Kahapon, papunta si Daddy sa Binangonan kaya sinama niya sa biyahe para ibaba sa Ateneo para kunin ang letter mula sa Graduate Services. Natanggap ako pero inaasahan ko na iyon dahil sinabi sa akin ni Sir Vim nung kausapin ko siya na mukhang maganda naman daw ang resulta ng entrance ko. Kaya ito, provisional student ako ng MA Lit Fil sa darating na first sem. Kailangan kong ipasa ang una kong sem at tapusin ang hinihinging requirements bago ako maging degree student. Madali lang ayusin yung mga requirement, yung ipasa ang una kong sem ang nakakatakot.
Kaya ngayon, medyo kinakabahan na ako. Ibang nibel na ito! Ilang daang libro kaya ang babasahin ko? Pero kaya ito, kaya. Next week, babalik ako sa Ateneo para sa enrollment at iba pa. Tiningnan ko na nga ang mga maaari kong makuhang mga klase sa ADMU website. Si Sir Jerry Respeto ang guro sa Fil 200 at si Ma'am Benilda Santos ang sa Fil 201. Yun lang. Excited, kinakabahan, natatakot, nai-insecure sa mangyayari.
Pag-uwi kahapon, sinama ni Daddy si Lola mula Binangonan. Kaya narito siya ngayon, magpapalipas ng weekend dito sa San Pablo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento