Ito ang unang taon kung kailan sumali ang pamilya namin sa Prusisyon ng Binangonan. Matagal nang gustong sumali ni Dad sa Prusisyon noon. Madalas ding sumali si Dad noon sa panata ng pagbuhat ng Santo Sepulkro noong bata-bata pa siya. Taon-taon halos ay nagtatanong si Dad kung sinong santo, santa o rebulto ang maaari pang idagdag sa Prusisyon. "Ang Paghuhukom" ang ibinigay sa amin. Iyon ang eksena ng pangalawang pagharap ni Hesus kay Pontio Pilato. Limang rebulto ang nakasakay sa karosa, si Hesus, pagkatapos siyang bugbugin at koronahan ng mga sundalong Romano, ang Pariseas, isang sundalong Romano, at isang babae (hindi ko alam kung sinong santa iyon. Am a bad Catholic). Puno ng mga bulaklak ang pagpapalamuti ni Kuya Lem sa karosa pero pagdating ng Biyernes Santo, pinatanggal ang mga ito (dahil masyadong maganda at ayaw magpatalbog ang ilan) at halaman na lang daw ang ipinalagay. Para daw patas. Kuno. Heto ang ilang mga larawan mula sa mga araw namin doon.
Ang Paghahatol (Miyerkules)
Si Evan at Ate Ting
Si Meo, ang... ano'ng tawag mo sa anak ng pinsan mo?
Si Ninang at si Mama
Si Dinna at si Ian
Si Mae, si Ate Rowena, si Dinna at si Ate Ting
Si Tetel, si Marol, si Ate Ting, si Debbie, si Donna at si Evan sa tapat ng Sta. Magdalena
Ang Paghahatol (Biyernes)
Si Evan at Ate Ting
Si Meo, ang... ano'ng tawag mo sa anak ng pinsan mo?
Si Ninang at si Mama
Si Dinna at si Ian
Si Mae, si Ate Rowena, si Dinna at si Ate Ting
Si Tetel, si Marol, si Ate Ting, si Debbie, si Donna at si Evan sa tapat ng Sta. Magdalena
Ang Paghahatol (Biyernes)
2.
Noong Huwebes, nag-Bisita Iglesia kami nina Mama at Ninang. Imbes na sa mga simbahan sa Laguna kami mag-Bisita Iglesia, sa mga simbahan kami ng Metro Manila nagpalipat-lipat. Mula San Pablo Cathedral, pumuta kami sa Don Bosco, kung saan unang nagpakasal sina Dad at Mama, sa Baclaran, sa Manila Cathedral, sa San Agustin, sa Quiapo at natapos kami sa Antipolo. Nakita namin sa Baclaran si dating Press Sec. Ignacio Bunye. Sa Intramuros naman, sinarado ang isang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng Manila Cathedral at San Agustin. Bago kami umuwi ng San Pablo, dumaan kami ng Binangonan para kumustahin ang mga nangyari doon.
3.
Habang nasa Binangonan, tinapos kong basahin ang "Feast and Famine: Stories of Negros" ni Rosario Cruz Lucero. Binubuo ng limang mahahabang mga kuwento, umiikot ang mga kuwento sa Negros (hindi pa ba obvious sa subtitle?) mula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ng higit na kontemporanyo. Bagaman mahahabang mga kuwento, may kakayahan si Lucero sa wika't pagkukuwento kaya't mabilis ang pagbasa ko. Maiuugnay ito sa tradisyong oral, partikular na ang mga composo ng Negros, na tinatangka ni Lucero na angkupin sa karamihan ng mga kuwentong ito. Ngunit marami ring mga nibel at intertextuality ang mga kuwento. Dito naman nilalampasan at dinadagdagan ni Lucero ang mga anyong oral na inaangkop niya. Puno ang mga kuwento ng mga bersiyon, ng mga kontradiksyon na nagbibigay ng tensiyon sa kanyang mga kuwento, bukod pa sa mga kakatwang mga katangian ng kanyang mga tauhan. Bagaman magaang basahin, masalimuot ang mga kuwento at karapat-dapat basahin ng lahat.
4.
Napanood ko kasama ni Dad ang "Fast and Furious" noong Sabado. Okey lang na palabas. Medyo wala nawala na sa alaala ko ang unang pelikula pero hindi naman mahalaga kung napanood mo o naalala ang una para maunawaan ang bagong instalment na ito. Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Hindi lang ganoong astig ang mga car scenes. O hindi ko masyadong napahalagahan dahil sa napakasentimental na kuwento.
5.
Napanood ko kagabi ang ilang mga episode ng "True Blood" at naaliw ako. Ewan ko kung maghahanap ako ng DVD para mapanood nang buo. Ayokong magpuyat para lang mapanood iyon sa Cinemax.
6. links
Isang sanaysay tungkol kay Alan Moore at ang kanyang mga akda at kung paano mananatili pa ring mahalaga ang mga ito kumpara sa mga adaptasyong pelikula.
Mga nobelang naglalarawan ng protesta.
Mga pinakamahahalang aklat pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Karamiha'y mga akdang pilosopikal at sosyolohikal. May ilang mga nobela.
Isang panayam kay Joyce Carol Oates.
Sampung "one-hit wonders".
Sampung mga akda tungkol sa mga magkakapatid.
7.
Isang larawan ng bulaklak
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento