Huwebes, Agosto 09, 2007

Cinemanila, katsepan at Pagbati

1.

Pinapalabas ngayon ang mga kalahok sa Cinemanila sa Gateway at pinanood ko kanina ang "The Unseeable," isang Thai horror film. Nakagugulat paminsan-minsan, may hawig ang pelikulang ito sa "The Sixth Sense" ngunit kung may katapusan ang "The Sixth Sense" ito naman ay cyclical pagdating sa pag-unawa nito sa mundo ng mga kaluluwa. OK lang itong pelikulang ito. Hindi ako masyadong natakot. May mga sandaling pinagtatawanan ng pelikula ang sarili nito at ang mga cliche ng horror pero madalang lang ang mga sandaling ito.

Nang pababa na ako pagkatapos ng pelikula, nagkasalubong kami ni Sir Joel Toledo. Papanoorin daw niya ang "control," isa sa mga pelikulang nasa International Competition. Papanoorin ko marahil ito bukas ng tanghali.

Narito ang schedule ng iba pang mga pelikula. Gusto ko sanang panoorin sa Sabado ang "Village People Radio show," "Juan Baybayin," at, bagaman hindi ko pa napapanood ang "Indio Nacional," ang "Autohystoria" ni Raya Martin.

2.

Nga pala, sale ngayon sa Powerbooks. Marami akong nabili noong Linggo. "At The Bottom of the River" ni Jamaica Kincaid, "Coming Soon!!!" ni John Barth, "England, England" ni Julian Barnes, "The Old Child and Other Stories" Ni Jenny Erpenbeck, "The Handmaid's Tale" ni Margaret Atwood, at "The Jupiter Effect" ni Katrina Tuvera. Maraming poetry books na tinda sa Powerbooks Greenbelt. Lahat ata ng branches ng Powerbooks ay sale. Hindi lang ako sigurado.

3.

Ayon dito, nominado sina Sir Vim at Sir Egay sa darating na National Book Awards. Congrats sa kanila.

4.

Tapos na nga rin pala ang botohan para sa Graduate Student Council. Olats ako pagdating sa ranggo pero OK lang. Hindi ko naman talaga kinampanya ang sarili ko. Congrats sa mga nanalo.

Walang komento: