Bakasyon mode na talaga ako last, last week bagaman hindi ko pa natatapos ang pangalawang kuwento ko para sa klase ko Malikhaing Pagsulat. Pero nabuhayan ako nang maghanap ng scribe sina Sir Marx para sa Ateneo National Writers Workshop ngayong taon. Muntik na akong hindi makasama dahil bagaman tinext nila ako noong Lunes, Martes na nang makatawag ako sa Kagawaran. Bagaman trabaho rin iyon at sigurado akong mapapagod sa buong linggo sa workshop bilang scribe, ginusto ko talagang sumama upang makipagkita muli sa ibang mga panelist lalong-lalo na si Amang Jun Cruz Reyes. Binigyan ko nga siya ng kopya ng bago kong kuwento.
I had fun to say the least. Masayang maging scribe dahil pinakinggan ko nang mabuti ang workshop. Ang mahirap lamang ay ang pagtama ng nostalgia sa akin habang nagtatala. Iba ang pakiramdam ng nasa sulok at pinapakinggan ang diskusyon kumpara sa paggiging bahagi ng diskusyon. Nakakainggit nga ang mga fellows ngayong taon dahil hindi sila gayong ngarag kumpara sa amin noong isang taon. Maaga patapos ang mga palihan bago mag-alas-5 habang inaabot ang session namin last year noong alas-6 medya. Kaya marami rin silang panahon upang mag-bonding at magpahinga. Nagkasakit ako noong isang taon pagkatapos ng workshop. At dahil maagang natatapos ang gabi, kalimitan ay pinapalipas na lamang ito sa pagkukuwentuhan o simpleng pag-bum.
Sa simula ng workshop, hindi pa ganoong nagkakasama ang mga fellows sa isa't isa lalo na sa pagitan ng mga lalaki at babae. Mas madali para sa kanilang magsama-sama dahil natutulog sila sa iisang palapag, sa ika-3 ang mga lalaki habang nasa ika-2 ang mga babae. Nagkaganoon dahil sa request ng mga madreng nakasabay namin sa pagrerenta ng mga silid sa Sacred Heart Novitiate, ang tradisyunal na venue ng Ateneo-Heights Writers Workshop. Ngunit nagsimula na rin silang lumapit pagdating ng Martes at pagkatapos ng "de-stress" ng Miyerkules. Kaya't pagdating ng Huwebes ay ni-rearrange nila ang mga mesa sa kinakainan namin upang makalikha ng isang mahabang mesa imbes na tatlong maliliit.
Ginanap ang fellows' night noong Biyernes at bilang tribute sa mga panel at staff ng workshop ay nagtanghal ang mga fellows ng isang parody ng workshop na puno ng mga quotables qoutes ng nakalipas na workshop. Isa lamang na listahan ng roles ng pagtatanghal:
Mogiy Lizada as Allan Popa ("Um. kasi ano." with a very pained and constipated expression)
En Villasis as Jun Cruz Reyes ("Alam ko ang psychology ng aso.")
Evie Macapugay as Benilda Santos ("Ngek. Ang corny." na demure na demure.)
Joy Icayan as Marjorie Evasco ("Levitas, Gravitas, Wave")
Sonny Sendon as Michael Coroza (Biglaang pag-awit)
Nanoy Rafael as Mikael Co ("Mahilig kasi ako sa porn e.")
Drew Robles as Egay Samar (Biglang sisingit sa session)
Camsy Ocumen as Susan Lara ("Exactly!")
Khaye Alpay as Jelson Capilos (Kung ano-anong kasipagang ginagawa sa tabi-tabi)
Gae Yamar as Nori de Dios (Nagdo-drawing ng mga flowers)
Joanna Laddaran as NCCA Representative
Claire Umali as Kawawang Fellow
Plano ko ring i-transcribe ang buong recording nito. Dahil sobrang saya. Lakas nga ng tawa ko sa .wav record nito e. Pagkatapos nito, nagkaroon ng reading. Pagkatapos ng bawat pagbasa, tatagay ang nagbasa hanggang matapos ang lahat.
Pumunta rin ang mga ka-Ligang Caty Bucu at Margie de Leon sa session. Sayang at hindi nakapunta sina Twinks, Sandy, Sunny at ng iba pang ka-Liga. Maybe next time. Makapag-reunion kaya. Tingnan natin.
Bagaman pagod na pagod na kami nang umalis kami ng SHN, tuwang-tuwa ako't nakasama sa experience na ito. Huwag sanang nakulitan ang mga tao sa akin lalo na si Allan Derain na kinulit ko tungkol sa isang kuwento.
Mabuhay ang Panitikan sa Pilipinas!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento