Matindi ang mahabang pagsusulit kahapon. Talagang mahaba. Naka-anim akong pahina para sa isa lamang tanong. Naman kasi ang tanong eh kaya madaming pwedeng masabi. "Paano nilalampasan nina Heidegger, Marcel at Gallagher ang mga suliraning pinamana sa atin ni Descartes?" Iyon yung tanong na sinagot ko. Mukhang mas madaling sagutin eh. Problema lang ay kung tama nga ba ang aking pagkakasagot. Kahit na open notes ay nasa sarili pa rin ang pagsasagot at maaari pa ring magkamali.
Pagkatapos ng pagsusulit ay umuwi ako papuntang San Pablo. Wala kasing pasok ngayong Sabado dahil Araw ni Ninoy Aquino. Pagkarating na pagkarating ko sa condo ay dumating si Dad kasama si Mae. Nagpalit ako ng damit at sumama na sa kanila. Matagal-tagal na ring hindi nakakauwi. Sa sobrang tagal, yung isang ginagawang gas station ng Shell sa northbound ng SLEX ay napansin kong tapos na pala. Noon huli kong pagbiyahe ay hindi pa ito tapos. Ang isa pa ay iyong short cut na ginawa sa may Alaminos para mas madaling makapuntang ng San Pablo.
Magpapahinga muna ako dito. Titindi ang darating na pagtatapos ng semestre. Kailangang magpahinga. Kulang ako sa tulog. Masarap matulog.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento