Sabado, Setyembre 17, 2005

Takot, Kaba, at Lungkot

Natatakot ako. Ewan ko kung bakit. Dahil nariyan na ang katapusan ng semestre? Sunod-sunod na ang mga gawaing kailangang tapusin. At sa bawat proyekto, may pagkakataong pumaltos at magkamali. Dahil ba sa bawat sandali, hindi ko pa rin talaga alam kung saan ako pupunta? Hindi magkalayo ang takot na ito sa kaba. Ano kaya ang sasabihin ng iba? Ano kayang susunod? Ano pa bang lubak ang ibibigay ng buhay?

Kaya nahihirapan akong maging masaya at positibo ngayong mga panahong ito. Ang babaw-babaw. Pero wala akong magawa. Kaya lalo akong nalulungkot. Parang wala akong magawa.

Gayan lang talaga ang buhay. Kailangang sakayan. Umaasa na lamang ako. Kung ito yung tunay na pag-asa na pinag-uusapan ni Marcel, hindi ko alam. Basta’t umaasa ako, anoman ang mangyari.

1 komento:

yawmee ayon kay ...

kaya natin ito mitch! bawal kumalas sa buhay estudyante! hehe