Huwebes, Disyembre 22, 2005

Ako'y Lilipad

Aalis ako ng Filipinas bukas. Papunta ang pamilya tungong Hong Kong. Kaya hindi ninyo ako mahahagilap gamit ng selepono. Email n'yo na lang ako. Pero baka hindi rin ako makapagbukas ng email doon. Sa ika-26 pa ako babalik. Yun lang. :D

Sabado, Disyembre 10, 2005

Pagpapakita ng Lakas (Isang Pag-unawa sa “General Information on the Pilipino Langauge” ng Surian ng Wikang Pambansa)

Pagpapakita ng Lakas
(Isang Pag-unawa sa “General Information on the Pilipino Langauge” ng Surian ng Wikang Pambansa)

Panimula

Malinaw sa panimula ng “General Information on the Pilipino Language” ang hangarin ng Surian ng Wikang Pambansa, ang pagpapakita kung gaano kahirap ang kanilang trabaho at ang trabahong kanilang nagawa na sa pagpapalaganap ng Wikang Pilipino. Ngunit kailangan rin nating pansinin kung bakit kinailangan ng Surian na maglathala ng ganitong uri ng babasahin. Ang Surian ang naging bunton ng maraming kritisismo’t batikos sa kanilang pamamalakad at pagtaguyod sa Wikang Pilipinong nakabatay sa Tagalog. Ganoon din, nagiging maingay na rin ang mga grupong laban sa Tagalog sa pagsisimula ng Constitutional Convention ng 1971-1972.

Kaya masasabing isang sagot itong lathalang aking tatalakayin sa mga batikos na ibinabato sa Surain. Ngunit, imbes na sagutin nang harap-harapan ang mga batikos na ito, ginawa lamang ng Surian ay bigyang pansin ang kalagayan at hinaharap ng Wikang Pilipino at umasang mapaniwala dito sa inilabas nilang kabatiran.

Buod

Introduksiyon

Malinaw sa unang pahina pa lamang ng “General Information on the Pilipino Language” ang ninanais na makamit ng Surian sa kanilang paglathala ng nasabing lathala. Una, ipakita ang maraming problemang hinaharap ng Surian sa paghubog at pagpapalaganap ng isang wikang pambansa. Pangalawa, magbigay ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa gawa ng Surian batay sa mga patakarang itinaguyod ng Surian. Pangatlo, magbigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa Wikang Pilipino at tapat na pagsusuri sa sitwasyon nito bilang wikang pambansa. At pang-apat, paglalatag ng maaring hinaharap ng Wikang Pilipino.

I. Pilipino sa loob ng Ating mga Batas at Kautusan

Dito sa bahaging ito ng lathala, sinipi ng Surian ang iba’t ibang mga batas at kautusan ukol sa Wikang Pilipino. Unang sinipi ang kontrobersiyal na Artikulo XIV Section 3 ng Saligang Batas ng 1935. Isa itong pagpapakita ng “constitutional” na pinag-uugatang kapangyarihan ng Surian.

Sunod na binanggit ay ang iba’t ibang batas patungkol sa wika, kagaya ng CA 184 na inamendahan ng CA 333. Sunod namang sinipi ang CA 570 na naglilinaw sa kalagayan ng “Filipino National Language” bilang isa sa mga opisyal na wika ng Republika ng Filipinas. Inilalayon rin ng batas ang paglathala ng mga textbook na gagamitin para sa pagtuturo at pagpapalaganap ng Wikang Pilipino. Ipinapakita ng pagsiping ito ang kapangyarihan ng Surian para aprubahan o di-tanggapin ang mga textbook patungkol sa Wikang Pilipino.

Sunod, ipinaliwanag kung bakit batay sa Wikang Tagalog ang Wikang Pilipino. At pangunahing sinisipi sa batayang ito ay ang Saligang Batas ng 1935. Alinsunod sa batas, ginawa ng Surian ang nakatakdang trabaho nito. Pinili ang Tagalog, alinsunod sa batas. Inaprubahan ito ni Pangulong Quezon, alinsunod sa batas. At pormal na ginawang opisyal na wika ng Filipinas, alinsunod sa batas.

Sunod namang sinipi ang hatol ng korte patungkol sa kasong isinampa laban sa Surian dahil sa pagpili nila ng Tagalog. Sunod-sunod ang pagpabor ng Korte sa panig ng Surian mula sa iba’t ibang nibel ng korte. At ayon sa sinipi ng Surian, labas na sa kapangyarihan ng korte ang pagsuri at iisantabi ng pagpili ng Surian dahil tinanggap na ito ng mamamayan at ng pamahalaan ang panukala batay sa CA 570 na inaprubahan ng Kongreso noong Hulyo 4, 1946.

Sinipi naman ng Surian ang iba’t ibang mga kautusang inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon. Una, ang kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kawanihan ng Pampublikong Paaralan noong 1959 na tawaging “Pilipino” ang wikang pambansang ituturo nila. Pangalawa, ang kautusan ng Kagawaran ng Publikong Pagtuturo at Kawanihan ng Edukasyon noong Abril 12, 1940 para ituro ang Wikang Pilipino sa lahat ng ika-apat na taon sa mataas na paaralan sa lahat ng paaralan sa Filipinas. Pangatlo, ang pagtuturo ng Wikang Pilipino, di lamang sa ika-apat na taon, pati na rin sa ikalawang taon ng kolehiyo. Panghuli, ang kautusang naglalaan sa bawat lathalaing pampaaralan ng kolum o seksiyon para sa Wikang Pilipino. Ipinapakita ng mga pagsiping ito ang mga ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon para sa pagpapalaganap ng Wikang Pilipino.

II. Pilipino sa Pamahalaan

Ipinakita naman sa bahaging ito ang iba’t ibang ginawa ng Pamahalaan para itaguyod ng Wikang Pilipino. Binanggit ang pagbibigay suporta sa Surian ng mga Pangulo mula kay Quezaon hanggang kay Marcos. Binanggit naman ang pagtatalumpati gamit ang wikang Pilipino ng ilang Senador at Kongresista sa loob ng Kongreso. Binanggit din ang paggamit ng Pilipino sa mga korte. Nagbanggit ang Surian ng mga halimbawa ng nasabing paggamit ng Pilipino sa loob ng korte. Sinipi pa mismo ang proklamasyon ng Korte Suprema sa bago nitong patakaran para tanggapin ang Pilipino bilang iisa sa mga opisyal na wika ng mga dokumento.

Binanggit din ang paggamit ng Pilipino sa iba’t iba pang ahensiya at dokumento ng pamahalaan, mula sa Sandatahan, sa Opisina ng Koreo, sa Pambansang Salapi, sa Visa, sa mga diploma, at sa mga pangalan ng mga gusali. Binabanggit din ang mga programa ng pamahalaan para sa pagtataguyodng Wikang Pilipino sa mga empleado nito. Halimbawwa ay ang mga pagbibigay ng mga seminar at pagtatanghal ng Linggo ng Wika.

III. Pilipino sa Edukasyon

Sa bahaging ito, ipinakita ang malawakang pagtuturo ng Wikang Pilipino sa iba’t ibang antas sistemang edukasyon ng Filipinas. Nangunguna sa bahaging ito ang pagbanggit sa paglaganap ng pagtuturo sa kolehiyo ng mga kursong may espesiyalisasyon sa Wikang Pilipino. Sinipi rin ang isang memorandum ng Direktor ng Kawanihan ng Pampublikong Paaralan patungkol sa laganap ng pagtuturo ng Pilipino paggamit dito bilang wikang panturo sa mga distrito sa buong Filipinas. Binanggit din ang mga paaralan at institusyon sa ibang bansa na nagtuturo ng mga kurso sa Wikang Pilipino.

IV. Pilipino bilang Wikang Panturo sa UP

Nakasaad sa bahaging ito ang kasaysayan ng programa ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) upang gamitin ang Wikang Pilipino sa pagtuturo sa mga kurso. Nagsimula ang paggamit ng Pilipino sa UP bilang isang eksperimento noong Taong Pampaaralang 1968-1969. Dahil naging malakas ang interes at suporta sa programa, naglabas ng isang patakaran na nagbibigay ng lubos na pagtangkilik sa paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa loob ng unibersidad.

Naging lubos ang pagtanggap sa Pilipino. Higit kalahati sa mga klaseng Pisika ay itinuro sa Pilipino. Mismong sa mga kursong Ingles ay itinuro sa Pilipino. Tinangkilik rin ang paggamit ng Pilipino sa mga klase at pagsulat sa mga papel eksamen, tesis, atbp. Ipinanukala rin ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa unang taon ng tatlong kurso sa Pilipino.

Dahil sa tagumpay sa pagtanggap ng Pilipino sa UP, nagbigay ng tatlong probisyon ang Surian na maaaring idagdag sa Saligang Batas o kaya nama’y bilang isang pambansang patakaran. Una, ang pagtanggap sa Pilipino bilang wikang panturo sa mga kurso’t aralin sa lahat ng mga paaralan sa Filipinas, kasama na ang mga kolehiyo’t unibersidad. Pangalawa, ang paghubog sa mga mag-aaral ng mahusay na pagsusulat, pagsasalita, at pag-iisip sa Pilipino. At pangatlo, pangangailanganin ang mga mag-aaral, mula elementarya hanggang unibersidad, na kumuha ng mga kurso para sa kasanayan at mapagpalago sa Wikang Pilipino. Nirekomenda rin, para mabilis ang pagpapatupad ng mga probisyon, ang paggawa ng mga textbook at diksyunaryong Pilipino at iba pang materyales na magagamit ng mga mag-aaral.

V. Mga Programa sa Pagsasanay ng Guro at Paghahanda ng mga Materyales sa Pilipino

Sa bahaging ito, nakasaad ang pagsasanay na nakukuha ng mga guro upang maging handa para sa pagtuturo ng Wikang Pilipino. Itinala ang mga hangarin ng pag-aaral para sa Bachelor of Science in Education (B.S.E.) at B.S. Elementary Education (B.S.E.Ed.). Binanggit din ang mga programa ng iba’t ibang kolehiyo’t unibersidad na mayroong B.S.E. at B.S.E.Ed na may espesiyalisasyon sa Pilipino.

Nakasaad din sa bahaging ito ang Advanced Teacher-Training Program sa UP. Ang programang ito ay pinangungunahan ng UP at Kawanihan ng Pampublikong Pampaaralan para pagsanayin ang piling mga guro sa Ingles at makakuha ang mga piling mga guro ng titulong graduado. Sinang-ayunan ang programa noong 1963. Noong 1967, pinalawak ang programa para makasama ang mga guro sa Pilipino’t Espanyol. Noong 1971 naman, inaprubahan ang pagkakaroon ng non-degree o certificate program. Dahil sa Advanced Teacher-Training Program, ang Department of Language Teaching ng UP ay nagbibigay ng Master of Arts in Teaching Pilipino as a Second Language at Master of Education in Second Language Teaching. Kasama sa mga kursong itinuturo ay mga kursong patungkol sa paghahanda sa materyales para pagtuturo ng Pilipino.

Hinusgahan naman ng Surian ang mga programa ng lahat ng mga paaralan at mayroon silang dalawang sinabi. Una, maliban sa Philippine Normal College, UP, at University of the East, ang mga programang graduado ibinibigay ng mga kolehiyo’t unibersidad ay hindi nakatutok sa pagtuturo ng wika kundi nakatutok sa Panitikang Pilipino. Pangalawa, kakaunti lamang ang mga mag-aaral para sa pagiging guro.

Dahil sa dalawang punang ito, nagbigay ang Surian ng limang rekomendasyon para sa programa sa pagsasanay ng mga guro. Una, ang pagsasaayos ng kurikulum para bigyang diin ang pagtuturo ng Pilipino bilang pangalawang wika. Pangalawa, ang pagpapahaba pa sa Advanced Teacher-Training Program nang sampung taon at maramihin ang pagbibigay ng scholarship. Pangatlo, ang pagbibigay ng pinansiyal na supporta sa mga iskolar na guro mula sa kani-kanilang mga distrito. Pang-apat, dagdag na pinansiyal na supporta mula sa Kongreso para sa mga programang nakatutok sa paghubog at pagpapalaganap ng Wikang Pilipino. At panlima, ang pagtigil sa nagmamataas na atitud at, imbes, tutukan ang pagpapalaganap ng Pilipino.

VI. Pilipino sa Mass Media

Ipinakita naman sa bahaging ito ang paggamit ng Wikang Pilipino sa iba’t ibang uri ng mass media. Binanggit ang malawakang paggamit ng Pilipino sa radio at telebisyon. Tinala naman ang iba’t ibang mga diyaryo’t magasin na gumagamit ng Pilipino kagaya ng Taliba, Mabuhay, Pilipino Star, Liwayway, Tagumpay, mga lathalaing pampaaralan, atbp. Binanggit din ang laki’t dami ng sirkulasyon ng bawat lathalain. Binanggit din ang mga magasing bilingual kagaya ng Asia-Philippines Leader at Graphic. Sandaliang binanggit ang mga komiks at pelikulang nasa Pilipino.

VII. Census tungkol sa mga Nagsasalita sa Pilipino

Sa bahagi namang ito, sinipi ang artikulo ni Dr. Teodoro Llamzon, S.J. Pinapakita ng artikulo ang patuloy na paglago Wikang Pilipino batay sa datos ng census na ginawa noong nakalipas na taong 1970. Batay sa mga naunang datos, dapat ay 51% ng mga Filipino ang marunong nang pagdating ng 1970. Ngunit makikita sa survey na ginawa ng Catholic Educational Association of the Philippines na halos 64% ng mga Filipino ay nagsasalita sa Wikang Pilipino sa kani-kanilang bahay. Sinasabi rin sa artikulo na kung hindi man Pilipino ang pangunahing wika, ito’y nakukuha bilang pangalawang wikang. Ayon din sa artikulo, kung pagpapatuloy ang mga estadestika, ang Pilipino ang magiging pangkalahatang wika sa buong Filipinas sa loob lamang ng 20 o 30 taon.

VIII. Ang Pambansang Wika sa Ating mga Batas at mga Kautusang Tagapagpaganap

Sa bahaging ito, tinatala ang mga batas sa isang kronolohikal na pagkakasunod-sunod. Binabanggit dito ang iba pang mga kautusang hindi nabanggit sa bahaging “Pilipino sa loob ng Ating mga Batas at Kautusan.”

Puna

Kakaiba ang tono ng lathalang ito. Kagaya nang sinabi ko sa panimula, ang Surian ang binuntunan ng maraming atake’t kritisismo. Ngunit imbes na sagutin nang tapatan ang mga kritisismong ito, kagaya ng pagiging “mahirap” matutuhan ang Pilipino at Ingles ang dapat na gawing wikang panturo, ipinakita lamang sa lathalang ito ang “makatotohanang” katayuan ng Pilipino. Ang “katotohanang” malawak at positibo ang pagkakatanggap ng Wikang Pilipino. Tinatanggap na ng iba’t ibang ahensiya sa pamahalaan, paaralan, at maging sa pang-araw-araw na tanghalan. Malakas na ang posisyon ng Pilipino kung ihahambing sa Ingles.

Malinaw sa unang bahagi, “Pilipino in Our Laws and Orders,” na ipinapakita ng Surian kung saan nanggagaling ang kanilang kapangyarihan. At bukal nito ay ang Saligang Batas. Pinapakita na sinusunod lamang ng Surian ang batas. Kung anumang “maneobra” ang nangyari, labas na ang Surian doon. Sinagawa nila ang kanilang pagsusuri, alinsunod sa batas. Pumili sila, alinsunod sa batas. At inaprubahan ito, alinsunod sa batas. Kaya hindi kaduda-duda ang sunod-sunod na pagpabor ng Korte sa mga kasong inihabla laban sa Surian. Ipinapakita rin ang iba’t ibang kautusan ng pamahalaan, partikular ang Kagawaran ng Edukasyon, na nagbibigay suporta sa Wikang Pilipino.

Sa ikalawang bahagi, “Pilipino in the Government,” ipinapakita ang manipestasyon ng “suporta” na ibinibigay ng pamahalaan sa Pilipino. Magandang pansinin na ang ipinakita ang mga partikular na ginawa ng bawat sangay ng pamahalaan, mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang mga opisina. Ngunit maaari ring punahin na ginagawa lang naman ng pamahalaan ang opisyal nitong tungkuling gamitin ang opisyal na wika ng Republika.

Maganda ring pansinin ang pagkakapareho ng estilo ng ikalawang bahagi sa ika-anim, “Pilipino in Mass Media.” Naging ganito dahil ang pagpapakita ng suporta mula sa pamahalaan at masss media ay mga bagay na hindi lubos na masusukat. Masasabi kung ilan sa mga empleado ng pamahalaan ang kumuha ng seminar o ang laki ng sirkulasyon ng isang publikasyon ngunit hindi masusukat nang lubos ang epekto nito sa lipunan. Ngunit magandang banggitin ang mga bagay na ito para palakasin ang posisyon ng Wikang Pilipino bilang wika, hindi lamang ng pamahalaan pati na rin sa pakikipagtalastasan. At maaari ring tingnan na mas maganda ang pagpapakitang ito ng malawakang paggamit ng Pilipino sa mass media kung ikukumpara sa pagtanggap ng pamahalaan.

Kukumpulin ko ang ikatlo, “Pilipino in Education,” ika-apat, “Pilipino as a Medium of Instruction at the UP,” at ika-lima, “Teacher-Training Programs and Materials Preparation in Pilipino,” dahil umiikot ang mga ito sa pagtuturo ng Pilipino sa mga paaralan. Ipinapakita sa ikatlo at ikalimang mga bahagi na may antas na paggalang at pagtitiwala sa Wikang Pilipino. Na naituturo ang Pilipino bilang espesiyaliasasyon ay nagpapakita ng sopistikasyon. At sinusuportahan ng ika-apat na bahagi ang sopistikasyon na ito. Kung ang Pisika ay maituturo sa Pilipino, anong aralin ang hindi makakayang ituro sa Pilipino? At sa sobrang positibo ang pagtanggap, nagrekomenda ang Surian ng mga bagong probisyon para sa pagpapalaganap. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa na makita nilang “sold out” ang kanilang binebenta? Ngunit mapupuna sa ika-apat na bahagi, na kasisimula pa lamang ang pagtanggap at paggamit ng Pilipino sa UP. Maaaring sabihin na maaaring naging matagumpay ang eksperimento ng UP dahil sa “novelty” nito o pagiging kakaiba’t bago. Pero, kung titingnan ang ating kasalukuyang kurikulum sa mga mababa at mataas na paaralan, may naging epekto ang eksperimentong ito sa atin ngayon.

Gusto ko namang pansinin ang kaibahan ng ika-limang bahagi. Kung sa ibang mga bahagi, na halos mga pagtatala lamang, mas mapangsuri ang bahaging ito. Pinuna mismo ng Surian ang kalagayan ng sistema ng pag-aaral ng mga guro. Maaari itong tingnan bilang isang realistikong paghusga sa pangkalahatang kalagayan ng kakayahan ng mga guro. At mula sa pagsusuring ito na ginawa ng Surian, maaring tingnan ang mga rekomendasyon bilang isang pag-amin na marami pang kailangang gawin para punuan ang lumalaking pangangailangan ng pagtuturo ng Pilipino. Pagkatapos ipakita ang nalaki at nalawak na pagtanggap at paglaganap ng Pilipino, isa ito “well-timed” na paghingi suportang pinansiyal.

Ang huli kong pupunahin ang ika-pitong bahagi, “Census Figures on Pilipino Speakers.” Magandang pansinin na isa itong sipi mula sa isang artikulo. Wala bang panahon ang Surian upang gumawa ng sarilig pag-aaral? Ngunit, sa tingin ko, pinili ang artikulong ito dahil sa epektibo nitong pagpapakita, gamit ang mga datos at estadestika, ng pagtanggap at paglaganap ng Pilipino kumpara sa mga naunang bahaging na puro pagtatala lamang. Maganda ring pansinin na bagay na bagay ang artikulong ito sa lathalang ito kung pagbabasihan ang tono nito.

Pangwakas

Ang lathalang ito ay isang walang pasikot-sikot na gawa. Sa simula pa lamang ay nilatag ang mga hangarin at, sa tingin ko, nakamit naman ang mga ito. Para sa akin, kapani-paniwala naman ang lahat na nakasaad sa lathala. Kung ako’y isang ordinaryong mamamayan, madaling tanggapin ang impormasyong ibinibigay ng lathala. Ngunit, kung muling papansinin ang pulitikal na kalagayan ng Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa, hindi ako naniniwala na mapababago ng isip ang mga pinakamalakas na mga kalaban ng Pilipino gamit ang lathalang ito. At kung titingnan ang nangyari sa Constitutional Convention ng 1971, hindi naging matagumpay ang Surian sa pagtatanggol sa Wikang Pilipino.

Hindi man napigilan ng Surian ang pagpapalit ng mga artikulong patungkol sa wikang pambansa na nakasaad sa Saligang Batas, nasabi nito ang tunay na kalagayan ng Wikang Pilipino. Isang wikang tinatanggap ng lahat. Isang wikang inaaral at pinalalaganap, hindi lamang ng pamahalaan at ng mga paaralan, pati na rin ng madla sa kanilang pang-araw-araw na usapan at talastasan. Isang wikang patuloy na itataguyod at hindi na mapapalitan, dahil bumaon na ito sa kamalayan ng bayan bilang wikang bansa.

Martes, Nobyembre 29, 2005

Bali-Balita Mula sa Tinubuang Lupa

Headline #1 (Mas bagay sa Entertainment, sa totoo lang.)

Noong nakalipas na mga buwan, nasira ang iPod namin. "Amin" kasi pinagpapasa-pasahan naming magkakapatid ang iPod na ito. At bigla na lang itong nasira. Pinaayos namin sa Apple Center sa Greenbelt. Sabi nila, nasira ang hard-drive. Ang solusyon, palitan ang iPod. Warranty kasi. Ang saya. E may tig-iisang iPod shuffle at nano na ang mga kapatid ko. Kaya binigay sa akin ang pinalitang iPod.

Headline #2

Noong isang linggo, umuwi ako nang San Pablo. At una kong napansin sa aking kuwarto, nawawala ang ilan sa mga aklat ko. Tinanong ko sa mga kapatid kung hiniram ba nila, at yun nga, nasa kanila't binabasa nila. Nakakatuwa. Noong bata ako, walang mabasa sa bahay maliban na lang sa encyclopedia. Kaya encyclopedia ang binanatan ko. Ngayon-ngayon lang kolehiyo ako talagang nakapagbasa ng mga nobela (nakapagbasa naman ako ng mga kuwento noong bata ako, yung sa textbook hehe). Kaya binabawi ko na lang ang mga nasayang na oras sa pangungulekta ng mga aklat na sa tingin ko'y magugustuhan ko. Hindi ko naman inaasahan na ire-raid ng mga kapatid ko ang aking aklatan. Mukhang nahahawa ata ang mga iyon sa akin. Nakakahawa rin pala ang pagbabasa. Sa bagay, matalino rin naman ang mga kapatid ko. Kahihiligan din naman nila ang pagbabasa sa darating na panahon, mas mainam na naging mas maaga.

Headline #3

Noong agahan kahapon, Lunes, nakuwento ni Dad na may manggagaya o doppelganger sa bahay. Natanong kasi namin kung bakit naroon sa bahay si Boy, ang ispiritista ni Dad. Mayroon daw kasing mga kuwento ang mga katulong na mga pangyayari. Isa, nakita raw nilang pumasok sa isang kuwarto si Tetel, kapatid sa ibaba palapag. Tapos, ilang sandali ang lumipas pagkatapos nilang makitang pumasok sa silid ang akala nila'y anyo ni Tetel, lalabas ang tunay na Tetel mula sa itaas na palapag. Nakakapangilabot. Paalisin daw ni Boy. Mukhang hindi naman daw mapanggulo ang ispiritu.

Sabado, Nobyembre 26, 2005

Padre Pedro Chirino = Anti-Bisaya (At Ilang mga Bagay na Aking Naalala Noong Nakaraang mga Araw)

O, nakuha ko atensyon ng mga Bisaya diyan ano? Kinukuha ko kasi ang Fil 101, Kasaysayan ng Wikang Filipino na tinuturo ni G. Mike Coroza. Binasa namin kanina ang ilang kabanata mula sa balita ni Padre Pedro Chirino, isang Hesuita, na nadistino dito sa Filipinas noong mga unang taon ng pananakop ng Espanya. Bakit anti-Bisaya siya? Iyon nga ang pinagtataka namin sa klase e. Malaki ang pagpabor na ibinigay ni Chirino sa mga Tagalog habang, ayaw ko namang sabihing nilait, pero parang ganoon na nga ang ginawa sa mga Bisaya. Ayokong magsipi pero kung gusto ninyong malaman kung ano ba talaga ang sinabi niya, sumangguni na lang kayo sa aklat niyang "Relascion de las Islas Pilipinas" o sinalin bilang "The Philippines in the 1600s." Enjoy.

Mabigat ang klaseng ito, ang Fil 101 dahil sa dami ng mga artikulo't aklat na babasahin namin. (Ni-require ba naman kaming basahin ang higit-400 pahinang "Balarila..." ni Lope K. Santos, isa lang sa maraming aklat-balarila na babasahin namin.) Ngunit hindi ako nagrereklamo. Magaling na guro si Sir Mike. Kaya kong makinig sa kanya hanggang magunaw ang mundo. At marami naman akong matututuhan. Kailangan nga lang magsunog ng kilay. Mabuti na lang, magaan-gaan ang load ko ngayong semestre. Ano kaya ang magandang topic para sa final paper?

Panlulumo

Noong nakalipas na linggo, naging isang malaking pagtingin sa aking sining ang nangyari. Sumali kasi ako sa LS Awards. At isa sa mga kailangang ipasa ay isang portfolio. Marahil noong una sumagi sa aking isip na sumali, sa loob-loob ko, naisip ko, "Mananalo ako. Walang duda." Pero nang pinagpuyatan ko, gabi-gabi, nang dalawang linggo, isang bagay ang naging malinaw: kulang pa. Sa higit labing-apat na kuwentong nasulat ko sa tanang buhay ko, hindi kasama ang pinakauna kong kuwento, pito lang ang isinama ko sa portfolio. Ngunit sa kabila noon, dalawa lang sa pitong kuwentong iyon ang masasabi kong, personal lang, na "maganda." Umaasa akong mananalo pero pagkatapos titigan ng oras-oras ang kasaysayan ng aking pagsusulat, hindi ako kampante. Malayo pa, kulang pa.

Arete

Nagbasa ako para sa LitNight ng Arete noong Miyerkules. Masaya. Hindi yung pagbabasa. Ang nagpawis ako nang todo gawa ng spotlight. Nautal pa ako nang kaunti. Masaya yung pakikinig sa mga batikang manunulat. Kagaya nina Sir Egay, Naya Valdelleon, Larry Ypil, atbp. Nakakaingit nga't ang gagaling ng mga tula. Gusto ko rin sanang makasulat ng mga ganoong tula, pero hindi ako makata.

Nanood rin ako ng Arabesque noong Huwebes. Masaya rin. Nakakatuwa ang stand-up comedy. At yung mga host, Jake pa rin si Jake.

Hanggang idto na lang. Babasahin ko na nang buo ang mga babasahin para sa Ph 104 at Th 151 para magkaoras para sa pagbabasa ng mga babasahin sa Fil 101 sa darating na mga buwan. Magsusulat pa nga pala ako. Kay sarap buhay. Di ba?

Huwebes, Nobyembre 17, 2005

After One Hundred Years...

Update lang sa mga nangyari sa akin sa nakalipas na dalawang linggo.

Nobyembre 3 - Nag-overnight sa Bato Springs kasama sina Paolo, Elmer, ang pinsan ni Elmer na si Reggie, Rajiv, Belman, at Daniel. Saya ng inuman. Sana mangyari pa ulit.

Nobyembre 14 - Unang araw ng klase. Guro ko si Fr. Pat Giordano para sa Th151 at si Sir Mike Mariano sa Ph 104. Mukhang mabait naman si Fr. Pat at estrikto si Sir Mariano.

Nobyembre 16 - Craft talk ng fellows at ang speaking si Jose Y. Dalisay Jr. Ang saya. Nakakatuwa ang mga similaridad naming dalawa pagkarating sa pagsusulat. Mula sa pagkakaroon ng folder sa computer para sa mga hindi matapos-tapos na gawa hanggang sa hindi pagpaplano ng banghay. Marami din siyang sinabi tungkol sa pagiging manunulat, ang pagiging "integrator" nito at iba pang mga payo para sa amin.

Yun lang. Marami pang sinusulat kaya hindi ako makapag-post.

Miyerkules, Nobyembre 02, 2005

Nakalipas na Linggo

Magsisimula ako noong nakaraang Huwebes kung saan ako'y naging official photographer ng aking kapatid. Bakit? Kasali kasi si Marol sa "Ms. High School" ng Canossa. Iba na talaga ang nanggaling sa lahi ng mga magaganda't pogi. (Riiiight) Nangawet ang balikat ko kakakuha ng video. Kamuntikan pa akong maubusan ng tape. Nakakatuwang makitang umaaktong dalaga ang kapatid ko pero bata pa rin ang tingin ko sa kanya. Hindi pa naman siya ganoon katanda, first year pa lang naman siya. Nakakatuwa ring makita siyang manalo ng 3rd runner-up. Magpapaskil ako ng picture sa susunod. Hindi ko pa napapa-scan.

Sa gym ng Canossa ginanap ang pageant. At, hindi ko ba alam, ayokong bumalik doon sa dating paaralan ko. Ewan ko ba. May nararamdaman akong kaunting yabang mula sa mga tao doon. O baka ako lang ang mayabang? Nakakaasar at palaging ipinagmamayabang si CJ Muere. Kung siya ang pride ng Canossa, sino ang kanilang shame? Hay, gawa siguro ng mga madre. Ganyan lang talaga siguro.

Kinabukasan naman, sinundo namin mula sa airport si Dad. Galing siyang Amerika para magbakasyon. Ilang linggo siyang nakituloy kina Ate Rowena sa New Jersey. Pasalubong niya sa akin, the usual, sapatos, damit, isang MP3 player, (binili ba naman ang mga kapatid ko ng dalawang iPod shuffle at iPod Nano . at ako? putsa, RCA.), at ang pinabibili kong kopya ng GTA: San Andreas. Ok din. Astig. Nagtotopak nga lang ang mga controller ko.

Matagal kaming naghintay sa airport kahit na sakto ang dating namin. May inatake daw sa flight ni Dad, inatake sa puso. Baka kinabahan o kung ano. Excited siguro. May bago nga palang aso sina Ate Rowena. Parang anak kung tratuhin. "Pinsan" ko daw. Walang hiya.

Noong Sabado, nagkita-kita kami nina Elmer, Paolo, Gino, at Danny para maglaro ng PC. Saya. Balik ulit ang tropa. Naglaro kami ng DotA. Adik ata yung tatlo nina Elmer, Gino, at Danny. Matagal din bago kami nakahanap ng lugar na paglalaruan. Karamihan ng mga PC house sa San Pablo, walang Warcraft. Ginala namin ang buong San Pablo. Hindi naman. Pero malayo-layo rin ang nilakad namin bago makahanap ng isang lugar. Matagal din kaming naglaro. Sa sobrang tagal, ginutom si Paolo. Kaya lumabas muna siya para kumain.

Pagkatapos noon, kumain kaming lahat sa Prosperity, malamit sa palengke. Tinamaan ako doon ng antok. Napuyat kasi ako. Nakakatuwang palaging papalit-palit ang aming usapan sa pagitan ng DotA at ang socio-economic situation ng San Pablo. Mga taga-UP talaga. Nakakatuwa na, pagminsan, nalilimutan naming maypake pala kami. Mga pag-uusap tungkol sa SM San Pablo (na hindi mangyari-yari) at ang ikagiginhawa ng bayan dahil sa isang pinaplanong call center.

Linggo, wedding anniversary at kaarawan ni Marol. Oo, sabay sa iisang araw. Pumunta kaming Duty Free para mamili. Pagkatapos noon, pumunta kami ng Dampa sa Paranaque. Doon kami naghapunan. Ayos din. Masarap ang luto. Ang dami nga lang Koreanong naroon sa kinainan namin. Mga turista. Nakakatuwa.

Kahapon, noong Undas, pumunta kami ng sementeryo. Yun. Binisita sina Lolo't Lola. Wala namang espesyal na nangyari. Ang ingay nga lamang ng mga kapatid ko. Parang mga maton na bakla na jologs na conyo na nakatambay sa kanto na lasing. Basta. Yun na iyon.

Miyerkules, Oktubre 26, 2005

The Star of Bethlehem and Other Christmas Wonders (Essay Series Part 3)

Christmas decorations are always fun. Seeing the flickering and dancing light of parols and Christmas lights as I walk down the street makes me feel like a child. Seeing how the Christmas lights outline the shape of a narra tree fools me into believing that the lights are actually part of the tree. Appreciating them is fun. But putting them up is also fun, in its own unique way.

My Dad takes Christmas decorations very seriously. He would always be the one who would check out the all the Christmas decorations as we drove by the streets of San Pablo. He would comment on how nice the parol that we saw in that house and how ingenious the use of Christmas lights was made to make the image of Christ in this house. And he’s the one whose driving too as he made those comments. I don’t know why he’s like that. Maybe because it’s one of those few times where he could unwind without any excuses.

Each year, we decorate the house from head to toe, from the gate, to the windows, to the gutters of the roof. It all started in 1997, we started to outline the windows, the edges of the walls, and the roof with lights. It really showed how big the house really was. Dad was quite happy and impressed, even though it cost us more on the electric bill. But what is a few thousand per month compared to having the brightest house in the street during those cold, windy nights?

The next year, Dad raised the ante when he installed a Pampangan parol. It was this massive, multi-colored paste-work that was taller than my thirteen year old sister, who was just seven then. We hung outside a window over looking the second floor terrace. And every time it was turned on, it was an instant disco floor on the second floor sala of the house. It was especially weird when watching MTV.

Then the house got renovated in 2001. It was a lightless Christmas for Dad. So instead of putting up a bigger and better lights show, he just focused on making a bigger and better house.

After the renovations were done, back were flickering Christmas lights that outlined our now even bigger house, which is now four floors compared to previous three. We even had our two new pseudo-pillars, these pillars in front of our house that looked like marble but are actually cement pillars wrapped with wallpaper that looked like marble, covered with lights We also hung the Pampangan parol (yes, it survives until now) on the new balcony on the third floor. Then Dad, envisioning how our house would look from the horizon, stood in the open air space of our fourth floor and felt something missing.

On the first night of the first Christmas season of our newly renovated home, Dad turned on his new addition, a star of Bethlehem on top of our house. It was an outline of a five-pointed star made of Christmas lights and wires. It was held up nearly 20 feet up in the sky by a pole. More lights came down the pole. It was an awesome sight. It could be seen from all over the barangay.

Putting up all those lights is like boasting our wealth and status. But Dad was never two faced. He knew he would attract hoards of aguinaldo seekers. And he would welcome, with all smiles and warmth, those who would pass by our house come Christmas Day. He would give aguinaldo to all those who came, attracted by the star of Bethlehem.

Linggo, Oktubre 23, 2005

Sana Yun na ang Huli kong Bus Ride

Sumakay ako ng bus kasama si Mama mula San Pablo papuntang Makati. Dapat kasabay namin ang mga kapatid ko papuntang mall pero nahuli si Mama dahil meron pang nag-CS at marami pang bilbilhin ang mga kapatid ko. Sumakay kami ng bus nang mga alas tres. Kung wala lang manlilibreng ahente dahil kahapon ang birthday ni Mama, baka hindi na kami umalis.

Hindi masaya ang trip. Gumagalaw ang inuupuan ko. Kailangan kong palaging ayusin ang kutson sa puwetan ko dahil palaging sumusulong tuwing pumapara ang bus. Tapos natopak pa ang aircon. Ang init ang kalahati ang biyahe. Mabuti na lang hindi masyadong nag-angal si Mama. Nakakainis pa naman iyong magreklamo.

Sa isang maganda punto ng araw. May nahanap akong kopya ng "The Silent Cry" ni Kenzaburo Oe. Hiniram ko siya sa library pero hindi ko siya natapos kasi ang haba niya. Ayoko namang mag-extend o kung ano. Kaya nung nakita ko ang kopya nun sa Powerbooks. Binili ko agad. Mahal siya, kulang-kulang isang libo pero may sale sila kaya nakuha ko ng mga 750. Ok na rin. Maganda namang nobela.

Miyerkules, Oktubre 19, 2005

The Mitch Cerda Essay Series Part 2 at Isang Sagupaang Matindi

Mukhang todo na ang pagkaadik ko sa Rome: Total War. Nakakaenganyo kapag nanalo ka. Feel na feel ko ang pagiging heneral ng Roma. Nakakatuwa.

Babalik ulit bukas si Mae galing Maynila. May bitbit siyang mga kaibigan, dito magpapalipas ng ilang araw. Invade daw nila ang kuwarto ko, dun muna matutulog ang mga lalaki. Nakakainis pero ganyan lang talaga ang hospitality. 'Wag lang sana nilang guluhin ang aking libro.

Eto nga pala ang Part 2 ng serye ng mga sanaysay na sinulat ko para sa Non-Fic. Isa lang siyang paglalarawan. Yun lang.

Lakeside Eating


My family and I used to go to this restaurant beside Sampalok Lake. It was an open-air restaurant. It was just a roof, a floor, and a hurdle that stood on bamboo poles. It stood above the waters of the lake and we had to walk on a bamboo bridge to enter.

It was just a small place. There were only about eight tables for four people. But because it was open-air, it still felt spacious. The wind came in that cooled the place. It was especially comfortable during Christmas season.

The view of the lake was fantastic. Seeing the surface of the water move with the wind put me into a trance. The mountains and trees reflected at the water’s light green surface, giving a mix of different shades of green.

Only the fresh smell of beef mami took me out of my trance. The restaurant made the best mami in the city. The noodles were just right, it was smooth and tender inside the mouth. And the broth didn’t taste like soap, the bits of beef that floated in it gave a strong beef flavor. It was so good, every time I pass by the lake, memories of mami would come to me.

After eating, my sister and I used to look through the bamboo floor, between the gaps of the slivers, watched the small fishes in the water. We used to argue what kind of fish they were. In the end, we agreed that they were dilis.

I always left that restaurant, my stomach full mami and my eyes full of green, with that brief moment of my life that I felt was not wasted, a moment that I could go back to. A feeling that comes to me every time I go to the restaurant beside the lake.

Lunes, Oktubre 17, 2005

BBC NEWS | Entertainment | Fatboy Slim makes Marcos musical

BBC NEWS | Entertainment | Fatboy Slim makes Marcos musical

Putang Inang Fatboy Slim yan. Peperahan ba naman si ang buhay ni Imelda. Mapanood kaya? Hahaha

Linggo, Oktubre 16, 2005

Adik sa VG

Nasa San Pablo na ako ngayong mga nakalipas na araw. Nakakatuwang tumambay lang dito sa bahay. Gusto ko sanang lumabas ng kaunti at maglakad-lakad pero tinatamad pa ako. Naglalaro ako ngayon ng Rome: Total War. Ang saya. Pero dapat ay tinatapos ko ang aking mga kuwento. Naiinis ako sa sarili ko. Kaya ayokong maadik sa videogame. Sa isang banda, naadik naman si Mae, kapatid ko, sa videogame. Warcraft III, yung Defense of the Ancients. Kinukulit ako kung paano magkaroon noon dito sa PC sa bahay. Kaya bumili ng kopya ng Warcraft III para makapaglaro siya habang sembreak. Hay, teknolohiya talaga.

Biyernes, Oktubre 14, 2005

The Mitch Cerda Essay Series Part 1

Ipo-post ko ngayon ang mga sanaysay na sinulat ko para sa Non-Fic. Lakas ng apog ko, ano? Alam ko namang hindi ito yung tipong mapa-publish sa kung saan. Hindi naman ito mga obra maestra kaya okey lang i-share. Nakakatuwa lang sila kaya eto na, ang unang sanaysay. Pagpasensiyahan nyo na rin ang Ingles. Ganyan lang talaga.

Welcome to Lake City

I am from the City of Seven Lakes, San Pablo City. Named after our patron saint, Saint Paul the First Hermit, San Pablo is a city of transits. Unlike our patron, San Pablo isn’t found in am unreachable and secluded part of the country. On the contrary, San Pablo is a trade city. It is a center point where goods and people pass by to their destinations.

The city is an important route in commerce and travel. Hundreds of buses pass through the city to reach other towns and cities in Metro Manila, Southern Tagalog and Bicol Regions. Many trucks filled with produce, like mango, pineapple, and coconuts Bicol, Quezon, and Batangas, stop over at the many carinderias and sari-sari stores at the side of the road.

But few actually stop by the city. Once, my friend and I commuted from Metro Manila to San Pablo. But no bus actually stops at San Pablo. We had to take the bus that goes all the way to Lucena, Quezon, which passes by San Pablo. And we were the only ones that got off in the city that day. No one come to San Pablo unless it’s fiesta, when many houses are open for visitors, or to visit the city’s famous seven lakes.

It maybe a center where all things and people cross but the city moves in its own pace. It has that urban feel of traffic jams but it also has that rural tranquility under the shadow of Mount Banahaw. It can be ‘probinsiya’ by offering hot and cold spring resorts. But it can be commercial by offering Jollibee, McDonalds, Pizza Hut and other restaurants. It’s a place where news headlines from Metro Manila are as relevant as the local gossip. The mass protests in the capital affects San Pablo as much as the latest scandal in the mayor’s office.

But for the all the progress that the city has gone through, it is still pretty much a place of myths and legends. People who have computers in their homes would still go the albularyo if something unnatural happens. Ghosts, duwendes, kapres, aswangs, and mangkukulams are believed to still walk in our midst.

That’s why when I go home I feel disoriented. Things move when I am gone yet I feel nothing ever changes when I am there. News about events and gossip about people comes to me as a shock because, in the surface, the seems motionless. Death of politicians, New People’s Army activities, hike in gas prices are taken by the people an initial shock. Then they would move on, like nothing had happened. Things move in the city like the waters of a lake touched by the northern winds in December. It’s looks still at a distance but ripples up close.

Miyerkules, Oktubre 12, 2005

Isang Malalim na 'Hay'

Natapos na kanina ang pasalitang eksamen ko para teolohiya at doon din natapos ang aking unang semestre. Ang bilis talaga ng paglipas ng panahon. Pero nagpapasalamat ako't marami akong nagawa at natutuhan ngayong semestreng ito. Ngunit marami pa ring kailangang gawin at kailangang matutuhan.

Ayoko nang pag-usapan ang nangyari sa akin sa mga nakalipas na araw. Isa itong malaking 'Ok lang.' Ewan ko ba. Masyado ko sigurong inaasam ang darating na bakasyon. Gusto kong magpahinga. Gusto kong magbasa. Gusto kong magsulat. Gusto kong maglaro ng videogame. Palaging naaabala ang unang tatlo habang talagang hindi ko ginawa ang huli. Hindi ko pa natatapos basahin ang mga nobelang 'Catch 22' at 'Makinilyang Altar' dahil sa mga iba pang mga babasahin para sa mga klase. Nakakapagsulat naman ako pero pakiramdam ko palagi silang pilit, parang palagi akong hinahabol ng oras.

Kaya bukas, uuwi na ako sa San Pablo para sa sembreak. Hay, isang buwan na ring hindi nakakauwi. Nakaka-miss ang mga kapatid ko, ang mga magulang ko. Nakaka-asam na matulog muli sa kuwarto ko sa ika-apat na palapag (mas malaki kasi ang kama ko doon kaysa dito sa condo). Gusto kong lakarin ang mga daan ng San Pablo, bisitahin muli ang Lawa ng Sampalok.

Pero sa ngayon, mag-iimis muna ako ng mga gamit ko. Marami akong mga 'basura' (mga readings at kung ano-ano pang hindi ko na kakailangan ngunit nakakapanghinayang naman kung itatapon) na dadalhin sa bahay.

Sana'y maging masaya ang aking sembreak at sa inyo rin.

Sabado, Oktubre 08, 2005

Proposal Presentation and 'Defense'

Natapos na kahapon ang pinakaunang presentasyon ng thesis/project/practicum sa tanang kasaysayan ng Fine Arts. Mabuhay ang Block E! Isang malugod na palakpakan. *palakpakpalakpakpalakpak*

Iyon siguro ang pinakamasayang oral presentation na ginawa ko. Kahit na noong sandali ko na para magsalita, parang wala lang. Masaya kasi, siguro, nakikita ko na mayroon nga kaming ginagawa, na may pinatutunguhan ang aming mga paghihirap at trabaho.

Salamat sa lahat ng mga dumalo! Simula lang ito, beybe!

Martes, Oktubre 04, 2005

Mga Huling Klase

Ngayong araw ang huling mga pagkikita para sa Philo 103 at Non-Fic Workshop. Ito pa naman ang dalawang pinakagusto kong mga klase para sa semestreng ito. Masaya na ito na ang katapusan at darating na ang mga grado. Ngunit nakakalungkot dahil may mga bagay na ayaw mong matapos-tapos.

Gusto ko ang mga klase ko sa Pilospiya dahil nakakatuwa si Sir Lagliva. Basta. Masaya siya. Palabiro at may nakakatuwang anekdota tuwing klase. Kaya kahit na nasa Bellarmine ang klase namin, ok lang. Lalakarin at lalakari ko pa rin. Hindi pa ganoon kabigat ang kanyang workload.

Non-Fiction Workshop naman ang pinakagabi ngunit pinakamasayang klase ko. Sunod sa Fil 119.2, kung saan naging guro ko si Sir Vim, dito sa klaseng ito pakiramdam ko ay malaki ang aking paglago bilang manunulat. Maraming mga babasahin at pagsusulat ang ginawa ko sa klaseng ito. Napakahilaw pa ng mga draft at exercises na sinulat ko dito. Ngunit pakiramdam ko, ang bawat sinulat ko ay may kakayahan na maging maganda o kahit na maging kaantig-antig na gawa. Ang galing-galing pa na guro si Ma'am Karla. Nakikita niya ang mga diyamante ng bawat gawa namin at malaking tulong palagi ang kanyang mga payo.

Kaya mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Ayaw ko pa talagang matapos.

Lunes, Setyembre 26, 2005

Lindol

Lumindol! Lumindol! Kani-kanina lang. Nag-i-internet ako tapos bigla ko na lang naramdamang gumalaw ako. Umuuga ang mga nakasabit na kubyertas, ang preweba ko na lumindol. Mahina lang siya. Pero astig. Yun lang.

Sabado, Setyembre 24, 2005

May Kabuluhan Rin Pala Ang Isang Araw na Wala

Hindi tuloy ang trip papuntang UP kanina. Sana, nakauwi. Ok lang. May nagawa namang mabuti kahit papaano.

Una, binili ko ang "Mythology Class" ni Arnold Arre. Nagustuhan ko kasi yung kanyang "After Eden" kaya binili ko agad ito sa NBS Katipunan. Maganda siya. Nakatutuwa ang kanyang paggamit ng mitolohiya ng Pilipinas. Syempre, kapag pamilyar ka sa iba, mapansin mo ang mga dagdag ni Arre sa kanyang mitolohiya. Kanina ko lang nabili pero nangangalahati na ako. Ganun siya kagaling.

Pinanood ko rin ang "Bayan-Bayanan" ng Tanghalang Ateneo kaninang alas syete. Maganda. Magaling ang pagkasulat. Napaka-subtle ng mga damdamin na ibinabato ng dula. Rollercoster ride of emotions, ika nga.

Paglalakad sa loob ng Ateneo nang ganoong kagabi pagkatapos ng dula, parang ibang mundo ang dinaanan ko. Kita ko ang hamog sa hangin, kitang-kita dahil sa mga ilaw ng poste. Ang lamig sa balat. Ang ginhawa sa baga. Ang sarap-sarap. Sana, ganoon na lang palagi ang hangin.

Huwebes, Setyembre 22, 2005

Isang Banggaan

May nangyaring banggaan sa may kanto ng Shakey’s kanina. Hindi ko talaga siya nakita ang buong pangyayari. Pagdaan ko papuntang McDo, nakita ko na lamang ang isang pulang kotse at isang itim na StarEx na nakatigil sa tabi ng daan. Maraming tao sa eksena, karamihan sa kanila ang, sa tingin ko, sakay ng StarEx. May nakita akong babaeng may kinakausap sa cellphone, umiiyak sa may likod ng kotse. Siya marahil ang nagmamaneho ng kotse.

Pagtawid ng kalye nakita ko nang mas malinaw ang epekto ng banggaan. Hulog ang bumper ng kotse pagkatapos mataamaan ang tagiliran ng StarEx. Mukhang mahirap na basta-basta na lang umalis ang dalawang kotse.

Bakit ko sinulat ito? Wala lang. Nagpapaka-journalist lang.

Miyerkules, Setyembre 21, 2005

Ang Aking Araw

Nag-orals ako para sa Philo 103 kanina. Hindi ako masyadong nag-aral. Isang oras lang, lahat-lahat ang oras na ginugol ko para doon. Tiningnan ko lang ang mga thesis statements at binasa nang kaunti ang aklat at notes ko. Maliban doon, wala na. Nasagot ko naman ang thesis statement na nakuha ko. Sana makapasa.

Hindi gaano kaganda ang nakuha ko para sa pagsasalin sa Theo. Ok lang. May ‘second chance’ pa naman e.

Kailangan kong magsulat ng flash fiction para sa FA 111.3. Nagturo si Sir Patino ng mga kailangan naming bigyang pansin para sa aming pagsusulat. Nakatutuwa ang flash fiction. Ewan ko lang kung kaya kong magsulat.

Pumunta ako para sa ikatlong talk ng Kagawaran ng Pilosopiya. Patungkol ang talk sa pilosopiya ng mga Griyego at ang epekto nito sa panulaan nila. Si Dr. Gemino Abad ang speaker. Astig ang lektura. Ang dami kong natutuhan kahit na hindi ako makata.

Martes, Setyembre 20, 2005

Sa Pagka-Cram

Hindi na ako gaanong depressed. Ayos. May bumabagabag pa rin sa akin pero ok lang. Kayang-kayang tapatan. Walang punto para magmukmok.

May orals pa ako bukas para sa Philo 103 pero hindi pa ako masyadong nakakapag-aral. Ewan ko ba, palagi akong ganito sa mga pagsusulit. Kina-cram ang pag-aaral. Ganyan lang talaga. Basta’t pumapasa.

Parang mabilis ang panahon ngunit hindi. Parang ang daming panahon para gawin ang lahat ngunit pagminsan kumakapos. Tinapos ko kahapon ang nirepasong draft ng concept paper ko. Nagpuyat ako nang kaunti. Minadali ang pagkakasulat. Kulang pa ang aking metodolohiya at framework. Ganyan ang napapala ng nagka-cram.

Gusto ko ang palabas na ‘House.’ Ewan kung bakit.

Sabado, Setyembre 17, 2005

Takot, Kaba, at Lungkot

Natatakot ako. Ewan ko kung bakit. Dahil nariyan na ang katapusan ng semestre? Sunod-sunod na ang mga gawaing kailangang tapusin. At sa bawat proyekto, may pagkakataong pumaltos at magkamali. Dahil ba sa bawat sandali, hindi ko pa rin talaga alam kung saan ako pupunta? Hindi magkalayo ang takot na ito sa kaba. Ano kaya ang sasabihin ng iba? Ano kayang susunod? Ano pa bang lubak ang ibibigay ng buhay?

Kaya nahihirapan akong maging masaya at positibo ngayong mga panahong ito. Ang babaw-babaw. Pero wala akong magawa. Kaya lalo akong nalulungkot. Parang wala akong magawa.

Gayan lang talaga ang buhay. Kailangang sakayan. Umaasa na lamang ako. Kung ito yung tunay na pag-asa na pinag-uusapan ni Marcel, hindi ko alam. Basta’t umaasa ako, anoman ang mangyari.

Martes, Setyembre 13, 2005

Pagpapalamig sa Tuyot na mga Sandali

Gustong kong magsulat. Gusto kong humawak ng papel at bolpen at makitang sumasayaw ang aking mga kamay. Gusto kong ilakad ang aking mga daliri sa ibabaw ng keyboard ng komputer at marinig ang malambot na takatak ng teklado nito habang binubuo ko ang isang likha.

Ngunit walang dumarating. Kaya siguro narito ako, pumupindot-pindot, para marinig man lamang ang mga malalambot na mga takatak. Ngunit hindi ito isang nagbabantang obra maestra. Isa lamang itong pagpapahayag ng isang saloobin dahil wala ako talagang masabi.

Pagkatapos ng natapos kong kuwento noong nakaraang linggo, nahihirapan akong isulat ang susunod kong kuwento. Nariyan na sa aking ulo ang mga ideya, ilang mga tauhan, ngunit hindi siya mabuo-buo. Siguro kailangan ko pa ng mas matagal na pahinga. Masyado ko lang sigurong pinipilit ang aking sariling magsulat. Mahirap pilitin ang pagsusulat. Ganun din, mahirap namang hintaying dumating ang inspirasyon o ang Musa.

Ganyan lang talaga. Kailangang sumakay sa daloy ngunit kailangan ring sumagwan sa dapat puntahan.

Sabado, Setyembre 10, 2005

Patungkol sa Sem at Iba pang mga Alaala

Palapit na ang Finals ang kinakatakutang "Hell Week" ngunit hindi pa rin ako pumapalag, nagmamakatol, at nagrereklamo tungkol sa aking semestre. Magaan-gaan na ang trabaho para sa iba kong mga subject, lalong-lalo na para sa Theo. Tatlong requirements na lang bago dumating ang Finals, nagmumukhang posible akong makapasa rito.

At kahapon halos walang ginawa ang buong klase maliban na lang sa pag-aasikaso sa pagsasalin ng ilang artikulo ng Summa Theologica ni Santo Tomas. Hindi naman sobrang hirap ang gawaing ito (para sa akin).

Patapos na rin ang mga workshop sessions para sa FA 111.3. Ang aking kuwento ang isa sa mga huling kuwentong pag-uusapan. Pagkatapos nito, gagawa raw kami ng mga "flash fiction" o "short short fiction" para maabot ang dalawang kuwento dapat isulat sa klase. Kung hindi ako makapasa dito, ewan ko lang.

Kahapon din ginanap ang unang craft talk para sa fellows. Si Ma'am Beni Santos ang speaker kagabi. Marami akong natutunan kahit hindi ako makata. Lahat ng mga dagdag na kaalaman patungkol sa sining ay katanggap-tanggap.

Pagkatapos ng talk, pumunta ako sa unit na tinutuluyan ni Kae para magpalipas -oras kasama sina Chino at Billy. Ipinakita sa amin ni Chino ang nakakatuwang videogame na "Katamari Damacy." Astig talaga. Marami na akong nabasa tungkol sa larong iyan. Pero noong nakita ko na siya nang personal parang gusto ko tuloy bilhin rin. Pagkatapos, pinanood namin ang "Fear and Loathing in Las Vegas" na binagbidahan ni Jhonny Depp. Nagsimula ang pelikulang bangag si Jhonny, nagtapos rin itong bangag si Jhonny. Yun lang ang masasabi ko.

Miyerkules, Setyembre 07, 2005

Listahan at Iba Pang mga Masasayang Balita

Naghahagilap ako ng mga maiikling kuwento noong mga nakalipas na mga araw. Wala ako partikular na dahilan para “mag-research” nang ganito. Gusto ko lang maghanap ng mga kuwento sa aklatan at gumawa ng mga kopya para sa darating na mga panahon na walang ginagawa. Mas mabuti na sigurong mag-ipon ng mga mababasa kaysa magmaktol dahil walang mabasa. Ito ang listahan ng mga maiikling kuwentong nakuha ko:

Banyaga (Liwayway Arceo)
Tata Selo (Rogelio Sikat)
Si Ama (Edgardo M. Reyes)
Landas sa Bahaghari (Benjamin P. Pascual)
Bilanggo (Wilfredo P Virtusio)
Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel (Efren R. Abueg)
Masaya ang Alitaptap sa Labi ng Kabibi (E. San Juan Jr.)
Anay (E. San Juan Jr.)
Maria Makiling (Eli Ang Barroso)
Fish Dealer’s Tale (Timothy R. Montes)
The Star (Arthur C. Clarke)
Flowers for Algernon (Daniel Keyes)
At Patuloy ang mga Anino (Serafin C. Guinigundo)
May Buhay sa Looban (Pedro S. Dandan)
Kandong (Reynaldo A. Duque)
Arrivederci (Fanny A. Garcia)
Tayong mga Maria Magdalena (Fanny A. Garcia)
Sa Kadawagan ng Pilikmata (Fidel D. Rillo, Jr.)
Syeyring (Jun Cruz Reyes)
Isang Pook, Dalawang Panahon (Evelyn Estrella Sebastian)

Ang iba sa mga iyan ay mga ‘klasik’ na o kaya naman ay bahagi na ng ‘kanon’ ng literaturang Pilipino, kagaya ng ‘Tata Selo’ at ‘May Buhay sa Looban.’ Yun lang dalawa siguro ang nabasa ko na sa listahang iyan. Kapag may oras ako, babasahin ko sila. Kung may alam kayong mga kuwento na sa tingin ninyo ay magugustuhan ko, mag-iwan lang kayo ng mensahe.

Sa ibang balita, naka- 30/30 ako sa midterm sa Theo. Ayos! Manlilibre ako ng mga cookie na binebenta naming mga taga-FA. At katatapos ko rin lang ng aking pangalawang kuwento para sa Practicum. Papakita ko kay Sir Vim bukas. At kung gusto rin ninyong mabasa, sabihin nyo lang sa akin, bibigyan ko kayo ng kopya para mabigyan ninyo ng komento.

Sabado, Setyembre 03, 2005

Pagkatapos ng Isang Madugong Pagsusulit

Ang tindi talaga ng Midterm na iyan para sa Th 141. Hindi naman sa nag-cram ako, ayaw ko lang sigurong mag-aral. Pero hindi ako kinabahan bago magsulit. Ewan ko pero tinamaan rin naman ng nginig sa kamay habang nagsusulat. Hindi naman sa takot na wala akong masabi o walang maisulat, natakot ako dahil, walang hiya, ang bilis ng takbo ng oras. E ang bagal ko pa namang mag-isip at ayusin ang aking mga gustong sabihin pagkarating sa mga sanaysay. Kaya hindi ko natapos ang pangatlong tanong, nakakalahati lang ako sa mga kinakailangan pag-usapan sa bahaging iyon.

Isa pang nagpatindi sa aking kaba ay ang isang istudyante na klase bago ng akin na tinuturuan rin ni G. Tejido. Hindi naman sa sinadya kong makinig sa usapan niya at ng kanyang mga kaibigan, pero narinig ko na tinangka niyang mandaya. Ngunit bago pa man niya magamit ang mga "kodigo," nahuli siya ni Sir dahil nakasipit ito sa Bibliya niya bilang "marker." Hindi rin naman sa nagtangka akong mandaya rin sa araw na iyon. Pota, bakit ko pa pinilit ang sarili kong mag-aral at magsaulo kung mandadaya rin lang ako. Nagulat lang talaga ako dahil iyon ang una kong beses na makarinig ng pandaraya sa Ateneo. Nakakalungkot sila.

Sa gitna ng pagsusulit sa klase namin, may nahuli rin si G. Tejido. Narinig ko, habang nag-iisip ng quote mula kay Donal Dorr, na nagpaliwanag at nagmakaawa ang kaklase kong iyon. Agad na kinuha ang kanyang papel at Bibliya at pinalabas siya ng kuwarto.

Pwede akong magpakabait at magsermon pero hindi ko iyon gagawin. May sarili silang dahilan kung bakit sila natuksong mandaya. Sana, may natutunan sila sa pagkakamaling iyon.

Lunes, Agosto 29, 2005

Snow Country

Katatapos ko lang basahin ang nobelang "Snow Country" ni Yasunari Kawabata. At eto lang masasabi ko, “Yasunari Kawabata owns me! He owns all of you fictionist-wannabes out there!” Pero kailangan ko siguro itong suportahan.

Umiikot ang kuwento ng nobela sa relasyon nina Shimamura, isang art critic-kuno, at Komako, isang geisha sa isang bayang may hot spring na matatagpuan sa “snow country,” ang pinakamayelong bahagi ng bansa ng Hapon. Sinusundan ng kuwento ang kanilang pag-iibigan at ang katapusan nito.

Taon ang sinusundang banghay ng kuwento ngunit mabilis lang ang pagbabasa ko ng nobela dahil na siguro sa estilo ni Kawabata. Puno man ng mga magagandang detalye’t eksena, napakapayak ng pagkakasalaysay sa mga ito. At ang mga transisyon mula sa isang eksena patungo sa isa ay napakabilis. Nakakalito sa simula. Parang tumatalon ngunit hindi dahil sinasabi naman ng tagapagsalaysay ang mga maliliit na detalyeng magsasabing nag-iba na nga ang pinag-uusapang eksena. Kailangan lang na maging sensitibo.

Kagaya ng sinabi ko napakapayak ng pagkakasalaysay ng nobela. Ngunit napaka-deceptive nito. Mukhang payak lamang siya. Ngunit sa ilalim ng mga bawat pangungusap at palitan ng diyalogo sa pagitan ng mga tauhan, matatagpuan ang isang matinding damdaming tinitimpi. Maaaninagan mo lamang ang mga damdaming ito sa mga detalyeng ibinibigay ng tagapagsalaysay. Sa Kabuuan ng nobela, palagi akong napapatigil dahil sa mga detalyeng ibinabato sa akin. Hindi ko agad makita kung anong ibig-sabihin ng mga detalyeng ito para sa kabuuan ng kuwento. Yun pala, nasa mga detalyeng iyon ang susi upang lubusang maintindihan ang mga damdamin ng mga tauhan o kaya naman ang damdaming kailangang gustong ipakita ng tagapagsalaysay.

Isang magandang halimbawa ang nobelang ito sa birtud ng showing o pagpapakita. Dito ako luhod at hangang-hanga. Ngunit hindi lamang pagpapakita ang pakay ng tagapagsalaysay, karamihan ng mga ipinakita’y representasyon ng mga, kagaya ng sinabi ko, damadamin. Napaka-subtle niya, malumanay at banayad.

Kailangan ko sigurong ihayag na kailangang basahin ng lahat ang nobelang ito. Kung hindi ninyo maintindihan ang mga detalye sa nobela o bakit ganoon magsalita ang mga tauhan sa nobelang ito, ok lang. Ganoon katago ang mga mensahe’t damdamin sa loob ng nobela. Ngunit naroon na rin mismo ang saya sa pagbabasa ng nobelang ito. Kapag nakuha mo na ang ibig-sabihin isang detalye, mapapasigaw ka, “Yes! Gets ko iyon!” At doon sa mga sandaling iyon, mamamalayan mong aring-ari ka ni Yasunari Kawabata.

Sabado, Agosto 27, 2005

Matahimik na Pagbabalik

Umuwi muna ako ng San Pablo kahapon para magpalipas ng Sabado't Linggo rito. Ngayon ko lang talaga nabigyang halaga ang katahimikan ng lugar na ito. Wala talaga akong marinig na ingay maliban na lang sa iilang napapadaan trike dito. Hindi kagaya sa Metro Manila, ang ingay-ingay. Rinig na Rinig ko ang mga ginagawang pagpapa-ayos sa mga kalye. Rinig na rinig ang mga naghaharutang mga kotse sa kalye, lalong-lalo na yung mga minodify para sa karerahan. Rinig na rinig ko ang mga busina sa labas ng condominium. E nasa ika-17 palapag na ako nun. Kaya siguro ako inaantok, tahi-tahimik kasi.

Huwebes, Agosto 25, 2005

Busy, Busy, Daming Ginagawa...

Kung napansin ninyo, dalawang post ang aking nilagay dito kahapon. Yung sa Immersion na post dapat inilagay ko noong Linggo habang yung review ng Fahrenheit 451 ay dapat noong nakaraang linggo. Ano ibig sabihin noon? Walang oras magsulat para sa blog ko! Babad ako sa pagbabasa, pagsusulat, pag-aaral, at mas marami pang pagsusulat. Kaya pinananabikan ko na ang sembreak kahit na medyo malayo-layo pa. At least doon, wala nang sagabal na pag-aaral.

Noong Miyerkules noong nakaraang linggo, dumalo ako sa Book Launch ng unang isyu ng Heights ngayong school year. Una kong book launch ng Heights na dinaluhan. Apat na taon na ako sa Ateneo, noon lang ang una kong pagdalo sa kanilang launch. Nakakahiya. Nagtatago ako sa aking lungga, anong magagawa ko? Nagbasa ng kani-kanilang mga gawa ang ilan sa mga ka-fellow. Ang saya! Mayroon pang pagkain.

Noong Lunes ay dumalo naman ako sa Formalist Talk ng Filipino Staff ng Heights para sa Maikling Kuwento. Si Sir Vim ang kanilang speaker. Medyo nakakahiya rin yun, nagmukha akong assistant ni Sir. Tinuro na kasi niya sa klaseng pinasukan ko noong isang taon ang tinuro niya sa mga Staffer. Pero ok lang. May libreng juice.

At kapon naman, pumunta ako sa Creative Talk ng English Staff patungkol sa sanaysay. Ang speaker nila ay ang teacher ko ngayon sa FA 112.2, si Ma'am Karla Delgado. Ok rin, nakakatuwa. Nagbigay ng mga magagandang sanaysay si Ma'am Karla, isa sa mga sanaysay ay gagawan ko at ng mga kaklase ko sa FA 112.2 sa susunod na linggo. Tapos, nag-firts thoughts exercise kami. Ayoko talaga ng first thoughts. Nawawalan ako ng masasabi. Pero ok lang.

Miyerkules, Agosto 24, 2005

Sino ba naman ang hindi mapapasulat pagkatapos ng isang Immersion?

Noong nakalipas na tatlong araw, naging bahagi ako ng pagbababad (immersion) para sa Theo141. Dapat, kung binabasa ninyo ang blog na ito, noong Hulyo 29 hanggang 31 ang una kong pagbababad sa San Mateo, Rizal. Ngunit pinili kong sumama sa Ateneo_Heights Writers’ Workshop na ginanap sa parehong panahon. Kaya nag-sign up ako sa ibang lugar at panahon at napili ko ay ang pagbababad sa Virlanie na ginanap noong Agosto 19 hanggang kaninang tanghali, Agosto 21.

Isang non-government organization ang Virlanie Foundation. Tinayo ito ni Dominique Lemay, isang French national, katulong ng ilang Filipinong social workers. Tinutulungan nila ang mga bata, na ang karamiha’y galing sa lansangan, na magkaroon ng isang pamumuhay na malayo sa kapahamakan. Karamihan nga kasi ng mga bata na inaalagaan ng Virlanie ay inabuso, pinabayaan, at may nagawang krimen.

Apat sa labindalawang bahay ng Virlanie ang tinirahan ng mga nagbabad na kasama ko. Ako’y napunta sa CARESS Home, bahay na tinutiluyan ng mga batang lalaki. Kasama ko bahay si Adrian, magkaklase kami sa Theo 141 na klase ni Dr. Tejido. Ang ibang bahay na tinuluyan ng iba pang nagbabad ay ang Elizabeth, bahay para sa mga babae, Gawad Buhay, bahay para sa mga musmos, at JADE, bahay ng mga batang may espesyal na pangangailangan at sakit.

Bahay ang tinatawag ko at ng mga nakakakilala sa Virlanie dahil para talagang isang bahay ang pagpapatakbo sa bawat lugar. Mayroong Tatay at Nanay sa bawat bahay, mag-asawa kalimitan ang mga tatay at nanay sa mga bahay, maliban na lang sa CARESS na hindi mag-asawa ang nangangalagang mga magulang. Mayroon ding mga Tito’t Tita sa bahay at ilang mga social worker. Ang trabaho nila ay maging gabay at tagapangalaga sa mga bata. At magtuturingan ang mga humigit-kumulang 20 batang nagsasama sa mga bahay bilang mga magkakapatid.

Inaamin kong wala akong masyadong ginawa sa loob ng bahay. Nakakahiyang gumawa ng mga bagay-bagay kagaya ng paglilinis at pagluluto dahil mayroon silang schedule at assignment ng mga gawain at alam ninyo naman ang mga lalaki, may kaunting pride, gagawin nila ang kanilang gawain kahit na may nag-aalok ng tulong.

Hindi ko na masyadong pag-uusapan ang detalye ng aking pagtigil sa CARESS. Ngunit kaantig-antig sa akin ang dalawang mga batang lalaking nakilala doon, sina Ryan at Kenneth.

Una kong nakilala si Ryan nang umuwi siya ng bahay mga alas dose y medya ng hapon. Biglang naghimutok si Ate Pi, ang social worker na nakikitira sa bahay, nang makita niya si Ryan. Ang aga niya kasing dumating. Nanggaling kasi siya dapat sa paaralan. Ngunit, kuwento ni Ate Pi, nalaman niyang palagi raw siyang absent at wala sa paaralan mula guro si Ryan. Kaya pinapa-sign ni Ate Pi ang guro sa notebook ni Ryan bilang tanda ng kanyang pagpasok. Ngunit noong unang araw ko roon noong Biyernes, walang maipakitang lagda si Ryan.

Kaya habang nakain ng tanghalian, sinesermonan at pinagsasabihan nina Ate Pi at Nanay Ana sa kanyang ginawang pagliban sa klase. Ngumingisi lamang siya habang nakain. Hindi ko maintindihan ang pagngising iyon.

Napansin ko sa mga sumunod na mga araw na hindi niya palaging kasama ang iba pang mga bata’t binata ng CARESS. Naroon sa labas, naglalarong mag-isa. O kaya’y nasa isang sulok lang, hindi nakikisama sa mga usapan ng mga kasama.

Kinausap ko siya noong huling araw ko sa bahay. Naglalaro siya ng kotse-kotsehan. Tinanong ko kung ilang taon na siya. Labing-apat ang sibi niya sa akin. Noong unang araw ay nabanggit ni Nanay Ana na nasa grade 2 pa lamang si Ryan. Tinanong ko kung matagal na siya sa bahay at inamin niyang hindi, hindi pa siya matagal na nakatira sa bahay.

At naging malinaw sa akin ang lahat, na nag-a-adjust pa lamang si Ryan sa CARESS. Hindi pa siya lubusang bahagi ng dinamikong pang-araw-araw bahay.

Pangalawang lalaking nakilala ko sa CARESS nang maigi ay si Kenneth. Isa siyang special child. Ngunit hindi naman matindi ang kanyang pinagkaiba sa ibang mga bata. Maaari lang na sabihing iba sa kanyang ay ang kanyang pakikitungo. Tahimik lamang siya at kung magsasalita ay nahihirapang bumuo ng mga pangungusap.

Ngunit ang nakakatuwa siya dahil mayroon siyang nililigawan sa kabilang tahanan na inaalagaan din ng Virlanie. Sa ikalawang araw, tumigil sa bahay ang social worker ng Eliaya (mali ata ang pagbabaybay) at kinukutya si Kenneth. Bakit daw hindi na siya tinatawag na Ate? Pinopormahan nga ba talaga niya si Princess? Ngumingiti-ngiti lamang si Kenneth, pinipilit na itinatago ang kanyang mukha. “Hindi,” ang kanyang pinagsisigaw bilang sagot. Nililigawan nga niya si Princess.

Kinukutya rin siya na maligo. Hindi kasi siya mahilig maligo, ayaw niya. Ngunit iyon daw ang gusto ni Princess, malinis at mabango. Kaya agad namang naligo si Kenneth at nagtawahan sina Ate at Nanay. Talagang malakas ang tama.

Nakakatuwa ang mga kuwento. Masayang gawang ng mga fictional na mga tauhang batay sa kanila na lilinangin ko. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging punto ng mga kuwentong iyon. Isusulat ko nga ba ang mga kuwentong iyon. Ngunit alam ko, kahit na hindi ko na sila makikita pa nang basta-basta, narito sila aking loob, nagpepresensiya. Kagaya ng mga tauhang naisulat ko na at isususlat pa lamang, nabubuhay sila sa isipan at puso ko.

Fahrenheit 451

Una kong narinig ang aklat na “Fahrenheit 451” ni Ray Bradbury mula sa isang dating kaklase. Maganda raw, classic. Kaya nang makita ko ang isang kopya sa Fully Booked sa Gateway, agad ko siyang binili. Hindi ko dapat siya babasahin agad ngunit natukso ako. At isang linggo lang pagkatapos kong mabili siya ay tapos ko rin siyang basahin.

Sinusundan ng kuwento ang tauhang si Guy Montag, isang fireman. At literal sa kanyang trabaho, nanununog siya at hindi tagapagpatay ng sunog. Dahil sa mundo ni Guy Montag, nangangailangan ng mga tagasunog ng mga aklat. Sa mundo ni Montag, “nakakasama” raw ang mga aklat dahil ginugulo lang nito ang isip ng mga tao na nagdudulot ng mga away at pagtatalo. Kung walang mga aklat, walang magtatalo, masaya ang lahat. Ngunit nagsimulang magdududa si Guy Montag sa kanyang trabaho. Sa kanyang pagsusunog, naakit siya sa mistiko ng mga aklat na iyon. Ano bang laman ng mga iyon kaya ang iba’y napapakamat para sa kanila? At dito magsisila ang kanyang pagtuklas sa tunay na kalayaan.

Kakaiba ang pokus ng sci-fi na nobelang ito kumpara sa ibang mga nobelang kagaya nito. Hindi sa teknolohiya o alien invasion ang kanyang pinag-iikutan, mismong ang kakulangan ng lipunan ang kanyang pinag-uusapan. May bahali naman ang teknolohiya ngunit talagang kaantig-antig ang mundong ginawa ni Bradbury dahil kahit na sinulat higit 50 taon na ang nakalilipas, kuhang-kuha nito ang mga problema sa kultura’t lipunan ngayon. Ang ideya ng pagkatutok sa TV, kawalan ng interes sa mga aklat, at kawalan ng sariling isip at opinyon. Lahat ng ito’y makikita natin sa ating modernong lipunan, lalong-lalo na sa Amerika.

Mabilis lang siyang basahin, kagaya ng iba pang mga sci-fi na nobela. Gawa siguro ito sa kanyang gumagalaw na pagbabanghay. Dirediretso lang siya, tuloy-tuloy. Umaatikabo, ika nga. Mahigpit lamang ang kanyang sjuzet, malawak ang kanyang fabula ngunit hindi naman nilulunod ng nobela ang kanyang sarili sa pagpapaliwanag ng kanyang mundo. Itong banghay siguro ang isa sa pinakamalakas na bahagi ng nobela.

Susunod kong bibigyang pansin ay ang tagapagsalaysay. Sa tagapagsalaysaya makikita ang estilo ni Bradbury. Gumagamit siya ng mga metapora upang ilarawan ang mga sitwasyon, galaw, at imahen. Consistent naman siya sa paggamit ng mga metaporang ito. Ngunit kinaiinis ko lang na hindi lahat ng mga metapora ay magaganda. At gawa na rin siguro, hindi ako madalas gumamit ng metapora sa aking mga gawa o kaya naman ay hindi madalas na gumamit ng mga metapora ang mga nababasa kong mga kuwento’t nobela. Nagbago na kasi ang mga kumbensiyon ng mga formalistang manunulat sa nakalipas na isang daang taon. Inaamin kasi ni Bradbury na sinusundan niya ang panunulat nina Herman Melville, Nathaniel Hawthorne at Edgar Allan Poe.

Magaling naman ang pagkakalago ng pagkatao ni Guy Montag. Damdam na damdam ko ang kanyang mga agam-agam at kalituhan. Ang maganda ang pagkakatambal sa kanya at sa kanyang asawang si Millie, na kahit na talagang puno pa rin ng pagwawalang bahala at tutok na tutok nsa mga nangyayari at sinasabi sa TV. Naiinis lang ako sa tauhang si Faber dahil hindi maganda ang pagkakapasok sa kanya sa kuwento. Pero maaaring patawarin.

Isang kaantig-antig na nobela tungkol sa kalayaan, hindi lamang tungkol sa gawa kundi pati na rin ng isipan. Hahayaan ba nating makulong ang ating mga isipan sa mga walang kuwentang bagay o palalaguin ba natin ang ating mga sarili? Kasiyahan nga lang ba ang ating mithiin sa buhay? Mga nakakatwang mga tanong, lalao na’t nanggagaling ito sa sci-fi na nobela.

Linggo, Agosto 14, 2005

Patungkol sa Aking Pagbabasa

Nahihirapan akong magbasa. Hindi dahil hindi ako marunong. Ano ba yan, nakatapos na ako ng elementarya. Hindi rin naman nalabo ang mga mata ko. Pero mahirap sabihing crystal clear. Hindi naman sa nahihirapan ako sa wika, Ingles man o Filipino. Pero aaminin kong may ibang mga akdang talagang babanatin ang bokabularyo mo. Nahihirapan akong magbasa dahil hindi ko binabasa ang isang akda bilang isang mambabasa kung hindi bilang isang manunulat.

Anong problema doon? Malaki. Hindi ko na lubusang ma-enjoy ang aking binabasa. Hindi ko na mabasa ang isang aklat ng walang bahid ng pangungutya, pagpuna, at pagpansin sa mga mali, kahit na ang maganda. Hindi magawang tumalon sa loob ng mundo ng akda. Hindi ko lubusang magawang makisama sa mga tauhang hindi mapansin ang kanilang inconsistency. Hindi ko lubusang mapatawad ang mga pagkakamaling nadaraanan ko.

Gusto kong basahin ang isang akdang wala akong alam. Gusto kong basahin ang isang aklat na walang inaasahan. Gusto kong basahin ang isang akda bilang isang pagtakas, hindi isang paghuhusga. Gusto kong basahin ang isang akda na walang pinapatawan na pag-intindi o kaya’y pag-unawa sa pagkamasining nito. Gusto kong magbasa para lang magbasa.

Binabasa ko ngayon ang “Fahrenheit 451” ni Ray Bradbury. Maganda siya. Buo ang pagkakagawa sa mundo’t tagpuan nito. Ang lipunang ginagalawan ng mga tauhan ay buhay na buhay. Magaling ang pagkakabanghay. May problema nga ako sa mga detalye. Hindi ako sanay sa mga metapora na ginagamit ni Bradbury, ngunit ganoon lang talaga ang kanyang istilo. Mapapatawad at maiintindihan.

Kita n’yo na. Hindi ko na masabing, “Maganda! Kaantig-antig! Astigin!” Hindi. Hindi na.

Pero ganyan lang talaga. Nagbabago ang tao. Isang siguro itong paglago. Ganoon na nga. Ganoon na nga.

Sabado, Agosto 13, 2005

Hinahanap-hanap ang Araw

Sa nakalipas na linggo, hindi ko pa nakikitang muli ang sikat ng araw. At talagang nakakabagabag ng loob.

Miyerkules, Agosto 10, 2005

Photo Shoot, Unang Workshop Session para sa FA 111.3, at Heights GA

Maaga akong gumising kaninang umaga, mga alas syete. Maaga na yun. May Photo Shoot ako para sa Aegis Yearbook. Kasabay ko sa timeslot ang ka-mahalay na si Vins at ka-fafang si Jihan. Akala ko matatagalan ako roon pero hindi pala. Mabilis lang ang mga pagkuha ng larawan, ang babait pa ng mga empleyado.

Ngayong araw rin ang simula ng workshop para sa mga kuwento namin sa FA 111.3. Matagal pa yung akin. Isang kuwento lang ang napag-usapan namin, dapat ay dalawa. Napasarap sa discussion.

Pagkatapos ng klase, diretso kami ni Hanniel sa Heights GA. Masaya. Nakakain ng kaunti, libreng cupcake at juice. Nagkaroon kami ng trivia contest, nakakatuwa ang mga tanong. Nakisabit ako sa meeting ng Fil Staff. Wala lang. Sabit lang talaga. Discuss sila ng mga plano nila para sa buong taon. Kahalagahan ng paggawa ng mga responsibilidad ng pagiging Heightser at kaunting kuwentuhan. Pagkatapos noon, pinahiram sa akin ni Em ang Workshop Issue ng Heights. Babasahin ko mamaya. Yun lang. Kain pa ako.

Huwebes, Agosto 04, 2005

Consultation, Take Home LT, at mga Nagmumultong mga Kuwento

Una kong ginawa ngayong araw ay magpa-consult kay Sir Vim para sa aking Practicum. Marami akong nakuhang payo mula sa kanya. Medyo abstract pa at hindi konkreto ang ideya ko para sa kanya. Naiintindihan naman ni Sir kung ano ang gusto kong gawin, kailangan pa nga lang pag-igihan. Dadaan ako bukas para kunin ang pinayo niyang pelikula na panoorin ko.

Nakakatuwang-nakakabagabag ang Practicum. Ewan ko kung bakit. Nakakatuwa kasi gawa siguro ni Ma'am Missy. Nakakabagabag kasi parang anghirap-hirap talaga.

Kailangan ko pa nga palang gumawa ng concept proposal para sa Heights Writers' Program. Ibibigay ko siguro ang mga ideya ko tungkol sa mga nagmumultong mga kuwento sa ulo ko ngayon. Nakakatuwa't mukhang puro mga Futuristic/Sci-Fi ang naiisip ko.

Hindi ko pa nagagawa ang aking mahabang pagsusulit para sa Ph103. Eto na sisimulan ko na...












... Teka. Isang sandali pa.

Lunes, Agosto 01, 2005

Buod ng mga Pangyayari sa Ika-11 Ateneo-Heights Writers' Workshop

Hindi ko alam kung anong aasahan ko sa Ika-11 Ateneo-Heights Writers’ Workshop. Kahit na nakakuha na ako ng mga workshop classes sa nakalipas na tatlong taon. Sabi ni Em, Associate Editor ng Heights at Workshop Director ng workshop, na iba raw. At ngayong tapos na, masasabi kong tama siya.

Sa unang araw, noong Huwebes, ang lakas ng nerbiyos ko. Nauna na mga ka-fellow kong sina Kae Batiquin, Ino Habana, Migoy Lizada, Margie de Leon, Stef Jacinto, at Twinkle De Los Reyes sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches. Nakasabay ko sa kotse sina Javie, ang nagmaneho ng kotse noon, si Em, at si Kim, head ng Business. Kasama ko rin ang mga ka-fellows kong sina Anna Vecin, blockmate at Maddy Ong. Huling dumating si Vins Miranda kasama ang ibang mga facilitator ng workshop. Kasabay dapat ng huling trip si Sir Egay Samar, moderator ng Heights, pero nagpaiwan siya sa SM Fairview. Bumili kasi siya ng libro.

Hindi ako makakain ng tama doon. Lakas talaga ng nerbiyos. Wala kaming ginawang direktang nakakabit sa workshop. Kaunting pagpapakilala sa bawat mga fellows at patuloy na pagbabasa ng mga gawang ipinasa. Nagkaroon rin ng charades kinagabihan, pampatanggal ng stress. Medyo natanggal-tanggal rin naman. Nakasira nga pala ako ng isang upuan. Nakakahiya. Nagpapaumanhin ako. Hindi nga lang ako masyadong makatulog kinagabihan, naninibago pa ako siguro sa lugar.

Noong Biyernes nagsimula ang tunay na simula ng mga talakayan ng aming mga gawa. Ang mga panelist namin ay sina Sir Egay Samar, Sir Charlson Ong, Sir Tim Montes, Sir Vim Yapan, Ma’am Luna Sicat-Cleto, Ma’am Beni Santos, at Ma’am Marjorie Evasco. Kasa rin sa panelist si Sir Joel Toledo ngunit hindi siya nakapunta noong Biyernes. Sabado na siya nakahabol.

Pito sa dalawampung mga tula’t kuwento ang aming tinalakay. Hindi ko na pag-uusapan ang mga tinalakay sa mga session. Ang dami noon. Masasabi ko lang na hinimay-himay ang aming mga gawa. Ngunit malaking tulong ang mga panelist at binigyang gabay kami sa aming maaaring gawing mga revision at rewriting. Ang galing magbasa ni Ma’am Beni.

Medyo nakaka-stress ang mga talakayan kaya bilang pampanatag ng loob, nagpalitan kami ng mga joke. Noong tanghalian, hapunan, mga break time, palitan ng jokes at tawanan. Payburit namin ang mga joke tungkol kay Mahal.

Kinagabihan rin ng Biyernes ay nagkaroon kami ng scavenger hunt. Nakakatuwa. Hinati kami sa dalawang koponan at naging partner ko si Margie. Wala lang talaga ang buong scavenger hunt. May premyo pero hindi ko siya sineryoso. Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng isang writing exercise. Namuno sa aming mga fictionist si Douglas Candano, ang Workshop Director noong nakaraang taon. Nagsulat kami ng dalawang maiikling kuwentong ehersisyo, isa ay character driven at ang isa naman ay plot-driven. Wala lang rin talaga ang buong ehersisyo. Pagod na kasi ako’t hindi makapag-isip ng pantay. Kaya nang matulog ako’y napakahimbing.

Noong Sabado ay nagpatuloy ang talakayan. Nakasama na namin sa talakayan si Sir Joel. Mahaba ang araw dahil ang daming mga gawang tinalakay. Sampu. Hindi ko na rin pag-uusapan ang mga nangyari, mas madi pa kaysa noong Biyernes. Basta, kamuntikan na akong mahimatay. Pagkatapos rin ng mga talakayan noong Sabado, tinawag akong “kabayaw” ni Sir Joel. Nakalimutan kong tanungin sa kanya kung ano ang ibig sabihin noon.

Sabado ng gabi ang Poetry Reading. Una ko iyong pagbabasa sa harap ng isang manonood. Binasa ko ang unang bahagi ng isa sa dalawang kuwentong pinasa ko para sa workshop. Hindi ko masasabing ninerbiyos ako noon, nawala na nang malaki ang una akong nerbiyos. Nakakatuwa at nakakaantig ang ibang mga nagbasa. Ang basa ang lahat ng fellows. Ilan sa mga dating fellows na nagbasa ay sina Naya Valdelleon, Peachy Paderna, atbp. Pasensiya na’t hindi ko natatandaan ang pangalan ng ibang nagbasa. Sa mga panelist namin, nagbasa si Sir Joel ng kanyang mga tula. Nanalo nga pala siya ng unang gantimpala sa Palanca ngayong taon. Si Sir Egay ay nagbasa ng ilan niyang mga tula. Si Sir Vim naman ay nagbasa ng ilang bahagi ng kanyang bagong nobela. Ganoon rin si Sir Charlson. Bentang-benta talaga ang pagbabasa ni Sir Tim ng isang kabanata ng kanyang nobelang “Running Amok.” Kwela at bentang-benta ang kanyang pagbabasa. Nakakatawa ang kuwento’t sinabayan pa ng nakakatwang pagbabasa. Huling nagbasa si Ma’am Beni ng kanyang mga bagong tulang ginawa sa Boracay. Nasa sabbatical siya ngayon sa pagtuturo. Hindi nakapagbasa si sina Ma’am Marjorie at Ma’am Luna noong gabing iyon dahil mayroon silang pinuntahan.

Pagkatapos ng Poetry Reading, nagkaroong “Faci’s Night.” Kaunting bonting time sa pagitan ng mga facilitators, ang mga miyembro ng mga committeeng nag-ayos at nagplano ng Workshop. Tradisyonal na hindi kasama ang mga fellows at panelist sa kanilang “happy time.” Ngunit naging pasimuno si Sir Joel sa charades at kasama sina Sir Charlson, Sir Egay at Sir Vim sa mga charades. Ang iba namang mga tao ay nagkakantahan. Ang iba naman ay nagkukuwentuhan noong gabing iyon. Hindi ko lang sila nakasama nang matagal. Sobrang nakakapagod talaga ang araw at mahimbing ulit akong nakatulog.

Kinabukasan ay medyo nahuli ang simula ng aming talakayan. Gawa kasi ng nangyari kagabi. Kalahating araw lamang ang aming talakayan, isang kuwento’t dalawang tula lamang ang aming pinag-usapan. Masasabi ko lang na may-umiyak sa saya’t galak.

Sa aming graduation, binigyan kaming mga fellows ng isang libro bawat isa. Magkakaiba ang libro namin. Nakuha ko ang nobela ni Ma’am Lunang “Makinilyang Altar.” Siyempre, kumuha ako ng isang signature mula sa kanya. Nakuha ko rin ang titolong “Sphinx” para sa workshop.

Sa pag-uwi’y nalaman namin ang isang namulaklak na kuwento ng pag-ibig. Nakakatuwa.

Sa lahat-lahat, naging naging masaya ang buong karanasan. Sa totoo lang, parang naging maikli ang buong workshop. Balik sa sinabi ni Em na iba ang workshop classes sa Ateneo-Heights Writers’ Workshop, tama siya. Dahil hindi ko makukuha ang ganoong uri ng pagsasama sa aking mga ka-fellow kung dadaanin sa isang ordinaryong klase. Hindi rin matitingnan ang aming mga gawa sa mula sa iba’t ibang punto de bista ng mga panelists. Hindi rin namin makakasalamuha ang mga batikan at kilala nang mga manunulat kung hindi namin sila nakasama sa mga charades, sa kainan, at sa talakayan. Nagpapasalamat ako’t nakasama ako sa isang karanasang kagaya nito. Nakita ko ang aking sarili at ang aking sining na hindi ko makikita sa isang payak na klase. Simula lamang ito at inaasahan kong makakasama ko ulit ang aking mga ka-fellow, panelists, dating mga fellow, at iba pang miyembro ng Heights sa hinaharap. Ako'y nagpapasalamat.

Miyerkules, Hulyo 27, 2005

Eksayted

Pasensiya't hindi ako nakapag-post sa mga nakalipas na mga araw. Tinatamad kasi ako. Ganyan lang talaga.

Naayos ko na ang aking immersion. Hindi na ako pupunta sa darating na Biyernes papuntang San Mateo. Nag-sign-up na lang ako sa OSCI para sa isang immersion sa darating na Agosto 19-21.

Kaya bukas ay magkikita-kita ang mga fellows para sa Ika-labing-isang Ateneo-Heights Writers' Workshop. Excited ako. Sobra. Hindi ako makakain ng diretso. Nakakakaba rin dahil nakakahiya ang ilang mga gawa ko, lalo na noong makita ko ang ilan sa mga typo ng mga ito. Medyo naiinis ako. Parang ang sama-sama kong mag-edit. Pero ok lang. Ganyan lang talaga ang buhay.

Nabasa ko na ang ilan sa mga gawa ng mga ka-fellow ko. Ok rin ang iba. Ngunit kagaya ng mga gawa, maaari pang palaguin at pagbutihin.

Wala akong mga klase bukas. Walang-wala. May misa sa umaga kaya walang Practicum. Naurong sa susunod na Martes ang dapat naming ipasa para bukas sa Practicum. Free cut naman sa Philo103 ko sa hapon, wala kasi si Sir Lagliva. Kung hindi ako bahagi ng workshop, marahil nakatunganga lamang ako.

Hindi pa ako nakakapag-impake. May gagawin pa akong assigment para sa FA 111.3. Hindi ko pa masyadong nababasa ang mga readings para sa FA 112.2. Kagaya nga ng sinabi ko, tinatamad ako.

Lunes, Hulyo 18, 2005

BBC NEWS | Europe | Pope hails benefits of holidays

BBC NEWS | Europe | Pope hails benefits of holidays

Kitams! Mismong si Santo Papa, naniniwala sa kagandahan ng isang baksayon! Kaya kayo riyang walang pahinga't walang tulog, magbakasyon kayo! Sabi nila, maganda raw sa Bohol. Totoo ba? Hiking kaya? Hahaha.

Pagpapasya sa Dalawang Mahalagang Bagay

Isang napakasayang sandali, natanggap ako sa Ateneo-Heights Writers' Workshop! Napapasayaw ako ngayon kaya hindi masulat ang post na ito. (sayaw-sayaw-sayaw) Ngunit hindi lamang ako napuno ng saya, sa pagpili sa akin sa workshop na ito, matatapat ito sa immersion para sa Theo 141. Kaya napapamuni ako ngayon. (luksa-luksa-luksa) Immersion o workshop. Immersion o workshop!

Kaya tinanong ako kanina si G. Tejido, ang guro ko sa Theo 141, kung ano ang kailangan kong gawin at malinaw pa rin. "Pumili ka. Workshop o immersion." Ang laking tulong ano? Pero binigyan niyang halaga na nasa akin lamang talaga ang kakayahan para pumili. Pagkarating sa immersion, kung hindi ako sumama sa Hulyo 29-31, maaari akong sumama sa ibang immersion sites o gumawa ako ng sarili kong immersion. Mas "hassle" para sa akin pero magagawa kong maging kabahagi ng workshop.

Gagawin ko talaga ang lahat ang para makadalo sa workshop. Pinaghirapan ko ang mga kuwentong iyan, ano! Hay, talungan sana ako ng Panginoon.

Congrats sa mga natanggap sa Workshop!

Lunes, Hulyo 11, 2005

The Hitchhiker's Guide to the Galaxy

Kakatapos ko lang ng nobelang "The Hitchhiker's Guide to the Galaxy" ni Douglas Adams. Isa itong nakakatuwang mundo (o universe) na puno ng mga tauhang hindi malayo sa mga tao sa ating mundo.

Sinusundan ng nobela ang paglalakbay ni Arthur Dent pagkatapos pasabugin ang Earth para gumawa ng isang hyperspatial express route. Makakasama niya sina Ford Prefect, Zaphod Beeblebrox, Trillian (Trisha McMillan), Marvin, at Eddie the Computer papuntang Magrathea.

Maikli lang ang nobela at nahahati sa maiikling kabanata. Natapos ko lang siya sa loob ng ilang araw. Masasabi kong ang tunay na kaakit-akit sa aklat ay ang mundo (o universe) nito. Hindi ito malayo ang universe sa katotohanan ang hindi ito lubusang ganap at perpekto o lubusang magulo't sira, hindi kagaya ng mga kuwento't librong science fiction. Hindi utopia o dystopia ang universe ng "Hitchhiker's Guide to the Galaxy." Isa lang itong ordinaryong universe na may personalidad kung saan ang mga problema't alinlangin ng mga alien ay kagaya lang sa atin, mayroon nga lang silang spaceship.

Hindi ko masasabing buo ang kuwento ng iisang nobelang ito na sinusundan pa ng apat pang nobela. Kaya mapapansin kong medyo manipis at kulang ang paglalarawan o characterization ng mga tauhan. Mapapatawad ito dahil nga serye siya.

Mayroon akong ilang mga napansing inconsistencies. Halimbawa, kung "Ford" ang pangalan na kinuha lamang ni Ford sa Earth noong naroon siya, bakit 'Ford' rin ang tinawag ni Zaphod kay Ford kung hindi niya alam ang kanyang pangalan sa Earth at mas pamilyar siya sa kanyang lumang pangalan?

Sa likod ng mabilis na mga pangyayari't ilang pagkukulang, isang kaakit-akit na nobela ang "Hitchhiker's Guide to the Galaxy." Isang nakakatuwang pagtingin hindi lamang sa agham, pati na rin sa pilosopiya't teolohiya.

Biyernes, Hulyo 08, 2005

Huwebes, Hulyo 07, 2005

A, Bingi ba Siya?

Weird talaga ni Gloria. Siya ang pinagre-resign, ang kabinete ang inutusang mag-resign. Kakaiba talaga. Hindi sa pinagre-resign ko siya. Hindi pa ako naniniwala na kailangan pa niyang mag-resign dahil kaduda-duda ang mga tapes at kung sino ang gumawa o nagpasimuno noon ay kaduda-duda rin. Pero ang dami nang mga sektor ang nahingi ng kanyang pagbitiw, nagmumukha siya bingi.

Promo on Harry Potter 6
























Larawan (Fine Arts Festival 2006) and Pinoy Harry
Potter
bring you
HARRY POTTER and the HALF-BLOOD PRINCE

reserve the sixth book with us and be the one of
the first to get your hands on the second-to-the-
last installment of the Harry Potter series.

reservation fee is 500.

the big launch will be at fully booked, rockwell.

for reservations, please contact jason
(09192211787) or yumi (09175201700)

spread the word!

Biyernes, Hulyo 01, 2005

Isang Pagmumuni-muni sa Kinabukasan ng Ating Bayan

Maligayang Kaarawan, Yumi!

***

Nakakapang-init ng ulo ang usapan kung dapat bang magbitiw si Presidente Gloria Arroyo at kung sino at paano siya papalitan. Hindi ko inaasahan na magbibitiw agad si PGMA at kaduda-duda ang mga tape na naglalabasang iyan. Tanging ang katotohanan lang ang magpapabagsak kay PGMA at hindi pa lumalabas ang katotohanan.

Ngunit kailangan nating tingnan nang mabuti ang mga pangyayari. Ang mga nangyayari ngayon ay hindi isang problema sa sistema. Ang institusyon ng Pamahalaan ng Filipinas ay isang mabuting institusyon, makatao't makabayan. Ang kabulukan ng mga taong iniluluklok natin sa posisyon ang problema ng sistema natin. Ang mga hindi nararapat ang nananalo. Marahil, kung totoo man ang mga alegasyon, ang mga nangyayari ngayon, at maging noon pa man, ay isang repeksiyon ng katotohanang ito. Bilang mga mamamayang Filipino, hindi natin pinagninilayan ang ating boto, hindi natin pinagninilayan ang ating mga binoboto.

Kailangan nating pagnilayan ang hinaharap, hindi lamang ang mga nangyayari ngayon. Kailangan nating siguraduhin na hindi na muli mangyari ang nangyari noong 2001 at nangyayari ngayon. Una DAPAT na pagbabago ay sa mga partidong pulitikal. DAPAT sa hinaharap ay maging mas representante ang mga partido, mas malapit sa ating mga mamamayan. Hindi lamang sila maging sasakyan ng mga gustong maging Pangulo. Kagaya ng nakagawian, parang mga kabute ang mga partidong pulitikal para sa mga gustong kumandidato. Hindi dapat. Kagaya sa mga tunay na demokratikong pamahalaan sa ibang bansa, ang mga partido nila ay nakatayo sa isang ideyolohikal, moral, sosyal, at ekonomikal na mga paniniwala. Ang mga Democrats ay laban sa mga Republicans dahil nagkaroon ng kampihan. Hindi. Mayroong mga paniniwalang sinasaligan ang bawat mga partido at kalimitan ay magkasalungat ang mga paniniwalang iyon kaya nagkakaroon ng mga tambalan. E, dito? Pare-pareho lang ang mga partidong iyan. Pare-pareho lang ang ibinobola sa mga mamamayan. Masasabi na lang natin na mas wais ang isang panig kumpara sa isa.

Isa pang DAPAT ay pagbabago sa sistema ng eleksiyon. Itigil na ang tawagan sa telepono sa pagitan ng mga kandidato't komisyoner. Dapat ipagbawal ang ganyang sistema. Mabubuksan ang pinag-ingat-ingatan nating sistema na halalan sa tukso ng pandaraya. Isa pa, DAPAT ay hindi nakailangang isulat ang boto. Kahit larawan man lang o kaya ay nakalagay na ang pangalan sa papel kung saan ilalagay ang boto. Mamarkahan na lang ng ekis o tsek. Para sa ganoon, hindi malaki ang lamang ng mga mayayamang kayang gumasatos ng milyon-milyon sa komersiyal. Hindi mo na kailangang sauluhin ang pangalan ng mga kandidato at pumili. Mas may oras ang mamboboto para pagnilayan kung sino nga ba talaga ang mga kandidatong ito kaysa nakatutuk lamang sa mga pangalang matatandaan. Isa pang DAPAT sa reporma sa eleksiyon ay ang pagbabago ng majority-rule. Kahit na mahal, mas pabor ako sa isang sistemang run-off. Kung walang nakakuha ng 50% ng boto sa unang prelimenary voting, may second round kung saan ang dalawa o tatlong nangungunang kandidato ay maglalabanan muli. Sa sistemang ito, hindi kaduda-duda ang mandate ng magiging pangulo dahil nakuha niya ang tiwala ng higit 50% ng mamamayan. At hindi lamang 30% o 40%.

Ilan lang iyan sa mga DAPAT na gawin. Marami tayong ayusin ngunit ito marahil ang pinakamahalaga. Labas pa sa mga repormang ito ang ekonomikal na pagbabago. Masasabi ko lang, aasenso tayo kung ang ating mga pinuno'y matino. Naniniwala ako sa sistema nating demokratiko, kailangan lang nating pag-igihin na maging TUNAY na demokrasya.

Miyerkules, Hunyo 29, 2005

Love in the Time of Cholera

Kakatapos ko lang bahasin ang aklat ni Gabriel Garcia Marquez, "Love in the Time of Cholera," at isa siyang aklat na pinatawa't binigla ako. Kakaiba iyon dahil isa itong libro ng pag-ibig.

Umiikot ang kuwento ng nobela sa buhay nina Florentino Ariza, ang dating kasintahan niyang si Fermina Daza, at si Dr. Juvenal Urbino, ang asawa ni Fermina. Puno ang kuwento ng iba't ibang tingin sa iba't ibang uri ng pag-ibig, pag-ibig ng kabataan, pag-ibig ng mag-asawa, pag-ibig ng panandaliang sabik, at iba pa. Sinusundan ng kuwento ang pagsasama ng mag-asawang Dr. Juvenal Urbino at Fermina Daza at ang paghihintay ni Florentino Ariza na mabalo ang kaisa-isa niyang mahal na si Fermina.

Nahahati sa limang mahahabang kabanata ang aklat na sabay na sinundan ang mga kuwento ng tatlong pangunahing mga tauhan. Gustong-gusto ko ang magaling na mga transitions ni Garcia Marquez para magpalit-palit ng mga punto de bista para masundan ang iba't ibang mga kuwento ng mga pangunahing mga tauhan. Natural na natural ang pagpapalit ng punto de bista.

Tanging problema ko sa nobela ay ang daloy nito ng panahon. Mukhang napakabagal ng mga pangyayari't napakadetalyado ngunit ang bilis ng daloy ng panahon. Dahil siguro pagsunod nito sa dalawang magkakonektang kuwento ng mga tauhan. Nakakalito rin dahin hindi ko alam kung ilang araw, buwan, at taon ang lumilipas. Ngunit mukha namang hindi mahalaga ang panahon sa nobela kaya hindi sobrang detalyado ang pagsunod sa panahon.

Kagaya ng sinabi ko kanina, maraming mga tingin sa sa pag-ibig at mayroon ang lahat na mangbabasa na maaantig kahit sa isa man lang na karanasan ng mga tauhan. Bata hanggang matanda, makaka-relate. Ngunit hindi lamang ito tungkol sa mga isa-isang larawan ng pag-ibig kundi sa kabuuang paglalakbay at pagbabago ng pag-ibig bilang isa sa mga pangunahing mga aspekto ng katauhan ng tao na mabuhay.

Isang kaantig-antig na nobela, hindi ko mapigil ang sarili ko sa kababasa sa "Love in the Time of Cholera." Kung hindi ka naniniwala sa pag-ibig, ok lang, mag-eenjoy ka pa rin sa nakakatawang nobelang ito. Kung naniniwala ka naman, mapapansin mong katulad mo pala ang mga tauhan at puno ang mundo ng pag-ibig.

Lunes, Hunyo 27, 2005

Nagkaaminan na! Gugunaw na ang Mundo!

Sa tagal-tagal ng katahimikan na ginawa ni Presidente Arroyo, hindi ko inaasahan ang ginawa niya kanina. Siya nga iyon! OMG! Gugunaw na ang mundo! Sa kabuuan ng buhay ko, wala pa akong nakitang pulitiko na umamin sa kahit ano mang kabalastugan maliban na lang kung may ibang madadaling iba (Kagaya ni Gov. Singson). Pero iba talaga ata si Pres. Arroyo pagkarating sa katotohanan. Sasabihin ang totoo pero hindi.

Ngunit hindi pa ito tapos ng ganun-ganun na lang. Kagaya ng sinabi ko sa isa kong artikulo, kailangan nating hintayin pa ng mas mabuti ang mga susunod na mga pangyayari. Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa sarili niyang galaw. May mga bagay pa na kailangang mabigyang linaw. Kagaya ng mayroon ba talagang nangyaring pandaraya kung ikukumpara sa ikinakalat na dahilan na "nagko-consult" lamang daw si Pres. Arroyo. Marami pa ring mga tanong na kailangang masagot para talagang masasabing tapos na nga talaga ang mga problemang ito.

Oo nga pala, check ninyo ang website ng Philippine Center for Investigative Journalism kasi mayroon silang transcript ng isa sa mga tape ni Samuel Ong. Hindi ko pa siya nababasa pero mukhang mahalaga.

Sabado, Hunyo 25, 2005

F. A. G. Ass.

Fine Arts General Assembly kahapon. Masaya. Tawa ako ng tawa. Mababaw ako e. Mukha nga atang nagmukha akong sira-ulo sa kakatawa e. Nakakatuwang host sina Jake at Ina e. Riot rin si Missy sa kanyang presentation.

Ikukuwento ko pa ba ang lahat ng nangyari? Ayoko. Tinatamad na ako. Basta tumulong ako sa pagbubuhat ng mga silya pagkatapos ng G. A. Wala lang. Masaya. Halos lahat naman ata sa aki'y masaya, di ba?

Nanalo nga pala ang San Antonio Spurs sa NBA Championships. Sinusuportahan ko ang Detroit Pistons, pero ok lang. Magaling naman silang pareho e.

Huwebes, Hunyo 16, 2005

Sa mga Unang Araw ng Unang Semestre ng Aking Huling Taon

Mukhang magiging interesante ang unang semestre na ito.

Practicum I - Ang hyper ni Ma'am Missy. Parang mas excited pa kaysa sa amin. Kaya nakakatuwa ang klase.

Non-Fiction - Wala lang. Magsusulat ako sa Ingles. Ok lang. Medyo nakakapanliit si Ma'am Delgado. Ang haba ng resume.

Fiction - Ang dami naming mga mag-aaral sa klase. Sobra. Parang mahihirapan nito si G. Patino. At mukhang napakapayak at hindi eksperimental ang mga susulating mga kuwento. Mukhang magiging boring ang karamihan. Ulit, magsusulat ako sa Ingles. Ok lang.

Theology 141 - Hindi ko pa nakikita si G. Tejido. Wala kasi siya sa unang klase namin. May grupo na ako para sa klase. Study group daw.

Pilosopiya 103 - Riot si G. Lagliva. Nakatuwa. Ang lakas mang alaska. Ako ang isa sa mga unang inalaska. Nasa harapan kasi ako. Hindi ako mababagot sa klase niya. Ang layo nga lang ng Bellarmine.

Masaya rin kasi marami akong libreng oras.

Biyernes, Hunyo 10, 2005

Putang Inang Pulitika Iyan!

Naiinis na ako sa mga "pasabog" na iyan na pinaglalabas ng kung sino-sino at ano-anong mga grupo diyan sa tabi-tabi. Wala akong sinusuportahan. Hindi si GMA o ang "oposisyon" na iyan, kung matatawag silang oposisyon. Kung tama man ba ang mga alegasyon nila, idaan nila sa tamang mga daan, sa korte o kaya ay mangampanya sa pagpapa-impeach kay GMA. Huwag nilang sabihin na ginagawa lang nila iyon para sa kapakanan ng bayan o para sa katotohanan dahil para sa akin sa kapakanan lang nila ang kanilang pinaggagagawa.

Mahirap paniwalaan kung sino ang nagsasabi ng totoo sa mga isyu ngayon, sa jueteng o sa election fraud. Isang malaking "sabi-sabi" ang nangyayari at hindi ko maintindihan kung ano ang gusto nilang gawin maliban na lang na pabagsakin ang pangulo. Kagaya ng sinabi ko, hindi lubos ang suporta ko kay GMA. Ngunit naniniwala ako sa kagandahan ng institusyong tinatawag natin na gobyerno na naaayon sa Konstitusyon ng Pilipinas. Masasabi nating corrupt ang mga pulitiko ngunit kasalanan natin iyon dahil bilang mga mamamayan ng Malayang Bansang Pilipinas ay kinukunsinte at pinapabayaan natin ang mga kurakot at hindi karapat-dapat. Huwag na sana tayong patanga-tanga at aminin na may problema tayo.

Ngunit hindi ko hahayaan na mamuno, labag sa aking kalooban o kalooban ng mga kababayan kong Pilipino, ang isang isang grupo, militar man o hindi, nang basta-basta. Kagaya ng sinasabi ko, naniniwala ako sa sistema natin at sa konstitusyon. Ang problema natin ay mga naluluklok. Hindi nila interes ang kabuuang kapakanan ng ating bayan. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang oposisyon man o administrasyon dahil sila-sila ang nag-aaway, wala man lang pakialam sa mga tunay na problema ng bayan.

Hindi ako naniniwala sa kudeta. Kalokohan. Traydor lang ang mga gumagawa niyan. Sibilyan man o sundalo ang gumawa niyan, hindi iyan makabansa, makabayan, at ultimo, hindi tama. Kung ayaw sa isang opisyal, i-impeach, sibakin, tanggalin sa mga naaayong mga hakbang. Kung magkakaroon ng putukan, hindi dapat nilang tawagin ang sarili nilang mga Pilipino.

Nakakaasar at kahit sino ang iboto natin ngayon, may gagawa't gagawa pa rin intriga dahil ayaw nila sa administrasyon. Pare-pareho lang naman sila. Kung totoo man ang jueteng pay-off, idaan sa korte. Kung totoo naman ang election fraud, i-impeach si GMA. Huwag nating idaan sa santong paspasan ang katotohanan. Lalabas at lalabas din iyan sa kanyang sariling bilis.

Huwebes, Hunyo 02, 2005

Midnight's Children

Maraming mga kritiko ang nagssabi na ang "Midnight's Children" ni Salman Rushdie ay ang pinakamahalagang nobelang nasulat mula nang mailabas ang "One Hundred Years of Solitude." Nanalo ng Booker Prize noong 1981, marahil tama nga sila.

Tungkol ang nobela kay Saleem Sinai at sinasalaysay mismo ng pangunahing tauhan. Ngunit mas mahalaga, ito rin ay nobela ng India. Hindi ikinakaila ng tagapagsalaysay ang kanyang espesyal na lugar sa kasaysayan ng nasabing bansa dahil si Saleem Sinai ay ipinanganak sa parehong sandali ng pagkasilang ng bansang India.

Nakakatuwa ang pagtatambal na ginagawa ng tauhan/tagapagsalaysay tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay at sa mga mahahalagang sandali ng kasaysayan ng India at pati na rin ng Pakistan. Mga metaporikal na pagtatambal, kagaya ng sandali ng kanyang pambihirang paglaki kumpara sa paglaki rin ng ekonomiya ng India, hanggang sa konkreto, naroon raw siya mga miting ng militar para ihanda ang kudeta na nangyari sa Pakistan. Nakakatuwa ang mga ito dahil ang kabuuan ng nobela sa isang pagbabalik-tanaw at naiisip ko na may schizophrenia o kaya ay delusyon ang tauhang si Saleem Sinai para sabihing nakatali sa kanyang "destiny" ang kasaysayan ng isang buong bansa.

Ngunit consistent ang pagpapakita ng pagkakatali na ito. Mula mismo sa panahon ng kanyang lolo, kung saan hinahanap pa ng mga Indian ang kanilang sarili at kung saan ang mga gawain ni Saleem para maapektuhan niya o siya ay maapektuhan ng kasaysayan ng India.

Puno ang nobela ng mga tauhang binibigyan ng mukha ang lipunan at buhay ni Saleem. Mula sa kanyang mga kapamilya hanggang sa mga tao nakilala niya sa kanyang iba't ibang paglalakbay at pagbabago. Masasabing ang mga larawan ng mga tauhan na ito ay biased dahil galing ito sa pananaw ni Saleem. Ngunit, sabi nga ni Luna Sicat, lahat naman ng mga tauhan na sinusulat, batay man sa mga totoong tao o hindi, ay biased dahil sinulat ang mga ito mula sa punto de bista ng manunulat.

Isang kakaibang nobela ang "Midnight's Children." Isang nobela ng ambisyon at paghahanap ng lugar sa isang lipunang pinipilit na magbago. Isa itong nobelang puno ng kasaysayan at mahika. Isa sa mga pinakamagaling na nobela sa kasaysayan ng panitikan? Ayokong maghusga. Wala akong karapatan para sabihin iyon. Masasabi ko lang na nag-enjoy ako sa bawat pahina na binasa ko.

Martes, Mayo 31, 2005

Huling Araw ng Mayo

May sakit ako. Yun lang.

Martes, Mayo 17, 2005

PS3


Medyo nasosobrahan ako sa curve ng PS3 controller
Posted by Hello

Xbox 360


Ok na rin.
Posted by Hello

Lunes, Mayo 09, 2005

Kung Bakit Hindi Ako Masyadong Nagsusulat sa Blog ko noong Nakalipas na mga Araw

Happy Mother's Day (kahapon) at Maligayang Kaarawan sa Aking Kapatid na si Mae (noong May 6)!

***

Kasi nagsusulat ako ng mga kuwento. Yun lang. (smiling face)

Nakakatuwa lang sa bahay dahil sumali ang mga kapatid ko sa Youth For Christ. Ang relihiyoso nila ngayon. Medyo mabait sila sa akin. At gusto nila akong sumali rin sa YFC. Nakakapangulit.

Biyernes, Abril 29, 2005

Isang Anekdota sa Pagtitig

Sa aking pagsakay ng elevator, maynakasabay akong mga yaya kasama ang kanilang mga alaga. Kapansin-pansin ang isang bata habang buhat ng kanyang yaya. Nakatitig kasi sa akin. Hindi lamang isang tingin. Titig talaga. Halos lumabas ang mga mata ng bata mula sa mga lalagyan nito. Hindi man lang siya kumurap.

Nakakatuwa dahil hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin ito. Noong 3rd year high school ako, nakasakay ako sa isang dyip. Kasama ko ang ilang mga Senior pabalik sa pinagdadausan ng Division Press Conference. Sa harap ko ay nakaupo ang isang ina, kalong-kalong ang kanyang anak. Hula ko, mga 6 hanggang 10 buwang gulang ang bata. Kagaya ng nangyari ngayong 2005, tinitigan rin ako ng bata iyon sa dyip. Hindi rin halos kumurap ang bata. Taimtim na nakatitig sa aking mukha. Syempre, nginitian ko lang ang bata. Inaasahan ko sanang ngingiti rin siya. Pero hindi tumitig lang sa akin. Hindi nagbago ang kanyang mala-zombie na pagtingin. Tumigil lamang ang bata sa pagtingin sa aking mukha tuwing titingin naman sa aking mga kamay. Tutungo siya ng kaunti tapos balik sa mukha.

Napansin ang pagtitig sa akin ng bata sa dyip ng katabi kong si Renard, kasama kong Senior. Nakitawa na lang siya sa akin. Sandaling tumingin yung bata kay Renard sa aming pagtawa. Pero bumalik din kaagad sa akin yung atensiyon niya. Nakatitig siya sa akin hanggang bumaba kami sa tapat ng paaralan.

Nakakatuwa ang mga tingin na 'yon. Ano bang meron ang aking mukha para na lamang titigan ng ganoon? Pogi ba ako? Meron ba akong charisma? Ewan. Basta nakakatuwa.

Kakaibang mga Hayop

Anak ng zebra at donkey at mga sumasabog na mga palaka. Kakaiba talaga. Nakakatuwang kuwnto ang una. Kay gandang paghahalo ng mga species. Pero mga sumasabog na mga palaka? Magandang materyal para sa isang kuwento. Ano bang nangyayari sa mga hayop ng mundo?