Sabado, Agosto 18, 2007

Pag-uwi

1.

Narito ako ngayon sa San Pablo para sa mahabang weekend. Una kong pag-uwi ito mula nang magsimula ang semestre. At habang wala ako, kung ano-anong problema ang kinailangan nilang ayusin na ako lang ang may alam na solusyon. Una, may sira daw itong keyboard. Mali-mali ang mga titik na lumalabas. Pero naka-set lang naman sa DVORAK ang keyboard kaya ganun. Pero noong isang linggo ko pa tinuro kay Marol kung paano aregluhin iyon. Pangalawa, itong TV sa kuwarto nina Mama at Dad. Naka-TV ang setting ng mga channel hindi CATV. Ibing sabihin, hanggang channel 17 lang ang napapanood nila dito sa loob ng kuwarto. Ilang linggo silang nagtiis na manood ng puros lokal. Naayos ko na kanina. Pangatlo ay yung setting rin ng TV sa third floor. Naka-video naman hindi TV. Medyo komplikado ang pagpapalit sa TV na iyon kumpara sa iba. Hindi ko pa natitingnan, may mga bisita kasi ngayon si Tetel.

2.

Katatapos ko nga lang pala kahapon ng "Madame Bovary" ni Gustave Flaubert. Nainis ako. Hindi naman sa panget ang nobela, magaling ang pagkakasulat ni Flaubert doon. Nainis ako sa pagkatao ni Emma Bovary. Palagi akong napapasigaw ng "Bitch!" habang binabasa ang buong nobela. Ewan ko pero hindi ako naawa sa kanya sa katapusan ng nobela. Mas naawa ako kay Charles at kay Berthe (ang cute-cute pa naman niya).

3.

Congrats kina Kael (Poetry), Sir Mike Coroza (Maikling Kuwentong Pambata) at Allan Derain (Maikling Kuwento) sa kanilang pagkapanalo sa Palanca Awards!

2 komento:

Paolo ayon kay ...

MITCH! ala ka na tagboard? Happy Birthday!

Unknown ayon kay ...

Puros kasi kalokohan ang nakukuha ng tagboard ko e. Salamat!