Para sa isang sequel, ibang iba ang "The Godfather Part 2" kumpara sa una. Ibang pacing, ibang focus, ibang pagdagasa. Kung ang una ay isang maaksiyon at komplikadong higante, ang ikalawa ay isang mas personal at mas mahinahon na pelikula.
Ipinagpapatuloy ng "Part 2" ang kuwento ni Micheal Corleone, na ginampanan muli ni Al Pacino, at kung paano niya pinag-isa ang buong underground na sindekato sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Kagaya ng sinabi ko kanina, mas mabagal ang pacing ng "Part 2" dahil na rin siguro sa mas maikling sjuzet kumpara sa una. Maraming mga pagbabalik-tanaw tungkol sa simulain ng pamilya Corleone, ang simulain ni Vito Corleone, na ginampanan ni Robert DeNiro. Maganda ang pagkakagamit ng mga pagbabalik-tanaw bilang paghahambing sa mga nangyayari sa panahon ni Vito sa panahon ni Micheal. Isang magandang paghahambing ng mapag-isa at mapanglamon na katangian ng kapangyarihan.
Mas mahigpit ang banghay ng pelikula, hindi ganoong nakakalito o di kaya'y sobrang puno ng detalye na makakalimutan ng mga makakalimutin ang kuwento. Ngunit kailangan pa ring maging mulat at sensitibo ang mga manonood sa mga binabatong detalye ng mga tauhan, mga detalye na magbibigay linaw sa kabuuang mitolohiya ng serye.
Magagaling din ang mga aktor ng pelikula sa kanilang mga bahagi. Bigatin naman talaga ang buong cast ng mga aktor kaya maaasahan na ito. Galing ni Robert DeNiro.
Magaling ang costume pelikula. Ramdam ang panahon at istatus ng mga tauhan. Matipuno at kagalang-galang ang mga di kagalang-galang na mga tauhan. Isang magaling na pagmamaskara para sa mapagpanggap na mundo ng pelikula.
Hindi man perpekto, mabagal kasi sa ilang mga bahagi, "The Godfather Part 2" ay isang sa pinakamagandang pelikula. Isa itong magandang halimbawa ng kapangyarihan ng pelikula bilang isang magandang medium sa pagkukuwento ng mga epiko.
Lunes, Pebrero 28, 2005
Miyerkules, Pebrero 23, 2005
Patungkol sa mga Dula
Pinanood ko kanina ang ilan sa mga dulang ginawa ng mga kumukuha ng Drama Workshop. Nakakalungkot at hindi napanood ang lahat ng mga dula. May klase kasi ako! Asar. Napanood ko ang mga ginawang dula nina Danielle at Jace.
Sa dula ni Danielle,"Train of Thought," ay umiikot ang kuwento sa isang babaeng nakasakay sa LRT at sa kanyang "kuwentuhan" sa isang kasakay na pasahero ng LRT. Hindi lantaran na sinabi na maaari o kunwari lamang ang pag-uusap ng dalawang tauhan. "Suggested" lang na kinakausap lamang ng babae ang kanyang sarili at ginagamit niyang imahen ang kasamang lalaki sa kanayang internal na monologo. Nakakatuwa ang sitwasyon na ito dahil ang kabuuan ng usapan ay umiikot sa paglalahad ng saloobin. Ironic ito dahil kinakausap lamang naman talaga ng tauhang babae ang kanyang sarili. Nasaan ang paglalahad doon? Ngunit hindi naman talaga ang usapan tungkol sa paglalahad ang pangunahing pantulak ng dula. Ang tunay naman talagang pinag-iikutan ng dula ay ang pangangailangan ng ugnayan sa kaiba. Kahit isang sandali lamang. Dahil kulang talaga ang pagmomonologo.
Sunod kong pinanood ang dula ni Jace, "The Remedy." Umiikot, kagaya sa dula ni Danielle, sa isang tauhang mayroong internal na problema. Kinakausap ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili, gamit din ang mga labas na persona upang maging representante ng mga agam-agam ng pangunahing tauhan. Nakakatuwa ang kuwento at puno ng magaling na diyalogo. Problema ko lamang siguro sa dula ay naagaw ng mga pangalawang tauhan ang atensiyon at pokus ng dula. Marahil intensiyonal iyon. Ngunit hindi buong na-representa ng mga persona ang buong damdamin ng pangunahing tauhan. Akin lang pananaw ang mga ito. 'Wag kang magagalit sa akin Jace. :D
Hindi ko na napanood ang mga iba pang dula nina Jihan, Cerz, Yumi, at Ina. May klase pa kasi ako sa Newswriting. At pagkatapos naman ng klase kong iyon ay sa sobrang sakit ng ulo ko, umuwi na agad ako. Pasensiya na at hindi ko napanood ang inyong mga dula.

Martes, Pebrero 22, 2005
Bigay ng Tulong
Napakagaan ng aking pakiramdam ko kahapon. Parang ang saya-saya ko. Ewan ko kung bakit. Marahil... hindi ko talaga alam. Tinulungan ko ang isa kong kaklase sa Newswriting. Nagkita kami sa library dahil pareho naming pina-acetate ang aming sinulat. Kakaiba iyon dahil hindi ko naman kalimitang kinakausap ang mga di ko kilala o kinakaibigang mga kaklase. Medyo tahimikinng mukhang galit. Pero ang daldal ko sa kanya noong nagkita kami. Tapos, tinanong niya kung pwede kong kasama ipasa ang kanya report kasama sa akin. Syempre, syempre pumayag ako. Ipapasa lang naman. Weird lang. Kasi hindi naman talaga ako ganun, lalo na't maging madaldal.
Napadaan naman ako sa Gonzaga. Doon pala nag-eensayo ang mga magtatanghal bukas. Kaya tumambay muna ako dun. Habang tumatambay ay napag-usapan namin nina Jihan at Sunshine, actress ni Jihan sa play at kagrupo sa pilosopiya, ang isang topic sa pilosopiya, diyalogo. Kagaya nga pangyayari noong umaga, napadaldal ako sa usapan. Napag-aralan ko din kasi si Martin Buber at ang kanyang ideya tungkol sa diyalogo. Medyo nakatulong daw ako sa kanila kaya hiningi nila na tulungan ko sila sa kanilang report, na kina-cram nila kahapon. Tinulungan ko sila. Tinulungan ko sila tungkol sa diyalogo at tungkol kay Levinas. At sa huli, ay sinamahan ko silang magpuyat.
Nakakatuwa dahil wala naman akong makukuha doon. Ano bang mapapala ko? Hindi ko naman masasabing pinilit nila ako. Masayang mamilosopiya kaya siguro tinanggap ko ang kanilang hiling. O baka naman, kagaya na sinabi ni Levinas, napatigil ako? Ganoon ba ang nangyari sa akin kahapon? Hindi ko alam. Hindi ko nakikita ang aking sarili bilang isang rumaragasang puwersa. Pero nakakatuwa ang aking Lunes.

Sabado, Pebrero 19, 2005
Paglapit sa mga Paglapit ni Virgilio S. Almario sa kanyang “Ang Makata sa Panahon ng Makina”
Panimula
Noong dekada 60, namukadkad ang bagong uri ng makata at kritiko. Labas sa labanan ng “tradisyunal” na panig na mga makata, binansagang “Ilaw at Panitik” at ng “rebeldeng” panig, nagkaroon sila ng pagnanasang maglatag ng mga patakaran sa panunula’t kritisismo na magagamit ng kahit sino, tradisyunal man o rebelde. Kagaya ng mga naunang mga “rebelde,” ninais nilang buwagin ang mga lumang pagkiling at magbigay ng bagong mga anggulo. Ang pinagkaiba ng mga bagong makata/kritiko sa mga naunang “rebelde,” na lumago bago ang digmaan, ay ang kanilang masinop, Kanluranin, at mala-siyantipikong pagbabasa, ang pagbabasang Bagong Kritisismo.
Kabilang sa mga bagong makata/kritiko si Virgilio S. Almario. Ang kanyang “Ang Makata sa Panahon ng Makina” ay isa sa mga pangunahing aklat na naglahad ng mga konsepto, adhikain, at pananaw ng kanilang grupo. Palaban at pagminsa’y bastos, hinawi ni Almario ang mga paniniwala at tradisyong mga nauna at kinilatis ang mga makata at tula ng nakalipas sa acid test ng mga patakaran ng Bagong Kritisismo.
Ang Bagong Kritisismo, ayon sa depinisyon ni Soledad Reyes, ay “… pinagbalingan… ang mga sumusunod na kategorya: ironiya, impersonalidad, persona, obhektibismo, paradoha, punto de bista, tono, simbolismo, alyenasyon, kaisahan, maskara, at [iba pa]” habang “… hindi binigyang halaga ang… may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa.” Sa maikling salita, hangad ng Bagong Kritisismo na pagtuunan ang teksto at teksto lamang.
Ngunit hindi binansagan ni Almario na ang kanyang panunuri ay Bagong Kritisismo sa kabuuan ng kanyang aklat. Bakit kaya? Ngunit bago ko unahan ang aking sarili, tingnan natin kung ano nga ba ang kanyang sinabi.
Buod ng “Ang Makata sa Panahon ng Makina”
Binubuo ang aklat ng 18 kabanata o artikulo. Karamihan ng mga artikulong mga ito ay nailathala na sa lathalaing “Dawn” mula 1968 hanggang 1969. Karamihan ng mga artikulo ay mga panunuri sa mga likhang tula ng iba’t ibang makata mula kay Jose Corazon de Jesus hanggang sa mga kontemporanyo ni Almario na sina Lamberto Antonio, Epifanio San Juan Jr. at Rogelio Mangahas.
Nagsisimula ang aklat sa artikulong pinamagatang “Ang Makata sa Panahon ng Makina.” Nahahati sa tatlong bahagi, umiikot ito sa mga paniniwala ni Almario ukol sa mundo ng panulaan, mula sa “dinosaur” na mga paniniwala’t makata hanggang sa mga “makabago,” at mga pangangailangan ng panulaan. Isa itong deklarasyon ng makabagong damdamin ni Almario, isang tema na mananatili sa mga susunod na artikulo.
Ang sumunod na artikulo ay ang “Si Balagtas sa Panulaang Pangkasalukuyan.” Umiikot ito sa epekto ni Balagtas sa pangkasalukuyang panulaan. Dahil nga sa “… si Balagtas ay isang elepanteng-puting naging sagrado dahil sa ating labis na pagpapahalaga…” ay napako ang mga makata at naging masamang impluwensiya si Balagtas. (1) Hindi umusad o nagbago ang panulaan. (2) Naging mali ang pagpapahalaga ng kay Balagtas at sinulat. (3) Nanatiling mala-Balagtas ang mga pagsusulat ng mga makata ngunit hindi naman malampasan si Balagtas. Binuksan ni Balagtas ang daan para sa pagbabago ngunit natakot ang mga makatang lumayo kay Balagtas kaya hindi lumago ang panulaan.
Sa ikatlong artikulo ay masinsinang binasa ni Almario ang “Isang Punong Kahoy” ni Jose Corazon de Jesus. Hindi maganda ang kanyang nakita. Puno ang tula ng nakakatuwang mga paglalarawan at labis na detalye. Binato pa ang naunang mga kritiko kung bakit hindi nila nakita ang mga depekto nito.
Sunod namang binasa ang “Three O’clock in the Morning” ni Cirio H. Panganiban. Bago pa man magsimula ang pagbabasa, tinanghal nang “primera klaseng akda” ang tula kumpara sa “Isang Punong Kahoy.” Pinatunayan niya ito sa pagpapakita ng galing sa porma, pagtitipid sa detalye, galing sa pagpili ng mga salita, simbolismo, foreshadowing, at mahinahon na pangangaral.
Sa “Kinalburong Damdamin: O Musang Pinormalin,” hindi lamang isang tula kundi isang buong aklat/katipunan ng mga tula ang pinag-usapan, ang mga tula ni Iñigo Ed. Regalado sa aklat “Damdamin.” Kaunti lang ang lubusang binasa na tula ngunit ginawa itong halimbawa ni Almario para ipakita ang kahinaan ni Regalado. Kulang daw sa pagtitimpi, bulaslas ang pagpapahayag ng damdamin. Masyadong sumalalay si Regalado sa pagpapahayag ng damdamin. Puno ng clichés ang mga tula. Pangkaraniwan ang ritmo sa likod ng tugma’t sukat. Malabo rin ang pagpapaliwanag kung saan nanggagaling ang mga damdamin na ibinubuhos sa mga tula.
Sunod ay ang “Kamanyang ng Moralismo?” na umiikot sa isa pang kalipunan ng tula, ang “Kamanyang” ni Pedro Dumaraos. Dito ay ipinagtanggol niya ang mga tula sa mga naunang pagbatikos sa moralismo nito. Para kay Almario, “Hindi kapintasan ang moralismo.” Para kay Almario ang kahinaan nito ay hindi ang tema, na kung sisipatin ay hindi gasgas at orihinal pa nga, kundi ang pamamahala at pagdadala. May mga katangiang sensasyonalismo at OA kumpara sa hinahanap na pagtitipid at hinahon.
Sunod namang binasa ang mga tula ni Amado V. Hernandez. Tinanghal ni Almario si Hernandez bilang makatang nakikisangkot. Kaya may bahid ng propaganda ang mga tula ni Hernandez. Ang ilang tula ay katangi-tangi, magaling ang paggamit ng wika at katatawanan. Ngunit, ayon kay Almario, kung titingnan bilang isang likhang sining ang mga tula, ang karamihan ay nagmumukhang pangkaraniwan.
Sa “Ang Rebelde bilang Makata” naman ay si Alejandro G. Abadilla ang binigyang pansin. Kilalang rebelde, tunay ngang rebelde rin ang mga likha ni Abadilla at inilatag ang mga bagong panuntunan sa panunula, kagaya ng malayang taludturan. Ngunit, kagaya ni Hernandez, kung lalampasan ang rebeldeng damdamin, nagmumukhang walang patutunguhan si Abadilla. Nananatiling abstrakto at di konkreto ang mga kaisipan ni Abadilla. “Hindi sapat ang malayang taludturan bilang isang kasukatan ng pagiging rebelde,” ani nga ni Almario.
Si Teo S. Baylen naman ang pinag-usapan sa “Ang Pangitain ng Darating sa mga Tula ni Baylen.” Kagaya ng mga nakalipas na dalawa makata, pinangungunahan din si Baylen ng kanyang reputasyon, bilang romantiko, relihiyoso, at iba pa. Ngunit lampas ng mga katangiang ito’y makikita ang galing niya sa dalawang piniling tula, “Takipsilim at Lumang Lambat” at “Uwak sa aking Ulunan.” Mula sa characterization, pagpili ng mga salita, buong paglalarawan, ay nahuli’t naihayag ni Baylen ang buong karanasan. Pinapatunayan ni Almario ang pagiging tulay ni Baylen mula sa makalumang “Ilaw at Panitik” sa kasalukuyang panahon.
Inilabas naman ang mga kahinaan ni Federico L. Espino Jr. sa sumunod na artikulo. Nagmukha raw pilit ang mga tula pagkarating sa paggamit ng wika at gasgas na imahen. Sobra-sobra rin daw ang kanyang pagtitimpi kaya hindi niya mailahad ang buong karanasan ng tula.
Sa “Mga Ligaw na Anino ng Diyos ni Perez,” kinilatis ang mga katangian ng mga tula ni Al Q. Perez. Kagaya ni Abadilla, may diwang mapanghimagsik at eksperimental si Perez ngunit pagminsan ay nabibitin. Ngunit may mikrobiyo ang kalipunan ni Perez ng kadakilaan na inuusig ni Almario na palaguin sa pagsusulat ni Perez.
Tinuligsa naman ang sentimentalismo ni Ruben Vega sa sumonod na artikulo. Agad-agad na binansagang melodramatiko ang kanyang mga tula. Napupuno ng mga jargon at cliché ang mga tula ni Vega at sa ilan ay nagiging makipot ang kanyang pagtalakay sa kanyang paksa dahil sa kanyang mahinang balangkas. Nagmumukha raw na ang mga tula’y tuyot sa presentasyon.
Sa “Quo Vadiz, Buhain?” naman ay binibigyang pansin ang unang aklat ng tula ni Jose M. Buhain. Agad ay hinangaan ito ni Almario ngunit inaamin na hindi ito brilyante. Hindi man daw “matulain” ay dalisay naman sa kapayakan ang aklat ni Buhain. Nagbibigay din ang mga tula ng kakaibang tinig at himig. Matimpi din si Buhain at nagpapakita ng pakikisangkot sa mga problema ng lipunan. Ngunit nangangamba si Almario dahil sa impluwensiya ni Abadilla kay Buhain, baka lumihis ito ng daan.
Sunod namang pinag-usapan ang kalipunan ni Celestino M. Vega, “Dugo ng Kalansay,” sa “Ang Paghahanap sa Sarili ni C. M. Vega.” Mahahalata ang mapaglarong katangian ni C. M. Vega sa kanyang pamagat pa lamang. Mapaglaro man siya sa salita, matapat at seryoso siya sa kanyang panunula. Naniniwala si Almario na hindi dito magtatapos si C. M. Vega.
Sa sunod namang artikulo ay ipinakilala si Lamberto E. Antonio. Mataas ang pagtingin ni Almario kay Antonio. Binansagan salamangkero ng mga salita si Antonio. Pinapatunayan ito sa kanyang pagpili ng mga salita, paglalarawan, at panghihiram. May taglay na malawak na perspektiba dahil sa paninggalingan at kinanalalagyan ni Antonio, ang lalawigan at ang lungsod. Makikita ito sa mala-bukid na tagpuan ng ilan sa kanyang mga tula. Walang makitang mali si Almario kay Antonio at hiniling na lamang niyang magpatuloy sa pagsusulat si Antonio.
Sunod naman tinutukan ay si Epifanio San Juan Jr. Inamin ni Alamrio na likas na “malabo” ang mga tula ni San Juan dahil sa kanyang unibersal na oryentasyon at pakikisangkot laban depekto ng lipunan. Kakaiba raw si San Juan dahil hindi handa ang mga mambabasang basahin ang kanyang mga likha. Pinatunayan niya ito sa madulang pagbabalangkas at masinop na paggamit ng salita. Ipinamamalas din niya ang galing sa nosyon. Binansagang masining, umaasa si Almario na magagawa ni San Juan na “binyagan ng bagong pangalan ang Panulaang Pilipino."
Huling makatang tinalakay sa aklat ay si Rogelio G. Mangahas ilan sa kanyang mga tula, pangunahin na ang “Sa Pamumulaklak ng mga Diliwariw.” Makikita ang galing ni Mangahas sa paggamit ng mga luma o nakalimutan nang mga imahen sa isang bagong gamit, kasama na dito ang mga mito at katutubong tradisyon. Ginamit ni Mangahas ang pag-eksperimento sa pantigan at ritmo upang paigtingin ang mga imahen ng kanyang tula. Hindi matulain ang tono, kombersasyonal ang kanyang taludturan na pinapaigting ang matimping daloy ng kanyang mga tula. At kagaya ng diliwariw, namumukadkad si Mangahas sa “tinatag-araw na Panulaang Pilipino.”
Magtatapos ang aklat sa “Ilang Dagdag na Nota.” Ipinagtitibay ng kabanatang ito ang mga paniniwala at katayuan ni Almario. (1) Pagkarating sa tradisyon, naniniwala siya na mabilis ang pagbabago ng panahon ngunit ang tradisyon ay “…isang bukas na yugib na may iaalay na yaman mga mapanlikha at masinop.” (2) Pagkarating sa tugmaan at sukat, na isang makitid at konserbatibong pananaw sa tulaan. (3) Pagkarating sa komersiyalismo, na isang sagabal upang makamit ng mga makata ang karurukan ng kanilang galing.
Puna
Malinaw ang hangarin ni Virgilio Almario na wasakin ang mga naunang paniniwala at ilatag ang bagong mga pananaw sa kritisismo. Sa unang kabanata pa lamang ay winawagayway na niya ang mapanghimagsik na damdamin. Ngunit sa kanyang palaban na diwa ay hindi hayagang nailatag ni Almario ang mga patakaran ng kanyang pagsusuri. Kagaya ng mga inaadhikang mga tula, nanatiling malabo ang kanyang panunuri para sa mga mambabasa, kailangan ng pangalawang tingin.
Balikan natin ang tanong kung bakit hindi tinawag ni Almario na ang kanyang panunuri ay Bagong Kritisismo. Marahil ay wala pa itong pangalan? Noon pa namayagpag ang Bagong Kritisismo sa Kanluran at ito na bansag sa pamamaraan na iyon. Balikan natin ang katangian ng Bagong Kritisismo, “… hindi binigyang halaga ang… may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa.” Hindi ito sinundan ni Almario. Imbis na basahin lamang ang teksto, hinahalungkat ni Almario ang may-akda at ang kanyang kasaysayan.
Kaya kakaiba ang pagbabasa ni Almario. Pagminsan ay hindi na lamang malapitang pagbasa. Pagkatapos kunin ang mga katangian ng mga tula gamit ang close reading, ay isinasakonteksto niya ito sa ugnayan ng makata’t tula. Hal. Ang pagbabasa sa mga gawa ni Amado V. Hernandez. Kaya masasabi kong hindi ito pakaraniwang Bagong Kritisismo.
Ngunit isa itong malay na taktika sa paglapit. Halos lahat ng kanyang pagbabasa ay ganito. Ginawa niya ito para ipakita ang kanyang “patas” na pagsusuri. Hal. Ang kanyang pagtatangol sa galing ng mga naunang sina Cirio H. Panganiban at Teo S. Baylen. Gusto niyang ipakita na magagamit ang kanyang mga pamamaraan sa kalahatan ng panulaan. Dahil nga rin sa pangkalahatang sakop na ninanais, kumaha rin ng mga katangiang panunuri mula sa ibang pamamaraan ng panunuri si Almario. Para, marahil, maintindihan ng mas madali ng mga “tradisyunal” ang kanyang pamamaraan.
Isang pagpuna ay ang kanyang pagbibigay depinisyon sa “pulitikong-makata.” Ang mga pulitikong-makata, na inaayawan ni Almario, ay “yaong ang pakikisangkot-panlipunan ay katumbas lamang ng kanilang hangaring maging idolo sa sarili…” Problimatiko ang depinisyon na ito dahil ang isang katangian, ang pakikisangkot-pangkalipunan, ay malimit gamitin lalo na kina Amado V. Hernandez at Epifanio San Juan Jr. Sila ba ay mga pulitikong-makata o nakikisangkot lamang? Ano ang pinagkaiba ng dalawa? Hindi nila iniidolo ang sarili nila? Paano ang di iniidolo? Nakakalito.
Isang batikos ko sa “Si Balagtas sa Panulaang Kasalukuyan,” nilahad ang masasamang impluwensiya ni Balagtas ngunit ano ang magandang impluwensiya niya? Ano ang mga katangian, naaayon sa panunuri ni Almario, ang masasabing maganda sa mga gawa ni Balagtas? Nagmumukha tuloy isa ring “puting-elepante” si Balagtas para sa mga makabago. Mahahakang marahil magiging palpak si Balagtas sa kanyang pamantayan. Iba kasi ang estetika ni Balagtas, at ultimo, ng mga sumaligan sa kanya. Hal. Ang mga kagaya nina Jose Corazon de Jesus at Iñigo Ed. Regalado.
Marahil ay hindi nga talagang pangkalahatan ang panunuri ni Almario. Sakupin man ang kahapon, naaayon lamang sa ngayon ang kanyang mga pamamaraan. Maihahalintulad sa pagkapako ng mga “tradisyunal” sa nakaraan.
Kaya siguro napaka-“bango” ng kanyang pagsusuri sa kanyang mga “katotong” sina Antonio, San Juan, at Mangahas. Dahil naaayon ang kanilang panunula sa mga bagong batayan, madaling sabihin ni Almario na magagaling sila. Nagmukhang “bastos” siya sa mga nauna habang may-kiling sa mga kapanahunan. Natatakpan nito ang pagnanasang maging patas.
Napansin kong madalas na gamitin ni Almario ang mga panghalip na “kami” at “namin,” para bang hindi lamang kanya ang mga sinulat niya. Masasabi siguro na kanya ang mga pagpuna ngunit sa kanyang pangkat ang mga panuntunan. Sa kanyang pagbanggit ng mga panghalip na mga ito, nagkakaroon ng ilusyon ng kalakasan at pagkakaisa, kung sino man ang mga kasama ni Almario. Mapakumbaba na may kaunting bahid ng takot ang nakikita mula sa paggamit nito. Sino nga ba naman “sila” sa panunuri? Sila, na marahil hindi perpekto ang pamamaraan, na nagpalago sa “tinatag-init na Panulaang Pilipino.”
Bibliograpiya
Reyes, Solidad S., Kritisismo: mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong Pagtuturo ng Panitika, (Pasig, Metro Manila, Philippines : Anvil Pub.) 1992, 340 p.

Huwebes, Pebrero 17, 2005
Walang Magawa Kaya Ibabahagi ko Ito
Binabasa ko ang "Ang Makata sa Panahon ng Makina" at nagustuhan ko ang tulang ito ni Cirio H. Panganiban na pinamagatang "Three O'clock in the Morning."
Ito'y isang salon,
malaki't maluwag, magara't makintab.
Ang bombilyang may ginto, may pilak,
sa bubungang asul ay nagkislap-kislap.
Dito'y may orkestra, sa ragay ng tambol at linggal ng Jazz,
ang mga talulot sa gitna ng salon nagising na lahat.
Saka, samantalang ang bawa't pareha ay lilipad-lipad,
sa kintab ng sahig, ang kanilang puso ay maaanag-ag.
Mga puso yaong
kung di naglalaro'y nagsisinungaling;
gaya ng pabangong sumama sa hangin,
ang pag-ibig nila'y di dapat hintayin!
Sa gitna ng salon, ang boses ng tanso at tumataginting,
sinusundan-sundan ang apat na paang salit kung maglambing.
Saka, samantalang ang mga bombilya'y nag-aantok mandin
ay may isang halik na di naitago ng k'werdas ng violin.
Ikatatlo noon
ng madaling araw... Sa salong marikit
na pinagsayawan ng puso't pag-ibig,
ang dating orkestra'y di na naririnig
Nguni't ang samantalang ang huling bombilya'y kusang pumipikit
sa ulilang salon, ang isang dalaga'y luhaang nagbalik,
at saka sa dilim ng gabing mapanglaw, matapos humibik,
baliw na nga yatang hinahanap-hanap ang puring nawaglit!

Lunes, Pebrero 14, 2005
My Sad Republic
Noon pang Disyembre ko natapos ang nobelang "My Sad Republic" ni Eric Gamalinda. Dapat noon ko pa pinag-usapan ang aklat na ito. Palagi ko lang natutulak. Ewan ko lang kung bakit.
Umiikot ang kuwento ng aklat sa buhay ni Isio, isang dating magsasaka sa Negros na naging papa o "pope" ng isang grupo ng kolorum o pulahanes. Nandito rin si Asuncion, tagapagmana ng isang hacienda sa Negros at dating kasintahan ni Isio, at si Tomas Agustin, naging asawa ni Asuncion, karibal ni Isio at naging pinuno ng Junta ng Negros. Isa itong kuwentong "character centered" o kuwento kung saan ang tauhan ang pinag-iikutan at nagpapagalaw ng banghay. Nakakatuwa ito dahil ganoon ang palaging pakiramdam sa pagbabasa ng nobela. Ang estilo kasi ng pagkukuwento at pagsasalaysay ay malamagikal o fantastic, maihahambing kay Gabriel Garcia Marquez. Pinangingibabawan ng pagmamangha at mistisismo ang mga tauhan na para bang wala na sa mga tauhan ang pokus ng kuwento. Isa itong kakaibang pagbabago sa nakasanayan nang pagsasalaysay.
Kagaya ng nakalagay sa pamagat, kalungkutan ang kabuuang tema ng aklat. Isang pang-araw-araw na karanasan ang kalungkutan dito sa kuwentong ito. Ang kaligayahan, kagaya ng pagkain ng masarap, ay isa lamang sandaling madaling magiging alaala na lamang para sa mga tauhan. Halos naubusan na nga ang manunulat sa daming uri ng kalungkutan ang kanyang isinama sa kuwento ngunit totoo naman itong mga sandali ng kalungkutan at kabiguan upang tumbasan ang mistisismo sa kabuuan ng kuwento.
Kaya ang paglago ng mga tauhan ay parang hindi nag-iiba. Ganoon pa rin sila sa simula ng kuwento hanggang sa katapusan na nito. Tanging nagbabago lamang ay ang gulang nila at ang lalim ng kanilang kalungkutan. Mahirap makita o mapaniwalaan ang ilang mga pagbabago na nangyari sa mga tauhan. Pero kung lalampasan ang pantastikong pagsasalaysay, makikita ang pagbabago sa tono sa mga ilang sandali na nagbibigay liwanag sa katauhan ng mga tauhan.
Ang tauhan din ng tagapagsalaysay ay kakaiba rin. Ang kabuuan ng kuwento ay isinasalaysay sa ikatlong tauhan, consistent at madalas na nagbabago patungo sa unang tauhan upang ibigay ang saloobin ng mga tauhan.
Ang paggamit ng diyalogo sa kuwento ay kakaunti ngunit doon sa mga eksenang mayroon, nagiging masyadong nakasalalay ito sa pagpapadaloy ng kuwento. Kaunti lamang ang mga sandaling ito kaya madaling mapatawad.
Sa kabuuan, isa itong nobelang pinagbuhusan ng matinding hirap dahil na mismo sa kanyang tema at kakaibang mga tauhan. Marahil masyado siyang mahaba para sa kanyang ikakabuti. Ngunit ang buong karanasan ng kuwento ay parang kagaya sa isang panaginip, mahaba ngunit maikli, totoo ngunit kakaiba.

The Most Romantic Moments in Gaming
The Most Romantic Moments in Gaming
Valentines na nga pala. Iba sa atin diyan ay may mga date, ang iba ay nangangarap na magka-date, ang iba naman ay nasa computer at binabasa ang blog na ito.
Wala lang. Ibabahagi ko ang tema ng pag-ibig (kahit na naniniwala ako na dapat araw-araw ay Araw ng Pag-ibig) sa link na nasa itaas. Wala siyang kuwenta. Nakakatuwa lang.

Biyernes, Pebrero 11, 2005
Marxist Study Group at Tapon! Tapon!
Maligayang kaarawan kay Elmer!
***
Nakakatuwa at inimbitahan kami nina Jethro at Armand sa isang Marxist study group. Ewan ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang Marxista o Komunista. Pinag-usapan namin ang Communist Manifesto. Sumasang-ayon ako na maraming mga sinasabi ito na totoo hanggang ngayon habang ang ilan namang sinasabi ay hindi nagkatotoo o hindi na totoo. Marami nang nagbago sa lipunan. At sa laban ng produksiyon, katangi-tangi ang lamang ng kapitalismo.
Pagkatapos ng study group, dumiretso ako sa Gonzaga para panoorin ang palabas ng Entablado na pinamagatang "Tapon! Tapon!" Itinanghal nila ang mga dulang "Tatalon" ni Rogelio Sicat at "Ang Sistema ni Propesor Tuko" ni Al Santos.
Unang tinanghal ang "Tatalon." Isa itong mahabang monologo. Ikinukuwento ng isang tsuper ng dyip ang kuwento ng nagpakamatay na lalaki sa Tatalon. Isa siyang seryosong pagtingin sa mga problema ng isang tao, kahit sinong tao kung mahaharap sa mga problema. Pinag-uusapan din niya ang tanong ng pagpapakamatay. Hindi nito sinasabi na tama iyon o mali, tinatanong lang ng dula kung bakit nagpapakamatay ang mga tao at bakit hindi.
Ang ikalawang itinanghal ay ang "Ang Sistema ni Propesor Tuko." Isa itong satirikong pagtingin sa lipunan sa pamamagitan isang tagpuan sa paaralan. Madami siyang katatawanan, katatawanang tinitira ang mga mali at problematiko sa ating lipunan. Marami siyang mga exageration lalo na sa tauhan. Ngunit maganda ang mga tauhan dahil mayroon silang mga kalidad na nagustuhan ko. Medyo mahina nga lang ang pagtatapos at litaw ang nasyonalismo nito.

Lunes, Pebrero 07, 2005
The Godfather
Napanood ko ang "The Godfather" kagabi sa Cinemax. Maganda nga siya. Pero meron akong mga kaunting personal na problema sa kanya.
Tungkol ang pelikula sa pamilya Corleone, isang malakas na sangay ng mafia. Umiikot ang pelikula sa pakikipaglaban at pamumuhay ng mga miyembro ng pamilya Corleone sa gitna ng isang digmaan sa pagitan ng mga pamilya at ang pag-angat ni Micheal, na ginampanan ni Al Pacino, upang mapalitan si Don Vito, na gimapanan ni Marlon Brando.
Malawak ang sakop ng banghay, mga sampung taon. Ngunit walang pagbabalik-tanaw na ginagawa dahil sa komplikadong banghay at madaming tauhan. Malaepiko ang dating ng kuwento. Isang pagbabangga ng mga malalakas na mga tauhan. Naging problema ko lang ay napakadaming mga nangyari sa pelikula at kay haba nito, nakalimutan ko ang ilang mga pangyayari. Nababaon ka sa isang eksena kaya nakakalimutan mo ang ilang nakalipas na detalye. Siguro nangyari iyon dahil inaantok na ako pero sa isang napakadetalyadong pelikula na kagaya nito, hindi ka dapat nakakalimot.
Magaling ang mga nagsipagganap, mula sa mga bidang sina Marlon Brando at Al Pacino hanggang sa mga mas mababang supporting actors. Nakakapagtaka nga lang at palaging galit ang tauhan na si Micheal.
Maganda ang pagkakasulat ng pelikula pero, kagaya ng sinabi ko kanina, madaming mga detalye ang binabato sa mga mga manonood na mahirap makuha agad-agad. Maganda ang mga diyalogo at palitan sa pagitan ng mga tauhan.
Magaling ang costume at paghahagilap ng mga tagpuan para sa pelikula. Mararamdaman mo ang kabilang mundo ng New York dahil sa mga tagpuan na hindi marahil makikita ng isang pangkaraniwang tao.
Madami pang maganda sa pelikulang ito. Hindi ko masabi lahat dahil malaki at immersive ang epikong ito. Panoorin na lang ito para maintindihan ang galing ng mga gumawa nito.

Sabado, Pebrero 05, 2005
Isang Puna sa Pagbaybay sa Pilipino
Imbes na magklase kami kanina para sa Fil104, pumunta ang klase sa University of Santo Tomas (UST) para sa isang panayam mula kay Ginoong Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining at tagapagtatag ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Inorganisa ng LIRA, sa tulong ng Center for Creative Writing ng UST.
Marami-rami rin ang pumunta sa panayam ni G. Almario. Mayroon pa ngang mga galing Bacoor. Nakakain pa kami pagkatapos ng kanyang panayam.
Tungkol ang panayam sa mga pagtatama at pagpuna sa pagbabaybay sa Pilipino. Ayon kay G. Almario, nagkakaroon ng mga pagkakamali at mga problema sa pagbabaybay dahil sa mga pagbabago ng isang buhay at aktibong wika na kagaya ng Pilipino. Maraming mga pagpuna si G. Almario ngunit pito lamang ang kanyang ipinakita at pinag-usapan sa panayam. Gumamit siya ng mga halimbawa upang ipakita ang kabuuan ng mga pagkakamali at problema.
1. Natutunan o Natutuhan?
Isa itong halimbawa ng "nakasanayan na ngunit mali." Marami marahil sa atin ang gumagamit ng unang salita, sa pagbanggit at pagsulat, imbes sa huli. Ngunit, sa katotohanan ay "natutuhan" ang tamang pagbanggit at pagsulat dahil, bilang panlapi, "-han" ang tama habang wala naman talagang "-nan" bilang isang panlapi. Ang naaayon lamang na huling panlapi o hulapi ay "-hin," "-han," "-an," at "-in."
Para patunayan ang puntong ito, nagbigay ng mga halimbawa si G. Almario ng mga salita na parang may "-nan" na hulapi. Ilan dito ay ang mga salitang katotohanan at hagdanan. Kung puputulin ang mga salita sa kanilang mga panlapi at saliatang ugat, ito ang mangyayari:
katotohanan => ka + totoo + han + an
hagdanan => hagdan + an
Kita rito na isa lamang ilusyon ng pagbigkas ang "-nan" na hulapi.
2. Ala-ala o Alaala?
Ayon kay G. Almario, nagkakaroon daw ng pagkakamali sa paggamit ng gitling (-) dahil sa pagkalito at pagiging ignorante. Para sa halimbawang ito, ginagamit ang gitling (-), sa pag-uulit ng mga salitang ugat. Ilang halimbawa ng tamang paggamit ng gitling (-) ay :
sari = sari-sari
samot = samot-samot
ilog = ilog-ilugan
Mali ang unang pagbaybay na "Ala-ala" dahil wala namang salitang ugat na "ala" sa wikang Pilipino.
3. Salo-salo o Salusalo?
Tungkol ulit ito sa paggamit ng gitling (-) sa mga nag-uulit na mga salita. Pero imbes na may mali, parehong tama pareho ngunit may kaibahan, lalo na sa ibig-sabihin. Ang una, salo-salo, ay ang pagtawag o pagsamo sa mga kasama na makisama sa pagkain. hal. Magsalo-salo tayo mamayang hapunan. Ang huli naman, salusalo, ay patungkol sa isang handaan o party. hal. May salusalo para sa kaarawan ko.
Ayon kay G. Almario, ang gitling (-) ay hindi lamang isang punctuation kundi isa ring simbolo, simbolo ng paghihiwalay. Isa pang halimbawa na kagaya ng salo-salo at salusalo:
halo-halo = mga iba't ibang bagay na pinagsama-sama
haluhalo = ang paburitong palamig ng Pilipino (Mukhang mali ata ang pagbaybay sa Chowking)
Hindi lamang sa mga pag-uulit ng salita nagkakaroon ng pagbabago sa ibig-sabihin sa paggamit ng gitling (-) dahil nangyayari rin ito sa mga pinagsamang salita. Halimbawa ay ang dalagang-bukid at dalagambukid. Dahil sa pagkakahiwalay na ginagawa ng gitling (-) sa dalagang-bukid, ay nagbibigay ng katangian sa isang dalagang lumaki sa kabukiran. Ang huli naman ay isang pangalan ng isang isda. Makikita sa mga halimbawa na mahalagang simbolo na ginagawa ng gitling (-) upang magbigay ng ibig-sabihin at laman ng salita.
4. Kayat o Kaya't?
Isa itong problema na nagdudulot na mismo sa madaming pagbabago sa wikang Pilipino. Binigyang paliwanag ito ni G. Almario sa pagbibigay kasaysayan sa mga pagbabagong nangyari sa ating wika. Ngunit isa munang diagram:
baki at => baki't => bakit
nguni at => nguni't => ngunit
datapwa at => datapwa't => datapwat
subali at => subali't => subalit
kaya at => kaya't => kayat ????
Sa kaliwa ay ang sinaunang Tagalog. Makikitang hiwalay ang salitang baki, nguni, datapwa, at subali na pawang ginagamit na mag-isa. Paglipas ng panahon, umikli ang pagbangkit sa mga salita pagdating sa ika-18 siglo hanggang gitna ng ika-19 na siglo. Pinagsama ang dalawang salita gamit ng kuwit. Lalo pang pinaikli ang mga salita ni Alejandro Abadilla sa pagtanggal ng mga kuwit. Kaya naging bakit, ngunit, datapwat at subalit na lamang ang pagbaybay natin. Noong tanungin ni G. Almario si G. Abadilla kung bakit tinanggal ang mga kuwit, idinahilan ni G. Abadilla na wala na naman sa ating gumagamit ng mga salitang baki, ngunit at iba pa. Ang sagot sa tanong ng kayat o kaya't? Mas tama ang huli dahil ginagamit pa rin ngayon ang salitang "kaya" hiwalay sa "at." Ganoon din sa pagbaybay sa "bagama't" dahil ginagamit pa rin natin ang salitang "bagaman" bilang hiwalay na salita.
5. Aspeto o Aspekto?
Nagkaroon ng problema sa salitang ito dahil sa maling paghihiram ng mga salitang mula sa wikang Espanyol. Linipat mula Ingles sa Espanyol ang ilang Ingles na salita para ibagay sa wikang Pilipino. Ang problema, ang ilang mga salitang Espanyol ay hindi kagaya ng ibang mga salita. Hindi "aspeto" ang Espanyol ng "aspect" kundi "aspecto." Kaya ang dapat pagbaybay ay "aspekto" sa Pilipino.
6. Taks o Tax?
Isa pa itong problema ng paghihiram. Ang una ay isang pag-aangkin ng salita ngunit mas tama ang huli dahil isinama na sa ating alpabeto ang titik x, kasama na ang mga titik c, f, j, q, v, z, at ñ. At bakit pa ba naman kailan na manghiram kung naan diyan din naman ang salitang "buwis?" Kinakailangan na madami ka talagang alam na salitang Pilipino. Pero kung manghihiram , mas mabuti na hindi muna angkinin o i-convert ang salita hanggang maging tanggap ang pag-aangking baybay. Kagaya naman ng sinabi ni G. Almario, walang batas laban sa paggamit ng Ingles na salita.
7. Bisyon o Visyon?
Isa naman itong pagpuna ni G. Almario sa ginawang bagong palatuntunin ng Komisyon ng Wikang Pilipino. Itinataguyod ng Komisyon sa pagbabalik ng orihinal na baybay ang mga hiram na salita. Hindi ito itinataguyod ni G. Almario dahil imbes na umusad, naurong ang paglago ng wikang Pilipino.
Mayroon akong hindi naisama dito dahil sinulat ko lamang ito mula sa aking alaala. Marami akong natutunan, este natutuhan.

YM Conversations with Mara
Matagal-tagal din na hindi ko nakakausap sa YM itong si Mara. Nagulat na lang ako na bigla akong nakakuha ng message mula sa kanya noong Biyernes ng gabi. Ito ang aming pinag usapan.
maia_akari: hello mimi:))Dapat ko sigurong tawagan si Carla tungkol sa kanyang naging sakit...
fatguyisme_2000: hello! :D
maia_akari: musta?
fatguyisme_2000: eto tumataba. be-lated happy b-day.
maia_akari: salamat po:D
maia_akari: ako din tumataba:))
maia_akari: nasa bahay ka?
maia_akari: o nasa manila pa?
fatguyisme_2000: nasa condo sa qc
maia_akari: di ka rin nauwi tulad ni pao?
fatguyisme_2000: uuwi ako bukas pagkatapos ng isang pupuntahan kong lecture
maia_akari: ah:) mukhang busy kayo lahat dyan ah:)
fatguyisme_2000: medyo. ilang linggo na lang bago matapos ang SY. Nagtatambakan na.
maia_akari: oo nga kami din:D
fatguyisme_2000: kaya nga
fatguyisme_2000: tapos isang taon na lang, graduate na. :(
maia_akari: oo nga pag ala ako binagsak, 13 na lang subjects para sa dalawang sem tas graduate na ko:(
fatguyisme_2000: ang anong gagawin mo pagkatapos?
maia_akari: ewan:D di ko pa alam...pahinga siguro:))
maia_akari: kaw ano gagawin mo?
fatguyisme_2000: ewan din. kukuha ng MA tapos magtuturo? hindi pa ako sigurado.
maia_akari: wow....sa ateneo din? buti ka pa:))
maia_akari: gaagwa muna siguro ako ng comics:P
fatguyisme_2000: ok yun. tulungan tayo
fatguyisme_2000: haha :D
maia_akari: :))
fatguyisme_2000: kamusta kayo diyan? anong mga balita?
maia_akari: wala masyado... ok lang naman
maia_akari: si crala naghahabol pa rin sa mga namiss nyang class
fatguyisme_2000: anong nangayari?
maia_akari: nagkasakit sya d ba? 2 weeks sya di nakapasok
fatguyisme_2000: ganoon ba. anong sakit?
maia_akari: dengue..di ba nakarating sayo?
fatguyisme_2000: hindi e.
fatguyisme_2000: ok na siya ngayon?
maia_akari: ok na:)
maia_akari: nakakahabol naman sya sa class e:P
maia_akari: masipag sya medyo ngaun:P
fatguyisme_2000: dapat lang. pero baka mapagod siya ng sobra.
maia_akari: hindi kaya nya un:) un pa...un nga lang namamayat na sya:)
fatguyisme_2000: e di na ospital siya noon?
maia_akari: oo 4 days ata
maia_akari: kasi nung may dengue sya pumasok pa un e
fatguyisme_2000: what!!???
maia_akari: di nya alam na meron sya
maia_akari: kukuha lang sana excuse slip tas pinaconfine na sya
maia_akari: e mga 4 na un pagkatapos ng lahat ng class nya
fatguyisme_2000: hmmm! salbaheng mga lamok! i will spank them! X-( <-- (pahiram mga blockmates)
maia_akari: ahaha:))
fatguyisme_2000: hahaha
maia_akari: kau ano balita ?
fatguyisme_2000: wala naman.
fatguyisme_2000: noong isang buwan, may nahulog sa condo
fatguyisme_2000: patay
maia_akari: what?!!
maia_akari: nakita mo?
fatguyisme_2000: hindi e
maia_akari: kakilala mo?
fatguyisme_2000: hindi din
maia_akari: ay sayang:( ano kaya itsura non?
maia_akari: hmm
fatguyisme_2000: mula sa taas ng condo ko nahulog sa tuktok ng katabing condo
fatguyisme_2000: hindi daw maganda ang hitsura :(
maia_akari: aww
maia_akari: nasan ka nung nangyari un?
fatguyisme_2000: nasa condo
fatguyisme_2000: bumababa nga ako tapos ang daming tao
fatguyisme_2000: may pulis pa
maia_akari: eee? bakit di mo nakita?
fatguyisme_2000: sa labas nangyari hindi sa loob at sa floor ko e.
maia_akari: ah...
maia_akari: bakit daw nagpakamatay? oooo tsismis na to!:))
fatguyisme_2000: hindi nagpakamatay. mala-miko sotto daw na aksidente
fatguyisme_2000: nagyosi daw o nagpahangin tapos yun
maia_akari: e di ba nagpakamatay si mico?
fatguyisme_2000: hindi ko alam kay mico sotto pero sinasabi dito aksidente daw. nawalan daw ng balance, may dumaang UFO. alam mo na.
maia_akari: :))
fatguyisme_2000: pero seryoso, nabalutan na ng maraming kuwento e mula sa madaming tao kaya medyo mahirap nang malaman ang katotohanan.
maia_akari: oo nga...hirap nga un
maia_akari: hirap pa malaman kung sino siryoso sa kwento:) lalo na kung ganyan:)
fatguyisme_2000: kaya nga.
maia_akari: ikaw ala balita tungkol sa yo?
maia_akari: bagong crush or something?
maia_akari: bilis di ko pagsasabi:-$
fatguyisme_2000: wala. mababaw na ang crush para sa akin. pero hindi pa ako handa para sa tunay pag-ibig.
fatguyisme_2000: bata pa ako. :)
fatguyisme_2000: hehehe
maia_akari: ano ibig mo sabihin don? bata pa rin ako no!
maia_akari: ala pa ko 20!:))
fatguyisme_2000: hindi ko naman sinasabi na matanda ka a.
fatguyisme_2000: sinasabi ko lang bata pa ako
fatguyisme_2000: depensive a. :))
maia_akari: :))
fatguyisme_2000: basta. wala akong lovelife... for now
maia_akari: ah...si pao alng ata ang meron satin...+si raj:))
maia_akari: pero ibang kaso un sa kanya:))
fatguyisme_2000: yung kay raj?
(CENSORED. Nangako akong magiging tahimik.)
maia_akari: kay emely ba may balita kayo?
fatguyisme_2000: wala e
maia_akari: ah...e si danny?
fatguyisme_2000: ako wala. ewan ko lang kay pao
maia_akari: ahaha si pao pala talaga dami alam no:))
fatguyisme_2000: oo nga e
fatguyisme_2000: alam niya yung mga tsismis diyan sa inyo
maia_akari: dito?
fatguyisme_2000: oo
maia_akari: well si crala lang ang nakakausap ko kaya ala din ako alam dun sa iba:P
maia_akari: ala naman bago k tonet e
fatguyisme_2000: kayo, walang 'crush?'
maia_akari: si ems:))
maia_akari: :-$ kilala ni gino yan
maia_akari: ahaha
fatguyisme_2000: i'll remember that... name
maia_akari: si carla ala ako alam ako lang lagi ang napapagsalita nun e...sya di sya nagsasabi:P
maia_akari: hehe daya nga e:P
fatguyisme_2000: ganyan lang talaga ang babaeng yun
maia_akari: :))
maia_akari: ay kwekwentuhan kita...:) gusto mo kung ano nangyari nung bday ko?:P
fatguyisme_2000: ano?
maia_akari: may naghanda para sakin nung bday ko...
maia_akari: kasama naming lalaki dito...
maia_akari: tas may isa pa binili din ako ng cake tas isang teddy bear...at si carla ang kasabwat nun!X-(
fatguyisme_2000: ano yun? naporma? hindi ko gets
maia_akari: hindiko rin gets:))
fatguyisme_2000: ito talaga. dapat maging sensitive sa mga pagsamo ng iba... :)) <-- (napapaka-Doctor Love)
maia_akari: sige i'll try:P
maia_akari: ang alam ko ung isa may balak ata pumorma...
fatguyisme_2000: hmmm. ganun.
maia_akari: :(
maia_akari: :-<
fatguyisme_2000: pero wala?
maia_akari: walang ano?
fatguyisme_2000: wala pang talagang nagyayari?
maia_akari: si carla kasi ang nagkacounsel dun ewan ko kung anong mngyayari nadiscourage ata:))
fatguyisme_2000: ano ba naman iyang intermediary, medyo mahina! :))
maia_akari: :))
fatguyisme_2000: baka naman dini-discourage mo din
fatguyisme_2000: hahaha
maia_akari: :)) oo nga:))
fatguyisme_2000: yun naman pala e
fatguyisme_2000: tinataboy mo ba?
maia_akari: ehehe actually alam ko un + sinasabi sakin ni crala
maia_akari: di ko naman tinataboy:) kinakausap ko pa rin
fatguyisme_2000: joke lang :)
fatguyisme_2000: anyway, gtg
fatguyisme_2000: pabati na lang kina carla at tonet
fatguyisme_2000: pabati kay carla ng happy b-day at hayaan mo, i will spank does lamok!
fatguyisme_2000: bye
Biyernes, Pebrero 04, 2005
Fine Arts Festival 2005: Rotonda
Nanood ako kahapon ng "Rotonda," ang pagpapalabas ng mga maiikling dula ng mga magtatapos na mag-aaral ng Fine Arts. Mayroon silang pitong dulang ipinalabas sa loob ng dalawang gabi. Hinati ang pagpapalabas ng mga dula, tatlo noong Miyerkules at apat kahapon ng Huwebes. Hindi ko napanood ang unang tatlong dula pero pinanood ko ang huling apat.
Pare-pareho lang halos ang set design ng mga dula. Maiintindihan iyon dahil iisa lang naman ang tanghalan. Maliban sa nagbabago-bagong mga props para sa tig-isang dula, pare-pareho lang ang background, puti.
Dahil sa lugar, Colayco Pavillion, nahirapan marahil ang mga mag-aaral na makagawa ng isang tunay na magandang sistema ng ilaw. Nagiging madilim ang tanghalan kapag gumagamit sila ng kulay kumpara kung simpelng puti lamang ang gamitin. At dahil bukas at hindi isang saradong silid ang tanghalan, hindi nagiging lubusang madilim ang tanghalan. Mapapatawad ang mga problemang ito dahil nga sa mga limitasyon ng tanghalan, lampas na sa kayang gawin ng mga nagsipagtanghal.
Ang unang dula ay pinamagatang "Something Borrowed." Isang kuwento ng magkaiba ngunit malapit na magkaibigan nagiging magkaribal sa pag-ibig. Problema ko lang sa dula ay hindi nailahad agad kung tungkol saan nga ba tagala ang dula. May tensiyon ang dalawang pangunahing mga tauhan ngunit hindi ko agad nalaman kung saan nanggagaling iyon. Pero nahuhuli naman nito ang atensiyon ng mga manonood. Sa huli na lang maiintindihan ang dula.
Ang ikalawang dula ay "Dinuguan." Umiikot ang kuwento sa mag-asawang mayroong magkasalungat na mga kagustahan ngunit pinagbubuklod ng pagmamahal. Seryoso ang dula at nakakalungkot ang kuwento na mayroong mga maiinit na eksena. Nakakapagtaka lang at may mga nakakatuwang mga sinabi at diyalogo ang mga tauhan na taliwas sa seryosong tono. Marahil kailangan lang iyon dahil maging sobrang seryoso naman ang dula at consistent naman siya.
Ang sumunod na dula ay ang "Noche Buena." Mahirap ang banghay nito dahil madaming paggamit ng mga pagbabalik tanaw. Pumapalibot sa tatlong magkakapatid na babae na nagnanais makawala sa patriyarkal na pangingibabaw ng kanilang ama. Kakaiba ang dula dahil walang direktang labanan sa pagitan ng mga tauhan maliban sa pamamaraan nila ng pagrerebelde. Pawang ang ama nila, na sa dula ay naging paralitiko, ang pawang nagbibigay direksiyon ng kanilang mga gawa. Maganda siyang dula ngunit nakakalito dahil sa di tuwirang banghay. Dito nga pala acting debut ni Yumi. (Support!)
Ang huling dula noong gabing iyon ay "The Golden Fish." Isang itong pantastiko at mala-fabulang dula ng dalawang gintong isda o goldfish. Nakakatawa at payak, mayroon siyang mga pilosopikal na mensahe. Isang maganda at simbolikong pagtingin sa buhay at pakikisama.
Sa kabuuan, maganda ang pagtatanghal ng mga dula. Sana magawa namin ng mas maganda ang susunod na FA Festival.

Miyerkules, Pebrero 02, 2005
Sa Pagitan ng Panaginip at Gising na Katotohanan
Maligayang Kaarawan Carla! Hindi ka na teenager!
***
Kaninang umaga ay umidlip muna ako. Halong pagod at antok. Sa aking paghiga ay hindi ako agad makatulog. Sa paglapit ng panaginip ay bigla-biglang babalik ang kamalayan ko sa tunog ng motor ng electric fan. Ipipikit ko muli ang aking mga mata at hahanapin muli ang nakawalang panaginip. At nahabol ko siya, ang nakawalang panaginip. Pero hindi magtatagal ay nawala ang tahimik ng panaginip. Namulat muli ako, pabalik sa tunay na mundo. Sa puntong ito, nainis na ako. Gustong malunod sa tulog, lumangoy sa panaginip. Hindi lamang matilamsikan ng sarap ng pahinga. Kaya pinilit ko pa rin na malunod, hanapin muli ang dagat ng mga panaginip. Ngunit lumaban ang panagip. Tinaboy ako ngunit hinabol ko ulit. Hanggang sa naubusan na ako ng oras, may naghihintay sa tunay mundo. Tinigil ko na ang habulan sa panaginip. Umupo ako sa kama ko. Tinanggal-tanggal ang antok sa aking kamalayan. Nagulat ako dahil parang sariwa ang aking pakiramdam. Parang nakatulog ako ng buo, na nakatikim ng isang buong gabi. Salbaheng panaginip, pinaglaruan ang buong banghay ng aking tulog.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)