Maligayang Kaarawan Carla! Hindi ka na teenager!
***
Kaninang umaga ay umidlip muna ako. Halong pagod at antok. Sa aking paghiga ay hindi ako agad makatulog. Sa paglapit ng panaginip ay bigla-biglang babalik ang kamalayan ko sa tunog ng motor ng electric fan. Ipipikit ko muli ang aking mga mata at hahanapin muli ang nakawalang panaginip. At nahabol ko siya, ang nakawalang panaginip. Pero hindi magtatagal ay nawala ang tahimik ng panaginip. Namulat muli ako, pabalik sa tunay na mundo. Sa puntong ito, nainis na ako. Gustong malunod sa tulog, lumangoy sa panaginip. Hindi lamang matilamsikan ng sarap ng pahinga. Kaya pinilit ko pa rin na malunod, hanapin muli ang dagat ng mga panaginip. Ngunit lumaban ang panagip. Tinaboy ako ngunit hinabol ko ulit. Hanggang sa naubusan na ako ng oras, may naghihintay sa tunay mundo. Tinigil ko na ang habulan sa panaginip. Umupo ako sa kama ko. Tinanggal-tanggal ang antok sa aking kamalayan. Nagulat ako dahil parang sariwa ang aking pakiramdam. Parang nakatulog ako ng buo, na nakatikim ng isang buong gabi. Salbaheng panaginip, pinaglaruan ang buong banghay ng aking tulog.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
Mag-post ng isang Komento