Palagi na lamang akong pagod sa mga nakalipas na araw. Masakit ang ulo. Masakit ang katawan. Inaantok. Pero hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganoong kabigat ng mga trabaho. Sa totoo lang, ang dami ko ngang libreng oras e. Pero bakit? Baka siguro sa mga iniinom kong mga gamot para sa ubo at sipon. Marahil. Basta.
Huling klase kahapon para sa Theology. Naririnig ko na si Jihan, "Awwww." Haha. Pareho ang pakiramdam ko. Tunay na magaling na guro si Fr. Dacanay. Oo, strikto, madaling magalit at mababang magbigay ng grade si Fr. Pero magaling siyang magturo. Kahit na inaantok ako bago pumasok sa kanya, nagigising ako sa kanyang pagtuturo. Hindi ako nakatulog sa kanyang klase, maliban na lang sa isang beses na nagpuyat talaga ako ng maigi. Astig si Fr. Dacanay.
Huli na ring klase sa Fil 119.2 kanina. Workshop dapat pero hindi ko feel kasi nagmamadali si Sir Yapan. Sa Fil Dep kami nagklase kasi pinanood kami ni Sir ng mga anime na magandang halimbawa ng magic realism. Pero bago kami nanood ay nagworkshop nga kami. Inuna yung akin at maganda naman daw. Kulang na lang daw ng rhythm na mas babagay para sa kuwento. (Ok. Alam ko na kung ano ang gagawin.) Kailangan ko na lang na i-edit ang aking mga kuwento at ipasa ito sa Oktubre 8.
Nag-reserve na ako para sa ACP kanina. Yung tungkol sa exchange rate. Ayokong pumunta sa mga nakakapagod e. Naubos nga pala yung trip para sa San Pablo. Astig. Maraming interesado sa aking lungsod. Mabuhay ang San Pablo!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
mamimiss mo si fr dacanay? waw. ikaw lang ang narinig ko na nagsabi nyan.. haha. :D
Hindi mo naiintindihan. Hindi mo kasi siya naging guro. Basta. Nakakalungkot. :(
ehhh... kontento na ako kay locker. hehe. magaling nga si dacanay, pero baka di ko kayanin ang kanyang mga exams. hihihi..
Mag-post ng isang Komento