May tatlo akong klase ngayon para sa unang sem ko sa M.A. at marami akong babasahin (duh). Unang pasasalamatan ang Fil 201, Teorya at Kritisismong Pamnatikan sa ilalim ni Dr. Benilda Santos. Marami akong babasahing mga artikulo lalo na mula sa Norton Anthology of Theory and Criticism, gusto ko itong tawaging "The Big Blue Book."
At ang pangalawang mabigat na babasahin, at ang pinakamarami, ang Fil 205.3, Araling Heneriko: Nobelang Tagalog sa ilalim ni Sir Vim Yapan. Oo, nobela ang babasahin namin, siyam. "Dona Perfecta" ni B. Perez Galdos, "Ninay" ni Pedro Paterno, "Urbana at Feliza," "Noli Me Tangere" na salin ni Patricio Mariano, "Ang Kasaysayan ng Magkapatid na Nena at Neneng," "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos, "Pinaglahuan" ni Faustino Aguilar, "Sugat ng Alaala" ni Lazaro Francisco, at "Pagmulat ni Magdalena" ni Alejandro G. Abadilla. Wala pa diyan yung babasahin naming teoretikal at historikal na analisis. "Binawasan" na nga iyon ni Sir Vim, i.e. pinalitan ng mas maikli likha ang mas mahaba. Nakatoka sa akin ang "Pagmulat ni Magdalena" pero required kaming basahin ang lahat. Masasarapan ako ngayon sa pagsusunog ng kilay. Pero meron naman daw na reading break.
Mukhang hindi ganoong kabigat ang babasahin para sa Fil 200, Pamaraan sa Pagsasaliksik sa ilalim ni Sir Jerry Respeto. Hindi pa naibibigay ni Sir Jerry ang reading list pero, tantiya ko, mas kaunti ito. Ang mahirap sa klaseng ito ay ang mock first draft ng thesis. Pero kaya ito nang kaunting sipag. Ewan ko nga lang kung may matitira pa mula sa unang dalawa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
Mag-post ng isang Komento