kanyang cellphone. Mag-ingat sana siya doon. Ibang kultura nila doon.

2.

Pinanood ko noong Biyernes, bago pumunta sa painom nina Kael at Allan Pastrana, ang "Fluid" sa Ateneo. Nakasama kong manood sina Geopet at Yumi. Punong-puno ang Gonzaga Theater. Nakakatuwa ito dahil found raiser ito ng mga TA Seniors. Timba-timba sana ang kanilang kita ngayon.

At hindi rin naman kataka-taka kung bakit full house sila ngayon dahil maganda ang dula. Nakakatawa ang dula mula simula hanggang katapusan.

Tungkol ang dula sa karir ni Amir, isang pintor, mula sa kanyang simulain hanggang sa pagtatanghal ng kanyang one-man show. Sa pagitan ng kanyang pakikipagtunggali sa kanyang patron ay ikunuwento naman ang relasyon at ang paglayo ng dalawang baklang aktor at ang pagtutunggalian ng isang event coordinator at isang orchestra coordinator turned art critic.

Ang pangunahing tema, kung titingnan pa lang ang mga tauhan, ay tungkol sa sining at ang relasyon nito sa komersyalismo. Napilitan si Amir na magkompromiso sa kanyang sining upang patatagin ang kanyang pangalan. Naging isang up and coming popstar ang isang sa dalawang baklang aktor ngunit kinailangan niyang itago ang kanyang pagkabakla. Maigting na sinusuri ng dula ang tanong kung magiging tunay at totoo pa ba ang isang likhang sining sa ganitong uri ng kompromiso. Kung nagiging totoo pa ba ang manlilikha sa kanyang sarili.

3.

Pagkatapos ng dula, pumunta akong Papus Grill para sa painom. Maraming pumunta. Hinakot na ata halos lahat ng buong barangay ng mundo ng mga manunulat. Mahirap maglista, magiging directory itong post na ito. Bagaman mahalagang sabihing nakatikim na ako ng rice wine. May nagdala kasi at natikman namin. Masarap. May lasang tsokolate/vanilla/liquorice na may kaunting pait. Ayos.

4.

Puta, talo ang Ateneo sa NU. Hahahaha

Sabado, Setyembre 15, 2007

Mga Kuwentong Anim na Salita

Daan kayo dito sa "To Cut a Long Story Short" ng Guardian Unlimited para sa mga kuwentong anim na salita lamang.

Ang mga paburito ko:

"It can't be. I'm a virgin."
Kate Atkinson

Stop me before I kill again.
Hari Kunzru

They awaited sunrise. It never came.
AS Byatt

Miyerkules, Setyembre 12, 2007

Naulan Dito

1.

Narito ako ngayon sa San Pablo. Sa totoo lang noong isang linggo pa. Dahil wala akong klase noong isang linggo, naisip kong umuwi. (Kaya pasensiya sa mga tao kung hindi ako nakapanlibre sa aking kaarawan.)

Nakakatuwa nga't habang narito ako, nagkakagulo sa Metro Manila para sa paghahatol kay Erap. Naaalala ko tuloy ang third year ko noong high school noong EDSA 2. Yung alam mong may nangyari doong mahalaga pero narito ka nanonood lang at nagmamatiyag. Ganoon lang talaga ang katotohanan ng laylayan at ng gitna.

2.

Finalist nga pala si Twinkle para sa Maningning Miclat Awards. Kongrats at good luck sa kanya. Hindi ko pa nga pala nababati si Debbie dito, ka-fellow ko noong Ateneo National, sa kanyang panalo sa Palanca. Yun pang dula niyang pinag-usapan namin sa palihan ang nanalo. Nakakainggit kasi parang wala akong pinupuntahan. Pero natutuwa ako para sa kanila kasi nakikilala sila at palagi namang masayang makita ang magandang mga pangyayari sa mga kaibigan.

Belated Happy Birthday nga pala kay Margie!

Lunes, Setyembre 03, 2007

Bola't Aklat

1.

Nanalo kanina ang USA laban sa Argentina para sa gold medal ng FIBA Americas. Ito ang sinubaybayan kong palabas sa TV nitong nakalipas na linggo. Natuwa akong panoorin ang FIBA Americas dahil parang nanonood ka ng All-Star Game. Yun nga lang, isang team lang ang All-Star at kinakain nito nang buhay ang mga kalaban.

2.

Sa ibang balitang basketball, mukhang gumaganda ang tiyansa ng Ateneong makapasok ng Final Four. Yun nga lang, kung hindi matatalo ang UE, baka mas mahabang daan ang kailangang tahakin ng Ateneo bago makarating ng Finals. Mukhang La Salle na lang ang may kayang bumulilyaso sa perpertong season ng UE sa darating na linggo.

3.

Pumunta akong Book Fair kahapon at nagpakasasa sa mga libro bilang belated birthday gift. Nakasalubong nga pala kami nina Maki at Kristian doon sa area ng Anvil at Sir Vim, na mukhang nagmamadaling pumunta sa talk na pinuntahan niya. Congrats sa kanya sa pagkapanalo ng "Ang Sandali ng mga Mata" ng National Book Award. Pagkatapos noon wala na akong nakasalubong.

Nakabili nga pala ako ng 15 libro doon. Huwag kayong mabaha, kalahati niyan ay sale at lahat ay Filipiniana.

Heto ang listahan:

1. Pagsalunga - Rogelio Sicat
2. Lassitudes - Carlos Cortes
3. Mayong - Abdon Balde Jr.
4. Latay ng Isipan - mga patnugot: Cirilo Bautista at Allan Popa
5. Mujer Indigena - Vim Nadera
6. Dangadang - Aurelio Agcaoili
7. Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
8. The Distance from Andromeda - Gregorio Brillantes
9. The Road to Mawab - Leoncio Deriada
10. Night Mares - Leoncio Deriada
11. The White Horse of Alih and Other Stories - Migs Alvarez Enriquez
12. The Wounded Stag - Bienvenido Santos
13. Awaiting Trespass - Linda Ty-Casper
14. Sawikaan 2006 - mga patnugot: Roberto Anonuevo at Galileo Zafra
15. Ilahas - Mesandel Arguelles

Kasama pala sa "Latay ng Isipan" sina Claire at Twinkle, mga ka-fellow ko noong nakalipas na Ateneo National Workshop, Nikka, Mikael, Ma'am Jema Pamintuan, Sir Egay, at Sir Vim.

Siyempre, hindi ko agad mababasa ang mga librong nabili ko. Kailangan ko pang tapusin ang required readings ko sa development of fiction. Gayun din, mukhang matagal pa bago pa ulit ako makabili ng libro sa nalalapit na panahon.

Huwebes, Agosto 30, 2007

21

1.

Pinanood ko noong isang linggo ang "Huling Balyan ng Buhi" ni Sherad Santos. Pinalabas iyon ng Loyola Film Circle bilang bahagi ng mga selebrasyon ng Buwan ng Wika.

Sinusundan ng pelikula ang nagsasali-salikop na buhay ng isang babaylan na mayroong stigmata, ng magkapatid na naglalaro sa loob ng gubat, ng isang sundalo, at ng isang grupo ng mga rebeldeng NPA sa Cotabato. Isang pagsusuri ang pelikula sa karahasang nangyayari sa lipunan lalo na sa kasaysayan at konteksto ng Mindanao at ng mga lumad. Maraming mga magagandang kuha ang pelikula, mga anggulong nahuhuli ang kagandahan ng kalikasan ng Cotabato.

2.

Matunog ngayon ang nangyayaring digmaan sa Mindanao laban sa mga rebelde. Malinaw itong pagpapakita ng lakas ng ating pamahalaan. Ngunit digmang kumbensiyunal nga ba ang solusyon sa pagkitil sa isang kalabang malinaw na hindi gumagamit ng kumbensiyunal na taktika? Kaduda-duda. Naaalala kaya ng ating pamahalaan ang nangyari noong panahon ni Erap nang mag-all-out din siya. Alam ko lang na maraming namatay, maraming nakidnap, at walang pinatunguhan ang labanan. Hindi matatapos ang pagdanak ng dugo.

3.

Napanood ko sa Cinemax ang isang serye ng dalawang pelikulang pinamagatang "Eagle One". Natuwa ako dahil gumamit sila ng mga Filipinong aktor. Karamihan sa kanila'y gumanap sila mga terorista. (Ang saya, di ba? Nang-e-export na pala tayo ng mga kontrabida.) May mga gumanap na sundalong Filipino din pero, maliban kay Alonzo, yung dating Mayor ng Caloocan, karamihan sa kanila'y namatay sa katapusan ng pelikula lalo na sa pangalawang pelikula.

Halata ang ideolohiyang pinapakalat ng pelikulang kagaya ng "Eagle One". Na karahasan lamang ang tanging solusyon laban sa terorismo. At bagaman malinaw na sa Filipinas ang tagpuan ng mga karahasang ito, Amerika ang pangunahing kalaban ng mga terorista. Proxy lamang tayo.

Hindi rin maganda ang paglalarawan sa mga sundalong Filipino. Tatanga-tanga at pang-comic-relief lamang sila, lalo na ang mga heneral, habang ang tunay na lumalaban sa terorismo ang mga Amerikano.

Ito rin kaya ang nangyayari sa digma natin sa Mindanao? Huwag naman sana.

4.

Nakakuha ako ng invite mula kay K para sumali sa Shelfari, isang online site na tumutulong sa pagsasaayos at pagka-catalogue ng koleksiyon mo ng mga aklat. Natuwa naman ako kaya kinakarer ko siya ngayon.

5.

Paano ko ipinagdiwang aking kaarawan ngayon? Wala. Nagsimba lang ako sa chapel. Baka nga hindi ako nakapagsimba kung hindi ako pinaalalahanan ni Mama noong tumawag siya sa akin para batiin ako. Pagkatapos ng misa, may nagnakaw ng aking payong mula sa umbrella rack SA TAPAT NG CHAPEL. Kung sino ka mang kumuha ng payong ko, kaawaan ka ng Diyos. Birthday ko naman kaya pagbibigyan kita. Mabuti na lang at tumila na ang ulan noon. Salamat sa mga bumati!

Sabado, Agosto 18, 2007

Pag-uwi

1.

Narito ako ngayon sa San Pablo para sa mahabang weekend. Una kong pag-uwi ito mula nang magsimula ang semestre. At habang wala ako, kung ano-anong problema ang kinailangan nilang ayusin na ako lang ang may alam na solusyon. Una, may sira daw itong keyboard. Mali-mali ang mga titik na lumalabas. Pero naka-set lang naman sa DVORAK ang keyboard kaya ganun. Pero noong isang linggo ko pa tinuro kay Marol kung paano aregluhin iyon. Pangalawa, itong TV sa kuwarto nina Mama at Dad. Naka-TV ang setting ng mga channel hindi CATV. Ibing sabihin, hanggang channel 17 lang ang napapanood nila dito sa loob ng kuwarto. Ilang linggo silang nagtiis na manood ng puros lokal. Naayos ko na kanina. Pangatlo ay yung setting rin ng TV sa third floor. Naka-video naman hindi TV. Medyo komplikado ang pagpapalit sa TV na iyon kumpara sa iba. Hindi ko pa natitingnan, may mga bisita kasi ngayon si Tetel.

2.

Katatapos ko nga lang pala kahapon ng "Madame Bovary" ni Gustave Flaubert. Nainis ako. Hindi naman sa panget ang nobela, magaling ang pagkakasulat ni Flaubert doon. Nainis ako sa pagkatao ni Emma Bovary. Palagi akong napapasigaw ng "Bitch!" habang binabasa ang buong nobela. Ewan ko pero hindi ako naawa sa kanya sa katapusan ng nobela. Mas naawa ako kay Charles at kay Berthe (ang cute-cute pa naman niya).

3.

Congrats kina Kael (Poetry), Sir Mike Coroza (Maikling Kuwentong Pambata) at Allan Derain (Maikling Kuwento) sa kanilang pagkapanalo sa Palanca Awards!

Sabado, Agosto 11, 2007

Surprise, surprise

Wasak na talaga ang pagtulog ko. Pinilit kong matulog nang maaga kagabi dahil maaga pa ako kanina para sa Development of Fiction. Naiinis naman ako't gustong-gusto ko ang klaseng ito. Pero kalimita'y inaantok ako't tuliro para makibahagi't makinig nang mabuti.

Pagkatapos ng klase, pumunta ulit akong Gateway para sa Cinemanila. Hindi ako nakapunta kahapon dahil nahuli na ako ng pag-alis at trapik noong tanghali. Nagbago ang sched nila kaya hindi ko napanood ang inaasahan kong mapanood. Pero napanood ko naman ang "Control" kanina. Sinusundan ng pelikula ang buhay ni Ian Curtis, ang frontman ng "Joy Division" noong mga huling taon ng dekada 60. OK naman siya. Nakakatuwang sundan ang mga awitin sabay ng pagsunod sa buhay ni Ian Curtis. Kung pakikinggan nang mabuti, maaaring makita ang mga awit bilang gabay sa pag-iisip at damdamin ni Curtis sa kanyang buhay. Hindi lang ako masyadong naapektuhan ng depresyon ni Curtis sa huli. Ewan ko kung bakit. Manhid lang siguro ako.

Dumaan muna akong National Cubao bago umuwi. Nagkatagpo kami ni Louise doon, natingin-tingin sa bargain area.

Pagkauwi ko, tiningnan ko ang aking email at nakita ang isang mensahe mula sa Milflores at malalathala sa kanilang flash fiction anthology ang aking kuwentong "Paputok." Pangatlong beses pa lang akong malalathala kung matutuloy ito. Nakakatuwa naman. Napapaisip na talaga ako ngayon sa tesis ko.

Hanggang dito na lang. Babasahin ko pa ang "Madame Bovary."

Nga pala, pang-400 ko na itong post dito sa Blogger ko.

Huwebes, Agosto 09, 2007

Cinemanila, katsepan at Pagbati

1.

Pinapalabas ngayon ang mga kalahok sa Cinemanila sa Gateway at pinanood ko kanina ang "The Unseeable," isang Thai horror film. Nakagugulat paminsan-minsan, may hawig ang pelikulang ito sa "The Sixth Sense" ngunit kung may katapusan ang "The Sixth Sense" ito naman ay cyclical pagdating sa pag-unawa nito sa mundo ng mga kaluluwa. OK lang itong pelikulang ito. Hindi ako masyadong natakot. May mga sandaling pinagtatawanan ng pelikula ang sarili nito at ang mga cliche ng horror pero madalang lang ang mga sandaling ito.

Nang pababa na ako pagkatapos ng pelikula, nagkasalubong kami ni Sir Joel Toledo. Papanoorin daw niya ang "control," isa sa mga pelikulang nasa International Competition. Papanoorin ko marahil ito bukas ng tanghali.

Narito ang schedule ng iba pang mga pelikula. Gusto ko sanang panoorin sa Sabado ang "Village People Radio show," "Juan Baybayin," at, bagaman hindi ko pa napapanood ang "Indio Nacional," ang "Autohystoria" ni Raya Martin.

2.

Nga pala, sale ngayon sa Powerbooks. Marami akong nabili noong Linggo. "At The Bottom of the River" ni Jamaica Kincaid, "Coming Soon!!!" ni John Barth, "England, England" ni Julian Barnes, "The Old Child and Other Stories" Ni Jenny Erpenbeck, "The Handmaid's Tale" ni Margaret Atwood, at "The Jupiter Effect" ni Katrina Tuvera. Maraming poetry books na tinda sa Powerbooks Greenbelt. Lahat ata ng branches ng Powerbooks ay sale. Hindi lang ako sigurado.

3.

Ayon dito, nominado sina Sir Vim at Sir Egay sa darating na National Book Awards. Congrats sa kanila.

4.

Tapos na nga rin pala ang botohan para sa Graduate Student Council. Olats ako pagdating sa ranggo pero OK lang. Hindi ko naman talaga kinampanya ang sarili ko. Congrats sa mga nanalo.

Huwebes, Agosto 02, 2007

Buwan ng Wika

Pormal nang sinimulan ang selebrasyon kanina ang Buwan ng Wika. Mayroong book sale kanina sa may De la Costa. Karamihan ata ng mga libro'y galing kay Sir Marx Lopez. Nakabili ako ng "Sabbath's Theater" ni Philip Roth, "Housekeeping" ni Marilynne Robinson, "The Burnt Ones" ni Patrick White, at "Sa Labas ng Parlor" ni Nori De Dios. Gayun din, nagkaroon din ng book signing mula sa ginawaran ng Kagawaran ng Natatanging Alagad ng Sining, si Tony Perez. Hindi ko dala ang kopya ko ng "Cubao-Kalaw, Kalaw-Cubao" kaya bumili na ako ng "Cubao Midnight Express" at iyon ang pinapirmahan ko. Nakakatuwa yung iba pang mga taga-Kagawaran. Dala-dala nila ang kanilang kumpletong set ng Cubao Series. Pinakamarami atang pinapirmahan sina Sir Joseph at Yol.

Agosto 6, 2007 (ika-4:30 n.h. Huwebes, Escaler Hall)
UNANG PANAYAM (G. EDGAR SAMAR "Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni G.Tony Perez)
Kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika at Kultura 2007, magbibigay ng unang panayam si G. Edgar Samar ng Kagawaran ng Filipino ukol sa mga akda ni G. Tony Perez.

Agosto 17, 2007 (Hanggang ika-4:30 n.h., Kagawaran ng Filipino)
PAGPAPASA NG MGA LAHOK SA TIMPALAK TULA, AWIT AT MALIKHAING SANAYSAY
Bukas ang mga timpalak sa mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo. Malaya ang paksa para sa Timpalak-Tula at awit. Ang tema naman sa Timpalak-Malikhaing Sanaysay ay "Kahiwagaan: Saysay at Sanaysay."

Agosto 22, 2007 (ika-4:30-6:30 n.g., Escaler Hall)
PANONOOD NG PELIKULA (HULING BALYAN NG BUHI ni Sherad Sanchez)
Kasama ang Loyola Film Circle, ipalalabas ang pelikulang "Huling Balyan ng Buhi" ni Sherad Sanchez at isang open forum ang magaganap matapos ang palabas.

Agosto 24, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
ELIMINATION ROUND NG KWIZ BEE-BO
Bukas sa mga mag-aaral ng Fil. 14 ang timpalak na ito. Sa elimination round malalaman ang huling limang team na maglalaro para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 30, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
KWIZ BEE-BO
Ang mismong araw ng pagtutunggali ng limang team para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 31, 2007 (ika-4:30-8 n.g., Escaler Hall)
KA* OPEN MIKE POETRY READING AT AWARDING
Kulminasyon ng mga aktibidad ang KA. Dito pararangalan ang mga nagwagi sa Timpalak-Tula at Malikhaing Sanaysay. Gayundin ang pagtatanghal ng mga napiling kalahok para sa Timpalak-Awit. Magkakaroon din ng open mike poetry reading.

Journey Through Spaces

Sources and Possibities

Science fiction is undeniably a Western genre. Its roots can traced back to authors like Wells and Verne and linked to the Industrial Revolution and the development of a rational and scientific society. (Roberts, 47-67) Koichi Yamano, in his essay “Japanese SF, Its Originality and Orientation,” affirms this with his critique of Japanese science fiction up until 1969. Although Yamano believes that science fiction is universal, he also detests the continued reliance of Japanese science fiction writers on Western criteria of science fiction. Yamano advocates a science fiction that is not just escapist fantasies but a soul- and self-searching fiction that delves into Japanese civilization and psyche.

Although coming from different histories and having different cultures, Japan, being economically First World and the Philippines, being Third World, both have a close relationship with the United States, politically, economically and culturally. Just as Yamano questions this close relationship with the US, Gregorio Brillantes does the same in his Palanca winning short story “The Apollo Centennial.” This essay aims to dissect how Brillantes uses the science fiction genre to subvert and express the Filipino experience of the relationship.

The Journey

A family, Arcadio Nagbuya and his sons Dolfo and Doming, travels from Camanggaan to Tarlac City to celebrate and watch the exhibit commemorating the centennial of the Apollo 11 landing on the moon in 2069. Plot-wise, nothing really happens in the story. Nothing big anyway. But “The Apollo Centennial” is not a story about what will happen in the future but a story about what the Philippines will be like. The story is full of descriptions. From the crossing of the river, to riding the bus, to reaching the city, to seeing the exhibit, until riding back to the river, the story describes a place, a Philippines, that is both familiar and unfamiliar. A Philippines that is still agricultural but, especially in the cities, riddled with advanced technology. Admittedly, without the references to the futuristic technology, like laser guns, wallscreens, spaceships and even a created language combined from Tagalog and Iloko, the Philippines of the story is probably no different form the Philippines of today.

This mixing of the familiar and the unfamiliar is not really different from what American science fiction does. Adam Roberts, in his book “Science Fiction,” finds, in the differing definitions of science fiction, a common “central sense about the encounter with difference.” Roberts calls this a “novum.” (Roberts, 28) The story’s novum is the futuristic setting and references to the futuristic technology. But one may ask, why make the Philippines in the story still very familiar instead of what we usually see in science fiction texts of outlandish and futuristic world? According to Roberts,
“...that, although many people think that SF as something that looks to the future, the truth is most SF texts are more interested in the way things have been. SF uses the trappings of fantasy to explore age-old issues; or, to put it in another way, the chief mode of science fiction is not prophecy, but nostalgia.” (33 emphasis by Roberts)

Although the setting is futuristic, Brillantes doesn’t just imagines a future Philippines. He looks at the contemporary Philippines and displaces it to the future. And by doing so, an aspect of the Filipino experience and history is highlighted, American colonialism. The story does not tell how, but the Philippines of 2069 has been reconquered and occupied by the United States. Even today, the United States is seen as an empire, the last standing superpower after the end of the Cold War.

Interpreting it nationalistically, the future Philippines seems bleak. But the story offers hope in the form of mountain rebels fighting the occupation, which is again a reference to the Philippines’ historical experience of rebels, bandits and tulisan. They are mentioned twice in the text. First in passing, when Arcadio Nagbuya, riding the bus to Tarlac, sees military aircrafts flying over the mountains and felt apprehension on the safety of his cousin, Andres, fighting in the same mountains. Second in a scene at the end of the story, where Andres and Arcadio meet at the river bank where the story began. We will go back to this last scene later on in the essay.
But lets go back to the story, to the journey. It is interesting why Brillantes chooses a very passive activity like going to an exhibit as the central movement of the story. This can be linked to the story’s particular description of space. As Brooks Landon, in his “Science Fiction After 1900” puts it,
“While much of science fiction is not set in outer space, most science fiction rests on carefully articulated and demarcated spaces, or zones of possibilities and impossibilities.” (Landon, 17)

With the movement of the story from the river to the exhibit, the periphery to the center, the story shows the privileged place of the city where the roads are paved and luxuries are easily accessible. It is also in the city where the ruling power holds sway. The scenery of the journey and the exhibit can also be contrasted by the difference in characteristics in terms of space. The scenery by the river and the view from the bus describes wide open spaces and the experience of vastness. On the other hand, the exhibit is depicted in a claustrophobic manner where one exhibit piece comes one after another.

The exhibit is interesting on its own. The nostalgia of the Apollo landing projected into the future. Even though the exhibits portrays the moon landing as an event that joined humanity together, the context of the story exudes something very different. Behind all the technological advancement, the interstellar expeditions, the colonization of the satellites, parts of the Earth remains underdeveloped. It is the technologically advanced nations that are reaching for the stars while countries like the Philippines remain poor. Thus the spaceship in story can be read symbolically, a symbol for technological advancement but also a symbol of colonization. The US uses the newer spaceships to reach the distant stars but also uses the Apollo centennial to convince the people that everything is all well.

Now we go back to the last scene of the story where Arcadio and his rebel-cousin Andres meet by the river and Andres asks Arcadio for help. The scene can be interpreted as a show of defiance against the empire, the rebels that are persistently fighting the superpower. But I interpret it as an affirmation of the familial bond and the bond with the land. Colonization, the movement of a group of people to settle in another place, entails a dissociation with the homeland. As families in the spacetravelling countries are broken up by colonization, the family in the Philippines remains strong in the face of a different kind of colonization. And that the spacetrallers and colonizers would not experience the beauty of Earth but instead the artificial confines of the spaceships and the barren environments of the satellites.

Empire and Science Fiction

According to Roberts, not only did science fiction develop in the time of technological progress but also coincided during the time of Empire especially in Britain. Roberts argues that the experience of Empire highlighted the experience of otherness in relation of the conquerer to the conquered and colonized peoples. But being an Empire, feelings and ideas of otherness was diverted towards assimilation. (Roberts, 65) But works like “The War of the Worlds” reflect the anxieties of the British Empire and later on, with works like “Starship Troopers,” by the United States.

But “The Apollo Centennial” reflects not the otherness felt by an Empire but the otherness felt by a Colony. As centuries of colonial experience can attest, the Colony and the Colonizer always acknowledge the relationship that they have but their is always an underlying dissociation and distance. The fact that Brillantes appropriated the science fiction genre acknowledges the Philippines’ relation with the US. But the content and story that he created also reflects the realities of that relationship. That the disparity in technology has created a heirarchy between nations and the single-minded pursuit of progress is completely dissociated with the realities of poor and marginalized communities.

References:

Brillantes, Gregorio, “The Apollo Centennial,” On a Perfect Day in November Shortly Before the Millenium: Stories for a Quarter Century. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2000. p. 283-293.
Landon, Brooks, Science Fiction After 1900: From the Steam Man to the Stars. London: Routledge, 1997.
Roberts, Adam, Science Fiction. London: Routledge, 2000.
Yamano, Koichi, March 1994. Japanese SF, Its Originality and Orientation (1969). August 1. http://www.depauw.edu/sfs/backissues/62/yamano62art.htm

Lunes, Hulyo 30, 2007

Mga Pagbati

1.

Unang-una, congratulations kay Sir Vim Yapan sa pagkakapano ng kanyang short film na "Rolyo" short film category sa Cinemalaya kahapon. Astig talaga.

Congrats na rin kay Ina Feleo sa kanyang pagkakapanalo ng Best Actress sa Cinemalaya rin. Doble astig.

2.

Galing akong 13th Ateneo-Heights Workshop kanina. Noong Linggo ako pumunta. Kinailangan nina Audrey na siksikin sa loob ng dalawang araw ang mga palihan imbes na tatlo kagaya noong naunang mga workshop dahil sa kakaibang schedule ngayon taon. Imbes na magtapos sa Linggo, nagtapos ang workshop sa Lunes. Halos lahat ng mga panelist ay hindi nakapunta sa Lunes kaya siniksik ang palihan sa loob lamang ng Sabado at Linggo.

Ngunit sa tingin ko naman ay naging maganda ang workshop. Dumalo sina Alwynn Javier at iba pang mga dating Fellows ng 1997 Workshop sa Fellows' Night upang magbasa. Nagbasa rin ako kagabi ng isang dagli.

Bago kami umuwi at hinihintay ang aming sakay pabalik ng Ateneo, sabi ni Sir Egay na may pakiramdam siya na kalahati sa mga fellows ay magpapatuloy sa pagsusulat. Sagot ko naman ay baka pa nga mas marami pa.

Kaya binabati ko ang fellows ngayong taon sa pagpapatuloy nila sa pakikipagsapalaran sa pagsusulat at pakikipagtuos sa Musa, sina Katrina Alvarez, Victor Anastacio, Kyra Ballesteros, Anne Calma, Zoe Dulay, Marie La Vina, Kristian Mamforte, Ali Sangalang, Jason Tabinas at Tim Villarica.

Huwebes, Hulyo 26, 2007

Kuwento

Katatapos ko lang isang kuwento. Pero hindi ako sigurado kung tapos nga ba talaga ang kuwentong ito. Kahaba-haba ng kuwento'y walang nangyayari. Hindi pa ako nakakapagsulat ng kuwentong walang nangyayari. Wala lang. Hindi na siguro madaling makuntento sa mga sinusaulat ko. Natutuwa rin naman ako kapag nakakatapos ng kuwento pero parang ang dami pa akong mga alanganin.

Okey, yung paper naman para sa development of fiction.