Sa nakalipas na tatlong buwan, hindi pa ako nakakatapos ng kuwento. Not that I'm not trying. Nakakainis lang. Puros false starts at dead ends, dahil sa marahil sa hilaw na mga ideya. Mula noong graduation, meron akong labing limang mga simula (nagsusulat ako sa computer, hindi ako sanay sa longhand), karamihan ay isang talata o kaya'y isang eksena ngunit ang nakapanghihinayang yung mga dalawa hanggang apat na pahina (single spaced, kapag nagpi-print na ako dun ko ginagawang doble spaced) na tumitigil sa gitna dahil hindi maganda ang kuwento, maganda ang ideya pero hindi maganda ang kuwento.
Sa nakalipas na linggo akala mapupunta naman sa wala ang dalawang kuwentong sinusulat ko. Tinigil ko na talaga ang pagsusulat ng isa noong nakalipas na linggo, hindi ko mabanaagan ang katapusan, hindi pa ako satisfied sa simula. Yung isa naman, 2/3 na ako sa naiisip kong banghay nang magbago ang isip ko tungkol sa narrator, ang panget ng narrator. Ang bawat kuwento halos apat na pahina na bawat isa. Frustrating kung itatapon ko na naman sa kawalan ng "Unfinished" folder ko ang mga kuwento.
Ngunit ang maganda nakaisip ako ng magandang resolusyon at pagbabago sa bawat kuwento. Hindi pa ako sigurado kung magiging maganda ang kuwento pero napakasaya na makalampas sa mga nakakainis na pagtigil. Yung unang kuwento magbabago ng setting at tauhan ngunit ganoon pa rin tinatamasa kong effect at tone. Kaya hindi ko na magagamit ang mga naisulat ko bagaman marami ako natutuhan sa unfinished draft na iyon sa bagong simulang gagawin ko. Yung pangalawa naman, babaguhin ko yung banghay. Kaya ganun din, hindi ko magagamit ang karamihan ng mga naisulat ko. Ang maganda naman, magagamit ko ang ilang mga vignette na naisulat ko na hiwalay sa main story. (Medyo weird ang forma ng kuwentong ito.)
Kaya ayon, kahit na halos magsisimula ulit ako, maganda naman na nagkaroon na ng bagong developments at motivated na motivated na ako sa pagsusulat ng mga kuwentong. Inaasahan kong magiging magandang mga kuwento ang mga sinusulat ko. Pero ganun naman talaga, maganda ang lahat ng kuwento para sa akin. Pero nagbabago na standards ko. Kaya siguro hindi ako makatapos ng kuwento. Pero excited na akong simulan ang mga kuwentong ito. Para masimulan ko na yung iba pang 13.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento