May binabasa akong libro tungkol sa mga sinaunang problema ng aksidenteng paglibing sa isang tao ng buhay dahil akala ng mga tao ay patay na sila. Buried Alive ang pamagat ng libro at sinulat ni Jan Bondeson.
Ang daming nakakatuwang mga kuwento sa libro tungkol sa mga kaso ng mga nalibing na buhay. May mga kasong naligtas ang mga inakalang patay dahil sa mga magnanakaw o hindi naligtas at namatay na nang tuluyan dahil sa lungkot at kawalan ng pag-asa. Nakakatakot pero dahil maganda ang pagkakasulat niya, magmamangha ka sa mga kaganapan.
Hindi ko pa siya tapos pero masasabi kong magandang basa ito dahil, kahit na isang librong pangkasaysayan/agham, ay interesante ang pinag-uusapan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento