Ginanap ang aking pasalitang examen sa Philo Dep. Dumating ako sa De La Costa ng mga 10:15 ng umaga ngunit 10:30 pa dapat ang aking nakatakdang oras. Kaya dumeretso na lang ako sa Philo Dep at naghintay sa mga upuan doon. Medyo kinakabahan ako. Nanlalamig ang aking kamay sa lamig ng aircon ng silid. Kinailangan kong manatiling kampante para hindi ko makalimutan ang dapat kong sabihin.
Naging matagal ang naunang kumuha ng pagsusulit. 10:40 na bago tinawag ni Sir Capili sa kuwarto. Siyam lang ang mga thesis statements na pagpipilian at kinailangan kong bumunot. Nakuha ko ay bilang sampu kaya kumuha ulit ako. Medyo malas na nakuha ko ang thesis bilang dalawa kasi hindi ako masyadong hiyang sa mga ideya ng thesis na iyon.
Maganda naman ang naging daloy ng pasalitang pagsusulit. Nasagot ko naman ng mabuti ang mga tanong ni Sir Capili at mukha namang sigurado ako sa aking mga sinasabi. Ang daming mga tinanong ni Sir. Pero na kakatuwa at parang ang bilis ng paglipas ng oras.
Hindi ako sigurado kung ano ang nakuha kong marka pero mukha namang hindi bagsak. Huling gawain para sa semestre, ang dula para sa FA 109.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
haay.. yang philo orals. humph. hehe
Mag-post ng isang Komento