Napakagaan ng aking pakiramdam ko kahapon. Parang ang saya-saya ko. Ewan ko kung bakit. Marahil... hindi ko talaga alam. Tinulungan ko ang isa kong kaklase sa Newswriting. Nagkita kami sa library dahil pareho naming pina-acetate ang aming sinulat. Kakaiba iyon dahil hindi ko naman kalimitang kinakausap ang mga di ko kilala o kinakaibigang mga kaklase. Medyo tahimikinng mukhang galit. Pero ang daldal ko sa kanya noong nagkita kami. Tapos, tinanong niya kung pwede kong kasama ipasa ang kanya report kasama sa akin. Syempre, syempre pumayag ako. Ipapasa lang naman. Weird lang. Kasi hindi naman talaga ako ganun, lalo na't maging madaldal.
Napadaan naman ako sa Gonzaga. Doon pala nag-eensayo ang mga magtatanghal bukas. Kaya tumambay muna ako dun. Habang tumatambay ay napag-usapan namin nina Jihan at Sunshine, actress ni Jihan sa play at kagrupo sa pilosopiya, ang isang topic sa pilosopiya, diyalogo. Kagaya nga pangyayari noong umaga, napadaldal ako sa usapan. Napag-aralan ko din kasi si Martin Buber at ang kanyang ideya tungkol sa diyalogo. Medyo nakatulong daw ako sa kanila kaya hiningi nila na tulungan ko sila sa kanilang report, na kina-cram nila kahapon. Tinulungan ko sila. Tinulungan ko sila tungkol sa diyalogo at tungkol kay Levinas. At sa huli, ay sinamahan ko silang magpuyat.
Nakakatuwa dahil wala naman akong makukuha doon. Ano bang mapapala ko? Hindi ko naman masasabing pinilit nila ako. Masayang mamilosopiya kaya siguro tinanggap ko ang kanilang hiling. O baka naman, kagaya na sinabi ni Levinas, napatigil ako? Ganoon ba ang nangyari sa akin kahapon? Hindi ko alam. Hindi ko nakikita ang aking sarili bilang isang rumaragasang puwersa. Pero nakakatuwa ang aking Lunes.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento