1.
Technically, ito ang huling linggo ng mga klase sa semestre ngunit mukhang sasagarin ni Sir DM ang semetre at magkaklase pa kami sa susunod na Sabado para sa talakayin ang "One Hundred Years of Solitude." Kaya wala naman akong problema doon dahil isa sa pinakapaburito kong nobela ang "One Hundred Years of Solitude." Binabasa ko ulit ito ngayon at nakaka-2/3 na ako at nagugulat pa rin ako sa nobelang ito.
Kanina, tinalakay muna namin ang "The Brothers Karamazov." Nakakatuwang sa panapos ng klase ay pinapangako kami ni Sir DM na babasahin muli namin ang "The Brothers Karamazov" kapag 40 anyos na kami. "The Brothers Karamazov" ang gagawan ko ng panapos na papel para sa Development of Fiction at hindi ko alam ang gagawin ko dahil napakakapal, sa literal at matalinghagang aspekto, ng nobelang ito. Siguro ngang kailangang basahin ko itong ulit sa hinaharap.
2.
Natanggap ko ang email mula sa Milflores tungkol sa progreso ng flash fiction anthology nila. Ayon sa sulat, imbes na maglabas ng iisang aklat, maglalabas na raw sila ng dalawa, isang Ingles at isang Filipino. Para raw mas mura sa mga mamimili.
Kasama rin sa email ang listahan ng mga manunulat na bahagi ng mga antolohiya. Hindi ko na ilalagay dito ang buong listahan. Bagaman masayang makita sa listahan sina Kael, Chan, Caty, Sir Larry at Sir BJ. Disyembre ang target na release date.
3.
Isa lang munting listahan na kailangang tapusin para sa pagtatapos ng semestre:
1. Rebisyon ng unang kuwento para sa Fil 212.2 [x]
2. Papel para sa Development of Fiction [ ]
3. Powerpoint na katuwang ng papel para sa Development of Fiction [ ]
4. Pangalawang kuwento para sa Fil 212.2 [ ]
5. Ang napipintong papel para sa Fil 202 (kailangang matapos ko ito para maka-enrol next sem) [ ]
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento