Martes, Enero 25, 2005

Meet the Fockers

Maligayang Kaarawan kay Emely!

***

Bilang isang "sequel" maganda kung napanood mo na ang "Meet the Parents" para madaling maintindihan ang mga tauhan at ilang patawa ng pelikula. Pero payak lang naman ang banghay at madaling makilala ang mga tauhan kaya hindi naman talaga kailangan na panoorin ang una para lubusang masiyahan sa pelikulang ito.

Pagkatapos makuha ang tiwala ni Jack Byrnes, na ginampanan Robert DeNiro, na aprubahan na ang kasal ni Gaylord "Greg" Focker, na ginampanan ni Ben Stiller, sa anak ni Jack kasintahan ni Greg na si Pam Byrnes, na ginampanan ni Teri Polo. At bilang bahagi ng kasal ay ang pagkakakilanlan ng mga nina Greg at Pam, isang bungguan ng dalawang magkaibang mundo.

Hindi ito isang tradisyunal o pangkaraniwang pelikula pagdating sa kuwento. Walang direktang tambalan pero patuloy ang tension sa pagitan ng mga tauhan. Kaya hindi nakukuha ng pelikula ang atensiyon ng mga manonood gamit lamang ng tradisyunal na tambalan. Nakukuha ng pelikula ang atensiyon ng manonood gamit ng "unpredictability" nito. Hindi mo mahuhulaan kung ano ang susunod na nakakatuwang mangyayari o gagawin ng mga tauhan.

Gumagamit ng pagpapatawang "situational" ang pelikula. Mga pangyayaring maaaring mangyari at ang mga nakakahiyang ginagawa ng mga tauhan sa mga pangyayaring ito. Dahil stereotipo at napakamagkaiba ang mga tauhan, doon nangyayari ang mga kakaibang mga pangyayari. May mga OA na sitwasyon ngunit hindi naman sobrang OA na hindi na nakakatuwa. Medyo mahirap panoorin ang ilang bahagi, kasi sobrang nakakahiya ang mga nangyari, pero nakakatawa pa rin naman ang kabuuan ng pelikula.

Maganda naman ang pelikula at nakakatuwa ang mga "character development" ng mga tauhan. Pero may bagay na hindi ko masabi o mailarawan na nagtataboy sa mga manonood. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.

Walang komento: