Huwebes, Agosto 02, 2007

Buwan ng Wika

Pormal nang sinimulan ang selebrasyon kanina ang Buwan ng Wika. Mayroong book sale kanina sa may De la Costa. Karamihan ata ng mga libro'y galing kay Sir Marx Lopez. Nakabili ako ng "Sabbath's Theater" ni Philip Roth, "Housekeeping" ni Marilynne Robinson, "The Burnt Ones" ni Patrick White, at "Sa Labas ng Parlor" ni Nori De Dios. Gayun din, nagkaroon din ng book signing mula sa ginawaran ng Kagawaran ng Natatanging Alagad ng Sining, si Tony Perez. Hindi ko dala ang kopya ko ng "Cubao-Kalaw, Kalaw-Cubao" kaya bumili na ako ng "Cubao Midnight Express" at iyon ang pinapirmahan ko. Nakakatuwa yung iba pang mga taga-Kagawaran. Dala-dala nila ang kanilang kumpletong set ng Cubao Series. Pinakamarami atang pinapirmahan sina Sir Joseph at Yol.

Agosto 6, 2007 (ika-4:30 n.h. Huwebes, Escaler Hall)
UNANG PANAYAM (G. EDGAR SAMAR "Ang Daigdig ng Dilim sa mga Katha ni G.Tony Perez)
Kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika at Kultura 2007, magbibigay ng unang panayam si G. Edgar Samar ng Kagawaran ng Filipino ukol sa mga akda ni G. Tony Perez.

Agosto 17, 2007 (Hanggang ika-4:30 n.h., Kagawaran ng Filipino)
PAGPAPASA NG MGA LAHOK SA TIMPALAK TULA, AWIT AT MALIKHAING SANAYSAY
Bukas ang mga timpalak sa mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo. Malaya ang paksa para sa Timpalak-Tula at awit. Ang tema naman sa Timpalak-Malikhaing Sanaysay ay "Kahiwagaan: Saysay at Sanaysay."

Agosto 22, 2007 (ika-4:30-6:30 n.g., Escaler Hall)
PANONOOD NG PELIKULA (HULING BALYAN NG BUHI ni Sherad Sanchez)
Kasama ang Loyola Film Circle, ipalalabas ang pelikulang "Huling Balyan ng Buhi" ni Sherad Sanchez at isang open forum ang magaganap matapos ang palabas.

Agosto 24, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
ELIMINATION ROUND NG KWIZ BEE-BO
Bukas sa mga mag-aaral ng Fil. 14 ang timpalak na ito. Sa elimination round malalaman ang huling limang team na maglalaro para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 30, 2007 (ika-4:30-6 n.g., Escaler Hall)
KWIZ BEE-BO
Ang mismong araw ng pagtutunggali ng limang team para sa Kwiz Bee-Bo.

Agosto 31, 2007 (ika-4:30-8 n.g., Escaler Hall)
KA* OPEN MIKE POETRY READING AT AWARDING
Kulminasyon ng mga aktibidad ang KA. Dito pararangalan ang mga nagwagi sa Timpalak-Tula at Malikhaing Sanaysay. Gayundin ang pagtatanghal ng mga napiling kalahok para sa Timpalak-Awit. Magkakaroon din ng open mike poetry reading.

Walang komento: