Wasak na talaga ang pagtulog ko. Pinilit kong matulog nang maaga kagabi dahil maaga pa ako kanina para sa Development of Fiction. Naiinis naman ako't gustong-gusto ko ang klaseng ito. Pero kalimita'y inaantok ako't tuliro para makibahagi't makinig nang mabuti.
Pagkatapos ng klase, pumunta ulit akong Gateway para sa Cinemanila. Hindi ako nakapunta kahapon dahil nahuli na ako ng pag-alis at trapik noong tanghali. Nagbago ang sched nila kaya hindi ko napanood ang inaasahan kong mapanood. Pero napanood ko naman ang "Control" kanina. Sinusundan ng pelikula ang buhay ni Ian Curtis, ang frontman ng "Joy Division" noong mga huling taon ng dekada 60. OK naman siya. Nakakatuwang sundan ang mga awitin sabay ng pagsunod sa buhay ni Ian Curtis. Kung pakikinggan nang mabuti, maaaring makita ang mga awit bilang gabay sa pag-iisip at damdamin ni Curtis sa kanyang buhay. Hindi lang ako masyadong naapektuhan ng depresyon ni Curtis sa huli. Ewan ko kung bakit. Manhid lang siguro ako.
Dumaan muna akong National Cubao bago umuwi. Nagkatagpo kami ni Louise doon, natingin-tingin sa bargain area.
Pagkauwi ko, tiningnan ko ang aking email at nakita ang isang mensahe mula sa Milflores at malalathala sa kanilang flash fiction anthology ang aking kuwentong "Paputok." Pangatlong beses pa lang akong malalathala kung matutuloy ito. Nakakatuwa naman. Napapaisip na talaga ako ngayon sa tesis ko.
Hanggang dito na lang. Babasahin ko pa ang "Madame Bovary."
Nga pala, pang-400 ko na itong post dito sa Blogger ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento