Nagulat si Dad kung ano ang nagdala sa kabaong at labi ni Boris Yeltsin.
Mula sa BBC
Huwebes, Abril 26, 2007
Martes, Abril 24, 2007
Listahan para sa International Day of the Book
Bilang pagdiriwang ng UNESCO International Day of the Book, ibabahagi ko ang ilan sa mga paburito kong nabasang nobela. Walang ranggo ito. Kung ano lamang ang maalala ko agad o nagkaroon ng dating sa akin.
1. Etsa-Puwera ni Jun Cruz Reyes - Isa sa pinakamahalaga, marahil ang pinakamahalaga, na nobelang nakasulat sa Filipinong naisulat noong dekada 90. Isa sa mga nobelang nagpasimuno sa pagkahumaling ko sa kasaysayan.
2. My Sad Republic ni Eric Gamalinda - Isa sa mga pinakamaganda nobelang naisulat tungkol sa Rebolusyong Filipino.
3. Midnight's Children ni Salman Rushdie - Isa sa mga nobelang parehong nagpatawa at muntik nang nagpaiyak sa akin.
4. One Hundred Years of Solitude ni Gabriel Garcia Marquez - Nagturo sa aking tingnan ang mundo ng may pag-unawa at imahinasyon.
5. As I Lay Dying ni William Faulkner - Nobelang maituturing kong "sana'y nabasa ko noon pa".
6. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar - Kahit na isang daang taon na nang huling nailathala, kaakit-akit pa rin ang wikang ginamit sa nobelang ito.
7. Noli Me Tangere ni Jose Rizal - May kailangan pa bang sabihin? Kailangan talagang basahin ulit ng bawat Filipino ng may bagong mata at kalimutan ang natutuhan nila noong hay-iskul. Dahil kakarampot (o mali talaga) ang nalaman nila tungkol sa nobelang ito.
8. The Stranger ni Albert Camus - Nagturo sa aking pag-isipan ang mundo.
9. Makinilyang Altar ni Luna Sicat-Cleto - Para sa mga manunulat.
10. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes - Sabi nila racist ang nobela ito. (Medyo totoo.) Ngunit walang ibang nobela ang maihahambing pagdating sa paglalarawan ng lungsod at pagkatao.
11. Pagkamulat ni Magdalena nina Elpidio Kapulong at Alejandro G. Abadilla - Futuristic na pilosopikal. Pwede pala iyon.
12. Ang Sandali ng mga Mata ni Alvin B. Yapan - Katatapos ko lamang basahin. Mahirap manghambing pero sa "Etsa-Puwera" ko lang pwedeng ihambing.
13. Snow Country ni Yasunari Kawabata - Natameme ako dito.
14. The Tin Drum ni Gunter Grass - Nagkumbinsi sa aking may sira nga talaga ang ulo ko.
15. Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat - Kasama ng "Sa mga Kuko ng Liwanag" bilang mahalagang nobela ng dekada 60.
16. The Master and Margarita ni Mikhail Bulgakov - Isa sa mga pinaka-imaginative na nobelang nabasa ko.

Sabado, Abril 21, 2007
Balita Dine
1.
Noong Huwebes, pumunta kami sa Tagaytay dahil sa conference ng mga doktor, yung sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS). Hindi naman talaga pumunta sa mga kung ano mang aktibidad si Mama. Dinahilan lang namin iyon para pumuntang Tagaytay. Marami ngang mga ahente ng iba't ibang pharmaceutical companies ang gustong "makipagkita" (i.e. mam-blow-out/manlibre ng kung ano man) kay Mama. Weird lang dahil sinipon si Mama.
2.
Pumunta ako kina Aina kanina dahil may handaan sa kanila. Birthday kasi niya bukas. (Happy Birthday, Aina!) Karamihan ng mga kaibigan noong hay-iskul ay hindi nakapunta dahil may iba pang mga pinuntahan. Kaming tatlo lang ni Lourdes at Tonet ang nakapunta. Nabusog din ako doon.
3.
Tuwang-tuwa ang kapatid kong si Tetel dahil naging DL ulit siya. Akala niya'y hindi siya mapapalista dahil sa kinapos ang grade niya. Pero tumaas naman ang grade niya sa mababa niyang grade na klase dahil nag-curve ang guro para sa mga pasang-awang minalas lang sa unang kalkulasyon. Kaya ayun, buong first year niya'y DL siya. Mas magaling ang performance niya kumpara sa ginawa ko noong first year ako (na kamuntikan na aking bumagsak sa English at ma-kick-out sa Ateneo). Ayos.
Oo nga pala, Batch Rep din nga pala siya ng student council nila sa La Salle. "Kapal ng mukha!" biro ni Mama. Kaya wala siya ngayong halos bakasyon dito sa San Pablo. Nasa Maynila siya ngayon para sa leadership training nila.
4.
Si Angelica Jones ay tumatakbong board member ng Laguna. Hindi ako nagbibiro. Boto na!

Martes, Abril 17, 2007
As I Lay Dying
Bihira akong mahumaling nang lubusan sa isang akda. Isa dito ang "Snow Country," "One Hundred Years of Solitude" at "Midnight's children". Ngayon ay maisasama ko na ang "As I Lay Dying" ni William Faulkner sa mga nobelang hinahangaan ko.
Tungkol ang nobela sa pagkamatay ni Addie Bundren at ang pagpapalibing ng kanyang pamilya sa kanya. Hiniling ni Addie na ilibing siya sa bayan ng Jefferson, malayo sa tinitirhan niyang bahay kasama ang kanyang pamilya. Sa pagnanasa't kahilingang ito umiikot ang mga pahirap na dumaan sa pamilyang Bundren.
Walang iisang tagapagsalaysay ang nobela. Ginagamit ni Faulkner ang mga kamalayan ng labing-limang tauhan sa loob ng limapu't siyam na kabanata. Lahat ay pawang mga internal monologue. Nilalahad ang mga pangyayari sa iba't ibang mga pananaw. Subalit di kagaya ng ginawa ni Akutagawa sa kanyang "In the Grove" na lituhin ang mambabasa sa mga balintuna't kontradiksiyong nalikha dahil iba't ibang bersiyon ng iisang pangyayari, ginagamit ang iba't ibang pananaw ng mga tauhan upang lumikha ng isang malawak na larawan at karanasan ng mga pangyayari. Nasisilip ng mga mambabasa ang iba't ibang pamamaraan ng mga anak, kapamilya at kakilala ni Addie na tanggapin ang kanyang pagkamatay. Binibigyan din ng mga pagpapalit ng pananaw na ito ng pagkakataong makita at mapansin ang mga bagay na maaaring hindi naging malinaw kung iisa lamang na tauhan ang naging tagapagsalaysay.
Bagaman madaming mga tagapagsalaysay, tuluyan ang daloy ng naratibo ng nobela. Hindi nakalilito kung kailan nangyayari ang isinasalaysay dahil malinaw na sinundan o halos sabay lamang ng naunang kabanata. Sinalaysay ang buong nobela sa present tense, na parang nasa loob ang mambasa sa kamalayan ng tauhan sa gitna ng mga pangyayari. Kaya't nagiging matalik ang isang mambabasa sa mga tauhan. Kina Darl, Jewel, Cash, Dewey Dell, Vardaman, na mga ni Addie, at Anse Bundren, ang asawa ni Addie. Kahit na makikita ang kamalian at kasamaan nila, mahirap husgahan ang kanilang mga ginawa at iniisip dahil mauunawaan mo sila.
Ang nagiging mahirap lamang ay ang pagbabago ng wika partikular sa bawat tauhan. Iba't iba ang diksyon ng bawat tauhan. Kailangan lamang sanayin ang sarili na sa bawat kabanata'y may ibang kamalayang kailangang pasukin. Lumimikha ang pagbabagong ito ng wika ng versimilitude kung paano nga ba mag-isip o magsalita ang isang indibidwal.
Bagaman napakapangkaraniwan ng pagkamatay. (Lahat naman tayo'y namatayan na ng kapamilya't kakilala, di ba?) Inilalarawan ng nobela ang mga personal na hinanakit ng bawat tao sa karanasang ito. Mula sa partikularidad na ito ng karanasan ng mga tauhan ng nobela, natutuhog ng nobela ang pangkalahatang karanasan.

Lunes, Abril 16, 2007
Antyng-antyng o Kwadresentinyal
Kakaibang nobela itong "Antyng-antyng" ni Uro Q. dela Cruz. Walang mga pangunahing tauhan ang nobela. Ang pinakamalapit na sa pangunahin ay ang magkababatang doktor at albularyo at dahil sila ang pinakamatatandang mga miyembro ng bayan ng Corazon de Jesus. Dalawa lamang sila sa mga dose-dosenang mga tauhang binigyang pansin ng nobela. Masasabing ang tunay na pangunahing tauhan ay ang tagpuan, ang bayan ng Corazon de Jesus.
Kalakhan ng nobela'y nangyari sa mga araw sa pagdating ng kwadrisentenyal ng bayan ng Corazon de Jesus. Binabagtas ng nobela ang kasaysayan ng bayan mula sa mga karansan ng iba't ibang tauhan sa iba't ibang panahon. Mula sa mumunti nilang mga kuwento at buhay ay hinahabi ang kasaysayan. Masasabing binubuo ang kasaysayan ng bayan hindi gamit ang mga pangunahing mga tao kundi sa mga karanasan ng mga pangkaraniwang mamamayan. Walang mga bayani sa nobelang ito. Lahat ng tauha'y hindi dakila sa pagkakaunawa natin sa salitang "dakila" lalong-lalo na kung gagamitin ang sa kasaysayan.
Maraming mga teknik ang ginamit ni dela Cruz sa kalakhan ng nobela: sulat, sipi sa talambuhay, mga alamat at interior monologue. Kahanga-hanga ang paggamit ng interior monologue upang itanghal ang mga saloobin ng mga tauhan lalo na ang mumunting tauhan. Patalon-talon ang tagapagsalaysay sa iba't ibang mga kamalayan upang habiin ang iba't ibang mga pananaw at karanasan ng mga tao sa mga pangyayari sa bayan ng Corazon de Jesus.
Nagustuhan ko ang nobela. Karapat-dapat na gawaran ng karangalang banggit sa Palanca kung di man manalo na nang tuwiran. Marahil hindi ito ginawaran ng unang gantimpala dahil lubhang napakaeksperimental ng nobela at hindi tradisyunal di kagaya ng ibang mga nobela nauna dito. Isa itong mahalagang nobelang dinadala ang nobelang Filipino sa bagong mga direksiyon.

Biyernes, Abril 13, 2007
Mga Usapin Tungkol sa Bundok
1.
Mountain Dialogue
Li Po
You ask why I've settled in these emerald mountains,
and so I smile, mind at ease of itself, and say nothing.
Peach blossoms drift streamwater away deep in mystery:
it's another heaven and earth, nowhere among people.
translated by David Hinton
2.
Kung Dadayo Dito sa San Pablo si Kaibigang Kael
Galing sa iisang araw ang init na humahagupit
dito sa Bayan ng San Pablo at maging diyan, Kaibigan.
Subalit iba ang ginhawa ng lilom ng punong
nakatanim sa bawat bakuran, mga bantay at saksi
sa mga naghahanap ng matatahanan at masisilungan.
Kung mapapadayo ka dito, pupunta tayo sa tabing-ilog
at doon tayo mag-iinuman ng kung ano mang dala mo.
At doon natin pakikinggan ang huni ng mga kuliglig
bagaman hindi malungkot ang kanilang awit
dahil pinagpupugay nila ang aliwalas ng gabi.
Sa mga panahon ng tag-init, mainam na maligo sa ilog,
tubig na kasing lamig ng yelo, galing sa sinapupunan
ng natutulog na bulkan. Sabi mo, mayroong bundok
sa dibdib mo. Sa haraya ko'y may sarili iyang bukal
na kumakalinga sa bawat alaalang iyong tinatamasa.

Linggo, Abril 08, 2007
Pasko
Kaunti lamang ang nagsimba kagabi. Nakakapanibago. Kalimitan, puno ang simbahan ng seminaryo ng mga taong nasalubong sa muling pagkabuhay. Tuwing nadating kami, puno na ang simbahan ng mga tao. Ngunit kagabi ay kalahati lang ng simbahan ang napuno. Kaya sa homily ng pari, pinaalalahanan niya ang mga tao kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagdating ng Paskong ito. Kung ano ang ibig sabihin ng dilim at liwanag (ng isipian at pananampalataya), ng mga kandila (pakikibahagi ng mga tao sa liwanag ng Diyos), ng tubig at pagbabasbas (kaligtasan at binyag). Biro ng pari na marami raw siguro ang nag-beach.
Marahil ang tunay na nakapagtataka kagabi ay ang pagnanakaw at panloloob sa mga kotseng nakaparada sa seminaryo. Isa sa mga kaibigan ni Mae ang nanakawan ang kotse. Sabi niya'y tatlo raw lahat-lahat ang ninakawan. Ganoon lang talaga siguro ang buhay ngayon, walang pinipiling panahon at lugar para sa mga pangangailangan.
Isa rin nga palang helicopter ang nahulog malapit sa Mabini Ave., nahulog sa gitna ng mga tirahan. Hindi ko alam kung may nasaktan o namatay. Nang madaanan namin ang lugar na pinaghulugan ng helicopter, marami pang taong nakikiusyoso. Mukhang nadali ng paghulog ng mga kable ng elektrisidad kaya halos lahat ng hilera ng mga bahay ay walang kuryente.
Bahagi rin ng ritwal ng mga Filipino sa Pasko ng Pagkabuhay ang Salubong. Bawat bayan ay may iba't ibang ginagawa sa salubong. Sa Binangonan, mayroong pang sayaw na tinatawag na waswas. Ang mga nagsasayaw ng waswas ang nagpapahayag ng muling pagkabuhay sa mga mamamayan. Si Dad at lahat ng tiyo't tiya ko ay nagwaswas noong kabataan nila. Sabi ni Dad, inimbitahan daw akong gawin ang pagwawaswas. Syempre tumanggi ako. Hindi naman ako lumaki sa Binangonan. Ayokong gawin ang isang tradisyong hindi ko tradisyon. Sa totoo lang hindi pa ako nakapapanood ng salubong ng Binangonan. Paano ko gagawin ang isang napakahalagang bagay na hindi ko pa man nasasaksihan? Alam ko lang ito mula sa mga kuwento. At napag-usapan pa nga ito noong klase sa klase namin ni Sir Jerry noong unang semestre. At ayoko lang namang magmukhang tanga.

Miyerkules, Abril 04, 2007
Palaisipan
Ngayong hindi ako nakapasok sa Iyas (congrats nga pala kay Nikka, siya ang gustong-gustong makapasok sa isang workshop ngayong tag-init bilang "pahinga". :D) pag-iisipan ko kung mag-e-enrol ako ngayong tag-init. Sa ngayon kumikiling akong hindi na muna. May isang required na klaseng offer ang Kagawaran. Mukhang interesante ang kuwentong pambata na kursong offer pero hindi buo ang loob kong magsulat ng kuwentong pambata. Ewan ko ba parang napakahirap. Mag-enrol kaya ako o hindi? (Kayo, anong sa tingin ninyo?) Parang gusto ko ring gawin yung gagawin ni Kakoi na magbasa at magsulat. Maglakad-lakad na rin siguro ako sa San Pablo bilang exercise/meditasyon bagaman magiging mahirap iyan kung mainit. (Hindi ako ma-jogging na tao, mas gusto kong maglakad.)
Yun lang. Congrats nga pala sa mga bagong graduate at belated happy birthday kay Kael. :D

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)