Lunes, Hunyo 19, 2006
Isa pang Unang Araw
Bukas na ang simula ng klase sa Ateneo at unang araw ko sa pagiging M.A. student. Excited na ako pero hapon pa ang klase ko. Mabuti na lang at narito na ako sa condo (hindi pa rin ako lumilipat ng lugar) at mukhang mas marami ako masusulat habang narito sa QC. Ewan ko ba, masyado akong komportable sa bahay at wala akong natatapos. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating ako dito, nagsusulat na agad ako. Weird. Nakakaasar lang at hindi ko nadala yung USB cord ng iPOD ko, hindi ko tuloy ma-access ang mga files ko: yung mga kuwentong sinusulat ko tapos yung mga dinownload kong pelikula (Princess Mononoke at Spirited Away). Sisimulan ko na lang siguro yung mga nasa isip ko't hindi pa sinisimulan o yung nasimulan ko pero uulitin ko. Bahala na. Relax-relax na lang muna habang hindi pa mabigat ang load ko. Sabi ni Sir Vim mabigat daw ang mag-M.A. Sana hindi naman ganoong kabigat.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
Mag-post ng isang Komento