Linggo, Abril 27, 2008

Official TXTM8RS Inuman Lexicon

Bukas na ako magsusulat tungkol sa Iyas Workshop. Sa ngayon, iiwan ko na lamang kayo ng lexicon na ginawa namin upang hindi maging obvious sa aming lasingan.

Load – alak/alcohol

Magload – tumagay

Dial – chaser

Magdial – uminom ng chaser

Text – pulutan

Deadbat – nagsuka

Lobat – tahimik

Charging – tulog

Cell site – inuman/lugar

No network coverage – walang mahanap na lugar

Line – free flowing alcohol

Pasa-load – tagay nang kaunti

All text – puro pulutan

Speed dial – matakaw sa chaser

Missent – naitagay sa mali

snatch - biglang nawala/maagang aalis

“wer n u” – “nasaan na ang tagay?”

“d2 n me” – “narito ang tagay”

sun – gin

globe – grand matador/hard

smart – san mig/beer

vodafone – wine

Walang komento: