Binabasa ko ang "Ang Makata sa Panahon ng Makina" at nagustuhan ko ang tulang ito ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang "Three O'clock in the Morning."
Ito'y isang salon,
malaki't maluwag, magara't makintab.
Ang bombilyang may ginto, may pilak,
sa bubungang asul ay nagkislap-kislap.
Dito'y may orkestra, sa ragay ng tambol at linggal ng Jazz,
ang mga talulot sa gitna ng salon nagising na lahat.
Saka, samantalang ang bawa't pareha ay lilipad-lipad,
sa kintab ng sahig, ang kanilang puso ay maaanag-ag.
Mga puso yaong
kung di naglalaro'y nagsisinungaling;
gaya ng pabangong sumama sa hangin,
ang pag-ibig nila'y di dapat hintayin!
Sa gitna ng salon, ang boses ng tanso at tumataginting,
sinusundan-sundan ang apat na paang salit kung maglambing.
Saka, samantalang ang mga bombilya'y nag-aantok mandin
ay may isang halik na di naitago ng k'werdas ng violin.
Ikatatlo noon
ng madaling araw... Sa salong marikit
na pinagsayawan ng puso't pag-ibig,
ang dating orkestra'y di na naririnig
Nguni't ang samantalang ang huling bombilya'y kusang pumipikit
sa ulilang salon, ang isang dalaga'y luhaang nagbalik,
at saka sa dilim ng gabing mapanglaw, matapos humibik,
baliw na nga yatang hinahanap-hanap ang puring nawaglit!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
cnu po makakapagpaliwanag ng nais ipahiwatig ng tulang "three o'clock im the morning" ?
ang "three o'clock in the morning" ay tumatalakay sa marubdod na kalagayan ng mga kakabaihan na nagtratrabaho sa isang salon o bahay aliwan na sa likod ng presentasyon at pagbibigay nila ng aliw sa mga manunuod ay may lungkot na kaakibat sa likod ng kanilang mga katauhan.
Mag-post ng isang Komento