Martes, Enero 10, 2006

"Hindi ko kasi naramdaman ang vibrator, e."

Noong 1230 nang hapon, pumunta ako sa FA painting room. Nakatambay doon sina Jace, Jihan, Edlyn, at Geopet. Agad tinanong ni Jace kung nabigyan ko na ba si Monette ng isang libo para sa mga posters. Pero wala siyang sinasabi sa akin. Kaya napakunot ako. Tinext daw niya ako. Kaya noong tingnan ko ang cellphone ko, meron akong tatlong mensahe mula iba't ibang mga tao, kasama na yung kay Jace. Hindi ko napansin. Dahilan ko, at binanggit ko ito nang malakas sa harap ng mga tao, "Hindi ko kasi naramdaman ang vibrator, e." At, obviously, nagtawanan ang mga tao. (Mga green minded kasi.) Kaya dinahilan ko, "Di ba, kapag tinanggal mo yung bagay na nagva-vibrate sa loob ng cellphone, vibrator yun." (Yeah, ang galing mong magpaliwanag, Mitch.) May mas nakakatawang nangyari pero hindi ko na maalala nang buo. Edlyn, ikaw na lang magkuwento. :D

Walang komento: