Nakakatuwa ang ginawa naming monologue para sa Drama Seminar kanina. Binasa sa harapan ng klase ang ginawa naming monologo at bibigyan ng komentaryo ni Sir Jovi. Ok lang naman daw ang ginawa kong monologo. Kulang lang daw sa build up at konteksto para sa tauhan na ginawa ko. Nakakapagtataka nga na sinabi ni Sir na "Well written" daw ang monologo. Maniwala ako.
Sa History, hindi na makikakaila na ipinagmamalaki talaga ni Fr Arcilla ang kanyang pagiging Hesuita. Ilang beses niyang binanggit na ang mga Hesuita ay mga "good teachers, including the present" sa klase. Nakakatuwa talaga.
Malapit na ang pangalawang mahabang pagsusulit para sa Pilosopiya. Paspasan na ito.
Kakaiba ang ulan ngayon. Hindi ko alam kung aambon, bubuhos o babaha. Titingin ka sa itaas at parang ginagago ka ng mga ulap. Magbabanta ng pagbuhos tapos ay hindi tutuloy. At kung hindi mo inaasahan, walang badya, biglang bubuhos ang tubig sa langit papuntang lupa. Nakakaasar. Hindi lamang dahil wala akong magagawa para mapigil ang ulan, kundi nadudumihan rin ang bagong sapatos. Ganyan lang talaga.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
Dapat sa susunod, you should put some specific facts about the topic that your talking about!!!! Put the schools or universities which they founded or built!!!!!!
Mag-post ng isang Komento