Lunes, Setyembre 03, 2007

Bola't Aklat

1.

Nanalo kanina ang USA laban sa Argentina para sa gold medal ng FIBA Americas. Ito ang sinubaybayan kong palabas sa TV nitong nakalipas na linggo. Natuwa akong panoorin ang FIBA Americas dahil parang nanonood ka ng All-Star Game. Yun nga lang, isang team lang ang All-Star at kinakain nito nang buhay ang mga kalaban.

2.

Sa ibang balitang basketball, mukhang gumaganda ang tiyansa ng Ateneong makapasok ng Final Four. Yun nga lang, kung hindi matatalo ang UE, baka mas mahabang daan ang kailangang tahakin ng Ateneo bago makarating ng Finals. Mukhang La Salle na lang ang may kayang bumulilyaso sa perpertong season ng UE sa darating na linggo.

3.

Pumunta akong Book Fair kahapon at nagpakasasa sa mga libro bilang belated birthday gift. Nakasalubong nga pala kami nina Maki at Kristian doon sa area ng Anvil at Sir Vim, na mukhang nagmamadaling pumunta sa talk na pinuntahan niya. Congrats sa kanya sa pagkapanalo ng "Ang Sandali ng mga Mata" ng National Book Award. Pagkatapos noon wala na akong nakasalubong.

Nakabili nga pala ako ng 15 libro doon. Huwag kayong mabaha, kalahati niyan ay sale at lahat ay Filipiniana.

Heto ang listahan:

1. Pagsalunga - Rogelio Sicat
2. Lassitudes - Carlos Cortes
3. Mayong - Abdon Balde Jr.
4. Latay ng Isipan - mga patnugot: Cirilo Bautista at Allan Popa
5. Mujer Indigena - Vim Nadera
6. Dangadang - Aurelio Agcaoili
7. Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol
8. The Distance from Andromeda - Gregorio Brillantes
9. The Road to Mawab - Leoncio Deriada
10. Night Mares - Leoncio Deriada
11. The White Horse of Alih and Other Stories - Migs Alvarez Enriquez
12. The Wounded Stag - Bienvenido Santos
13. Awaiting Trespass - Linda Ty-Casper
14. Sawikaan 2006 - mga patnugot: Roberto Anonuevo at Galileo Zafra
15. Ilahas - Mesandel Arguelles

Kasama pala sa "Latay ng Isipan" sina Claire at Twinkle, mga ka-fellow ko noong nakalipas na Ateneo National Workshop, Nikka, Mikael, Ma'am Jema Pamintuan, Sir Egay, at Sir Vim.

Siyempre, hindi ko agad mababasa ang mga librong nabili ko. Kailangan ko pang tapusin ang required readings ko sa development of fiction. Gayun din, mukhang matagal pa bago pa ulit ako makabili ng libro sa nalalapit na panahon.

Walang komento: