Nakakatuwa ang drama seminar. Ginawa akong guinea pig para sa aralin. Hinamon ang mga kaklase ko kung mailalarawan nila ang aking mga katangian ayon lamang sa aking hitsura, suot, at kung ano pang mahalata nila mula sa akin. Ang isang ipinakita ni Sir Jovi na makikita din mula sa paglalakad ang ilang katangian ng mga tao. Kung makikita kung saan ang sentro o nauunang bahagi ng katawan, iyon ang clue kung ano ang katangian niya. Halimbawa sa akin, tuwing naglalakad ako, nauuna ang aking ulo. Sabi ni sir, heady daw ako. Kung ano man ang ibig sabihin noon. Matalino? Palaisip? Ewan.
Noong papauwi na ako, may dalawang batang babae, mukhang kagagaling lamang mula sa paaralan nila, na naghintay sa lobby para sa elevator. Ang kakaiba sa dalawa ay nagsasalita sa isang kakaibang wika. Kung ano ang sinasabi nila ay hindi ko alam pero ang ingay nila. Napakakakaiba ng ginagawa nila o sinasabi nila. Isa pa ay hindi lamang sa isa't-isa sila nagsasalita ng kanila kakaibang wika, pati rin sa iba na alam ko ay hindi rin sila naiintindihan. Iwan ko kung bakit pero mukhang kulang ata ang dalawang iyon ng kaunti pansin. Kaunti lang naman.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento