Noon pang Disyembre ko natapos ang nobelang "My Sad Republic" ni Eric Gamalinda. Dapat noon ko pa pinag-usapan ang aklat na ito. Palagi ko lang natutulak. Ewan ko lang kung bakit.
Umiikot ang kuwento ng aklat sa buhay ni Isio, isang dating magsasaka sa Negros na naging papa o "pope" ng isang grupo ng kolorum o pulahanes. Nandito rin si Asuncion, tagapagmana ng isang hacienda sa Negros at dating kasintahan ni Isio, at si Tomas Agustin, naging asawa ni Asuncion, karibal ni Isio at naging pinuno ng Junta ng Negros. Isa itong kuwentong "character centered" o kuwento kung saan ang tauhan ang pinag-iikutan at nagpapagalaw ng banghay. Nakakatuwa ito dahil ganoon ang palaging pakiramdam sa pagbabasa ng nobela. Ang estilo kasi ng pagkukuwento at pagsasalaysay ay malamagikal o fantastic, maihahambing kay Gabriel Garcia Marquez. Pinangingibabawan ng pagmamangha at mistisismo ang mga tauhan na para bang wala na sa mga tauhan ang pokus ng kuwento. Isa itong kakaibang pagbabago sa nakasanayan nang pagsasalaysay.
Kagaya ng nakalagay sa pamagat, kalungkutan ang kabuuang tema ng aklat. Isang pang-araw-araw na karanasan ang kalungkutan dito sa kuwentong ito. Ang kaligayahan, kagaya ng pagkain ng masarap, ay isa lamang sandaling madaling magiging alaala na lamang para sa mga tauhan. Halos naubusan na nga ang manunulat sa daming uri ng kalungkutan ang kanyang isinama sa kuwento ngunit totoo naman itong mga sandali ng kalungkutan at kabiguan upang tumbasan ang mistisismo sa kabuuan ng kuwento.
Kaya ang paglago ng mga tauhan ay parang hindi nag-iiba. Ganoon pa rin sila sa simula ng kuwento hanggang sa katapusan na nito. Tanging nagbabago lamang ay ang gulang nila at ang lalim ng kanilang kalungkutan. Mahirap makita o mapaniwalaan ang ilang mga pagbabago na nangyari sa mga tauhan. Pero kung lalampasan ang pantastikong pagsasalaysay, makikita ang pagbabago sa tono sa mga ilang sandali na nagbibigay liwanag sa katauhan ng mga tauhan.
Ang tauhan din ng tagapagsalaysay ay kakaiba rin. Ang kabuuan ng kuwento ay isinasalaysay sa ikatlong tauhan, consistent at madalas na nagbabago patungo sa unang tauhan upang ibigay ang saloobin ng mga tauhan.
Ang paggamit ng diyalogo sa kuwento ay kakaunti ngunit doon sa mga eksenang mayroon, nagiging masyadong nakasalalay ito sa pagpapadaloy ng kuwento. Kaunti lamang ang mga sandaling ito kaya madaling mapatawad.
Sa kabuuan, isa itong nobelang pinagbuhusan ng matinding hirap dahil na mismo sa kanyang tema at kakaibang mga tauhan. Marahil masyado siyang mahaba para sa kanyang ikakabuti. Ngunit ang buong karanasan ng kuwento ay parang kagaya sa isang panaginip, mahaba ngunit maikli, totoo ngunit kakaiba.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
I read your article and its a good review of the book.. But I seem disagree with the major theme being "Sadness"... it would only be the sub theme or minor theme at that... If you could help me out with my dilema, that is, finding the major theme I'd be most grateful...=) My professor told me that it starts with the letter "D" and it is somewhat related to "Republic"...
Democracy? I don't know. The power shift was obvious in a Marxian reading. The win of Isio's army provided a democratic and equal society. Though it was no utopia, the people had a taste of a society where they were not oppressed. But I may need to read it a second time.
Mag-post ng isang Komento