Pinanood ko kanina ang ilan sa mga dulang ginawa ng mga kumukuha ng Drama Workshop. Nakakalungkot at hindi napanood ang lahat ng mga dula. May klase kasi ako! Asar. Napanood ko ang mga ginawang dula nina Danielle at Jace.
Sa dula ni Danielle,"Train of Thought," ay umiikot ang kuwento sa isang babaeng nakasakay sa LRT at sa kanyang "kuwentuhan" sa isang kasakay na pasahero ng LRT. Hindi lantaran na sinabi na maaari o kunwari lamang ang pag-uusap ng dalawang tauhan. "Suggested" lang na kinakausap lamang ng babae ang kanyang sarili at ginagamit niyang imahen ang kasamang lalaki sa kanayang internal na monologo. Nakakatuwa ang sitwasyon na ito dahil ang kabuuan ng usapan ay umiikot sa paglalahad ng saloobin. Ironic ito dahil kinakausap lamang naman talaga ng tauhang babae ang kanyang sarili. Nasaan ang paglalahad doon? Ngunit hindi naman talaga ang usapan tungkol sa paglalahad ang pangunahing pantulak ng dula. Ang tunay naman talagang pinag-iikutan ng dula ay ang pangangailangan ng ugnayan sa kaiba. Kahit isang sandali lamang. Dahil kulang talaga ang pagmomonologo.
Sunod kong pinanood ang dula ni Jace, "The Remedy." Umiikot, kagaya sa dula ni Danielle, sa isang tauhang mayroong internal na problema. Kinakausap ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili, gamit din ang mga labas na persona upang maging representante ng mga agam-agam ng pangunahing tauhan. Nakakatuwa ang kuwento at puno ng magaling na diyalogo. Problema ko lamang siguro sa dula ay naagaw ng mga pangalawang tauhan ang atensiyon at pokus ng dula. Marahil intensiyonal iyon. Ngunit hindi buong na-representa ng mga persona ang buong damdamin ng pangunahing tauhan. Akin lang pananaw ang mga ito. 'Wag kang magagalit sa akin Jace. :D
Hindi ko na napanood ang mga iba pang dula nina Jihan, Cerz, Yumi, at Ina. May klase pa kasi ako sa Newswriting. At pagkatapos naman ng klase kong iyon ay sa sobrang sakit ng ulo ko, umuwi na agad ako. Pasensiya na at hindi ko napanood ang inyong mga dula.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
ok lang yon at hindi ka nakapanood ng dula ko. salamat narin sa pagpunta. hehe.
Mag-post ng isang Komento