Miyerkules, Oktubre 06, 2004

Debate

Nakakatuwa ang debate ng mga kandidato para bise-presidente ng Estados Unidos. Kumapara sa debate ng mga kandidato para presidente, gamit na gamit ang mga oras at hindi nag-alinlangan sina Dick Cheney at John Edwards sa kanilang mga sinabi. Alam nila kung ano ang sasabihin nila at ano ang dapat na isasagot sa mga tanong.

Bakit naman kasi walang debate noong nakalipas na eleksiyon. Bakit ba naman kasi hindi nakipag debate si FPJ? Natakot ba siya na magmukhang isang bobo na hindi alam kung ano ang sasabihin? Hay, ewan. Basta hindi siya nanalo. Pero paano kaya kung nanalo si FPJ? Ano ang gagawin niya? Kinikilabutan ako.

Ang lapit na ng Finals. Pero hindi ko ramdam ang kaba o excitement na dapat kong maramdaman. Tama na. Gawa na ako ng mga proyekto.

Walang komento: