Nakautuwa ang mga TV shows tungkol sa car chase. Yung mga tipong may pamagat na "Wild Car Chases 14!" Pero nakapagtataka, sa daming mga krimen na nangyayari sa Filipinas, bakit bihira ang mga car chases dito? Sa natatandaan ko, isa lang ang car chase ang napanood ko sa balita sa TV sa tanang buhay ko. At ito, sa tingin ko, ang dalawang pangunahing dahilan:
1) Pulis
Mahirap mahabol dito ng mga pulis dahil madali lang silang itaboy. Kapag pinara ka ng pulis, kalimita'y madali lang aregluhin kaya hindi natakbo ang mga motorista. Kung may nagawa ka ring paglabag sa batas, pagminsan ay hindi pa pinapansin ng pulis dahil pipitsugin ang hitsura ng kotse mo. Hindi kagaya sa USA at sa ibang mga bansa sa Europa na bihira ang krimen. Traffic violent lang, hahabulin ka talaga ng mga iyan dahil bagot na bagot ang mga iyan sa kawalan ng krimen.
2) Traffic
Bihira sa Metro Manila ang mga maluluwag na kalsada. Kung magkakahabulan, wala pang isang bloke e hulika na dahil sa traffic. Mas maganda pa ang tsansa mo sa pagtakbo sa pasikot-sikot ng mga eskenita kaysa magmaneho sa Maynila. Kaya mataas ang habulan sa LA dahil maluwag at malalaki ang mga highway dun. Mahirap namang makipaghabulan sa probinsiya, kung hindi lubak-lubak, hindi patag o kaya'y wala pang kalsada. Magtago ka na lang sa gubat kung gusto mong makalayo sa autoridad.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento