Martes, Agosto 31, 2004
Pagmamasid, Usapan, at Ulan ng Pilipino
Kanina, sa pilosopiya, ay nagkaroon ng diskurso tungkol sa PDA at pre-marital sex. Kakaiba kung pag-iisipan kasi hindi ito yung mga bagay na pag-uusapan sa pilosopiya. Pero may praktikal na aspekto ang usapan. Gustong malaman ni Ginoong Capili kung katanggap-tanggap nga ba ang dalawang ito sa amin. Karamihan ng mga sagot ng mga kaklase ko ay puro "Oo" o "Ok lang, basta hindi nakakasama o nakakasakit o nakakaapekto sa iba." Hindi ako sumasang-ayon dito kasi mahirap gumawa ng mga aksyon na hindi na kakaapekto sa iba. Masyadong makasarili na isipin natin na, "Eh hindi naman nakakaapekto sa iba ang ginagawa ko." Pero iyon na nga ang mali doon. Mahirap gumawa ng mga bagay na hindi nakakaapekto sa iba. Kahit na anong gawin natin ay may-epekto ito sa iba. Kahit nga wala tayong gawin ay nakakaapekto sa iba. Masyadong makasarili ang tayo ngayon. Huwag sana nating isipin na hindi mahalaga ang gagawin natin, gaano man ito kaliit, para sa iba. Sa ating mga karanasan, mahirap hindi makabangga o makihalubilo sa iba na hindi makakaabala o makakabuti sa iba o sa atin.
Sa punto ng pre-marital sex, ang opinyon ng iba ay "basta alam nila ang ginawa nila, ang mga consequence nito sa kanila. ayos lang ito." Ang paniniwala ko dito, oo nga, alam nila kung ano ang ginagawa nila pero handa ba sila sa mga maaaring mangyaring hindi sila handa sa kanilang gagawin. Madaling sabihin na, "Alam ko ang ginagawa ko" kaysa "Handa ako sa mangyayari." O masyado lang ba akong konserbatibo? Ewan.
Maganda ang pag-uusap na iyon kanina dahil, ayon sa gusto ipakita ni G. Capili, ang mga opinyon na iyon ay hindi lamang nanggagaling sa amin kung hindi ito ay namana at mayroong pinanggalingan sa ating kasaysayan. Na mayroong mga kaalaman at paniniwala na mananatili sa lipunan o mga bagay at tao na nagdala at binago ang daloy na kasaysayan at nasa amin, o ilan sa amin, ang maaaring makapagbago ng kasaysayan.
Mapagbiro ang ulan ng Pilipinas, kagaya ng sinasabi ko noon pa. Binibiro ka, tinutukso ka. Aambon ng kaunti. Tapos hindi. Tapos aambon. Tapos, ayan na, umuulan na. Parang hindi mapakali. Pabago-bago. Kaya siguro, pagminsan, ay sana na ang Pilipino sa pagbabago kung ano man ito. Mga nakakaaliw na banda o sayaw ay tinatanggap agad natin. At kung namalayan nating hindi pala ito ganoon kaayaaya ay isinasaisang natin. Parang ulan. Katanggap-tanggap lang na mabasa dahil "ganyan lang talaga."
Lunes, Agosto 30, 2004
Kaarawan, Simba at Pangalawang Mahabang Pagsusulit
Dahil nga kaarawan ko ngayon, nagsimba ako sa chapel ng Ateneo kaninang tanghali. Unang beses kong sumimba sa chapel, si Fr. McNamara pa ang pari kanina. Nakakainis lang na madaming nagbababang mga kotse na dumadaan malapit sa chapel. Pero ok na rin.
Ang swerte ko rin naman dahil mayroon akong mahabang pagsusulit para sa teolohiya kaninang alas kwatro hanggang alas sais sa Eschaler Hall. Ang saya ng kaarawan ko talaga. Kinakailangan kong makakuha ng 2 o C sa pagsusulit! Sige na Fr. Dacanay, kaarawan ko naman. Ibigay nyo po sana akin ang aking kahilingan sa kaarawang ito.
Pero ayos na rin ang kaarawan na ito. Nararapat na pagpasalamatan.
Linggo, Agosto 29, 2004
Alien Vs. Predator
Ok lang ang kuwento. Maganda ang pagsasama ng dalawang magkaibang serye at interesante ang mytolohiyang binuo nila. May mga problema lang sa consistency. Kapanipaniwala naman siya bilang isang science fiction na pelikula. May mga contradictions nga rin lang kung alam mo na ang kuwento ng mga nakalipas na pelikula sa serya.
Pero ayos din ang mga labanan ng dalawang nakakatakot na Aliens. Astig. Nakakalongkot lang at kaunti lang ang mga ganitong mga eksena. More alien blood! More alien gore! Astig pa rin naman. Sa totoo lang ang mga alien naman talaga ang bida ng pelikula eh.
Hindi ito rekomendado sa para sa mga hindi sumusunod sa mga nakalipas na pelikula o kaya ay sa mga hindi pa nakakalaro sa mga video game kung saan unang lumabas ang pagkakapareha sa pelikulang ito.
Sabado, Agosto 28, 2004
Paglitaw, Klase, Ang Romansa ni Magno Rubio
Kakaiba sa workshop kanina para sa Fil 119.2. Ako at si Gizmo, kaklase ko sa nabanggit na klase, ang palaging nagbibigay ng mga kumento sa mga kuwento ng iba. Parang walang hilig ang iba. Parang ako lang ang nagsasaya sa klase. (Ang sama ko talaga.)
Pinanood ko kanina ang dulang Ang Romansa ni Magno Rubio sa CCP. Mahaba ang biyahe, kaya umalis ako pagkatapos na pagkatapos ng klase para sa Fil 119.2. Pero nakarating ako ng maaga sa CCP kaya inikot ko muna ang labas ng CCP para makita ko kung ano nga ba ang hitsura nito. Maraming mga kurba ang gusali at tunay naman na kaakit-akit ito, kahit na medyo luma na nga siya.
Umiikot ang dulang Ang Romansa ni Magno Rubio sa buhay ng limang manggagawa sa isang plantasyon sa California noong 1920's - 1930's. Isa sa kanila ay si Magno Rubio, isang tapat na tao, na umiibig sa isang Clarabelle, kanyang pen pal, na mula sa Arkansas. Lahat ay ginagawa ni Magno para lamang mapaakit sa kanya si Clarabelle. Itong si Clarabelle naman ay akalang isang taga-Timog Amerika si Magno. Nag-iipon si Magno ng pera para makapagbigay ng mga magagarang regalo sa kanyang nililigawan. Ang mga kasama naman niya ay tumutulong o kaya ay humahadlang sa mga ginagawa ni Magno.
Maganda ang dula. Ipinapakita ang paghihirap ng mga naunang Pilipino sa Amerika upang makakuha ng magandang buhay. Ganoon din ang natural na katangian ng mga Pilipino na maging puno ng pag-asa at kaligayahan, isang katangian na makikita kay Magno at sa iba pa. Mayroon ding komentaryong kolonyal laban sa Amerika at kung paano naabuso ang mga manggagawa. Mga palaging madungis ang mga manggagawa at pagod mula sa trabaho.
Mahusay ang set design. Parang mga nakakulong ang mga aktor sa likod ng mga wires na nangunguna sa kanila. Hindi pantay ang background para maipakita ang squatter na pamumuhay ng mga tauhan.
Magaling ang pag-arte ng mga aktor. Ramdam mo ang mga tauhan mula sa kanila. Problema lang ay ang mabilis na pagsasalita ng mga aktor. Kung naayos kaagad iyon, sana mas naging katuwa-tuwa ang dula.
Maraming mga nakakatwang mga eksena sa dula. Mga green jokes at matalinong mga pasalita. Nakakatwa ang mga sagot ni Clarabelle kay Magno. At ang mga pagpapanggap ng mga tauhan na maging Amerikano parang katulad ng ibang mga Pilipino diyan na kalabaw ang Ingles. Pinagsasama ng dula ang mga nakakatwang katangian ng mga Pilipino at Amerika. Problema lang ay may mga panahon ng pagbagal dula o kaya ay kawalan ng paghahanda para sa susunod na eksena. Marahil, galing kasi ang dula mula sa maikling kuwento kaya hindi nito makuhang magkaroon ng banayad na pacing.
Epektibo naman ang ilaw at tunog. Ang mga kanta naman ng dula ay acapella at ang ilaw nagbibigay ng mga magagandang mga anino.
Nakakaengganyo ang dula. May puso. May diwa. May pag-asa. Iyon ang Romansa ni Magno Rubio.
Huwebes, Agosto 26, 2004
Ulit
Ngayon ko lang natandaan na inaasahan na ni Fr Arcilla ang panahong ganito. Galing talaga ni pader.
Miyerkules, Agosto 25, 2004
Suspended
Lunes, Agosto 23, 2004
YM Conversation 3 at Tambay
sleepingleb: yo!
fatguyisme_2000: hello
sleepingleb: watya doin?
fatguyisme_2000: check lang lang ng email at nakikipag-chat dito kay raj
sleepingleb: sorry somthin went wrong
sleepingleb: what was it again?
fatguyisme_2000: check lang lang ng email at nakikipag-chat dito kay raj
fatguyisme_2000: napansin ko nga
sleepingleb: ah...
sleepingleb: ano id ni raj?
fatguyisme_2000: silver_feather2002
sleepingleb: thanks
fatguyisme_2000: you're welcome :)
sleepingleb: wag mo sabihin k raj kung sino ko ha?
fatguyisme_2000: ok
fatguyisme_2000: ;)
sleepingleb: what ya doin na?
fatguyisme_2000: basa lang mga balita sa cnn
fatguyisme_2000: ikaw?
sleepingleb: la lang~
sleepingleb: ~o)
fatguyisme_2000: ok :D
fatguyisme_2000: nakita mo na ang canossiana?
sleepingleb: ang pangit!
fatguyisme_2000: mali pa ang birthday ko... 8-
sleepingleb: ows? ano nakalagay? uy, malapit na~
fatguyisme_2000: imbis na 1986, 1985 hehe :)
fatguyisme_2000: malas naman may test ako sa aug 30
sleepingleb: musta na cna dustin?
fatguyisme_2000: bakit? hindi ko alam...
sleepingleb: ah oo nga...
sleepingleb: ngek~
sleepingleb: wawa ka naman may labor ka pa
fatguyisme_2000: kailangan ko pang mataas sa test na iyon kasi bumasak na
ako sa unang long test eh... :((
sleepingleb: di ba nanliligaw si dustin?
fatguyisme_2000: what?
fatguyisme_2000: akala ko iba?
fatguyisme_2000: :-/
sleepingleb: ow? sabi ni arthur eh
fatguyisme_2000: alam ko may ibang nanliligaw kay tetel...
fatguyisme_2000: aba
fatguyisme_2000: madami pala :-O
sleepingleb: sino?
fatguyisme_2000: hindi ko tanda ang pangalan
sleepingleb: eh~ tuwa naman~
fatguyisme_2000: bakit ako matutuwa? :-S
sleepingleb: ikaw hinde~ kasi talagang masakit sa ulo yan pero nakakatuwa naman dalaga na si tetel... :P
sleepingleb: ciao na~ next time na lang got clas
sleepingleb: ciao!
fatguyisme_2000: bye fatguyisme_2000: see ya
... Napapailing na lamang ako sa mga ganyan. Lalabas ang pagka-kuya ko niyan eh. Hay, nagbabago na ang panahon at sitwasyon.
Kanina ay tumambay ako sa may Gonzaga kasama ang mga nakuha ng Poetry at Directing. Usap-usap lang. Nakakatuwa. Matagal na ding hindi nakakasama ang iba. Naikot ang mga usapan sa proyekto, dula, aralin, weblog, at pati na rin mga karanasan sa mga bading. (panalong-panalo ang kay Hanniel!) Hay, nakakatuwa.
Oo nga pala, ang sarap ng Turkey SPAM. Tikman ninyo. Ang sarap.
Linggo, Agosto 22, 2004
Nakita ko itong pakalat-kalat sa bahay. Hindi ko tanda kung ano ang iniisip ko dito. Marahil ay nagpapa-cute lang ako.
Posted by Hello
Linggo, Pagkain, at Talo
Isa pang bagay, nakakuha ako ng maraming pagkain mula sa malaking kaban ng bahay. Nagdala ako ng bigas at delatang sardinas, SPAM, at corned beef. Importante sa akin ito kasi, una, para makatipid at, pangalawa, nagsasawa na ako sa fastfood.
Natalo ang Ateneo kanina. Oh well.
Sabado, Agosto 21, 2004
Long Test at Uwi
Pagkatapos ng pagsusulit ay umuwi ako papuntang San Pablo. Wala kasing pasok ngayong Sabado dahil Araw ni Ninoy Aquino. Pagkarating na pagkarating ko sa condo ay dumating si Dad kasama si Mae. Nagpalit ako ng damit at sumama na sa kanila. Matagal-tagal na ring hindi nakakauwi. Sa sobrang tagal, yung isang ginagawang gas station ng Shell sa northbound ng SLEX ay napansin kong tapos na pala. Noon huli kong pagbiyahe ay hindi pa ito tapos. Ang isa pa ay iyong short cut na ginawa sa may Alaminos para mas madaling makapuntang ng San Pablo.
Magpapahinga muna ako dito. Titindi ang darating na pagtatapos ng semestre. Kailangang magpahinga. Kulang ako sa tulog. Masarap matulog.
Biyernes, Agosto 20, 2004
CNN.com - Church says girl's communion not valid - Aug 19, 2004
Bakit naman ganoon? Ang isang sakramento ay hindi lamang isang ritual na ginagawa. Isa itong pananampalataya. Kung hindi ka naniniwala, walang kwenta rin naman ang sakramento. Pagkakaintindi ko sa TH131 na ang isang sakramnto ay hindi lamang isang ritual kundi isang pakikisama ng isang Kristiyano sa Panginoon at isang tanda ng kanyang lubos na paniniwala sa Diyos. Pero napakahalaga ba kung ano ang gagamiting sangkap ng sakramento? Parang masyado namang binibigyang halaga ang ritual kumpara sa buong pusong pananampalataya. Tama ba iyon?
Huwebes, Agosto 19, 2004
Seminar at Paghahanda
Ang unang bahagi ng seminar ay napapalibot sa mag-asawa. Kung ano ang naging problema nila at kung paano nila ito inayos. Ang mag-asawang Esquivel ang dinaluhan ko. (May apat na mag-asawa na dumalo at naghati-hati ang klase para pumunta sa tig-isang pares.) Nakakatuwa silang mag-asawa, lalo na iyong si Ginoong Esquivel kasi palabiro. Natutunan ko sa kanila ay ang patitiwala sa isa't-isa, pag-uusap at pakikinig sa asawa, at pagkilala sa sarili at sa asawa mo.
Nagkaroon kami ng kaunting pahinga tapos ay naghati-hati ulit ang mga tao. Naghiwalay ang mga tao sa mga babae at sa mga lalaki, syempre nasa lalaki akong grupo. Masaya ang bahaging ito kasi puros tawanan ang nangyari. Pero madami pa rin namang napulot mula sa usapan. Kagaya ng halaga ng pagkilala sa sarili upang lumayo sa kasalanan, ang kahalagahan ng mga anak at... ehem... sex sa relasyon lalo na sa bahagi ng lalaki. Pero halos isang katlo ng usapan ay napalibot sa sex. Hehe. Wala lang.
Ikatlo ay nag-open forum ang lahat ng dumalo. Mas malalim lamang na pagtingin mula sa una at pangalawa ang nangyari.
Nagtanghalian kami pagkatapos pero kailangan naming bumalik sa paaralan para sa panapos na gawain. Dumating nga pala si David, dating blockmate. Wala lang. Sit in. Nag-usap-usap ang mga maliliit na grupo tungkol sa mga nalaman namin. Panguna para sa huling reflection paper na gagawin namin.
At ngayon ay kailangan ko nang maghanda para sa mahabang pagsusulit para sa Pilosopiya bukas. (Kagaya ng sinabi ko kahapon) Paalam, sa ngayon.
Miyerkules, Agosto 18, 2004
Consultation at Amadeus
Pinanood ko ang pelikulang Amadeus at isa itong tunay na klasiko. Tungkol ang kuwentong ito sa buhay ni Wolfgang Amadeus Mozart, na ginanmpanan ni Tom Hulce, sa punto de bista ni Antonio Salieri, ma ginagampanan ni F. Murray Abraham. Umiikot ang kuwento tungkol sa pagkamuhi ni Salieri kay Mozart dahil naiinggit siya sa pambihirang kagalingan ni Mozart.
Maganda ang set at ang acting ay magaling lalo na sa ginawa ni Hulce at Abraham. Dama ko ang tambalan ng mga damdamin na nasa loob ni Salieri.
Magaling din ang musika. Siyempre, Mozart. Pero ang mga mang-aawit na sumasabay sa mga musika ni Mozart ay napakagaling. Nararapat na sumabay sila sa klasikong musika ni Mozart.
Kakaiba ang pelikula. Namangha ako sa galing ni Mozart. At sumang-ayon ako kay Salieri, ang milagroso nga talaga ang musika ni Mozart at isang tunay na alagad ng Diyos.
Martes, Agosto 17, 2004
Monologue, Hesuita, Paghahanda at Ulan
Sa History, hindi na makikakaila na ipinagmamalaki talaga ni Fr Arcilla ang kanyang pagiging Hesuita. Ilang beses niyang binanggit na ang mga Hesuita ay mga "good teachers, including the present" sa klase. Nakakatuwa talaga.
Malapit na ang pangalawang mahabang pagsusulit para sa Pilosopiya. Paspasan na ito.
Kakaiba ang ulan ngayon. Hindi ko alam kung aambon, bubuhos o babaha. Titingin ka sa itaas at parang ginagago ka ng mga ulap. Magbabanta ng pagbuhos tapos ay hindi tutuloy. At kung hindi mo inaasahan, walang badya, biglang bubuhos ang tubig sa langit papuntang lupa. Nakakaasar. Hindi lamang dahil wala akong magagawa para mapigil ang ulan, kundi nadudumihan rin ang bagong sapatos. Ganyan lang talaga.
Lunes, Agosto 16, 2004
The Village
Biyernes, Agosto 13, 2004
Platoon at Consultation
Sa totoo lang, ang pelikula ay hindi lamang pumapalibot kay Chris kundi pati na rin sa mga sarhento niyang sina Sgt. Elias, na ginampanan ni William Dafoe, at Sgt. Barnes, na ginampanan ni Tom Berenger. Maganda ang pagpapakita ng alitan o tambalan sa pagitan ng dalawang sarhento. Dahil sa kanilang kaibahan ay nahahati ang kumpanya na kinabibilangan ni Chris sa pagitan ng dalawa. Kaya imbes na awayin ang kalabang sundalo ng Hilagang Vietnam ay nag-aaway din ang mga taga-sunod ng dalawang sarhento.
Realistiko ang pelikula. Hindi lamang puro labanan at patayan ang pelikula. Ipinapakita din ang mga karanasan nila sa mga kampo kung wala sila sa gubat. Ipinapakita kung paano naglilibang ang mga sundalo sa kanilang libreng oras, uminom man ng alak o kaya ay humithit ng marijuana.
Maganda ang pag-arte nina Dafoe at Berenger. Mukha talagang palaging bangag si Dafoe at mukhang siga si Berenger. Maganda rin ang mga sumusuportang tauhan at aktor ng pelikula. Hindi agad napansin pero kasama pala si Jhonny Depp sa pelikulang ito. Pakiramdam ko naman ay parang hindi bagay si Charlie Sheen bilang sundalo, pero ganoon lang talaga ata ang kailangan para maipakita din na hindi bagay ang tauhang si Chris doon sa digmaan.
Magandang pelikula. Nararapat na makakamit ng Acadamy Award.
Kanina naman ay nagkunsulta ako kay Fr. Dacanay para sa aking mahabang pagsusulit, hindi kasi maganda ang naging resulta. Pinaalalahanan lang naman niya ako na hindi ko na mababago ang resulta at kailangan kong galingan sa susunod. Ok lang naman. Walang problema sa akin iyon.
Huwebes, Agosto 12, 2004
Guinea Pig at Weird Talk
Noong papauwi na ako, may dalawang batang babae, mukhang kagagaling lamang mula sa paaralan nila, na naghintay sa lobby para sa elevator. Ang kakaiba sa dalawa ay nagsasalita sa isang kakaibang wika. Kung ano ang sinasabi nila ay hindi ko alam pero ang ingay nila. Napakakakaiba ng ginagawa nila o sinasabi nila. Isa pa ay hindi lamang sa isa't-isa sila nagsasalita ng kanila kakaibang wika, pati rin sa iba na alam ko ay hindi rin sila naiintindihan. Iwan ko kung bakit pero mukhang kulang ata ang dalawang iyon ng kaunti pansin. Kaunti lang naman.
Miyerkules, Agosto 11, 2004
Panaginip, Isa pang YM Conversation, at Condolences
Nagising na ako. Alas nuebe y medya na. Tumayo ako at ginising ko pa ang ajing sarili para mawala ang antok. Tumayo ako at binuksan ang computer. Nag-internet. Lo and behold, nag-YM si Carla sa akin, ulit. Mayroon ba akong psychic ability? Ewan.
sleepingleb: yo!
fatguyisme_2000: hello
sleepingleb: :-P
fatguyisme_2000: :-P ka din
sleepingleb: aa, :)
fatguyisme_2000: :D
fatguyisme_2000: anong gawa mo?
sleepingleb: paper, news article for two devcom subjects, reaction and position paper for eng2, and magcacatalogue pa mamaya
fatguyisme_2000: ok :D ang dami
sleepingleb: tama
fatguyisme_2000: ako ay gagawa lang monologue at hanap ng topic para sa theology... :D
sleepingleb: at lesat di mo kelangan magresearch ng sangkaterba
fatguyisme_2000: kaya nga. masaya ako. :)
sleepingleb: daya!
sleepingleb: have you heard of ems' dad?
fatguyisme_2000: yeah
sleepingleb: uwi kaya xa dis saturday sa kanila?
sleepingleb: gusto ko sana puntahan sila dun
fatguyisme_2000: hindi ko lang alam.
sleepingleb: uwi ka ba sa sat?
fatguyisme_2000: hindi. may class ako ng sat eh
sleepingleb: ah, kasi pag-uuwi si ems ay pupunta kami ni mara sa kanila
sleepingleb: neiwayz thanks for the chat
sleepingleb: gtg
fatguyisme_2000: bye
sleepingleb: bye~
Hmm, medyo masama ang loob ko na hindi nga ako makakapunta kina Emely dahil sa mga klase ko. Condolences, Emely.
Libing ng Buhay
Ang daming nakakatuwang mga kuwento sa libro tungkol sa mga kaso ng mga nalibing na buhay. May mga kasong naligtas ang mga inakalang patay dahil sa mga magnanakaw o hindi naligtas at namatay na nang tuluyan dahil sa lungkot at kawalan ng pag-asa. Nakakatakot pero dahil maganda ang pagkakasulat niya, magmamangha ka sa mga kaganapan.
Hindi ko pa siya tapos pero masasabi kong magandang basa ito dahil, kahit na isang librong pangkasaysayan/agham, ay interesante ang pinag-uusapan.
Sabado, Agosto 07, 2004
Street Rap
Mapapangiti ako, siyempre. At kung wala akong paki, siguro ay tatawa na rin ako. Sobrang kakaiba ng nangyari kanina ay parang matatalapid ako. Hindi ko alam kung bangag ang batang lalaking iyon o talagang wala siya magawa. Hindi naman ako nainsulto dahil sobrang nakakatuwa at bano ng nangyari.
Katay
... Pero ok lang. Inaasahan ko naman iyon kasi hindi ganoong kaganda ang pinaghandaan ang kuwento ko. Mga problema sa detalye, pacing, consistency, at neccesity. Mabuti naman kasi baka ang mga problemang ito ay hindi mapansin.
Basta, gagalingan ko sa susunod!
Martes, Agosto 03, 2004
The Drawing of the Three
Maganda ang serye dahil napakaganda ng mga tauhan ng libro. Ganoon pa rin ang misteryong bumabalot kay Roland at mga totoo, kapanipaniwala, at kaakit-akit na mga bagong tauhang sina Eddie, isang adik, at Odette/Detta/Susannah, isang babaeng may schizophrenia o DID. Maganda ang kanilang pagkatao. Dama mo sila, ang kanilang mga damdamin, kahinaan at kalakasan. Umiikot ang buong libro sa pagkuha ni Roland sa dalawa. Hindi ko masasabing maganda ang banghay pero napanatili ang atensiyon ko sa mga pangyayari dahil unpredictable ang mga pangyayari.
Naiintriga tuloy akong basahin ang susunod na mga libro ng serye.
Lunes, Agosto 02, 2004
Isang Lunes na Wala Lang
Nakakapagtaka dahil sa nakalipas na mga araw (o linggo?) wala akong pinaggagawa kundi magbasa at magsulat ngunit inaantok ako. Bakit kaya? Wala lang.
Noong nalipas na weekend ay nagrereklamo si Dad sa kanyang natubong wisdom tooth. Kung hindi ninyo alam masakit iyon. "Parang tinuturok ang gilagid, panga, at utak mo ng sabay-sabay," ayon sa kanya. Ngayong Lunes na ito ay dapat pinapabunot niya iyon. Ok na kaya siya? Wala lang.
Oo nga pala. Naka-4 ako sa quiz para sa teolohiya. Wala lang. Hahaha.