Bilang pagdiriwang ng UNESCO International Day of the Book, ibabahagi ko ang ilan sa mga paburito kong nabasang nobela. Walang ranggo ito. Kung ano lamang ang maalala ko agad o nagkaroon ng dating sa akin.
1. Etsa-Puwera ni Jun Cruz Reyes - Isa sa pinakamahalaga, marahil ang pinakamahalaga, na nobelang nakasulat sa Filipinong naisulat noong dekada 90. Isa sa mga nobelang nagpasimuno sa pagkahumaling ko sa kasaysayan.
2. My Sad Republic ni Eric Gamalinda - Isa sa mga pinakamaganda nobelang naisulat tungkol sa Rebolusyong Filipino.
3. Midnight's Children ni Salman Rushdie - Isa sa mga nobelang parehong nagpatawa at muntik nang nagpaiyak sa akin.
4. One Hundred Years of Solitude ni Gabriel Garcia Marquez - Nagturo sa aking tingnan ang mundo ng may pag-unawa at imahinasyon.
5. As I Lay Dying ni William Faulkner - Nobelang maituturing kong "sana'y nabasa ko noon pa".
6. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar - Kahit na isang daang taon na nang huling nailathala, kaakit-akit pa rin ang wikang ginamit sa nobelang ito.
7. Noli Me Tangere ni Jose Rizal - May kailangan pa bang sabihin? Kailangan talagang basahin ulit ng bawat Filipino ng may bagong mata at kalimutan ang natutuhan nila noong hay-iskul. Dahil kakarampot (o mali talaga) ang nalaman nila tungkol sa nobelang ito.
8. The Stranger ni Albert Camus - Nagturo sa aking pag-isipan ang mundo.
9. Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto - Para sa mga manunulat.
10. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes - Sabi nila racist ang nobela ito. (Medyo totoo.) Ngunit walang ibang nobela ang maihahambing pagdating sa paglalarawan ng lungsod at pagkatao.
11. Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio Kapulong at Alejandro G. Abadilla - Futuristic na pilosopikal. Pwede pala iyon.
12. Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin B. Yapan - Katatapos ko lamang basahin. Mahirap manghambing pero sa "Etsa-Puwera" ko lang pwedeng ihambing.
13. Snow Country ni Yasunari Kawabata - Natameme ako dito.
14. The Tin Drum ni Gunter Grass - Nagkumbinsi sa aking may sira nga talaga ang ulo ko.
15. Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat - Kasama ng "Sa mga Kuko ng Liwanag" bilang mahalagang nobela ng dekada 60.
16. The Master and Margarita ni Mikhail Bulgakov - Isa sa mga pinaka-imaginative na nobelang nabasa ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento