Gumising ako ng alas sais ng umaga kanina para sa dalawang oras na paglalakbay papuntang Ateneo. Kasama ko sa pagbiyahe si Mae, kapatid ko, kasi kukunin din niya ang mga marka niya sa San Beda. Umalis kami ni Mae ng mga alas syete ng umaga. Ang plano ay una muna akong pupunta ng Ateneo, kukunin ko ang mga marka at regform bago kami magpatuloy papuntang San Beda.
Nakakabagot mag biyahe. Ang trapik pa kanina. Asar. Mga alas nueve y medya na nang makarating kami sa Ateneo. Mukhang marami nang nakakuha ng kanikanilang mga grado. Dalian akong pumunta sa Cov Courts, tinuro ko muna kay Kuya Adong, yung nagmaneho para sa amin, kung saan ang paradahan ng mga kotse. E nasa ISO pa naman iyon. Ang layo mula sa Cov Courts.
Madali lang ang pagkuha ng regform at grado. Wala pang sampung minuto. Pero hindi pa kumpleto ang mga marka ko, wala pa yung sa Malikhaing Pagsulat, kaya punta akong De La Costa para hanapin si Sir Alvin.
Pagkatapos kong kunin ang aking marka mula kay Sir Alvin, hinikayat niya akong magpatuloy sa pagsusulat na nakakapang lakas ng ego, ay dumeretso na ako papuntang paradahan para makapunta na sa San Beda. May kalayuan din iyon.
Malas lang at trapik pa. Inabot kami ni Mae ng tanghalian sa San Beda. Pero nakuha naman ni Mae ang kanyang mga grado. Pasado siya sa lahat! Pagdating kasi kay Mae, hindi namin alam kung pasado nga ba o hindi. Pero natutuwa naman ako.
Pagkatapos ng tanghalian ay dinaanan namin ang condo ni Mae, kinuha ni Mae yung stylus ng kanyang cellphone. At dumiretso na rin kami sa nauumuwi balik ng San Pablo.
Pag-uusapan ko pa ang mga grado ko? Ipagyayabang ko ba ang nakuha kong A sa Malikhaing Pagsulat, B+ sa Pilosopiya, at B sa History? Pag-uusapan ko pa ba ang damdamin ko sa nakuha kong C+ sa Drama Seminar? Ibubunyag ko pa ba ang halong tuwa at puot sa nakuha kong D sa Teolohiya? Hmm. Huwag na lang. Basta nakakuha ako ng 2.8 na QPI, pinakamatas kong semestral QPI sunod sa QPI ko noong unang semestre ng aking ikalawang taon.
Sana ay maging maganda rin ang darating na semestre para sa akin at para sa lahat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
3 komento:
Bumagsak ako sa theo. Saya 'no? Alam mo ba kung nagbibigay sila ng theo 131 pag summer?
Hindi ko alam kung may theo131 sa summer. Baka. Marahil. Kung meron, nagtuturo kaya si Fr Dacanay ng summer? hehe. Alam ko meron next sem na th131.
may nagsabi na sa akin na may th 131 lang sa summer for JTA (whatever that means)...at ang teacher ay si dacanay...no way! this sem na lang ako mag th-theo...
Mag-post ng isang Komento