Kakatapos ko lang ng librong The Drawing of the Three ni Stepen King, ang pangalawang libro sa The Dark Tower Series niya. Ipinagpapatuloy ng libro ang paglalakbay ni Roland papuntang Dark Tower. Ngunit ngayon kinakailangan na niyang gawin ang itinadhana sa kanya ng the man in black. Kinakailangang kunin niya mula sa nakaraan sina Eddie Dean at Odetta Holmes sa pamamagitan ng mga mahihiwagang pintuan.
Maganda ang serye dahil napakaganda ng mga tauhan ng libro. Ganoon pa rin ang misteryong bumabalot kay Roland at mga totoo, kapanipaniwala, at kaakit-akit na mga bagong tauhang sina Eddie, isang adik, at Odette/Detta/Susannah, isang babaeng may schizophrenia o DID. Maganda ang kanilang pagkatao. Dama mo sila, ang kanilang mga damdamin, kahinaan at kalakasan. Umiikot ang buong libro sa pagkuha ni Roland sa dalawa. Hindi ko masasabing maganda ang banghay pero napanatili ang atensiyon ko sa mga pangyayari dahil unpredictable ang mga pangyayari.
Naiintriga tuloy akong basahin ang susunod na mga libro ng serye.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento