Huwebes, Hunyo 04, 2009

Kabaliwan sa House of Representatives, H1N1 atbp.

Sa mga seryosong bagay muna

1.

Pinanood ko kagabi ang sunod-sunod na pagpapaliwanag ng mga Representanteng bumoto kontra HR 1109. Iisa lang naman talaga ang sinasabi nila: na ilegal ang resolusyon, na isa itong panggagago sa konstitusyon, na isa itong pagtatraydor sa pagtitiwala ng mga mamamayang bumoto sa kanila, na isa itong malinaw na taktika upang hindi matuloy ang eleksyon sa 2010. Ewan ko pero natatawa na lang talaga ako sa mga nangyayari. At pagkatapos ng lahat ng ito'y siguradong iboboto pa rin ng mga mamamayan ang mga Representanteng iyan na walang-hiyang itinatapon ang batas sa susunod na eleksiyon (sa 2010 man iyan o 2050) dahil ganoon lang talaga ang kapangyarihan. At ganoon lang naman talaga ang lahat ng ito--kapangyarihan. Power trip. Matalo man sila sa susunod na eleksiyon, wala rin naman talagang magiging pinagkaiba ang papalit dahil sila-sila rin naman talaga iyon, magkaiba lang ng partido pero pareho rin lang naman talaga. (Kaya nga nagawang nagkaisa ng LAKAS at KAMPI di ba? Kasi pareho lang talaga sila.) Civil Disobedience? Bakit pa? Nangunguna na ang House of Representatives.

Heto nga pala ang listahan ng mga pumirma sa HR1109. Huwag silang kalimutan sa susunod na eleksiyon (dahil siguradong may eleksiyon sa 2010 at tanga ang buong Pilipinas kung hindi mangyari iyon).

Read the list of congressmen here who signed House Resolution No. 1109. (Those who voted “Aye” may not have signed this HR 1109.) Feel free to copy and paste this list to your blog post or Facebook note or other social media sites and state “I am ashamed of my Congressman (enter name if applicable, district) for supporting HR1109.”

National Capital Region

Vincent P. Crisologo, Quezon City
Matias V. Defensor, Jr., Quezon City
Mary Ann L. Susano, Quezon City
Nanette Castelo-Daza, Quezon City
Bienvenido M. Abante Jr., Manila
Jaime C. Lopez, Manila
Maria Zenaida B. Angping, Manila
Maria Theresa B. David, Manila
Amado S. Bagatsing, Manila
Daniel R. De Guzman, Marikina City
Marcelino R. Teodoro, Marikina City
Eduardo C. Zialcita, Parañaque City
Henry M. Dueñas, Jr., Taguig
Alvin S. Sandoval, Malabon City-Navotas City
Jose Antonio F. Roxas, Pasay City
Oscar G. Malapitan, Caloocan City
Mary Mitzi L. Cajayon, Caloocan City
Roman T. Romulo, Pasig City
Rexlon T. Gatchalian, Valenzuela City
Magtanggol T. Gunigundo I, Valenzuela City

Cordillera Administrative Region

Manuel S. Agyao, Kalinga
Elias C. Bulut, Jr., Apayao
Mauricio G. Domogan, Baguio City
Samuel M. Dangwa, Benguet
Solomon R. Chungalao, Ifugao

Ilocos Region

Thomas M. Dumpit Jr., La Union
Victor Franciso C. Ortega, La Union
Arthur F. Celeste, Pangasinan
Conrado M. Estrella III, Pangasinan
Marcos O. Cojuangco, Pangasinan
Victor F. Agbayani, Pangasinan
Ma. Rachel J. Arenas, Pangasinan
Eric D. Singson, Ilocos Sur
Ronald V. Singson, Ilocos Sur
Roque R. Ablan, Jr., Ilocos Norte
Cecilia S. Luna], Abra

Cagayan Valley

Florencio L. Vargas, Cagayan
Manuel N. Mamba, Cagayan
Junie E. Qua, Quirino
Carlo Oliver D. Diasnes, Batanes
Rodolfo T. Albano, Isabela
Edwin C. Uy, Isabela

Central Luzon

Jose V. Yap, Tarlac
Jeci A. Lapus, Tarlac
Monica Louise Prieto-Teodoro, Tarlac
Lorna C. Silverio, Bulacan
Pedro M. Pancho, Bulacan
Reylina G. Nicolas, Bulacan
Ma. Victoria Sy-Alvarado, Bulacan
Arturo C. Robes, San Jose del Monte City
Albert C. Garcia, Bataan
Herminia B. Roman, Bataan
Joseph Gilbert F. Violago, Nueva Ecija
Ma. Milagros H. Magsaysay, Zambales
Antonio M. Diaz, Zambales
Aurelio D. Gonzales, Jr., Pampanga
Juan Miguel M. Arroyo, Pampanga
Anna York P. Bondoc, Pampanga
Carmelo F. Lazatin, Pampanga

CALABARZON

Danilo E. Suarez, Quezon
Wilfrido Mark C. Enverga, Quezon
Michael John R. Duavit, Rizal
Adeline Rodriguez-Zaldarriaga, Rizal
Angelito C. Gatlabayan, Antipolo City
Roberto V. Puno, Antipolo City
Eileen Ermita-Buhain, Batangas
Mark Llandro L. Mendoza, Batangas
Victoria H. Reyes, Batangas
Jesus Crispin C. Remulla, Cavite
Elpidio F. Barzaga, Jr., Cavite
Maria Evita R. Arago, Laguna
Edgar S. San Luis, Laguna

MIMAROPA

Antonio C. Alvarez, Palawan
Carmencita O. Reyes, Marinduque
Eleandro Jesus F. Madrona, Romblon
Ma. Amelita C. Villarosa, Occidental Mindoro
Rodolfo G. Valencia, Oriental Mindoro

Bicol Region

Rizalina Seachon-Lanete, Masbate
Narciso R. Bravo, Jr., Masbate
Antonio T. Kho, Masbate
Al Francis C. Bichara, Albay
Reno G. Lim, Albay
Luis R. Villafuerte, Camarines Sur
Felix R. Alfelor, Jr., Camarines Sur
Diosdado Ignacio Jose Maria Macapagal-Arroyo, Camarines Sur
Joseph A. Santiago, Catanduanes
Jose G. Solis, Sorsogon

Western Visayas

Florencio T. Miraflores, Aklan
Genaro M. Alvarez, Jr., Negros Occidental
Jeffrey P. Ferrer, Negros Occidental
Ignacio T. Arroyo, Jr., Negros Occidental
Jose Carlos V. Lacson, Negros Occidental
Alfredo D. Marañon III, Negros Occidental
Raul T. Gonzalez, Jr., Iloilo City
Niel C. Tupas, Jr., Iloilo
Ferjenel G. Biron, Iloilo
Arthur Defensor, Sr., Iloilo
Judy J. Syjuco, Iloilo
Janette L. Garin, Iloilo
Joaquin Carlos Rahman A. Nava, Guimaras
Fredenil H. Castro, Capiz

Central Visayas

Roberto C. Cajes, Bohol
Edgardo M. Chatto, Bohol
Pryde Henry A. Teves, Negros Oriental
Pablo P. Garcia, Cebu
Pablo John F. Garcia, Cebu
Ramon H. Durano VI, Cebu
Nerissa Corazon Soon-Ruiz, Cebu
Benhur L. Salimbangon, Cebu
Eduardo R. Gullas, Cebu
Antonio V. Cuenco, Cebu City
Raul V. Del Mar, Cebu City

Eastern Visayas

Roger G. Mercado, Southern Leyte
Eufrocino M. Codilla, Sr., Leyte
Carmen L. Cari, Leyte
Andres D. Salvacion Jr., Leyte
Trinidad G. Apostol, Leyte
Ferdinand Martin G. Romualdez, Leyte
Reynaldo S. Uy, Samar
Sharee Ann T. Tan, Samar
Teodolo M. Coquilla, Eastern Samar
Paul R. Daza, Northern Samar
Emil L. Ong, Northern Samar
Glenn A. Chong, Biliran

Zamboanga Peninsula

Rosendo S. Labadlabad, Zamboanga del Norte
Cecilia G. Jalosjos-Carreon, Zamboanga del Norte
Cesar G. Jalosjos, Zamboanga del Norte
Victor J. Yu, Zamboanga del Sur
Antonio H. Cerilles, Zamboanga del Sur
Dulce Ann K. Hofer, Zamboanga Sibugay

Northern Mindanao

Vicente F. Belmonte, Jr., Lanao del Norte
Abdullah D. Dimaporo, Lanao del Norte
Rolando A. Uy, Cagayan de Oro City
Marina P. Clarete, Misamis Occidental
Herminia M. Ramiro, Misamis Occidental
Yevgeny Vicente B. Emano, Misamis Oriental
Pedro P. Romualdo, Camiguin
Candido P. Pancrudo Jr., Bukidnon

Davao Region

Franklin P. Bautista, Davao del Sur
Marc Douglas C. Cagas IV, Davao del Sur
Arrel R. Olaño, Davao del Norte
Antonio F. Lagdameo, Jr., Davao del Norte
Isidro T. Ungab, Davao City
Vincent J. Garcia, Davao City
Prospero Nograles, Davao City
Thelma Z. Almario, Davao Oriental
Nelson L. Dayanghirang, Davao Oriental
Rommel C. Amatong, Compostela Valley
Manuel E. Zamora, Compostela Valley

SOCCSKSARGEN

Datu Pax S. Mangudadatu, Sultan Kudarat
Arnulfo F. Go, Sultan Kudarat
Emmylou Taliño-Mendoza, Cotabato
Bernardo F. Piñol, Jr., Cotabato

CARAGA Region

Glenda B. Ecleo, Dinagat Islands
Philip A. Pichay, Surigao del Sur
Florencio C. Garay, Surigao del Sur
Francisco T. Matugas, Surigao del Norte
Guillermo A. Romarate, Jr., Surigao del Norte
Edelmiro A. Amante, Agusan del Norte
Jose S. Aquino II, Agusan del Norte

Autonomous Region in Muslim Mindanao

Pangalian M. Balindong, Lanao del Sur
Faysah Omaira M. Dumarpa, Lanao del Sur
Yusop H. Jikiri, Sulu
Munir M. Arbison, Sulu
Simeon Datumanong, Maguindanao
Nur G. Jaafar, Tawi-Tawi

Party- Lists

Narciso D. Santiago III, Alliance for Rural Concerns
Edgar L. Valdez, Association of Philippine Electric Cooperatives
Ernesto C. Pablo, Association of Philippine Electric Cooperatives
Robert Raymund M. Estrella, Abono
Nicanor M. Briones, Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc.

2.

May H1N1 na sa La Salle. Tawag nang tawag si Marol kina Mama. Nakakapraning naman talaga. Sa ngayon, wala pasok sa La Salle hanggang sa Hunyo 14. Kaya sa tingin ko'y lalong maghihigpit ang Ateneo sa darating na pagbubukas ng pasukan. Ewan ko lang kung paano nila mai-implement ang kanilang memo. Postponed (maaaring makansel pa) ang ORSEM. Paano naman ang enrolment? Ilang libong tao rin ang dadagsa sa Ateneo. Ang saya talaga ng darating na semestre.

Sa higit na magaang paksa

3.

Star Trek. Oo, yung bago. Trip mo? Ako trip ko. Kaya lang paulit-ulit na lang talaga ang plot. Wala ba talaga silang maisip na ibang kakaharaping problema bukod sa isang alien na may revenge fantasy? Porke astig ang Wrath Of Khan, astig na ito ad infinitum. Pero astig naman itong bagong Star Trek dahil sa dalawang bagay: special effects at Zachary Quinto. Iyon lang talaga.

4. The Passion

Binasa ko ang "The Passion" ni Jeanette Winterson sa flight pauwi galing Amerika. Hindi masyadong mahaba ang nobela kaya mabilis ko itong nabasa. Binanggit ito ni Sir Vim Yapan sa intro ng kanyang MA thesis kaya naintriga din ako sa nobelang ito. Interesante ang paggamit ni Winterson sa kasaysayan at sa mga pamamaraang ng romansa para ilahad ang ideya niya ng "passion". Sa aspekto ng mga tauhan, makikita ito sa mga tauhan nina Henri at Villanelle, ang kanilang pag-iibigan at ang pag-ibig nila sa isang mga tao at maging sa mga ideya. Isa itong nobela ng mga ideya ngunit napakasensuwal din.

5. Ghostwritten

Dahil nagustuhan ko ang kanyang "Cloud Atlas", binili ko ang Vintage Edition ng "Ghostwritten" ni David Mitchell. hIto ang debut niya at igit na simple ang estruktura ng "Ghostwritten" kumpara sa "Cloud Atlas" ngunit komplikado pa rin kung ihahambing sa ibang mga nobela. Binubuo ang nobela ng sampung kabanata na umiikot sa siyam na magkakaibang mga tauhan sa iba't ibang bahagi ng mundo. (May dalawang kabanata sa para sa isang tauhan.) Magkakaugnay ang kanilang mga kuwento at kahit papaano'y naaapektuhan nila ang buhay ng isa't isa. Masasabing isang ripple effect ang kabuuang nobela. Bawat kabanata'y may sariling rurok at rebelasyon ngunit may higit na malawak na estruktura ang nobela.

Lahat halos ng kabanata'y nakasulat sa unang panauhan ng isang partikular na tauhan. At iba't iba ang mga tauhan. Mayroong isang miyembro ng kulto sa Okinawa, isang empleyado sa music shop sa Tokyo, isang tagabangko sa Hong Kong, isang tagapangalaga ng isang pahingahan sa isang bundok sa Tsina, isang "noncorpum" na nilalang na patalon-talon ng katawan, isang guwardiya sa isang museo sa Petersburg, isang drummer/manunulat sa London at isang physicist sa Ireland. Ang kabanatang "Night Train" lamang ang hindi nakasulat ng ganito dahil radio show naman ang ginagagad ng kabanatang ito--ang pag-uusap ng isang DJ at ng isang kakaibang tagapakinig na tumatawag sa radio show niya. Kahanga-hanga ang pagpapalit ng boses na ginagawa ni David Mitchell (at makikita rin ito sa "Cloud Atlas" niya.)

Naaliw ako sa pagkakahawak hindi lamang sa pagpapalit-palit ng punto de bista at boses ng mga kabanata kundi pati na rin kung paano binubuo ang iba't ibang mga kamalayan. At mahalaga sa nobela ang mismong tagpuan bilang repleksiyon ng kamalayan ng mga tauhan. Maraming mga sandali sa iba't ibang kabanata kung kailan inilalarawan lamang ng mga tauhan ang kanilang mga kapaligiran at mahihinuha dito ang kabuuang pag-iisip ng mga tauhan. Ang labas bilang repeksiyon ng loob. Medyo romantic pero imbes na kalikasan lamang o "universe" ang ekspresyon ng loob, ang siyudad bilang repleksiyon ng loob ay makikita din sa mga kabanata.

Nakakatuwa rin ang paglalaro sa iba't ibang antas ng salitang "multo".

6. Terminator Salvation

Noong bata ako, fan ako ng Terminator 2. At kung tatanungin ang grade school na bersiyon ng sarili ko kung ano'ng pinakaastig na pelikula sa na napanood ko, sasabihin kong Terminator 2 iyon. Naaalala kong ilang beses kong pinanood ang T2 sa VHS. Pakiramdam ko kasi, isang napakatinding labanan ang nangyayari. Na literal na hinaharap ng sangkatauhan ang pinaglalabanan. At hindi lang dahil madaming aksiyon na nangyayari kaya nararamdaman mo ito. Magaling na direktor si Cameron dahil ang mismong mga sandaling walang suspense at walang aksiyon ay nabibigyan niya ng bigat. Ito, sa tingin ko ang kulang sa huling dalawang pelikula sa serye. Effects na lang ang lahat. Interesante ang bagong dimensyon tungkol sa pagkatao/pagkamakina na pagtatanong sa identidad ngunit hindi pa rin ganoong kalalim o kabigat. Gayundin, may loophole sa plot na ayoko nang pag-isipan pa dahil tanga lang talaga at medyo spoiler. Basta, walang dating ang pelikulang ito sa akin. Mas nag-enjoy pa ako sa Star Trek.

Walang komento: