Linggo, Mayo 27, 2007

Panaginip 2

Bigla na lamang nagkaroon ng multo sa bahay namin. Antonio ang kanyang pangalan. Habang kinakain ko ang aking shorts, bigla na lang may nagpasalamat. Nagpapasalamat ang multo dahil mayroon na raw siyang magagamit na basahan. Natakot at nagalit ang mga tao sa bahay hindi dahil may muloto kundi isa itong bastos na multo. May naglalakad na dalawang babae sa tapat ng bahay at bigla na lamang may humipo sa isa sa kanila bagaman walang manghihipo silang nakita. Hinarap namin si Antonio. Pinagsisigawan namin ang aming mga tanong kay Antonio at sinasagot naman niya agad, na sa mundo ng panaginip ay parang katotohanan ang kanyang mga sagot sa amin. At sa bawat sagot, unti-unti siyang nagkaroon ng mukha. Sa literal na nibel dahil unti-unti na siyang nagkakalaman. Isa siyang matandang lalaki. Maputi ang buhik. Bungi-bungi na ang kanyang ngipin. Kulubot ang balat. Sa personal rin na nibel dahil lubos na siyang nagpakilala. Isa siyang dating journalist. Mula dekada 50 hanggang 80. At ngayong nagkaroon ng laman ang multo, natapos ang panaginip.

Walang komento: