Pinanood ko kanina ang pelikulang Alien Vs. Predator sa Glorietta 4 Cinema. Ok lang siya. Magaling ang cinematography at ang special effects. Pero madaming mga problema pagkarating sa ibang mga bagay.
Ok lang ang kuwento. Maganda ang pagsasama ng dalawang magkaibang serye at interesante ang mytolohiyang binuo nila. May mga problema lang sa consistency. Kapanipaniwala naman siya bilang isang science fiction na pelikula. May mga contradictions nga rin lang kung alam mo na ang kuwento ng mga nakalipas na pelikula sa serya.
Pero ayos din ang mga labanan ng dalawang nakakatakot na Aliens. Astig. Nakakalongkot lang at kaunti lang ang mga ganitong mga eksena. More alien blood! More alien gore! Astig pa rin naman. Sa totoo lang ang mga alien naman talaga ang bida ng pelikula eh.
Hindi ito rekomendado sa para sa mga hindi sumusunod sa mga nakalipas na pelikula o kaya ay sa mga hindi pa nakakalaro sa mga video game kung saan unang lumabas ang pagkakapareha sa pelikulang ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento