1.
Noong Huwebes, pumunta kami sa Tagaytay dahil sa conference ng mga doktor, yung sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS). Hindi naman talaga pumunta sa mga kung ano mang aktibidad si Mama. Dinahilan lang namin iyon para pumuntang Tagaytay. Marami ngang mga ahente ng iba't ibang pharmaceutical companies ang gustong "makipagkita" (i.e. mam-blow-out/manlibre ng kung ano man) kay Mama. Weird lang dahil sinipon si Mama.
2.
Pumunta ako kina Aina kanina dahil may handaan sa kanila. Birthday kasi niya bukas. (Happy Birthday, Aina!) Karamihan ng mga kaibigan noong hay-iskul ay hindi nakapunta dahil may iba pang mga pinuntahan. Kaming tatlo lang ni Lourdes at Tonet ang nakapunta. Nabusog din ako doon.
3.
Tuwang-tuwa ang kapatid kong si Tetel dahil naging DL ulit siya. Akala niya'y hindi siya mapapalista dahil sa kinapos ang grade niya. Pero tumaas naman ang grade niya sa mababa niyang grade na klase dahil nag-curve ang guro para sa mga pasang-awang minalas lang sa unang kalkulasyon. Kaya ayun, buong first year niya'y DL siya. Mas magaling ang performance niya kumpara sa ginawa ko noong first year ako (na kamuntikan na aking bumagsak sa English at ma-kick-out sa Ateneo). Ayos.
Oo nga pala, Batch Rep din nga pala siya ng student council nila sa La Salle. "Kapal ng mukha!" biro ni Mama. Kaya wala siya ngayong halos bakasyon dito sa San Pablo. Nasa Maynila siya ngayon para sa leadership training nila.
4.
Si Angelica Jones ay tumatakbong board member ng Laguna. Hindi ako nagbibiro. Boto na!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento