1.
Umalis noong madaling araw ang kapatid kong si Tetel papuntang China. Kasama siya sa mga mananayaw ng kanyang dance group na magsasayaw doon. Hinahanapan ngayon nina Dad at Mama na i-activate ang roaming capability ng kanyang cellphone. Mag-ingat sana siya doon. Ibang kultura nila doon.
2.
Pinanood ko noong Biyernes, bago pumunta sa painom nina Kael at Allan Pastrana, ang "Fluid" sa Ateneo. Nakasama kong manood sina Geopet at Yumi. Punong-puno ang Gonzaga Theater. Nakakatuwa ito dahil found raiser ito ng mga TA Seniors. Timba-timba sana ang kanilang kita ngayon.
At hindi rin naman kataka-taka kung bakit full house sila ngayon dahil maganda ang dula. Nakakatawa ang dula mula simula hanggang katapusan.
Tungkol ang dula sa karir ni Amir, isang pintor, mula sa kanyang simulain hanggang sa pagtatanghal ng kanyang one-man show. Sa pagitan ng kanyang pakikipagtunggali sa kanyang patron ay ikunuwento naman ang relasyon at ang paglayo ng dalawang baklang aktor at ang pagtutunggalian ng isang event coordinator at isang orchestra coordinator turned art critic.
Ang pangunahing tema, kung titingnan pa lang ang mga tauhan, ay tungkol sa sining at ang relasyon nito sa komersyalismo. Napilitan si Amir na magkompromiso sa kanyang sining upang patatagin ang kanyang pangalan. Naging isang up and coming popstar ang isang sa dalawang baklang aktor ngunit kinailangan niyang itago ang kanyang pagkabakla. Maigting na sinusuri ng dula ang tanong kung magiging tunay at totoo pa ba ang isang likhang sining sa ganitong uri ng kompromiso. Kung nagiging totoo pa ba ang manlilikha sa kanyang sarili.
3.
Pagkatapos ng dula, pumunta akong Papus Grill para sa painom. Maraming pumunta. Hinakot na ata halos lahat ng buong barangay ng mundo ng mga manunulat. Mahirap maglista, magiging directory itong post na ito. Bagaman mahalagang sabihing nakatikim na ako ng rice wine. May nagdala kasi at natikman namin. Masarap. May lasang tsokolate/vanilla/liquorice na may kaunting pait. Ayos.
4.
Puta, talo ang Ateneo sa NU. Hahahaha
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento