Astig ng seminar kanina. Kahit na kinuha ang libreng araw na ito, sulit naman dahil madami akong natutunan mula sa mga mag-asawang dumalo at nagpahayag kanina. Astig talaga. Mga bagay na hindi mo makukuha kay Fr. Dacanay o kaya sa mga magulang mo.
Ang unang bahagi ng seminar ay napapalibot sa mag-asawa. Kung ano ang naging problema nila at kung paano nila ito inayos. Ang mag-asawang Esquivel ang dinaluhan ko. (May apat na mag-asawa na dumalo at naghati-hati ang klase para pumunta sa tig-isang pares.) Nakakatuwa silang mag-asawa, lalo na iyong si Ginoong Esquivel kasi palabiro. Natutunan ko sa kanila ay ang patitiwala sa isa't-isa, pag-uusap at pakikinig sa asawa, at pagkilala sa sarili at sa asawa mo.
Nagkaroon kami ng kaunting pahinga tapos ay naghati-hati ulit ang mga tao. Naghiwalay ang mga tao sa mga babae at sa mga lalaki, syempre nasa lalaki akong grupo. Masaya ang bahaging ito kasi puros tawanan ang nangyari. Pero madami pa rin namang napulot mula sa usapan. Kagaya ng halaga ng pagkilala sa sarili upang lumayo sa kasalanan, ang kahalagahan ng mga anak at... ehem... sex sa relasyon lalo na sa bahagi ng lalaki. Pero halos isang katlo ng usapan ay napalibot sa sex. Hehe. Wala lang.
Ikatlo ay nag-open forum ang lahat ng dumalo. Mas malalim lamang na pagtingin mula sa una at pangalawa ang nangyari.
Nagtanghalian kami pagkatapos pero kailangan naming bumalik sa paaralan para sa panapos na gawain. Dumating nga pala si David, dating blockmate. Wala lang. Sit in. Nag-usap-usap ang mga maliliit na grupo tungkol sa mga nalaman namin. Panguna para sa huling reflection paper na gagawin namin.
At ngayon ay kailangan ko nang maghanda para sa mahabang pagsusulit para sa Pilosopiya bukas. (Kagaya ng sinabi ko kahapon) Paalam, sa ngayon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
esquivel, hindi esquista :)
ok. sorry. I'll change it. not good at remembering names really. :D
Mag-post ng isang Komento