Naaalala kita 'pag umuulan (Sembreak)
Naaalala kita 'pag giniginaw (Sembreak)
Naaalala kita 'pag kakain na (Sembreak)
- Sembreak by the Eraserheads
Yahoo! Tapos na ang mga gawain ko! Tapos na ang unang semestre ko! Ayos!
Kahapon ay pinasa ko na ang aking dula para sa FA 109. Ang panget ng dula. Yung lang ang masasabi ko doon. Pero dahil napasa ko na ang lahat ng requirements ko doon ay natapos ko na rin ang aking semestre. Technically, hindi pa sembreak. Pagkatapos pa dapat ng araw na ito ang opisyal na pagtatapos ng sem. Kaya iyon.
Naandito ako ngayon sa San Pablo, o kay saya. Ang sariwang hangin. Ang lamig ng tubig. Ang makulimlim na langit? Hay naku, parang kahit saan ka dito sa Pilipinas ay parang uulan. Ganyan lang talaga kapag malapit na ang Pasko.
Wala ngayon dito ang mga kapatid ko dito sa bahay. Si Mae, yung sumunod sa akin, ay nasa Maynila pa. Ewan ko kung bakit. Dapat ay tapos na rin siya sa mga proyekto at pagsusulit. Si Tetel, yung sumunod kay Mae, ay nag-eensayo para sa cheerdance ng Intrams ng Canossa. Si Tetel daw yung choreographer sabi ni Mama. Si Marol naman, yung bunso, ay nasa Laguna College at nakuha ng entrance test para sa Philippine Science High School. Pero mas gusto daw niyang pumasok sa UP Rural High School.
Kaya ito, mag-isa sa bahay at aking-akin ang DSL! Hahahaha!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
haha. ok lang kung panget yung gawa mo, favorite ka naman ni sir eh. sabi nga ni hanniel, "it's no longer my time, it's mitch's turn." hehe. naks.
wow, lahat tayo nakauwi na! :)
happy sembreak, mitch. sana mag-drama workshop ka next sem. hehe
jihan
Hindi ako payborit niya!!!
Mag-post ng isang Komento