Ipinapakita ang mga post na may etiketa na movies. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na movies. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Setyembre 17, 2013

Ilang Bagay na Natutuhan Ko Pagkatapos Mapanood ang "On The Job"

1. Isa sa dibdib para matumba. Isa sa ulo para sigurado.

2. Parang dorm lang ang bilangguan. May patayan pero parang dorm lang.

3. Kailangan ng babae ng lalaki sa buhay niya. As in. Kung hindi ka gabi-gabing umuuwi sa piling ng asawa mo, patay ka. Kung gago ang nanliligaw sa nanay mo, patay ka.

4. Pero hindi kailangan ng babae ng lalaki kung naka-shades siya at naninigarilyo. Well, kailangan niya ng lalaki para maging hitman pero maliban doon, hindi niya kailangan ng lalaki.

5. Lahat ng nasa gobyerno, masama. Lahat ng nasa militar, masama. Huwag silang pagkakatiwalaan.

6. May mga pulis namang mababait. Lalo na iyong kamukha ni Joey Marquez.

7. May mga poging mamamatay tao. Lalo na iyong kamukha ni Gerard Anderson.

8. May mga NBI agent na pogi pero mabait din naman. Lalo na iyong kamukha ni Piolo Pascual.

9. Huwag ookrayin ang pelikula gamit ng malalaki't banyagang salita para hindi magmukhang bobo ang mga nagbabasa.

10. Maganda naman ang pelikula. Pero parang mas interesante pa ang nangyayari sa Porkbarrel Scam. Pero puwede na rin ito.

11. Ayoko nang magsalita pa. Baka patayin ako ni Joel Torre.

Biyernes, Agosto 10, 2012

Kung Ano ang Sinasabi ng "Bourne Legacy" tungkol sa Maynila at Pilipinas


(Mag-ingat sa mga spoiler)

1) Sa Maynila ina-outsource hindi lamang ang mga call centers kundi pati ang mga mahahalaga at inililihim na mga eksperimentong pantao ng Amerika.

2) Kung dayuhan kang puti, sa looban magtago. Kasi nga, hindi ka out of place doon.

3) Matatag ang mga barungbarong, puwedeng mag-parkour sa bubong.

4) Kung tatakbo ka sa gitna ng Maynila, asahang maraming titingin at tatanaw sa iyo.

5) Hitech ang PNP.

6) Malutong magmura ang mga Pinoy.

7) Motorsiklo at scooter talaga ang tamang paraan para makaiwas sa trapik, mga humahabol na pulis, at humahabol na assassin.

8) Magkatabi lang ang Malabon at Marikina.

Lunes, Marso 26, 2012

Rebyu: The Hunger Games (2012)

*Mag-ingat. May spoilers.*

Hindi ko ikinakaila na medyo na-obsess ako sa Hunger Games. (Okey, hindi lang medyo.) Kaya sabik na sabik ako nang mapanood ko na ang bersiyong pelikula nito. Sa unang dating, masasabi kong okey siya. Hindi ako napa-wow o kung ano mang pagkamangha dahil na rin siguro sa sobrang pagkasabik. O marahil hindi lang talaga ganoong kamangha-mangha ang pelikula.

Ngunit pagkatapos ng unang limang minuto ng pelikula, unti-unting dumating sa akin na iba ang pelikula sa nobela at mayroon itong natatanging mga katangiang ito lamang ang kayang gumawa habang may kayang gawin ang mga nobela na hindi kayang gawin ng pelikula. Ang ganitong kakatwang katangian ng adaptasyon ang masalimuot na nararanasan ko habang pinapanood ang pelikula.

Sa kabuuan, maayos ang pag-aangkop ng naratibo ng nobela sa pelikula. May mga nagrereklamo na masyado nitong sinusubaybayan ang mga pangyayari sa nobela ngunit hindi naman ito problema sa akin dahil hiyang ang nobela sa ganitong pag-aangkop. Ngunit dahil isinasalaysay ang nobela mula sa punto de bista ni Katniss, higit ng personal at madamdamin ang mga eksena sa nobela. Ito marahil ang hinahanap-hanap ng mga nakabasa na ng nobela. Ngunit ito ang pinakaunang mawawala. Kaya't napakahalaga ng aktor dito at masasabing kong magaling ang pagganap ni Jennifer Lawrence. May katatagan at vulnerability siyang sabay-sabay na napaghahalo sa kanyang pagganap, mga bagay na lantad sa interior monologue ng nobela. May mga ayaw sa kanyang pagganap pero para sa akin, naging sapat kundi man magaling siya dito. Isang patunay nito ay ang eksena sa pelikula kung kailan nasa tren si Katniss at nanonood siya ng TV. Ipinapalabas ang nakaraang nagwagi ng Hunger Games at makikita sa mata niya ang pagnanasang manalo at may sandaling naniniwala siya na kaya niyang gawin ito. Pero agad-agad niyang pinatay ang TV. Mapanganib ang mga ganoong uri ng pagnanasa, ang ganoong uri ng pag-asa dahil may kapalit iyon lalong-lalo na sa kanyang pagkatao.

Sapat din lamang sa akin ang karahasang ipinakikita sa loob ng pelikula. May nagrereklamo na naging duwag ang pelikula sa pagharap sa karahasan. Ito nga siguro ang bentahe ng Battle Royale. Ngunit kumbinsido akong hindi ito kailangan. Sa eksena kung kailan nagsisimula pa lamang ang laro sa loob ng arena, naging mailag nga ang kamera sa pagpapakita ng pagpapapatayan. Ngunit sapat nang alam ng manonood na mga bata ang nagpapatayan at may sariling pagkasuklam ang katotohanang ito upang hindi tanggalin ang talim ng realisasyong ito. Kasinglalim marahil ito na dagok kumpara sa pagbabasa ng mga balita't kuwento sa tabloid tungkol sa mga batang namamatay at pinapatay.

Kaya't natatawa ako sa mga taong naghahanap ng "thrill" sa mga eksena sa loob ng arena. Gusto mo bang makaranas ng "thrill" sa harap ng katotohanang mga bata itong nagpapatayan? Malinaw sa nobela na wala silang kapangyarihan sa kanilang sitwasyon. Ito ang bentahe ng pelikula lalo na sa mga eksenang ipinakikita kung paano minamanipula ng mga Gamemaker ang buong laro. Kaya't mainam na dagdag si Seneca Crane sa pelikula. Hindi siya prominente sa nobela ngunit siya ang kumakatawan sa mga galamay na nagpapagalaw at may kontrol sa buhay ng mga batang itong sapilitang ginagawang hayop. Walang kapangyarihan itong mga batang ito. Hindi ito survival-of-the-fittest. Ito ay patayan alang-alang sa mataas na ratings, sa lugod ng mga nanonood. Artispisyal ang lahat-lahat sa loob ng Arena ng Hunger Games tulad ng kahit na anong reality TV. Kung ano mang thrill ang hinahanap ng mga tao, peke ito at hindi ito ang punto. Malinaw na mababatid ito sa huling labanan sa arena. Sakal-sakal ni Cato si Peeta habang nakaabang si Katniss gamit ng kanyang pana. Madaling malagpasan ang mga sinabi ni Cato sa stand-off na ito. Malay si Cato na hindi siya ang may kontrol ng lahat-lahat. Na hindi siya ang inaasahang manalo noon pa mang simula. Hindi siya ang bida. Ang paglaban na lamang ang kaya niyang gawin upang mabawi ang kahit na katiting na kawalan ng kapangyarihan. Minalas lamang siyang maging kontrabida at hindi ang bida ng palabas na ito. Kailangang gampanan mo lang ang itinalagang gampanin. At dahil dito'y makapangyarihan ang eksena ng pagtatangkang magpakamatay nina Katniss at Peeta nang sabay. May ginagampanan din sila pero isa itong pagganap na lagpas na sa kontrol ng mga Gamemakers at ng mga makapangyarihan.

Ang natatanging pagkukulang para sa akin ng pelikula ay ang manipis na pagbubuo ng ugnayan ng mga pangunahing tauhan lalo na sa pagitan nina Katniss at Rue at sa pagitan nina Katniss at Peeta. Ito marahil ang bentahe ng nobela sa pelikula. May panahon para mabuo ang mga ugnayan. Ngunit sa pelikula'y mainam namang nabuod ito kaya nga lang parang buod lamang ito kumpara sa nobela. Masyadong minadali ang pagtatapos kumpara sa napakabagal at masidhing simula na nagpapakita ng Reaping.

May nagbabantang politikal na pagsabog sa kalagitnaan ng pelikula. Kamamatay lamang ni Rue at bigla-biglang nag-alsa ang District 11. Mainam itong pagbabadya para sa susunod na pelikula. At lagpas sa pagtatapos na naglalatag sa darating na sequel, ito ang natatanging eksena para sa akin ng pelikula at para na rin sa buong serye sa ngayon. Sa madalas na inihahambing na Battle Royale, may sequel din itong higit na politikal at nagpapakita ng mga rebeldeng lumalaban sa gobyerno. Maraming hindi gusto ang sequel na ito. Ngunit para sa akin ay kailangan. Ito rin ang kailangang gawin ng seryeng Hunger Games. Hindi sapat ang manalo o tumakas. Kailangang harapin ang mapaniil na sistema. Pero tulad ng nasabi ko na tungkol sa mga libro, masalimuot ang pagharap na ito, ang pagbalikwas sa sistena, dahil may kapalit na kompromiso ito sa iyong prinsipyo. Ito ang mainam na hinarap ng mga libro ng Hunger Games at maging ng Battle Royale. Tulad ni Philbert Dy at Scott Tobias, at gaano mang kaayaw ng mga taong harapin ang masalimuot na politika ng dystopia na inilalatag ng pelikula at serye, ito ang pinakaaasam ko sa susunod na pelikula.

Martes, Nobyembre 29, 2011

Rebyu: City Lights

Taon: 1931
Direktor at manunulat: Charlie Chaplin

Sinusundan ng pelikulang ito ang klasikong karakter ni Chaplin, ang Tramp, nang dumating ito sa lungsod. Makikilala niya ang isang bulag na babaeng nagbebenta ng bulaklak at iibig dito. Sa kanyang paglalagalag din sa lungsod, makikilala rin ng tramp ang isang mayamang lasenggong iniligtas niya sa pagpapakamatay nang minsang masobrahan ito sa kalasingan. Aakalain ng bulag na babae na isang mayaman ang tramp. Ang tramp nama'y aakuin ang pagkataong ito para lamang mapalapit sa bulag na babae. Gagamitin niya ang pakikipagkaibigan sa mayaman upang mapalapit sa bulag na babae. Gayundin ay magtatrabaho sa iba't ibang uri ng trabaho upang mapanatili ang ilusyon ng pagiging mayaman upang matulungan ang pinansiyal na problema ng babaeng bulag. Kaya't hindi perpektong karakter ang tramp. Ngunit sa likod ng kanyang kapayakan, sa pagiging mahirap, hindi edukado, at kulang sa "kultura", (puno ang pelikula ng mga eksena kung kailan kasama niya ang milyonaryo sa iba't ibang pangmayaman na gawain at kitang-kita ang hindi pagiging bagay ng tramp doon) ay isang mabuting hangarin lalo na para sa bulag na nagbebenta ng bulaklak. Madalas na binabasa ang karakter na tramp ni Chaplin bilang simbolo ng naiisantabi't naetsa-puwera ng lipunan ng Amerika. Ngunit sa pelikulang ito, ang naisantabi ang nasa sentro, at ang sentro'y inilantad sa kanilang kababawan at kakulangan.

Biyernes, Setyembre 16, 2011

Kung paano makaligtas sa isang pandemic ayon sa pelikulang "Contagion"

1) Galing sa Exotic Orient ang mga sakit na nakamamatay at kinatatakutan ng Occident. Kaya umiwas at wag basta pumunta sa Exotic Orient.

2) Huwag kung saan-saan hahawak. Please lang, huwag mong hahawakan ang kung ano-ano.

3) Umasang maging immune na agad sa nakamamatay sa sakit para wala nang hassle. Ang hassle na lang ay paano mabubuhay sa isang post-apocalyptic na scenario.

4) Umasa sa kabutihan ng Pamahalaan lalo na ng Pamahalaan ng Estados Unidos. Na gagawin nila ang lahat para mailigtas ang Sangkatauhan.

5) Umasa sa kabutihan ng mga Korporasyon. Na gagawin nila ang lahat para mapanatili ang kalusugan ng consumer base.

6) Huwag magtiwala sa Internet. Puno lang iyan ng haka-haka at kasinungalingan.

7) Huwag maniwala sa holistic medicine. Vaccine lang ang tunay na makapagtatanggol sa atin sa mga sakit. Maliban na lang kung immune ka na nga.

8) Kung nagsisimula nang maging post-apocalyptic ang mga nangyayari sa paligid mo, armasan mo ang sarili mo at magkulong ka na lang sa bahay.

9) Walang etikal o di-etikal sa isang pandemic. Kaya't kung may ginawa kang sinasabi ng ibang tao na "unethical", magtiwalang ginawa mo iyon para sa pamilya mo at para sa pag-ibig.

10) Kung okey na ang lahat, pwede ka nang magsayaw kasama ng iyong pinakamamahal.

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Cinemalaya 7: I-Libings, Isda, Niño, Busong

I-libings
Direktor: Rommel Andreo Sales

Umiikot ang kuwento kay Isabel (Glaiza de Castro), isang mag-aaral, na kumuha ng internship sa isang puniraryang may video service para sa mga kamag-anak ng namatayan na nasa ibang bansa. Isang film student, ang internship na ito ang ipinayo ng kanyang adviser na kunin ni Isabel at ng kanyang kaklase dahil nagagamit nila ang kanilang kakayahan sa video editing at videography. Ngunit nasa gilid lamang talaga ng kuwento ni Isabel ang pagiging video intern. Tunay na tampok ng drama ng kuwento niya ang personal niyang buhay partikular ang realidad ng pagiging anak niya sa labas at ng pagiging kabit ng kanyang nanay.

Isang tema na pumapaloob sa pelikula ang konsepto ng pagpapakita, paglalantad at pagtatago, pagkukubli. Bakit ba gusto ni Isabel na maging filmmaker? Hindi ito sinasabi sa pelikula. Mahihinuha na lamang ito marahil sa kanyang pagiging anak sa labas. Na ang pelikula, isang anyong nagpapakita, ay isang paraan ni Isabel na ilantad ang lahat. Siyempre, sarili ko na itong psychoanalysis ekek na hindi ko rin naman talaga matutunayan nang mabuti dahil walang imahen sa pelikula na nagtuturo roon. Sa karanasan ni Isabel sa i-libings, malay din naman siya na may mga bagay na hindi ipinakikita sa mga video na ginagawa nila. Makikita lamang talaga ang paglalantad sa dulo ng pelikula, nang harapin ni Isabel ang unang pamilya ng kanyang ama. Magaan at mayroong katatawanan ang buong pelikula ngunit natitisod pag minsan ang daloy ng kuwento sa pagtampok ng drama (na bumabaybay sa melodrama) ng buhay ni Isabel.

Sa pangkalahatan, wala akong nakikitang mali sa pelikula. Wala nga lang akong makitang ubod na katangi-tangi rito. At isang pansin lamang: bakit kailangang may daddy issues ang mga bidang dalaga sa pelikula? (Mangatyanan, For the First Time)

Isda
Direktor: Adolf Alix Jr.
Panulat: Jerry Gracio

Paano nga ba uunawain ang panganganak ni Lina (Cherry Pie Picache) ng isda? Marahil mauunawaan ito sa mga pangyayari bago siya nanganak. Dumating mula sa probinsiya sina Lina at Miguel (Bembol Roco) sa Maynila upang magkaroon ng bagong buhay. Tumira sila malapit sa tambakan. Nagtrabaho sa ice factory si Miguel ngunit hindi niya natagalan at nagkasakit pa nga. Kaya't napilitang mangalkal na lamang ng basura't ibenta ang natatagpuan nila sa tambakan. Ito ang kalagayan ng buhay nila, dehumanisasyong dulot ng kahirapan. Sa kontekstong ito nagbuntis si Lina. Tila isang milagro ito para sa mag-asawa. Hindi na nila inisip kung maibubuhay nga ba nila ang kanilang magiging anak. Ang mahalaga'y nabiyayaan sila kahit papaano sa harap ng kahirapang nararanasan nila.

Sa kaligiran ng fishkill at pagbagyo nang naipanganak ni Lina si Miguelito, ang kanyang anak na isda. Mababalita si Lina at Miguelito at bagaman may pagdududa ang ilan kung totoo ngang nanganak ng isda si Lina, walang duda sa isip ni Lina na si Miguelito'y anak niya. Dito magkakaiba ang pagtrato ng mag-asawang Miguel at Lina sa pangyayari. Bagaman lubos ang pagtanggap ni Lina kay Miguelito bilang sarili niyang anak, hindi lubusang matanggap ni Miguel ang katotohanang anak niya si Miguelito. Ito ang lilikha ng tensiyon sa pagitan ng mag-asawa sa huling hati ng pelikula. Bagaman kababalaghan, tinitingnan din na isang suwerteng bagay si Miguelito dahil pagkatapos niyang ipanganak ay nakatagpo ng pera si Lina na hinala'y perang nakaw sa isang bangko. At makakaahon sa kahirapan sina Lina at Miguel.

Paano nga ba uunawain ang panganganak ni Lina ng isda? Inuunawa ko ito bilang isang talinghaga. Kinakatawan ni Miguelito ang kawalan ng pagkatao (humanity) ng sangkatauhan. Ito ang interpretasyon ko sa kuwentong "Apokalipsis" ni Sir Vim Yapan at hindi rin naman malayo sa nangyari sa "Isda". Paano mo ba tatratuhin ang anak ng isang tao gayong isda ito? Tao ba o isda? Pinapatungan pa ito ng isyu ng uri. Para sa mga kapitbahay ni Lina, lalo na ng mga kaibigan at kamag-anak doon, tunay ngang anak ni Lina si Miguelito. Hindi ito malayong talon para sa kanila. Bagaman nasa lungsod, puno pa rin ng pamahiin ang Looban nina Lina at ang kakaibang pangyayaring ito ay bahagi lamang ng pang-araw-araw na kababalaghan na nangyayari sa lungsod.

Magaling ang pagganap nina Cherry Pie Picache at Bembol Roco bilang mag-asawang naghahanap lamang ng munting ligaya sa gitna ng lungsod na, sa dulo ng pelikula'y wala naman talagang pakialam sa mahihirap, may anak man sila ng isda o tao.

Niño
Direksiyon: Loy Arcenas
Panulat: Rody Vera

Inaakala ko'y isang pangkaraniwang kuwento ang maaasahan sa "Niño". Kuwento ng isang upper-class na pamilyang nawala na ang ningning at katayugan ng posisyon sa lipunan? Parang hindi kaengga-engganyo lalo na't sanay ka sa melodrama sa TV na puno ng mga eredero't erederang tauhan na umiibig sa mga katulong. Hindi. Walang ganito sa "Niño".

May malinaw na agwat sa pagitan ng mga henerasyon dito sa pelikula. Ang mga nakatatanda, sina Celia (Fides Cuyugan Asensio) at Gaspar (Tony Mabesa), ay inaasam pa ring ang pagbabalik sa kadakilaan ng kanilang angkan. Si Celia'y isang soprano at naging tanyag na mangangawit sa opera ng Pilipinas. Si Gaspar naman ay isang dating congressman na hindi nakabalik sa poder mula nang kalabanin si Marcos. Ibang-iba ang kanilang mga anak. Si Mombic (Arthur Acuña) ay anak ni Celia. Lumipat na siya sa Davao ngunit dahil sa pagbagsak ng negosyo'y napilitang bumalik sa Maynila upang asikasuhin ang kanyang papeles papuntang Dubai. Si Merced (Shamaine Buencamino) ay lesbianang kapatid ni Mombic at ang naiwan sa piling nina Celia at Gaspar. Si Merced ang nagmistulang tagapamahala ng kanilang mansiyon at ng natitira nilang kayaman. Si Raquel naman, anak ni Gaspar, ay matagal nang nasa Amerika na bumalik lamang upang harapin ang krisis na nangyari matapos magkasakit ng kanyang ama. Ang sumunod na henerasyong ito'y wala nang bahid ng ilusyon na babalik pa sa dati ang kanilang angkan. Sapat na sa kanilang mangibang bayan (Mombic, Raquel) o magkaroon ng bagong buhay na wala sa ilalim ng anino ng matandang bahay (Merced).

Humahanga ako sa galing ng iskript na nilikha ni Rody Vera. Puno ito ng katatawanan ngunit may karampatang bigat. Puno rin ng kabig at pagliko na bagaman maaaring inaasahan na'y nakakukuha pa rin ng reaksiyon mula sa manonood. Puno rin ng siste ang mga dialogo'y eksena na marahil ay marka ng kanyang taon ng karanasan ng pagiging mandudula.

Dalawang simbolo ang nakikita sa loob pelikula: ang matandang bahay at ang Santo Niño. Umiikot talaga ang kuwento ng pelikula sa realidad kung ano ang gagawin sa lumang bahay pagkamatay ni Gaspar, ang may-ari nito. Ibebenta ba ito o hahayaang tirhan pansamantala ni Celia? Simboliko ang matandang bahay ng nakaraan at mismong hinaharap ng mga tauhan. Kakapit ba sa nakaraan o bibitiwan ba ito't harapin ang hinaharap? Sa ganito'y magkakawing ang matandang bahay sa Santo Niño. Noong bata si Mombic ay muntik na siyang mamatay dahil sa meningitis at iniuugnay ang milagroso niyang pagkaligtas mula sa sakit sa debosyon ni Celia sa Santo Niño. Ipinagsuot pa noon ni Celia si Mombic ng damit ng Santo Niño. Nang magkasakit si Gaspar, suot ni Antony (Jhizhelei Deocareza), anak ni Mombic, ang damit ng Santo Niño at tumatag sa isip ni Celia na gagaling si Gaspar sa tulong ni Antony na naging Santo Niño. At iyon nga ang madalas na kinakatawan ng Santo Niño, bagong buhay at pag-asa. Ngunit muling pagbangon ng angkan o bagong buhay na hinaharap ang bagong tadhana ay dulo lamang talaga ng pelikula ilalahad.

Busong
Direksiyon: Auraeus Solito

Sa kabuua'y kuwento ito ni Punay (Alessandra de Rossi) at ng kanyang kapatid na si Angkarang (Rodrigo Santikan). Ipinanganak na puno ng sugat sa katawan si Punay at binubuhat ni Angkarang ang kanyang kapatid habang naglalakbay sa mga kapuluan ng Palawan ng isang manggagamot na makagagamot kay Punay. Sa paglalakbay na ito'y pagtatagni-tagniin ni Solito ang iba't ibang kuwento tungkol sa Palawan.

Sa mga iba't ibang naratibong bumubuo sa "Busong", paulit-ulit ang tema ng pagkawala at paghahanap sa tadhana at ang dahilan ng busong. Sa kuwento ni Ninita (Bonivie Budao) at Tony (Walter Arenio), ang tradisyunal na relasyon na mayroon sa pagitan ng tao'y nawala dahil sa pagsasamantala nila sa kalikasan (isang tagaputol ng kahoy Tony). Sa kuwento naman ng mangingisdang Palawanon (Dax Alejandro), nakaharap niya ang isang banyagang kumamkap sa islang matagal na nilang pinangingisdaan. Sa kuwento naman ni Aris (Clifford Banagale), muli siyang bumabalik sa kanyang iniwanang lahi/kultura ng Palawan.

Pinaaalalahanan sa akin ng "Busong" ang mga pelikula ni Apichatpong Weerasethakul bagaman malinaw para sa akin na may pagtatangka ng lumikha ng sariling lohika si Solito pagdating sa sinematikong naratibo na ibang-iba sa pangtatangka ni Weerasethakul. Nagtatagisan ang pagkasira ng kalikasan at tradisyon sa oportunidad na binubuksan ng kapitalismo at modernidad. Ngunit maaaring may pag-asa pa sa pagbalik sa kultura (sa kasong ito, sa kulturang Palawanon ni Solito). Sa pagsusuri ni Oggs Cruz, tila ito nga ang nais gawin ni Solito, isang pagpupugay sa isang tila namamatay na kultura.

Sabado, Marso 05, 2011

Rebyu: Senior Year

Senior Year
Direksiyon at Panulat ni Jerrold Tarrog

Kailangan ng isang munting pasintabi: napanood ko ito nang libre noong ika-2 ng Marso sa SM Megamall, matapos magyaya si Camille, co-fellow ko noong 6th ANWW, na manood kami kasi nakakuha siya ng libreng mga ticket. At hiling din lang daw para sa kapalit na libreng ticket ay i-blog ang pelikula. Bahagi na rin ito marahil ng promotion ng pelikula sa napipinto nitong pagpapalabas simula sa ika-9 ng Marso.

Isa itong pelikula tungkol sa huling taon ng isang batch ng St. Fredrick's Academy. At bilang isang pelikula tungkol sa high school, nariyan na ang ilang mga inaasahang tema: INTRAMS, college entrance tests, pagkakaibigan, pag-iibigan, isyung pangkasarian, problema sa pamilya, "ano na pagkatapos ng high school?". Maraming mga tauhan, sampung estudyanteng tauhan kasama na ang ilang mga guro, kaya't pagminsa'y parang ang bilis ng daloy ng mga pangyayari dahil kailangang bigyang-tuon ang bawat grupo ng mga magkakaibigan. Hindi rin maiwasan pag minsan na sumalalay ang pelikula sa ilang mga stock o isteryotipong tauhan. Ngunit lampas sa mga ito, hindi ko maikakaila ang dating at appeal ng pelikula. Mainam ang balanse nito ng pagpapatawa at pagbibigay ng drama sa buhay ng tauhan at sigurado akong matutuwa ang mga manonood sa pelikula dahil, bagaman may mga cliche at isteryotipo, sasabihin nilang, "Oo, ganoon nga ang high school."

May dalawang malinaw na target audience para sa pelikula: ang mga kasalukuyang mag-aaral sa high school at ang mga nagtapos na't isang alaala na lamang ang high school. Maraming eksena sa pelikula ang umikot sa matatandang bersiyon ng mga tauhang nasa high school. Muli silang nagkita-kita dahil sa kanilang reunion. Dito ako marahil tunay na nasasayangan sa pelikula dahil hindi lubos na nagamit ang pagmumuni ng mga tauhang tumanda upang suriin ang nakaraan. Hindi sila naging lubos na foil para sa kanilang mas batang sarili. Pagminsan nga'y nagiging dating sa akin ng mga eksenang ito'y mga transitional device lang ang mga ito para magkaroon ng "flashback" o di kaya'y para ipaalam sa manonood kung ano na nga ba ang nangyari sa kanila tulad ng isang "flashforward". O baka naman sobra-sobra nang hilingin ang napakaradikal na pamamaraan ng pagsasalaysay sa isang pelikula na gusto lang naman talagang ilahad ang isang sandali sa buhay ng isang grupo ng mga tauhan. Na ang pamagat naman talaga ng pelikula ay "Senoir Year" at hindi "Reunion".

Sa lahat-lahat, isa itong pelikulang magugustuhan ng maraming mag-aaral ngunit marahil ay ikababagot ng ilang ng nagtapos na dahil hindi sila mag-ugnay sa isang pelikulang hindi naman talaga ginawa para sa kanila.

Lunes, Nobyembre 16, 2009

Mga Sandali ng Apokalipsis

1. Kawalan ng Langis

Tinanggal na ang price ceiling para sa mga produkto ngayong araw ngunit naging interesante ang pagbabanta ng mga korporasyon ng mga langis ng kakulangan sa langis dulot ng price ceiling na ipinataw ng pagkatapos ng Ondoy at Peping. May mga balita na may mga istasyon ng gasolina sa Metro Manila hanggang sa mga lalawigan ang nauubusan ng gasolina’t napipilitang magrasyon at magsarado. At naging tensiyunado ang buong bansa. Mahirap linawin kung gaano naging kalala ang problema (may tendensiya kasi na maging eksahirado ang balita sa TV).

Nakakatawa lang talaga ang lohika ng korporasyon ng “kita muna”. Naging dating talaga sa akin ay black mail ang nangyari. Kung hindi rin nga naman sila kikita e di huwag na lang. Hindi naman sa sinusuportahan ko ang price control at ang EO 839 pero naging malinaw lang kung kaninong kapakanan ba talaga ang binabantayan at sinusubaybayan ng mga korporasyon. (Hindi naman sa sobrang galing ng track record ng Administrasyong Arroyo sa kung ano-ano.) At interesante nga na ang BSP mismo’y nagsasabi na hindi pa naman kailangan ng price increase sa petrolyo. Ewan ko ba kung ginagago lang talaga nila tayo o krisis na nga ba talaga.

2. Lindol

Ako lang ba o parang ang dami ng mga lindol akong nakikita sa balita dito sa Pilipinas? Sa nakalipas na dalawang buwan, marami-raming magnitude 5 pataas na lindol ang naganap sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Pero kung titingnan nga ang website ng PHIVOLCS, parang normal lang naman talaga ang isang magnitude 5. Kaya baka epekto naman ng panonood ng TV ito. Pero pagkatapos ng mga lindol sa Indonesia, hindi rin naman kataka-taka na maging sensitibo sa mga balitang tulad nito.

3. 2012

Ewan ko kung bakit may mga kaso na naniniwala ang mga tao na matatapos ang mundo sa 2012 (Disyembre 21 to be exact) pagkatapos mapanood ang pelikulang “2012”. Napanood ko na ang pelikula at malinaw na kalokohan ang pseudo-science na nililikha ng pelikula bilang dahilan ng pagtatapos ng mundo. At, ano ba, ang pangit-pangit ng pelikula para paniwalaan.

Sabado, Oktubre 10, 2009

Rebyu Edition: Pelikula (May Spoilers)

1. In My Life

Pinanood ko ito kasama ang pamilya tatlong linggo na ang nakakaraan. May mga sandaling nakakaaliw ang pelikula pero all in all, pangit ito. Isang nakakainis na tauhan ang ginagampanan ni Vilma Santos, isang talakerang maraming isyu sa buhay, mula sa pagtanda, pagkakawatak-watak ng kanyang pamilya at sa pagiging bading ng kanyang kaisa-isang lalaking anak. At dahil napakadaming isyu ang tinatangkang harapin ng pelikula tungkol sa pangunahin nitong tauhan, nagiging sabog tuloy ang kabuuang daloy ng lahat. At parang napakadaling resolbahin ang bawat problema at isyu nang ganun na lang. Interesante ang isyu ng migrasyon at gay relationships pero hindi lubusang natatalakay nang maayos ng pelikula dahil nga nasasapawan ng tauhan ni Vilma Santos ang mga isyu na ito. Kaya pagkatapos manood e napagod din lang ako imbes na gumaan ang pakiramdam dahil sa catharsis.

2. Blow Up

Dinerehe ni Michelangelo Antonioni at batay sa isang maikling kuwento ni Julio Cortazar, umiikot ang pelikula sa isang photographer na nagngangalang Thomas, na ginampan ni David Hemmings. Malaking bahagi ng mga unang kalahating oras ng pelikula ay walang banghay o plot. Sinusubaybayan lamang ang mga gawain ni Thomas bilang isang photographer. Kung saan-saan siya pumunta at maliban sa kanyang trabaho bilang isang photographer, tila walang direksiyon ang kanyang buhay. Ginagawa lang niya ang gusto niyang gawin sa sandaling iyon at kapag may nakita siyang interesante, kinukunan niya ng litrato. Ang pinakamahalagang sandali sa pelikula ang pagkuha ni Thomas ng mga litrato ng dalawang mangingibig sa isang park. Kakaiba ang reaksiyon ng babae, na ginampan ni Vanessa Redgrave, sa kanyang pagkuha ng litrato. Sinundan siya ng babae sa kanyang apartment at tinangkang kunin mula sa kanya ang mga negatibo ng kanyang litrato. Sa pag-develop niya sa mga litrato, doon niya natagpuan na posibleng naging saksi siya sa isang krimen at ang kanyang mga nakuhang litrato ang tanging ebidensiya sa nangyaring krimen.

Decadent ngunit nabubulok ang kabuuang kaligiran na ginagalawan ni Thomas. Isang 60's London na tila catatonic at manhid sa maraming mga bagay. May isang eksena sa pelikula sa isang club at umaawit ang isang rock band ngunit walang ekspresyon ang mukha ng mga tagapakinig. Interesado si Thomas sa mundong ito at siya na nga ang isa sa mga pinakabuhay sa London. Ngunit interesado sa mundo bilang isang photographer at hindi bilang isang tao. Interesado siya sa mundo bilang sining. Kaya't nang mamalayan niya ang krimen na nangyari, hinanap niya ang katotohanan. Bilang photographer, mga representasyon at imahen ang kanyang pangunahing katuwang. At kung tutuusi'y gamit ng kamera lamang niya natantong may krimen palang nangyari sa park. Isa itong kabalintunaan dahil matalas ang kanyang mata bilang photographer. Gayudin, nang mawala ang mga negatibo niya dahil nilooban ang kanyang bahay, nawala na rin ang ebidensiya. At bagaman nakita niya ang bangkay, nawala rin ito at sino ang makapagsasabi na nangyari nga ang krimen kung wala na ang ebidensiya? At dahil hindi naman talaga niya nakita nang tuwiran ang krimen, dahil sa mga larawan lamang niya iyon nahinuha, kaduda-duda rin ang kanyang magiging testimonya. At sa mundo ng puno ng pagwawalang-bahala, bakit pa nga ba niya kailangang mabahala?

3. Infernal Affairs

Umiikot sa isang mole ng triad na nasa loob ng Hong Kong Police at ng isang undercover na pulis na nasa loob ng triad, puno ng paliko-liko ang pelikula dahil sa bawat sandali'y may bagong development. Nang hindi naging matagumpay ang isang sting operation ng pulisya laban sa triad, naging malinaw na may mga traydor sa loob bawat organisasyon. Puno ng pagpapanggap ang bawat tauhan at tila nagkakahalo na nga ang mga identidad. At iyon ang interesante para sa pelikulang ito, na hindi lamang ito labanan sa pagitan ng mabuti at ng masama. Paano nga ba huhusgahan ang kabutihan ng isang tao? Buong buhay ba niya bilang krimenal ang pagbabatayan o ang isang sandali ng pagwawasto? Lubhang etikal ang pelikula at hindi basta-bastang moralistiko.

Sabado, Agosto 22, 2009

Dahil kailangang magparamdam sa mundo...

1.

Madaming ginawa sa nakalipas na mga linggo kaya hindi masyadong nakapag-update ng blog. Una, Buwan ng Wika at Kultura sa Ateneo. Pumunta ako sa talk na inihanda ng Kagawaran ng Filipino at ng Pilosopiya noong Agosto 12 sa Leong Hall. Na-upload ko na sa aking Multiply ang mga audio files ng panayam na ito. Noong Agosto 17 naman, nagbigay ng panayam si Ricky Lee tungkol sa kanyang pagsusulat partikular ang kanyang unang nobelang "Para kay B". Ibibigay ko pa sa Heights ang kopya ko ng audio file at mga litrato. Noong Agosto 20 naman, idinaos ang Sagala ng mga Sikat. Sa susunod na lang ang mga picture. Sa susunod na Linggo, nakasalang ang "Kasarisarian" at "Bigkasaysayan" na mga panayam na inihanda ng Heights katuwang ang Kagawaran ng Filipino. Gayundin, sa Miyerkules na rin ang KA Poetry Jamming. Pararangalan doon ang mga nagwagi sa Sagala ng mga Sikat at sa ibang mga patimpalak ng Kagawaran. May performance din ako doon (maliit lang) bilang pagtulong sa kabuuang performance ni G. Yol Jamendang. Tapos ko na nga rin palang magpasa ng advisory mark at tsekan ang mahabang pagsusulit ng mga estudyante.

Noong nakaraang Sabado, nag-overnight kaming magkakaibigan sa high school sa bahay nina Krisette sa San Pablo. Kainan, inuman, pelikula at Wii ang buong gabi. Medyo ramdam ko pa ang kakulangan ng tulog hanggang ngayon. (Medyo nabawi-bawi ko na nitong nakalipas na mga holiday). Babalik na ngayong araw si Krisette patungong Hawaii. Maging ligtas at mabuti sana ang paglalakbay niya.

2. Public Enemies

Matagal na ito pero ngayon ko lang mapag-uusapan. Umiikot ang pelikula kay John Dillinger (na ginampanan ni Johnny Depp) noong Depression Era sa Amerika. Mala-Robin Hood ang pagkakalarawan kay Dillinger. Ang pangunahing tensiyon na nakikita ko ay ang pag-usbong ng FBI upang labanan ang mga gang na kinabibilangan ni Dillinger. At si Melvin Purvis (na ginampanan ni Christian Bale) ang naatasan upang hulihin ang mga "public enemies" na ito.

Para sa akin, hindi ito sobrang gandang pelikula. Okey lang ito na pelikula. Pero magagaling ang mga performance nina Johnny Depp at Christian Bale. Ramdam ko ang trauma sa mukha ni Bale kapag may namamatay siyang kasamang pulis (pero pagminsan medyo natatagalan ako sa mga sandaling iyon). Kakaiba rin ang camera-work dahil na rin siguro na hi-def digital ang ginagamit na teknolohiya. Mahirap ihanay ito sa pelikulang tulad ng "The Goodfellas" pero nahuli naman ata nito ang timpla ng panahon na tinatangka nitong hulihin.

3. Up

Pinanood ko ang "Up" ng Pixar kahapon. Masaya itong pelikula na may madamdaming kabig. Umiikot ang kuwento kay Carl, isang retirado, na nagluluksa pa rin pagkatapos mamatay ng kanyang asawa. Bilang pagtupad ng kanyang pangako, tinangka niyang dalhin sa South America ang kanilang tahanan gamit ang daan-daang lobo. Kasama sa kanyang paglalakbay si Russell, isang scout na naghahanap ng matutulungang matanda para sa kanyang badge, si Kevin, isang higanteng ibon, at si Dug, isang asong naghahanap ng pagmamahal. Pambata man ang pelikula, matinding lungkot at pangungulila ang nararanasan ng mga tauhan partikular sina Carl at Russell. At ito ang nag-uudyok sa kanilang paglalakbay.

Lunes, Hulyo 27, 2009

Cinemalaya Rebyu Edition Part 2 (Mag-ingat sa Spoilers)

1.

Kagabi ang Awarding Ceremony ng Cinemalaya at nakakatuwang malamang nanalo ng Special Jury Prize "Ang Panggagahasa kay Fe" at Best Actress si Ina.

2. Astig

Nahuli akong makarating ng ilang minuto sa CCP kaya hindi ko lubos na nasimulan ang "Astig" na dinerehe ni GB Sampedro. Umiikot sa iba't ibang tauhang nakatira sa Maynila/Tondo, inilalarawan ng pelikula ang iba't ibang kailangang harapin at pagdaan ng mga tauhang pinalilibutan ng kahirapan at karahan, ang kanilang kailangang gawin para mabuhay at lumigaya. Nagsasali-salikop ang mga buhay ng mga tauhang sinusubaybayan ng pelikula pero sa kalakhan, wala naman talaga silang epekto sa isa't isa maliban na lang ang mga kuwento nina Ariel, na ginampanan ni Dennis Trillo, at ni Baste, na ginampanan ni Sid Lucero.

Dahil itinatampok ang Maynila, hinanapan ko ng paraan o pagtatangka sa bahagi ng pelikula kung paano napupunta sa foreground ang Maynila bilang tagpuan imbes na backdrop lamang.Pero wala naman akong napansing kakaiba.

Ang mahalaga, para sa akin, kapag may iba't ibang hibla ng naratibo sa isang akda ay kung paano nagkakatahi-tahi ang lahat sa dulo. At wala akong nakitang malinaw na pagtatahi. Maliban na lamang sa umuulit na tema ng kasawian. Na wala nang mabuti pang mangyayari sa Maynila. At ang mga tauhang may natitira pang hibla ng pag-asa ay lumayo sa Maynila, tulad ng ginawa ng tauhang si Boy.

Final note: Bakit laging last resrt ang mga bakla pag may problema ka? Ilang ulit iyong nangyari sa pelikula e.

3. Colorum

Tungkol lang naman talaga ang "Colorum" na dinerehe ni Jon Stefan Ballesteros, sa mga mabubuting taong nais magkaroon ng magandang buhay. Malas lang talaga ang mga mabubuting taong nakukulong sa isang masamang mundo at masamang sistema. At iyon lang naman talaga ang pangunahing problema ni Simon, na ginampanan ni Alfred Vargas, at ni Pedro, na ginampanan ni Lou Veloso. Si Simon ay isang modelong pulis ngunit dahil gusto niyang makapag-ipon at bigyan ng mabuting buhay ng kanyang nobya nasa ibang bansa, nagsa-sideline din siya bilang tsuper ng ilegal na FX taxi. Si Pedro naman ay isang dating presong binigyan ng parole dahil sa katandaan at ninanais lamang makausap ang kanyang anak na hindi na niya nakakausap mula pa nang bata pa ito. Magtatagpo ang kanilang buhay nang makabangga si Simon ng isang lalaki habang sakay-sakay si Pedro. At dahil ayaw niyang masabit sa gulo, tumakas siya kasama si Pedro at para maayos ang lahat, inutusan si Simon na dalhin ang FX kasama si Pedro sa Ormoc. At sa daan, marami silang tauhang makakasalubong.

Naaliw naman ako sa pelikulang ito. Namroblema lang siguro ako sa consistency ng mga tauhan. At ganoon din, sa mga coincidences. Bakit hindi tinulungan ni Simon ang kanyang binangga kung mabuti nga siyang tao? Pero may moralismo ang pelikula na hindi in-your-face. Sa mga sandaling kapit-patalim ka, may karapatan nga ba tayong maging mabuti?

4. Ang Nerseri

Walang partikular na kuwento "Ang Nerseri" na dinerehe ni Vic Asedillo Jr. Tungkol lamang ito sa pagsunod sa buhay ni Cocoy, na ginampanan ni Timothy Mabalot, habang binabantayan niya ang mga kapatid na may sakit sa isip. Bagaman si Cocoy na ang pinakanormal sa kanilang magkakapatid, unti-unting lumalabas ang mga sintomas na maaaring siya rin ay nadadapuan na ng sakit na mayroon ang kanyang mga kapatid.

Hindi ko pa lubos na nauunawaan ang kung may metaporikal bang antas ang konsepto ng pagkabaliw sa pelikula. Sa kabuuan, mukhang hindi. Mas nakikita ko ang nerseri/pag-aalaga bilang pangunahing konsepto ng pelikula. Sa kabaliwan, nawawala ka sa sarili. Ngunit sa pag-aalaga at maging sa pagmamahal sa isa, kailangang ibigay ang sarili. At ito, sa tingin ko, ang pangunahing internal dilemma ni Cocoy. Hahayaan lamang ba niyang manalo ang napipintong pagkabaliw na nararanasan niya o harapin ito't gawin ang kailangang gawin para mabuhay.

5. Dinig Sana Kita

Umniikot sa pagkakaibigan/pag-iibigan ng isang rocker chick at ng isang binging-mananayaw, hindi kaduda-duda kung bakit nanalo ng Audience Choice Award ang "Dinig Sana Kita" ni Mike Sandejas. Puno ng mga kaantig-antig na mga sandali kasabay ng mga magagaan na mga eksena. Malinaw na hindi ito art film, na isa itong love story. Ngunit dahil isa itong love story, tadtad ang pelikula ng mga cliche na bagay o trope. Una, kailangang nanggagaling sa magkaibang mundo ang dalawang pangunahing tauhan. At ano pa nga ba ang mas polar opposite pa sa rocker chick/deaf-dancer? Gayundin, dahil middle class si rocker chick, kailangang may daddy issues siya. At siyempre, hindi ipinakikita ang mukha ni emotionally distant daddy kasi lahat ng mga emotionally distant daddy ay walang mukha. At si deaf-dancer naman ay inabandona ng kanyang mga magulang. At dahil isa itong love story na may happy ending, kailangang bigyan lahat ng closure sa huling limang minuto.

Okey, medyo sarcastic ang rebyu ko ng "Dinig Sana Kita" pero kailangang sigurong unawain na pagkatapos mapanood ang mga pelikulang tulad ng "Ang Nerseri", "Ang Panggagahasa kay Fe", "Mangatyanan" at "Engkwentro", na pinahirapan ako nang todo-todo (pero yung masarap na hirap naman ang naranasan ko [sadistic amputa]), hindi lang siguro akong handang tanggapin intelectual obviousness ng pelikulang ito. Nag-enjoy din naman ako sa pelikulang ito. Maganda ang pagganap ng mga aktor, nina Zoe Sandejas at Romalito Mallari, maging ng mga support nila. Kaya nga siguro nanalo ng Audience Choice ang pelikulang ito dahil sa kanilang pagganap. At kahit na tadtad ng cliche ang kuwento, maayos pa rin ang pagdadala ni Mike Sandejas ng kabuuang tono ng pelikula mula drama at pagpapatawa. At natuto din ako ng kaunting sign language. Pero iyon nga, pagkatapos mapanood ng isang beses, ewan ko lang kung babalik-balikan ko ang pelikulang ito o pwede ko itong pag-usapan kasama ng iba.

6.

Tingnan ko kung mapapanood ang "Last Supper No. 3" at "Sanglaan" pagdating ng Cinemalaya sa UP.

Biyernes, Hulyo 24, 2009

Cinemalaya Rebyu Edition (Mag-ingat sa Spoilers)

1.

Oo, nag-commute ako papuntang CCP galing Katipunan, and back. At gagawin ko ulit iyon bukas. May tanong? Sa ngayon apat na competition films pa lamang ang mapapanood ko: "Ang Panggagahasa kay Fe", "Engkwentro", "Mangatyanan" at "24K". Apat pa ang papanoorin ko bukas: "Astig", "Colorum", "Nerseri" at "Dinig Sana Kita". Naubusan na ako ng oras para mapanood agad ang "Sanglaan" at "Last Supper No. 3".

2. Engkwentro

Dinerehe ni Pepe Diokno, umiikot ang pelikula sa pagitan ni Richard, na ginampanan ni Felix Roco at Raymond, na ginampanan ni Daniel Medrana. Pinuno si Richard ng "Bagong Buwan", isang gang, habang napasali naman si Raymond sa "Batang Dilim", isang karibal na gang. Isang tulak ng bato ang kanilang ama habang nasa Maynila ang kanilang ina. Sa simula pa lamang ng pelikula, ipinapakita ang desperasyon ni Richard na makaalis sa kanilang lugar kasama si Jenny Jane, na ginampanan ni Eda Nolan, dahil may hit na nakamarka sa kanya mula sa gumagalang "City Death Squad".

At iyon marahil ang pangunahing emosyong matatagpuan sa mga pangunahing tauhan ng pelikula: ang desperasyon. May mga tauhang wala nang pagnanasa pang umalis o nawalan na ng pag-asa, tulad na lamang ng ama nina Richard at Raymond at ang pokpok na ina ni Jenny Jane. At tila wala na talagang pag-asa ang ipinipintang imahen ng pelikula para sa mga tauhan lalo na sa nagbabantang death squad. Sa huli, mauunahan ng death squad ang pag-asang kinikimkim ni Richard para sa kanila ni Jenny Jane at Raymond.

At hindi lamang sa mismong pagpatay ng death squad pinapatay ang pag-asa sa mga taong katulad nina Richard na namulat sa kahirapan at krimen. Sa kabuuan ng pelikula, paulit-ulit ang boses ng mayor ng lungsod, na nanggagaling sa radyo, at kung paano niya binibingyan ng rasyonal ang irrasyonal na pagpatay ng mga death squad. Malinaw na mas mahalaga ang pagpapairal sa kaayusan kaysa sa pagpapaunlad ng pag-asa't pagnanais na pagbabago na nais makamit ng tulad ni Richard.

Diretso ang paghuli ng pelikula sa kahirapan ng di binabanggit na lungsod (o hindi ko lang narinig na banggitin), bagaman malinaw na Davao ang tinutukoy ng pelikula. Masikip, madumi at madaming tao ang mga eskinita't daan na nilalakad ng mga tauhan at ng kamera. Ngunit hindi lamang ito ang tagpuang hinuhuli ng kamera. Sa pinakasimula, sa gitna at dulo ng pelikula, mayroong mahahabang kuha ng dagat. Isa itong malinaw na pagtatambis sa makikitid at masisikip na eskinita ng squatters area. Puno ng simbolismo ang dagat. Ito dapat ang nagbibigay ng buhay para sa mga tao ngunit hindi ito sapat para suportahan ang libo-libong nasa kahirapan. Kaya't hindi sa dagat umaasa ang mga tao kundi sa isang tila mitolohikal na lugar tulad ng "Maynila" kahit na maaaring hindi rin iba ang matagpuan nila doon kumpara sa lilikasan nila.

Isang handheld camera lamang ang ginagamit ng buong pelikula at mga continueos shots ang pangunahing gamit ng pelikula. Minimal ang editing. May mga sandali na hindi mo kita ang mga mukha ng mga tao dahil sa dilim. At walang pakialam ang pelikula kung hindi ito manalo ng best cinematography. Iyon naman talaga ang punto. Ang hindi maganda.
3. Mangatyanan

Dinerehe ni Jerrold Tarrog, tungkol ang pelikula kay Himalaya "Laya" Marquez, na gimapanan ni Che Ramos, isang photographer. Inabuso si Laya ng kanyang ama noong bata pa siya kaya't naging kimkim o di-bukas sa iba. Ipinadala siya, kasama ng tauhang ginampanan ni Neil Ryan Sese, sa Isabela para kunan ang ritwal ng Mangatyanan ng mga Labwanan.

Ayokong gawan ng psychoanalysis ang buhay ni Laya ngunit ganoon ang lumalabas. Gumagana sa malay at kubling-malay na antas ang repression na ginagawa ni Laya sa trauma na naranasan niya. Gayundin, ginagamit niya ang ritwal ng Mangatyanan, na ibig sabihin ay muling pagkabuhay, upang muling maisilang at magkaroon ng bagong buhay na nakalaya mula sa trauma na naranasan niya. Arketipal ang mga ritwal bilang pagtatangkang makipag-ugnay ng malay sa kubling-malay, ng tao sa Diyos.

Ang problemang nararanasan ni Laya ay itinatapat sa problemang nararanasan ng mga Labwanan. Hindi isang totoong katutubong grupo, sinasalamin ng grupong ito marahas na pagbabagong nangyayari sa lipunan. Sa pagkawala ng mga ritwal at mga tradisyon, maaaring nawawala na rin ang malalim na pag-unawa ng isang komunidad sa sarili.

Hindi na naman talaga bago ang tema ng pang-aabuso ngunit nananatiling makapangyarihan ang pelikula dahil sa makapangyarihang pagganap ni Che Ramos. Oo na, aaminin ko na, nagka-crush na ako sa kanya sa pagtatapos ng pelikula. Pero seryoso, magaling talaga siya. Maganda rin ang pagkaka-edit ng pelikula, ito ang pinakamalinis na sinematograpiya sa lahat ng pananood ko sa ngayon.

4. 24K

Sinulat at dinerehe ni Ana Agabin, umiikot naman ang "24k" sa limang treasure hunter, si Manok, na ginampanan ni Julio Diaz, si Boyet, na ginampanan ni Jojit Lorenzo, si Fred, na ginampanan Archi Adamos, si Karlo, na ginampanan ni Miguel Vasquez, at ni Arturo, na ginampanan ni Christian Galura, at ang paghuhukay nila sa isang dig site sa Ilocos. Wala akong masasabing banghay ang pelikula. Mas picaresque o misadventure ang dating ng pelikula. Gayundin, mas character sketch ang lumalabas na paglalarawan sa mga tauhan. Kaya marahil marami ang magsabing hindi ito isang tight na pelikula di tulad ng "Mangatyanan" o ng "Ang Panggagahasa kay Fe". Ngunit may personalidad ang pelikula at malalim ang pagtatangka nitong suyurin ang sikolohiya ng mga treasure hunter.

Nakaugnay ako sa mga tauhang treasure hunter. Sa simula pa lang, kaduda-duda kung mayroon ngang kayaman silang natagpuan. Hindi ito "Da Vinci Code" o "National Treasure" kung saan mayroon nga talagang iniwang mga clue ang mga tao. Puno ng pamahiin ang mga treasure hunter na ipinapakita ng pelikula. Sa pinakaunang eksena pa lamang, sa isang albularyo lumapit ang mga treasure hunter upang siguraduhing nasa dig site nila ang kayamanan. Gayundin, nag-aalay sila ng pagkain, beer at yosi para sa mga espiritung nagbabantay daw ng kayamanan ni Yamashita. At maging ang mga bato'y nahahanapan ng mga clue kahit na baka kathang-isip lamang ang mga ito. Tila isang relihiyon ang treasure hunting dito. Hindi ang pagkakatagpo ng kayaman ang tunay na punto kundi ang paghahanap, ang pagkabangag na nakukuha mo sa pag-asang baka nariyan na nga ang kayamanan. Di ba parang pagsulat iyon, lalo na para sa mga nagsisimula?

Ngunit hindi sapat ang umasa. Bababa sana si Manok mula sa bundok na hinuhukayan nila ngunit naantala dahil ang hihingan niya ng tulong sa pagbaba ay nasa gitna ng isang ritwal na pasasalamat pagkatapos ng ani. Dito naging malinaw kay Manok ang pinagkaiba ng ginagawa nila kumpara sa mga ordinaryong taoong tunay na umaasa sa lupa. Na di tulad nilang walang kasiguraduhan ang biyayang makakamit, ang mga trabahong tulad ng pagsasaka ay may malinaw at patuloy na biyayang nakakamit. Para sa mga treasure hunter, walang sandali ng pasasalamat hangga't hindi nakukuha ang kayamanan.

Bagaman napakapayak ng banghay at maging ng mga tauhan, nakuha pa rin ng pelikula ang atensiyon ko dahil sa pagpapatawa't sense of humor nito.

5. Ang Panggagahasa kay Fe

Biased ako para sa pelikulang ito dahil kilala ko si Sir Vim Yapan. Kaya siguro hindi ko na masyadong pag-uusapan pa ito. Nakakatuwa lang sigurong makita sa screen ang uri ng pagkukuwento na nakasanayan ko sa mga maikling kuwento at sa nobela ni Sir Vim. Panatag ang mga kuha ng kamera at maganda ang pagkakalatag ng mood sa buong pelikula. At nakakatawa ang reaksiyon ng mga manonood. Ayon sa reveiwer ng PEP na si Fidel Antonio Medel, frontrunner "Ang Panggagahasa kay Fe" at "Mangatyanan" para sa top awards ng Cinemalaya. Binanggit ata niya iyon sa review niya ng "Engkwentro".

Huwebes, Hunyo 04, 2009

Kabaliwan sa House of Representatives, H1N1 atbp.

Sa mga seryosong bagay muna

1.

Pinanood ko kagabi ang sunod-sunod na pagpapaliwanag ng mga Representanteng bumoto kontra HR 1109. Iisa lang naman talaga ang sinasabi nila: na ilegal ang resolusyon, na isa itong panggagago sa konstitusyon, na isa itong pagtatraydor sa pagtitiwala ng mga mamamayang bumoto sa kanila, na isa itong malinaw na taktika upang hindi matuloy ang eleksyon sa 2010. Ewan ko pero natatawa na lang talaga ako sa mga nangyayari. At pagkatapos ng lahat ng ito'y siguradong iboboto pa rin ng mga mamamayan ang mga Representanteng iyan na walang-hiyang itinatapon ang batas sa susunod na eleksiyon (sa 2010 man iyan o 2050) dahil ganoon lang talaga ang kapangyarihan. At ganoon lang naman talaga ang lahat ng ito--kapangyarihan. Power trip. Matalo man sila sa susunod na eleksiyon, wala rin naman talagang magiging pinagkaiba ang papalit dahil sila-sila rin naman talaga iyon, magkaiba lang ng partido pero pareho rin lang naman talaga. (Kaya nga nagawang nagkaisa ng LAKAS at KAMPI di ba? Kasi pareho lang talaga sila.) Civil Disobedience? Bakit pa? Nangunguna na ang House of Representatives.

Heto nga pala ang listahan ng mga pumirma sa HR1109. Huwag silang kalimutan sa susunod na eleksiyon (dahil siguradong may eleksiyon sa 2010 at tanga ang buong Pilipinas kung hindi mangyari iyon).

Read the list of congressmen here who signed House Resolution No. 1109. (Those who voted “Aye” may not have signed this HR 1109.) Feel free to copy and paste this list to your blog post or Facebook note or other social media sites and state “I am ashamed of my Congressman (enter name if applicable, district) for supporting HR1109.”

National Capital Region

Vincent P. Crisologo, Quezon City
Matias V. Defensor, Jr., Quezon City
Mary Ann L. Susano, Quezon City
Nanette Castelo-Daza, Quezon City
Bienvenido M. Abante Jr., Manila
Jaime C. Lopez, Manila
Maria Zenaida B. Angping, Manila
Maria Theresa B. David, Manila
Amado S. Bagatsing, Manila
Daniel R. De Guzman, Marikina City
Marcelino R. Teodoro, Marikina City
Eduardo C. Zialcita, Parañaque City
Henry M. Dueñas, Jr., Taguig
Alvin S. Sandoval, Malabon City-Navotas City
Jose Antonio F. Roxas, Pasay City
Oscar G. Malapitan, Caloocan City
Mary Mitzi L. Cajayon, Caloocan City
Roman T. Romulo, Pasig City
Rexlon T. Gatchalian, Valenzuela City
Magtanggol T. Gunigundo I, Valenzuela City

Cordillera Administrative Region

Manuel S. Agyao, Kalinga
Elias C. Bulut, Jr., Apayao
Mauricio G. Domogan, Baguio City
Samuel M. Dangwa, Benguet
Solomon R. Chungalao, Ifugao

Ilocos Region

Thomas M. Dumpit Jr., La Union
Victor Franciso C. Ortega, La Union
Arthur F. Celeste, Pangasinan
Conrado M. Estrella III, Pangasinan
Marcos O. Cojuangco, Pangasinan
Victor F. Agbayani, Pangasinan
Ma. Rachel J. Arenas, Pangasinan
Eric D. Singson, Ilocos Sur
Ronald V. Singson, Ilocos Sur
Roque R. Ablan, Jr., Ilocos Norte
Cecilia S. Luna], Abra

Cagayan Valley

Florencio L. Vargas, Cagayan
Manuel N. Mamba, Cagayan
Junie E. Qua, Quirino
Carlo Oliver D. Diasnes, Batanes
Rodolfo T. Albano, Isabela
Edwin C. Uy, Isabela

Central Luzon

Jose V. Yap, Tarlac
Jeci A. Lapus, Tarlac
Monica Louise Prieto-Teodoro, Tarlac
Lorna C. Silverio, Bulacan
Pedro M. Pancho, Bulacan
Reylina G. Nicolas, Bulacan
Ma. Victoria Sy-Alvarado, Bulacan
Arturo C. Robes, San Jose del Monte City
Albert C. Garcia, Bataan
Herminia B. Roman, Bataan
Joseph Gilbert F. Violago, Nueva Ecija
Ma. Milagros H. Magsaysay, Zambales
Antonio M. Diaz, Zambales
Aurelio D. Gonzales, Jr., Pampanga
Juan Miguel M. Arroyo, Pampanga
Anna York P. Bondoc, Pampanga
Carmelo F. Lazatin, Pampanga

CALABARZON

Danilo E. Suarez, Quezon
Wilfrido Mark C. Enverga, Quezon
Michael John R. Duavit, Rizal
Adeline Rodriguez-Zaldarriaga, Rizal
Angelito C. Gatlabayan, Antipolo City
Roberto V. Puno, Antipolo City
Eileen Ermita-Buhain, Batangas
Mark Llandro L. Mendoza, Batangas
Victoria H. Reyes, Batangas
Jesus Crispin C. Remulla, Cavite
Elpidio F. Barzaga, Jr., Cavite
Maria Evita R. Arago, Laguna
Edgar S. San Luis, Laguna

MIMAROPA

Antonio C. Alvarez, Palawan
Carmencita O. Reyes, Marinduque
Eleandro Jesus F. Madrona, Romblon
Ma. Amelita C. Villarosa, Occidental Mindoro
Rodolfo G. Valencia, Oriental Mindoro

Bicol Region

Rizalina Seachon-Lanete, Masbate
Narciso R. Bravo, Jr., Masbate
Antonio T. Kho, Masbate
Al Francis C. Bichara, Albay
Reno G. Lim, Albay
Luis R. Villafuerte, Camarines Sur
Felix R. Alfelor, Jr., Camarines Sur
Diosdado Ignacio Jose Maria Macapagal-Arroyo, Camarines Sur
Joseph A. Santiago, Catanduanes
Jose G. Solis, Sorsogon

Western Visayas

Florencio T. Miraflores, Aklan
Genaro M. Alvarez, Jr., Negros Occidental
Jeffrey P. Ferrer, Negros Occidental
Ignacio T. Arroyo, Jr., Negros Occidental
Jose Carlos V. Lacson, Negros Occidental
Alfredo D. Marañon III, Negros Occidental
Raul T. Gonzalez, Jr., Iloilo City
Niel C. Tupas, Jr., Iloilo
Ferjenel G. Biron, Iloilo
Arthur Defensor, Sr., Iloilo
Judy J. Syjuco, Iloilo
Janette L. Garin, Iloilo
Joaquin Carlos Rahman A. Nava, Guimaras
Fredenil H. Castro, Capiz

Central Visayas

Roberto C. Cajes, Bohol
Edgardo M. Chatto, Bohol
Pryde Henry A. Teves, Negros Oriental
Pablo P. Garcia, Cebu
Pablo John F. Garcia, Cebu
Ramon H. Durano VI, Cebu
Nerissa Corazon Soon-Ruiz, Cebu
Benhur L. Salimbangon, Cebu
Eduardo R. Gullas, Cebu
Antonio V. Cuenco, Cebu City
Raul V. Del Mar, Cebu City

Eastern Visayas

Roger G. Mercado, Southern Leyte
Eufrocino M. Codilla, Sr., Leyte
Carmen L. Cari, Leyte
Andres D. Salvacion Jr., Leyte
Trinidad G. Apostol, Leyte
Ferdinand Martin G. Romualdez, Leyte
Reynaldo S. Uy, Samar
Sharee Ann T. Tan, Samar
Teodolo M. Coquilla, Eastern Samar
Paul R. Daza, Northern Samar
Emil L. Ong, Northern Samar
Glenn A. Chong, Biliran

Zamboanga Peninsula

Rosendo S. Labadlabad, Zamboanga del Norte
Cecilia G. Jalosjos-Carreon, Zamboanga del Norte
Cesar G. Jalosjos, Zamboanga del Norte
Victor J. Yu, Zamboanga del Sur
Antonio H. Cerilles, Zamboanga del Sur
Dulce Ann K. Hofer, Zamboanga Sibugay

Northern Mindanao

Vicente F. Belmonte, Jr., Lanao del Norte
Abdullah D. Dimaporo, Lanao del Norte
Rolando A. Uy, Cagayan de Oro City
Marina P. Clarete, Misamis Occidental
Herminia M. Ramiro, Misamis Occidental
Yevgeny Vicente B. Emano, Misamis Oriental
Pedro P. Romualdo, Camiguin
Candido P. Pancrudo Jr., Bukidnon

Davao Region

Franklin P. Bautista, Davao del Sur
Marc Douglas C. Cagas IV, Davao del Sur
Arrel R. Olaño, Davao del Norte
Antonio F. Lagdameo, Jr., Davao del Norte
Isidro T. Ungab, Davao City
Vincent J. Garcia, Davao City
Prospero Nograles, Davao City
Thelma Z. Almario, Davao Oriental
Nelson L. Dayanghirang, Davao Oriental
Rommel C. Amatong, Compostela Valley
Manuel E. Zamora, Compostela Valley

SOCCSKSARGEN

Datu Pax S. Mangudadatu, Sultan Kudarat
Arnulfo F. Go, Sultan Kudarat
Emmylou Taliño-Mendoza, Cotabato
Bernardo F. Piñol, Jr., Cotabato

CARAGA Region

Glenda B. Ecleo, Dinagat Islands
Philip A. Pichay, Surigao del Sur
Florencio C. Garay, Surigao del Sur
Francisco T. Matugas, Surigao del Norte
Guillermo A. Romarate, Jr., Surigao del Norte
Edelmiro A. Amante, Agusan del Norte
Jose S. Aquino II, Agusan del Norte

Autonomous Region in Muslim Mindanao

Pangalian M. Balindong, Lanao del Sur
Faysah Omaira M. Dumarpa, Lanao del Sur
Yusop H. Jikiri, Sulu
Munir M. Arbison, Sulu
Simeon Datumanong, Maguindanao
Nur G. Jaafar, Tawi-Tawi

Party- Lists

Narciso D. Santiago III, Alliance for Rural Concerns
Edgar L. Valdez, Association of Philippine Electric Cooperatives
Ernesto C. Pablo, Association of Philippine Electric Cooperatives
Robert Raymund M. Estrella, Abono
Nicanor M. Briones, Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc.

2.

May H1N1 na sa La Salle. Tawag nang tawag si Marol kina Mama. Nakakapraning naman talaga. Sa ngayon, wala pasok sa La Salle hanggang sa Hunyo 14. Kaya sa tingin ko'y lalong maghihigpit ang Ateneo sa darating na pagbubukas ng pasukan. Ewan ko lang kung paano nila mai-implement ang kanilang memo. Postponed (maaaring makansel pa) ang ORSEM. Paano naman ang enrolment? Ilang libong tao rin ang dadagsa sa Ateneo. Ang saya talaga ng darating na semestre.

Sa higit na magaang paksa

3.

Star Trek. Oo, yung bago. Trip mo? Ako trip ko. Kaya lang paulit-ulit na lang talaga ang plot. Wala ba talaga silang maisip na ibang kakaharaping problema bukod sa isang alien na may revenge fantasy? Porke astig ang Wrath Of Khan, astig na ito ad infinitum. Pero astig naman itong bagong Star Trek dahil sa dalawang bagay: special effects at Zachary Quinto. Iyon lang talaga.

4. The Passion

Binasa ko ang "The Passion" ni Jeanette Winterson sa flight pauwi galing Amerika. Hindi masyadong mahaba ang nobela kaya mabilis ko itong nabasa. Binanggit ito ni Sir Vim Yapan sa intro ng kanyang MA thesis kaya naintriga din ako sa nobelang ito. Interesante ang paggamit ni Winterson sa kasaysayan at sa mga pamamaraang ng romansa para ilahad ang ideya niya ng "passion". Sa aspekto ng mga tauhan, makikita ito sa mga tauhan nina Henri at Villanelle, ang kanilang pag-iibigan at ang pag-ibig nila sa isang mga tao at maging sa mga ideya. Isa itong nobela ng mga ideya ngunit napakasensuwal din.

5. Ghostwritten

Dahil nagustuhan ko ang kanyang "Cloud Atlas", binili ko ang Vintage Edition ng "Ghostwritten" ni David Mitchell. hIto ang debut niya at igit na simple ang estruktura ng "Ghostwritten" kumpara sa "Cloud Atlas" ngunit komplikado pa rin kung ihahambing sa ibang mga nobela. Binubuo ang nobela ng sampung kabanata na umiikot sa siyam na magkakaibang mga tauhan sa iba't ibang bahagi ng mundo. (May dalawang kabanata sa para sa isang tauhan.) Magkakaugnay ang kanilang mga kuwento at kahit papaano'y naaapektuhan nila ang buhay ng isa't isa. Masasabing isang ripple effect ang kabuuang nobela. Bawat kabanata'y may sariling rurok at rebelasyon ngunit may higit na malawak na estruktura ang nobela.

Lahat halos ng kabanata'y nakasulat sa unang panauhan ng isang partikular na tauhan. At iba't iba ang mga tauhan. Mayroong isang miyembro ng kulto sa Okinawa, isang empleyado sa music shop sa Tokyo, isang tagabangko sa Hong Kong, isang tagapangalaga ng isang pahingahan sa isang bundok sa Tsina, isang "noncorpum" na nilalang na patalon-talon ng katawan, isang guwardiya sa isang museo sa Petersburg, isang drummer/manunulat sa London at isang physicist sa Ireland. Ang kabanatang "Night Train" lamang ang hindi nakasulat ng ganito dahil radio show naman ang ginagagad ng kabanatang ito--ang pag-uusap ng isang DJ at ng isang kakaibang tagapakinig na tumatawag sa radio show niya. Kahanga-hanga ang pagpapalit ng boses na ginagawa ni David Mitchell (at makikita rin ito sa "Cloud Atlas" niya.)

Naaliw ako sa pagkakahawak hindi lamang sa pagpapalit-palit ng punto de bista at boses ng mga kabanata kundi pati na rin kung paano binubuo ang iba't ibang mga kamalayan. At mahalaga sa nobela ang mismong tagpuan bilang repleksiyon ng kamalayan ng mga tauhan. Maraming mga sandali sa iba't ibang kabanata kung kailan inilalarawan lamang ng mga tauhan ang kanilang mga kapaligiran at mahihinuha dito ang kabuuang pag-iisip ng mga tauhan. Ang labas bilang repeksiyon ng loob. Medyo romantic pero imbes na kalikasan lamang o "universe" ang ekspresyon ng loob, ang siyudad bilang repleksiyon ng loob ay makikita din sa mga kabanata.

Nakakatuwa rin ang paglalaro sa iba't ibang antas ng salitang "multo".

6. Terminator Salvation

Noong bata ako, fan ako ng Terminator 2. At kung tatanungin ang grade school na bersiyon ng sarili ko kung ano'ng pinakaastig na pelikula sa na napanood ko, sasabihin kong Terminator 2 iyon. Naaalala kong ilang beses kong pinanood ang T2 sa VHS. Pakiramdam ko kasi, isang napakatinding labanan ang nangyayari. Na literal na hinaharap ng sangkatauhan ang pinaglalabanan. At hindi lang dahil madaming aksiyon na nangyayari kaya nararamdaman mo ito. Magaling na direktor si Cameron dahil ang mismong mga sandaling walang suspense at walang aksiyon ay nabibigyan niya ng bigat. Ito, sa tingin ko ang kulang sa huling dalawang pelikula sa serye. Effects na lang ang lahat. Interesante ang bagong dimensyon tungkol sa pagkatao/pagkamakina na pagtatanong sa identidad ngunit hindi pa rin ganoong kalalim o kabigat. Gayundin, may loophole sa plot na ayoko nang pag-isipan pa dahil tanga lang talaga at medyo spoiler. Basta, walang dating ang pelikulang ito sa akin. Mas nag-enjoy pa ako sa Star Trek.

Sabado, Mayo 23, 2009

Isa Na Namang Rebyu Edition

1. Piling Maiikling Kuwento, 1939-1992

Natapos ko ang kalipunang ito ni Genoveva Edroza-Matute ilang araw pagkatapos mabalitaan ang kanyang pagkamatay. Tinitipon ng aklat ang mga natatanging mga kuwentong isinulat ni Edroza-Matute sa halos buong karera niya sa pagsusulat. Maraming mga temang umuulit sa mga kuwento: kahirapan, karahasan, kasarian. May mga kuwentong tunay na masasabing classic na talaga habang may ilan na medyo mabigat ang paghawak sa banghay. Interesante din ang kalipunan dahil mapapansin ang pagbabago sa wika ni Edroza-Matute. Napansin ko lang na medyo Ingles ang syntax ang ginagamit niya sa mga una niyang mga kuwento ngunit unti-unti itong nagbago kinalaunan, naging mas panatag, mas natural. Sayang lang at hindi siya pinarangalan bilang Pambansang Alagad ng Sining. Hindi ko alam kung ano ang magiging histura ng mapa ng Panitikan ng Pilipinas kung wala siya.

2. 2001: A Space Oddyssey

Matagal ko nang gustong panoorin ito dahil, syempre, kulang ang iyong scifi knowledge kung hindi mo pa napapanood ito. Hindi ito Star Wars o Star Trek. Hindi ito epic battle para sa kaligtasan ng universe. Nagsisimula ang lahat sa misteryo: Ano ba talaga iyang p*tang obelisk na iyan? Doon lang naman talaga umiikot ang kabuuan ng pelikula. Mula dito, nagsisimula ang iba pang mga isyu: Ano ang pagkatao? Paano hinuhubog ang pagkatao natin ng teknolohiya? Ano ba talaga ang obelisk na iyan? Tahimik lamang ang buong pelikula. Mas kampante itong magpakita imbes na magdadada. Isa ang pelikula sa pinakamaganda halimbawa ng kapangyarihan ng biswal na naratibo. Sa katapusan ng pelikula, walang malalim na sagot na ibinibigay ang pelikula tungkol sa mga misteryo. Iyon na iyon. What you see is what you see. Oo nga pala, ang ganda ng sound. Classical music, w00t.

3. Oscar and Lucinda

Medyo nahirapan akong basahin ang nobelang ito ni Peter Carey dahil sa wika't haba nito. Pero sa simula lang iyon at kinalauna'y nasanay din ako. Maganda rin na nahahati sa mga maiikling mga kabanata ang nobela. Mas madaling unti-untiin kumbaga. Madaling pagtuunan ang kuwento ng mga pangunahing tauhan ng nobela, ang eponymous ngang sina Oscar at Lucinda, at kanilang pag-iibigan. Pero hindi lamang naroroon, para sa akin, matatagpuan ang kabuuang tensyon ng nobela. Mas naging interesante para sa akin ang tensyon nabubuo sa katotohanang mayroong isang tagapagsalaysay na umaalala sa lahat ng nangyari sa mga buhay nina Oscar at Lucinda. Detalyado ang buong pagkakalarawan at pagkakasalaysay sa buong nobela at nakapagtataka kung talaga nga bang alam ng tagapagsalaysay, na nagsasalaysay halos sandaang taon pagkatapos ng panahon nina Oscar at Lucinda, kung totoo nga ba ang mga pangyayaring iyon. Ang muling pagsasalaysay ng mga buhay nina Oscar at Lucinda ba ay isang kumpisal, isang paghuhugas? Na sa pagsasalaysay, maitatama ba ang maling mga pagtataya at desisyon na nangyari noong naunang panahon? Sapat ba ang pagsasalaysay? Iyon, para sa akin, ang mga tanong na nag-uudyok sa tagapagsalaysay na magsalaysay. Na tulad ng obsesyon nina Oscar at Lucinda sa pagsusugal, obsessed din ang tagapagsalaysay sa nakaraan.

Isang di makakalimutang kabanata para sa akin ang kabanatang "Palm Sunday in New South Wales" kung kailan inilahad ang pagkamatay ng ama ni Lucinda. Isa iyong nakaaantig na sandali sa nobela at hindi ko alam kung maiiyak ba ako, matatawa o malulungkot. Ang cute-cute pa naman ni Elizabeth Mullens.

4. Gapo

Medyo nabagabag ako sa tono ng nobelang ito ni Lualhati Bautista. Alam mong isinulat ito nang may bahid ng galit. Ngunit halos tatlong dekada matapos itong isulat (wow, it's that old), marami pa ring mga realidad na inilalahad ang nobela na totoo pa rin hanggang ngayon. Kahit na wala na ang mga base militar, nariyan pa rin naman ang VFA. Kaya kahit na hindi ko gusto ang tono ng kabuuang nobela, nananatiling mahalaga ito dahil binabatikos nito hindi lamang ang namamayaning kalakaran kundi pati ang mismong pag-iisip natin sa mga inaakala nating kaibigan.

5. Crank 2

Hindi ito seryosong pelikula at alam mo na iyon kung napanood mo ang unang Crank. Malinaw ang impluwensiya ng videogame sa pelikula. Fast paced, madugo at puno ng mga pambihirang mga tauhan, para talaga nga ito sa henerasyong lumaki sa eksaheradong aksyon ng videogame. Tadtad din ng cameo at pop culture reference ang buong pelikula. Mas trip ko ang pagpapatawa ng "Shoot 'Em Up" at "Hot Fuzz" pero aliw pa rin naman ito kung hindi mo sobrang seseryosohin.

Martes, Abril 14, 2009

Ilang Tala sa Mahal na Araw 2009

1.

Ito ang unang taon kung kailan sumali ang pamilya namin sa Prusisyon ng Binangonan. Matagal nang gustong sumali ni Dad sa Prusisyon noon. Madalas ding sumali si Dad noon sa panata ng pagbuhat ng Santo Sepulkro noong bata-bata pa siya. Taon-taon halos ay nagtatanong si Dad kung sinong santo, santa o rebulto ang maaari pang idagdag sa Prusisyon. "Ang Paghuhukom" ang ibinigay sa amin. Iyon ang eksena ng pangalawang pagharap ni Hesus kay Pontio Pilato. Limang rebulto ang nakasakay sa karosa, si Hesus, pagkatapos siyang bugbugin at koronahan ng mga sundalong Romano, ang Pariseas, isang sundalong Romano, at isang babae (hindi ko alam kung sinong santa iyon. Am a bad Catholic). Puno ng mga bulaklak ang pagpapalamuti ni Kuya Lem sa karosa pero pagdating ng Biyernes Santo, pinatanggal ang mga ito (dahil masyadong maganda at ayaw magpatalbog ang ilan) at halaman na lang daw ang ipinalagay. Para daw patas. Kuno. Heto ang ilang mga larawan mula sa mga araw namin doon.

Ang Paghahatol (Miyerkules)





Si Evan at Ate Ting



Si Meo, ang... ano'ng tawag mo sa anak ng pinsan mo?



Si Ninang at si Mama



Si Dinna at si Ian



Si Mae, si Ate Rowena, si Dinna at si Ate Ting



Si Tetel, si Marol, si Ate Ting, si Debbie, si Donna at si Evan sa tapat ng Sta. Magdalena



Ang Paghahatol (Biyernes)









2.

Noong Huwebes, nag-Bisita Iglesia kami nina Mama at Ninang. Imbes na sa mga simbahan sa Laguna kami mag-Bisita Iglesia, sa mga simbahan kami ng Metro Manila nagpalipat-lipat. Mula San Pablo Cathedral, pumuta kami sa Don Bosco, kung saan unang nagpakasal sina Dad at Mama, sa Baclaran, sa Manila Cathedral, sa San Agustin, sa Quiapo at natapos kami sa Antipolo. Nakita namin sa Baclaran si dating Press Sec. Ignacio Bunye. Sa Intramuros naman, sinarado ang isang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng Manila Cathedral at San Agustin. Bago kami umuwi ng San Pablo, dumaan kami ng Binangonan para kumustahin ang mga nangyari doon.

3.

Habang nasa Binangonan, tinapos kong basahin ang "Feast and Famine: Stories of Negros" ni Rosario Cruz Lucero. Binubuo ng limang mahahabang mga kuwento, umiikot ang mga kuwento sa Negros (hindi pa ba obvious sa subtitle?) mula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ng higit na kontemporanyo. Bagaman mahahabang mga kuwento, may kakayahan si Lucero sa wika't pagkukuwento kaya't mabilis ang pagbasa ko. Maiuugnay ito sa tradisyong oral, partikular na ang mga composo ng Negros, na tinatangka ni Lucero na angkupin sa karamihan ng mga kuwentong ito. Ngunit marami ring mga nibel at intertextuality ang mga kuwento. Dito naman nilalampasan at dinadagdagan ni Lucero ang mga anyong oral na inaangkop niya. Puno ang mga kuwento ng mga bersiyon, ng mga kontradiksyon na nagbibigay ng tensiyon sa kanyang mga kuwento, bukod pa sa mga kakatwang mga katangian ng kanyang mga tauhan. Bagaman magaang basahin, masalimuot ang mga kuwento at karapat-dapat basahin ng lahat.

4.

Napanood ko kasama ni Dad ang "Fast and Furious" noong Sabado. Okey lang na palabas. Medyo wala nawala na sa alaala ko ang unang pelikula pero hindi naman mahalaga kung napanood mo o naalala ang una para maunawaan ang bagong instalment na ito. Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Hindi lang ganoong astig ang mga car scenes. O hindi ko masyadong napahalagahan dahil sa napakasentimental na kuwento.

5.

Napanood ko kagabi ang ilang mga episode ng "True Blood" at naaliw ako. Ewan ko kung maghahanap ako ng DVD para mapanood nang buo. Ayokong magpuyat para lang mapanood iyon sa Cinemax.

6. links

Isang sanaysay tungkol kay Alan Moore at ang kanyang mga akda at kung paano mananatili pa ring mahalaga ang mga ito kumpara sa mga adaptasyong pelikula.

Mga nobelang naglalarawan ng protesta
.

Mga pinakamahahalang aklat pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Karamiha'y mga akdang pilosopikal at sosyolohikal. May ilang mga nobela.

Isang panayam kay Joyce Carol Oates
.

Sampung "one-hit wonders".

Sampung mga akda tungkol sa mga magkakapatid
.

7.

Isang larawan ng bulaklak

Sabado, Marso 21, 2009

Wow, malapit na palang matapos ang una kong taon ng pagtuturo...

1.

Nakakapagod ang nakalipas na mga linggo. Suwerte na lang at hindi na ulit ako nagkasakit.

2.

Noong Miyerkoles nang isang linggo, ika-11 ng Marso, pumunta ako sa LS Awards for the Arts. Pinanood kong tanggapin ng mga Senior at nagtatapos na mga mag-aaral ng Ateneo at iba't ibang parangal sa iba't ibang larangan ng sining. Siyempre, nagpapaka-nostalgic din ako noong ginawaran din ako noong nagtapos ako. Pero gabi nila iyon at binabati ko sina Tian, Brandz at Angela sa pagkakaparangal sa kanila.

Tulad noong isang taon, hindi binigyan ng citation ang mga awardee. Na medyo nakapanghihinayang kasi iyon lang talaga ang sandali kung paano ipinapaliwanag ng mga hurado kung nga ba sila napili, ano nga ba ang tingin ng mga hurado sa kanila. Sa totoo lang, nakatulong ang citation ni Sir Vim sa akin dahil nagkaroon ako ng pagkakataong malaman ang isang pagtingin sa mga akda ko mula sa iba.

Isang bago sa taong ito ay ang pagpaparangal sa alumni na nakapag-ambag sa sining at panitikan. Pinarangalan sina Ricky Abad, Francis Xavier Pasion at Miguel Syjuco at binigyan sila ng pagkakataong pagsalita at magbigay ng talumpati. Hindi nakadalo si Miguel Syjuco pero nagpadala siya ng mensahe na binasa ni Sir Rofel Brion.

3.

Nito namang nakaraang Miyerkoles, ika-18 ng Marso, nagkita-kita kami nina Tonet, Aina, Carla, Paolo at Shiena sa Shangri-la Mall sa EDSA para maghapunan. Kahit na madami-dami pang trabaho ang kinailangan kong gawin at pagod na pagod ako kahit na Miyerkoles pa lamang, pumunta ako dahil matagal-tagal ko na ring hindi nakikita ang iba sa kanila, lalo na sina Aina at Carla. Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain at pagkatapos kumain. Wala akong masyadong ikinuwento dahil pagod na pagod nga ako. At ano ba naman ang maikukuwento ko? Ang masaya kong buhay bilang guro? Tutula na lang ako, thank you very much. Kaya nakinig na lamang ako at inalam ang updates ng kanilang mga buhay.

4.

Napanood ko na sa wakas ang "Slumdog Millionaire" na hiniram ko mula kay Nikka. Maganda nga itong pelikula pero, ewan ko ba, hindi ko ito sobra-sobrang nagustuhan. Naaliw naman ako dahil sa humor nito. Pero lahat ng imaheng binuo tungkol sa India ay ang imahen ng India na alam na ng lahat: yung dumi, yung kahirapan, yung dami ng tao. At sa dulo ng lahat, kapag nanalo ka ng game show, happy ending na nga ba? Sa totoo lang, hindi naging mahalaga ang relasyon ni Jamal at Latika sa pelikula. Mas naging interesante para sa akin ang relasyon ni Jamal at ng kanyang kuya. At dahil lamang ba nakisama ang kuya ni Jamal sa mga kriminal kaya kinailangan niyang mamatay di tulad ni Jamal na naging bahagi ng malakihang global na kapital na dumadaloy sa India? May mga subtleties ang pelikula na masalimuot na nagbuo sa relasyon nilang dalawa. Hindi ko lang talaga gets kung bakit hindi kasama sa happy ending ang kanyang kuya. Ewan. Maganda siyang pelikula kung hindi mo sobrang pag-iisipan.

5.

Katatapos ko lang basahin ang "Wolf Totem" ni Jiang Rong. Ito ang pinakaunang nanalo ng Man Asia Literary Award. Ilang beses ko nang nasabi sa blog ko kung gaano ako nabagot sa pagbabasa ng nobelang ito. Hindi naman sa pangit itong nobela at walang nangyayari. Mahaba itong nobela at sinasakop nito ang ilang taon sa buhay ng pangunahing tauhang si Chen Zhen, isang mag-aaral mula Beijing, habang nasa Inner Mongolia siya at namumuhay kasama ang mga Mongol doon. Nabagot ako dahil--kahit na maraming mga kapana-panabik na mga pangyayari ang isinalaysay partikular na ang mga labanan sa pagitan ng tao at ng mga lobo--paulit-ulit ang nobela sa pagdikdik sa utak mo ang kanyang thesis statement. Malinaw itong pagpuna sa pagwasak sa mga kapatagan at pastulan ng Inner Mongolia at pati na rin sa katangian ng mga Tsino. At uulit-ulitin ito nang ilang dosenang beses sa loob ng higit limandaang pahina nito. Wala lang talagang ganoong pagtitimpi si Jiang Rong o marahil ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang kanyang mambabasa. Kung ano man, detalyado ang kanyang paglalarawan ng buhay sa Inner Mongolia at malinaw ang tensiyong nabuo at namayani sa nagbabagong sandaling iyon sa Tsina.

Medyo kataka-taka din ang mga pangunahing tauhan dahil sa mga bookworm sila. Nakakatawa dahil ang isa sa pinakapinoproblema nila ay kung paano kakargahin ang kanilang mga libro (na nakakapuno ng isa sa dalawa nilang karitela) at kung paano nginangatngat ng mga daga ang kanilang mga libro. Kung magpapastol ako, siguro nga, magdadala at magbabasa rin ako ng libro habang nagbabantay ng mga tupa.

6.

Finals week na nga pala sa susunod na linggo. Todo na ang paghahanda ng mga grades. Kailangan ko pa nga palang bumili ng bolpen. Mauubusan na ako ng pulang tinta.

Martes, Marso 10, 2009

"Thank God I ordered the four-legged chicken."

1.

Iyon yung narining kong background dialogue habang nag-uusap sa restoran sina Laurie (Slik Spectre II) at Danny (Night Owl II). Ewan. Tumatak lang talaga ang napaka-random na pahayag na iyon sa utak ko habang pinapanood ang "Watchmen". Parang ayokong masyadong suriin ang karanasan ko sa panonood ng pelikula. Basta malinaw na pala-palaging may gap o lack akong nararamdaman habang pinapanood ko iyon. Siguro ganoon lang talaga ang pinagkaiba ng karanasan ng pagbabasa ko ng graphic novel at sa panonood ng pelikula. Magkaiba naman talaga yung dalawa. Kahit na anong gawing pagtatangka ng pelikula na manatiling matapat sa nobela, magkaiba rin lang talaga. At kahit na anong gawing pagbabago ng pelikulang baguhin ang kuwento, magkahawig pa rin sila. Kaya kahit na nag-enjoy ako, nariyan kasi ang anino ng nobela para gambalain ang karanasan ko. Aliw pa rin naman itong pelikula kahit marami sa cast ay pangit ang acting (ang mga performance lang talaga ng mga gumanap kina Moloch, Comedian at Rhorschach ang may dating). A basta.

2.

Ilang beses ko nang napanood ang "Shoot'em Up" sa HBO at naaaliw ako doon kasi 1) sobrang campy niya mahirap hindi matawa sa nonsense at makulit na kamatayan ng mga tao at 2) sa carrots. Wasak talaga ang carots. Yun lang.

3.

LS Awards for the Arts nga pala bukas. Pupunta ako para sa pagkain. At siyempre para sa mga nagwagi, lalo na kina Brandz at Tian.

4.

Lumabas na rin nga pala ang mga fellows para sa UP National Writers Workshop. Tatlo din ang Atenista, sina Kael, Ma'am Jing at Sir Vim. Good luck sa kanila.

5.

Ano ba, gusto ko nang matapos ang sem....

Lunes, Pebrero 23, 2009

Bali-balita lang

1.

Pumasa si Mae, kapatid ko, sa Nursing Board Exam. Oo, masaya ang buong pamilya. Ang tanong ngayon, what's next for her? Ilang linggo na siyang nakatambay lang sa bahay. Panahon na para magdesisyon kung ano nga ba ang gagawin.

2.

Mukhang mae-extend ang pagsa-sub ko kay Ma'am Vicky. March 6 pa niya malalaman kung pwede na siyang magbiyahe. Wala namang problema sa akin. Experince din ito (at pera). At alam ko na rin pala kung ano ang pakiramdam ng isang overload na guro. Just need to work harder.

3.

Suportahan n'yo nga pala ang ginagawang pelikula ni Sir Vim Yapan para sa Cinemalaya, na ang Ingles na pamagat ay "The Rapture of Fe". Naghahanap sila ng donasyon dito sa kanilang website. Kahit na kaunti lang na tulong, makakatulong sa kanilang pagtatapos ng pelikula. Nagsisimula na silang mag-film (may mga kuwento na nga si Sir Je na bahagi ng cast) pero kakailanganin pa rin nila ang kaunting tulong.

4.

May lecture din nga pala si Sir Egay Samar sa Feb. 28, 2009 sa Ortigas Foundation Library. Heto ang mga detalye.

Pinoypoets, in partnership with the Ortigas Foundation, presents "Niloloob ng Nobela ang Tula: O ang Makata bilang Nobelista," a lecture by award-winning poet and novelist Edgar C. Samar on February 28, 2009, 2PM at the Ortigas Foundation Library. The lecture will center on the particulars of and the relations between the novel and poetry.

This is the first of a five-lecture series for Pinoypoets' 5th anniversary, and will be a part of the month-long anniversary celebration of the Ortigas Foundation. This event is free and open to the public. For further inquiries, contact mail@pinoypoets.com, or contact Rhodge at 09238096002, or Xam at 09166390640/09297853276.


5.

Bumili nga pala ako kahapon ng kopya ng "Brothers" ni Yu Hua. Makapal iyon (at nagtataka ako kung bakit ang kakapal ng mga nobelang lumalabas mula Tsina). Nabasa ko na ang unang kabanata at tawa ako nang tawa. Ma-sustain kaya nito ang aking atensiyon kumpara sa "Wolf Totem"? Tingnan na lang natin.

Biyernes, Oktubre 31, 2008

Dalawang Aklat at isang Pelikula

1.

Katatapos ko lang basahin ang "Ang Aso, ang Pulgas, ang Bonsai at ang Kolorum" ni Jose Rey Munsayac. Inabot ako halos ng dalawang buwan. Palaging naaantala ang pagbasa ko iba't ibang mga gawain kaya nagkaganoon. Madali lang namang basahin ang wika ni Munsayac. Mahaba-haba rin lang talaga ito.

Binubuo ng tatlong aklat ang nobela. Ang una'y tungkol sa mga rebolusyunaryo pagkatapos ng sumuko si Pangulong Aguinaldo sa mga Amerikano. At pangunahin sa mga rebolusyonaryong ito ay si Ento, ang pinuno ng isang grupo ng mga rebolusyunaryong hindi sumuko pagkasuko ni Aguinaldo. Sinusundan ng unang aklat ang buhay at pakikidigma ng mga rebolusyunaryo sa panahon ng mga Amerikano. Ang ikalawang aklat naman ay tungkol sa panahon pagkatapos sumuko ng ang mga rebolusyunaryo at ang kanilang pagtatangkang magkaroon ng normal na buhay. Ang ikatlo ay tungkol sa buhay ng mga taga-Bagong Nayon, ang nayong itinatag ng mga sumukong rebolusyunaryo, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa simula'y malinaw na itinatanghal ng nobela ang labanan sa pagitan ng mga uri. Si Ento, kasama ng kanyang mga kapwa rebolusyunaryo, ang representante ng mas mababang uri. Bago ang rebolusyon, mga magsasaka sina Ento at ang kanyang mga kasamang rebolusyunaryo. Si Kabesang Pakong, ang dating heneral sa rebolusyon at propitaryo ng mga rebolusyunaryong pinamumunuan na ni Ento, ay malinaw na katunggali. Ipinipinta si Kabesang Pakong bilang tuso at mapanlinlang. At katulad ng maraming mga Filipinong may partikular na pansariling ineteres, ipinipinta siya bilang traydor dahil sa pagkampi sa mga Amerikano.

Malinaw ang hidwaan sa pagitan ng mga uri at bagay na bagay na lapatan ng Marxistang pagbasa. Ngunit magbabago ang lahat ng ito pagdating sa ikalawa at ikatlong ng aklat. Bagaman naroroon pa rin ang malinaw na paghahati ng mga uri, nagiging mas masalimuot ang ugnayan at tunggalian sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa mga pag-aalsa sa panahon ng Republika. Mas masalimuot dahil nariyan na, hindi lamang ang mga matataas na uring kumampi sa mga Hapon, nariyan na rin ang mga magsasakang kumampi rin sa mga Hapon. Nariyan din ang mga magsasakang naging sundalo't gerilya sa ilalim ng USAFFE at nariyan din ang mga magsasakang naging Hukbalahap. Ang dating magkakampi sana'y nagkakaaway kaya't mas masalimuot ang ugnayan at hidwaan.

Pagdating sa naratibo, nagmumukhang mas buo ang unang aklat kaysa sa mga sumunod. Marahil dahil may malinaw na tunggalian sa pagitan ng mga uri ang unang aklat kaya nagkaganoon. Malinaw na sinusundan ng nobela ang mga naggaganap kay Ento ngunit pagdating sa ikalawa't ikatlo, parang nagkalabo-labo na kung kaninong kuwento ba ito bagaman nananatiling pangunahin ang mga tauhang nanggagaling sa uri ng mga magsasaka. HIndi ko alam kung kapintasan ito. Marahil sinasalamin lamang ng naratibo ang kasalimuutan ng mga ugnayan at tunggalian. Bagaman kapansin-pansin ang pagdalas ng pagbubuod o summary sa mga huling bahagi ng nobela kumpara sa nauna, na maraming mga eksena't pagtatagpo.

2.

Ilang buwan na akong may VCD ng "Paprika" (nabili ko sa isang sale) pero ngayong sembreak ko lang ito napanood. Isa itong anime na mula sa mga lumikha ng "Tokyo Godfathers". Tungkol ito sa grupo ng mga siyentipiko na lumikha ng isang makinang kayang i-record ang mga panaginip at gayun din pwedeng paghatian ng mga tao ang mga panaginip. Halo-halo itong sci-fi, fantasy at detective story na binudburan ng psychoanalysis. Sa dulo ng pelikula naghahalo ang na mga panaginip at maging ang realidad at panaginip ay naghalo na rin. Mahirap ibuod ang kuwento nito. Nakakabangag. Pero may pakiramdam ako na mas bagay itong maging serye imbes na pelikula lamang. O baka nga may serye ito hindi ko lang alam. Basta natuwa ako't nagulat sa mga eksena't pangyayari. Hindi ko lang alam kung magugustuhan din ito ng iba.

3.

Noong isang taon ko pa ito sinimulang basahin, natigil nga lang. At ngayon ay natapos ko na ring basahin ang "Rashomon and 17 Other Short Stories" ni Ryunosuke Akutagawa. Isinalin ito ni Jay Rubin, isa sa mga tagapagsalin ni Haruki Murakami at binigyang introduksiyon ni Haruki Murakami. Kasama sa kalipunang ito ang mga kilala nang mga kuwento ni Akutagawa, ang "Rashomon", "The Nose" at "In a Bamboo Grove". Pero natuwa ako sa mga kuwentong hindi ako pamilyar tulad ng "Hell Screen" at "A Life of a Stupid Man". Itong dalawang huli ang pinakanagustuhan ko sa kalipunan.

Nahahati ang kalipunan sa apat. "A World in Decay", "Under the Sword", "Modern Tragecomedy" at "Akutagawa's Story". Nakatuon ang unang dalawang hati sa mga akdang historikal ni Akutagawa. Madilim ang karamihan ng mga kuwento dito tulad ng "Rashomon," "In a Bamboo Grove", "Hell Screen", "Dr. Ogata Ogai: Memorandum", "O-gin", "Loyalty", at "The Spiderthread". Ngunit mayroon namang mas magaan tulad ng "The Nose" at "Dragon: The Old Potter's Tale". Sa "Modern Tragicomedy" at "Akutagawa's Story" ang mas kakaibang hati ng akda kumpara sa mga nauna. Sa "Modern Tragicomedy" makikita ang mapaglaro't mapagpatawang bahagi ni Akutagawa. Isang mapaglarong metafiction ang "Green Onion" habang lubhang satirikal naman ang "Horse Legs". Mas tragic imbes na comic ang "The Story of a Head that Fell Off". Napaka-depressing naman ang mga kuwento sa "Akutagawa's Story". Karamihan ng mga kuwento dito ay isinulat noong mga panahong lumalalim na ang depression ni Akutagawa.

Mayroong partikular na lirisismo ang mga kuwento ni Akutagawa na nagustuhan. Kahit na sa mga morbid na kuwento niya, kaakit-akit pa rin. Bukod doon, magaling ang kanyang pagkakahawak sa kanyang mga tauhan.

Maganda rin ang panimula ni Haruki Murakami. Hindi sobrang intelektuwal ngunit mainam na pagbibigay paliwanag sa daloy ng karera at sining ni Akutagawa at maging ng konteksto ng Hapon sa panahon ni Akutagawa.

Miyerkules, Setyembre 03, 2008

Aklat, Aklat, Aklat, at, aba, Pelikula't Updates

1.

Katatapos ko lang basahin ang mga kalipunang "Iskrapbuk" ni Allan Derain, na kakapanalo lang ng Palanca para sa kuwentong pambata at katabi ko ang cubicle, at "Sa Labas ng Parlor" ni Nori De Dios, na kinuha ko ang dating cubicle. Pareho kong nagustuhan ang mga koleksiyon. Maraming mga kuwentong aliw at patawa sa "Iskrapbuk," tulad ng title story at "Ang Liaison sa 27th Floor". Aliw ding basahin ang "Dragon sa Bintana" at "Ang Regalo ng Taong Ibon". Pero karamihan ng mga kuwento'y patungkol sa hypocracy. Halimbawa'y sa isang bayan (Ang Daan Papuntang Baryo M), sa opisina (Isang Masustansiyang Sapal) at sa silid-aralan at paaralan (Sunod sa Pagkamakadiyos). Makulit kalimitan ang tono at boses na ginagamit ng tagapagsalay sa ilang mga kuwento pero may ilan na lubhang payak o low key ang pagsasalaysay tulad ng sa "Mga Mumunting Piguring Tupa" at "Anatomiya ng Isang Alila". Kaya maganda ang variety at range sa "Iskrapbuk".

"Sa Labas ng Parlor" naman, madaling ikahon ang buong koleksiyon sa gay lit. At totoo ngang lahat ng mga kuwento'y tungkol sa mga bakla at ang kanilang mga buhay. Pero magaling ang technique ni Nori sa mga kuwento dito. Mula sa mga kuwento ng pagkamulat (Atseng), ng pamilya (Nobena), kuwento ng pakikisangkot at pakikibaka (Kas; Giyera) hanggang sa kuwento ng pag-ibig at kasawian (Geyluv; Lalaki), magaling ang pagkakadala at pagsasalaysay. Pinakanagustuhan ko ang "Giyera" bilang kuwento. Mythic siya na contemporaty na gay. Basta. Maganda. Mas nagustuhan ko ito kumpara sa kuwentong nanalo ng Palanca yung "Sumpa ng Tag-araw". Okey din namang kuwento ang "sumpa" pero parang biglang nawala yung problema sa dulo ng kuwento dahil sa ulan. Ewan ko. Baka kailangan ko lang basahin ulit.

2.

Katatapos ko rin lang basahin ang "Dictionary of the Khazars" ni Milorad Pavic. Narinig ko si Milorad Pavic sa klase ko sa Development of Fiction sa ilalim ni Sir Danny Reyes. Non-linear itong nobela. Parang tulad ng "Hopscotch" ni Julio Cortazar. (Hindi ko pa nanatapos iyon. Hindi ko ma-gets noong una. Yung "usual way" kasi ang ginawa kong pagbasa. Try ko kaya yung suggested na pamamaraan ni Cortazar?) Isa itong kuwaring diksyunaryo o encyclopedia. Pagkatapos ng isang intro, bahala ka na. Kung paano mo lalapitan ang nobela. Wala siyang suggested na pamamaraan ng pagbasa. Meron kung kailan (pagkatapos daw ng hapunan) pero hindi kung saan magsisimula o saan matatapos, hindi katulad sa "Hopscotch". Bilang mambabasa, bahala ka sa buhay mo.

Tungkol ang nobela sa mga Khazars, isang likhang lipunan at taong dating nakatira sa may Black Sea, at kung paano sila sumampalataya sa isa sa mga pangunahing relihiyon, sa Islam, sa Kristiyanismo at sa Hudaismo. Binibuo ang nobela ng tatlong aklat ang ang bawat aklat ay batay sa mga sources ng bawat relihiyon tungkol sa mga Khazar. Kaya hindi talaga natin malalaman, bilang mambabasa kung ano relihiyon talaga sumampalataya ang mga Khazar, kinalaunan.

Dahil nga diksyunaryo, binubuo ng mga sipi o anekdota ang buong nobela. May mga mahahaba habang may mga maiikli. Marami sa mga entry ay tungkol sa mga Khazar at ang kanilang kumbersiyon ngunit karamihan ng mga entry tungkol naman sa mga tao na nahumaling na hanapin at buuin ang isang komprehensibong libro tungkol sa mga Khazar.

Pangunahing imahen sa nobela ay ang mga panaginip at alamat. Kaya may tendensiya ang buong nobela na maging napakamatalinghaga. At sa pagsama ng matalinghagang wika at panaginip at alamat, para kang naglalakd sa ulap habang nagbabasa. Sa sobrang taas ng imahenasyon at wika, parang nakalulula at parang napakadelikado ng bawat hakbang. Marahil ito rin naman ang nais na epekto ng nobela sa mambabasa. Sa kabuuan, nagustuhan ko ito.

3.

Noong Linggo, napagtripan ng pamilya ko na manood ng "For the First Time" na pinagbidahan nina KC Concepcion at Richard Guiterrez. Napakakonyo nitong pelikula. Mga high class at superrich ang mga tauhan. Hindi naman sa nagmamahirap ako pero, wala naman talaga silang mga problema bilang mga tauhan. May mga daddy issues at family issues lang sila. At hindi bumenta sa akin na nagkaibigan nga sila. Okey ang simula. Magandang comic relief ang karakter ni Candy Pangilinan at ng kanyang katambal. Balanse ito sa tambalan sa mga bida at maganda sanang pangutya sa kabuuang takbo ng isang pangkaraniwang love story. Pero nawala ang mga tauhan nila sa kalagitnaan ng pelikula. Kaya naging mushy na lang talaga. "Endo" pa rin ang pinakamagandang pelikulang pag-ibig. Mas kapani-paniwala ang mga problema nila at mas masalimuot.

4.

Kumain lang at naglaro ng Wii sa bahay namin sa San Pablo noong kaarawan ko. Pumunta sina Pao, Tonet, Gino, Aina, Mara, Daniel at Elmer. Hindi ko sila mayayang mag-overnight sa amin. Masyadong akong na-lowbat dahil sa Sagala. (Oo, nahirapan akong mag-recharge.) Nagdala rin ako ng leche flan at baked macaroni sa Kagawaran na luto ni Ninang. Syempre, nagustuhan ng mga tao ang leche flan. Kinulit pa ako ni Sir Joseph na magdala pa ulit.

5.

Mukhang ako ulit ang magiging scribe sa darating na 8th ANWW. Sana mapagbigyan ang hiling ko na magkaroon ng kasama sa pagta-transcribe. Ayokong mangyari sa akin yung nangyari last year na ngarag na ngarag. May interesado ba diyan? At mukhang dito rin lamang sa loob ng campus gaganapin ang workshop. Parang tulad noong batch namin. Ang hirap namang mag-load kapag sa Ateneo. Pero pwede na rin. Huwag lang masyadong mag-ingay.