Lunes, Mayo 18, 2009

Rekomendasyon para sa Hay! Men!

Dahil fan ako ng Hay! Men!, heto ang aking kontribusyon. Pero nagtataka kung bakit naging para na lamang ito sa mga invited readers.

Gabriel Garcia Marquez: Tunay na Lalake




imahen mula sa http://graphics8.nytimes.com/images/2007/03/28/books/29shiner450.jpg

Tunay na lalake si Gabriel Garcia Marquez sa madaming dahilan.

1) Dahil sa kanyang nag-uumapaw na pagkalalake at pagiging wasak na writer, gusto na siyang patayin at magretiro ng mga tao.
2) Bago pa man lumabas ang "Memories of My Melancholy Whores," pinipirata na ito sa Colombia.
3) Kahit na matanda't kulu-kulubot na, nali-link siya sa isang sexy chick na tulad ni Shakira.
4) Ayon sa Ricky Hatton Rule, ang tunay na lalake, hindi umiilag. Ang picture sa taas ay kinunan pagkatapos siyang upakan ni Mario Vargas Llosa. Obvious naman, hindi siya umilag. At bakit naman siya uupakan ni Pareng Mario? Syempre, dahil sa chick.

Mario Vargas Llosa: Under Consideration



imahen mula sa http://judeofobia.files.wordpress.com/2008/04/mario_vargas_llosa.jpg?w=331&h=449

Dahilan kung bakit hindi siya tunay na lalake:

Hindi nang-uupak ng kapwa tunay na lalake ang isang tunay na lalake para lamang sa isang chick. Ganito dapat ang magyayari sa pagitan ng dalawang tunay na lalake kapag nalaman nilang niloloko sila ng isang chick:

TnL1: Pare, nakikipagkita ka daw sa isang chick ko.
TnL2: Sinong chick?
TnL1: Hindi ko tanda ang pangalan e. (Nilarawan na lamang ang chick.)
TnL2: Siya nga iyon. Huwag na tayong makipagkita sa kanya. Hindi nagpapagago ang mga tunay na lalake sa mga chick.
TnL1: Tama. (apir.)
TnL2: Tara, maghanap na lang tayo ng chick na manlilibre sa atin ng beer.
TnL1: Alright. (chest bump)

Dahilan kung bakit siya tunay na lalake:

Kamukha niya si Rio Alma na kamukha ni Tulfo.

William Faulkner: Tunay na Lalake



imahen ay mula sa http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/9a/William_Faulkner_01_KMJ.jpg

Ang tunay na lalake, dumadalo sa sariling Nobel Prize Ceremony nang lasing.

Salman Rushdie: Tunay na Lalake




imahen mula sa http://www.evilbeetgossip.com/wp-content/uploads/2007/07/padma_salman.jpg

Tunay na lalake si Salman Rushdie sa madaming dahilan.

1) 20 taon pagkatapos siyang patawan ng kamatayan ni Ayatollah Khomeini, buhay pa rin siya. Isa itong katangi-tangi abilidad. Kung ang Amerika nga hindi nakatakas sa mga terorista...
2) Nagawa niyang magpakasal ang isang sexy chick na tulad ni Padma Lakshmi (nasa picture).
3) At pagkatapos maghiwalay kay Padma, marami na agad ang nakapilang paltan siya sa tabi ni Pareng Salman.

Jedi/Sith: Di Tunay na Lalake



imahen mula sa http://www.blogcdn.com/www.cinematical.com/media/2007/11/star-wars-series-(3).jpg

Hindi sandata ng isang tunay na lalake ang lightsaber dahil hindi ito madugo. Gayundin, mayroon itong iba't ibang kulay. Red? Blue? Violet? Ang mga kulay na iyan, kapag pinagsama-sama, ay karapat-dapat lamang para dito:



imahen mula sa http://farm2.static.flickr.com/1291/634618244_46fbe1f405.jpg?v=0

Ang sandata ng tunay na lalake, gawa sa isang mahiwagang bulalakaw na pinanday ng isang tunay na lalake:



imahen mula sa http://3.bp.blogspot.com/_nxUb2kYKSvI/SXrRgAv-aUI/AAAAAAAAPNA/C-yQEwrW6qI/s400/Ang+Panday1-colored.jpg

C3PO: Di Tunay na Lalake / R2D2: Tunay na Lalake



imahen mula sa http://www2.pictures.fp.zimbio.com/23rd+Annual+American+Cinematheque+Awards+Honoring+Rrtk2PckcsEl.jpg

Kay R2D2:

1) Kahit na hindi nagsasalita ng tunay na wika, digs pa rin siya ng mga tao.
2) Ilang Starship/Death Star na ba ang tinulungan niyang pasabugin, ha?

Kay C3PO

Kay Goldust lang bagay ang gold.

3 komento:

baogka ayon kay ...

diiiiigs!

namputsa naging asawa talaga yan ni rushdie? wasaaaak!

CMC ayon kay ...

Wasak na wasak talaga! Kaya idol siya ng maraming tao.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

HayMen says goodbye but left 5 bastards:

1) Digs! Tunay na Lalake
2) Tigas Lang
3) Ha! Gays! Tunay na Lalakwe
4) Tunay na Babae
5) Hey! Veyklas!