Kakatapos ko lang kaninang basahin ang nobelang "Thousand Cranes" na sinulat ni Yasunari Kawabata, isang Nobel Prize Laureate. Isa lang ang masasabi ko sa nobela, hindi ko siya gets. As in. Hindi ko siya gets sa isang maganda intensiyon dahil sa isang banda ay kailangan ko talagang pagtuunan ng pansin ang libro. Babasahin ko ulit siguro para lalo kong maintindihan.
Hindi naman sa wala akong nakuha mula sa nobela. Tungkol ang nobela sa malaki at malawak na epekto ng mga desisyon, pagpapasya at paggawa sa konsensiya at takbo ng buhay. Napakaiba ng reaksiyon ng mga Hapon sa mga sitwasyon kagaya ng pre-marital sex, kasal at kamatayan.
Maganda ang paggamit ni Yasunari Kawabata ng mga dialogo para ilabas ang pagkatao ng mga tauhan. Kahit na madami ang dialogo, makikita ang personalidad at katangian ng mga tauhan. Magaling din ang mga sasalaysay ng tagapagsalaysay. Gumamit ng isang ikatluhang limitadong punto de bista at hindi man lamang iyon nawala o nagbago. Consistent. Magaling. Sa ngayon ay doon ako nagkakaprblema sa aking pagsusulat, sa punto de bista.
Magaling ang pagkukuwento ng nobela pero nakakapangkamot ng ulo kung bakit ginawa ng mga tauhan ang mga ginawa nila. Masyadong tago ang intensiyon at damdamin ng tauhan na nakakapangbagot ngunit nakakapangmangha na rin.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento