Miyerkules, Abril 04, 2007

Palaisipan

Ngayong hindi ako nakapasok sa Iyas (congrats nga pala kay Nikka, siya ang gustong-gustong makapasok sa isang workshop ngayong tag-init bilang "pahinga". :D) pag-iisipan ko kung mag-e-enrol ako ngayong tag-init. Sa ngayon kumikiling akong hindi na muna. May isang required na klaseng offer ang Kagawaran. Mukhang interesante ang kuwentong pambata na kursong offer pero hindi buo ang loob kong magsulat ng kuwentong pambata. Ewan ko ba parang napakahirap. Mag-enrol kaya ako o hindi? (Kayo, anong sa tingin ninyo?) Parang gusto ko ring gawin yung gagawin ni Kakoi na magbasa at magsulat. Maglakad-lakad na rin siguro ako sa San Pablo bilang exercise/meditasyon bagaman magiging mahirap iyan kung mainit. (Hindi ako ma-jogging na tao, mas gusto kong maglakad.)

Yun lang. Congrats nga pala sa mga bagong graduate at belated happy birthday kay Kael. :D

1 komento:

mdlc ayon kay ...

salamat sa pagbati, p're. ako mag-eenrol ako pero baka electives muna dahil hindi ko masyadong ride ang mga innooffer sa kagawaran. (at baka ma-joseph overdrive ako kapag kinuha ko pa 'yung required, 'yung mapanuring kasaysayan 'ata 'yun. siya raw ang magtuturo, e.)

anyway, ayun-- may mga magandang inooffer sa philo (kursunada ko yata 'yung crises in contemporary reason na seminar course) at sa english dept (may cultural studies ek na ituturo si max pulan). pinagpipilian ko pa kung alin. o baka pareho. ewan pa. basta.

sa ngayon, sulat muna. sige sige.